Share

CHAPTER 13

Ilang araw pa ang lumipas. Mula ng mawalan siya ang paningin niya ay madalas na niyang kasama si Lauren. Dahil ito lang ang kayang magpahinahon sa kaniya sa tuwaing magwawala siya.

"Hija, Ayokong nakikitang ganito si Lanche. Mula pa noon, kayo na talaga ang nagmamahalan hindi ba? Bakit hindi niyo ipagpatuloy iyon?" sabi ng mommy ni Lanche.

"Tita sorry po, pero kasal na siya. Gustuhin ko man but I can't. She love his wife," sabi ni Lauren.

"I know you still love him. "

Hindi umimik si Lauren at nanatiling tahimik. Buong magdamag siyang nag isip. Gusto niyang mapasaya si Lanche. Pero alam niya na mahal ni Lanche ang asawa. Kahit na alam niya rin na may nararamdaman pa ito sa kaniya. Ngunit wala siyang balak sirain ang relasyon ng dalawa.

"Ms. Lauren, salamat," sabi ni Meshua habang nakatingin kay Lauren.

"Ill do my best to protect and to Lanche's happiness," nakangiting sabi ni Lauren habang nakatingin sa natutulog na si Lanche.

"Ayokong sabihin ito. Pero ilang linggo na ang lumipas, posible kasi ang lahat. Posibleng wala na nga si Madame. Ayoko lang sabihin kay Captain dahil lubos siyang masasaktan" sabi ni Meshua.

Huminga sila ng malalim. Hindi nila alam paano sasabihin kay Lanche iyon.Na posibleng wala na si Brie.  Dahil maski sila nasasaktan rin.

"Ginawa lahat ni Captain para lang makuha si Madame. Sinadya niyang malulong sa sugal ang ama ni Madame para umutang sa kaniya ng ganong kalaking pera at ipatalo rin kay Captain. Para lang makuha si Madame." sabi ni Meshua.

"What do you mean?" takang tanong ni Lauren.

"Sinadya niyang dayain si Cardo para makuha si Madame. Pinaimbestiga niya sa amin si Madame. Kaya nalaman niya ang lahat. At nakuha niya si Madame," sabi ni Meshua.Hindi nakasagot si Lauren sa nalaman nito.

"Si Madame ang naging kabayaran sa utang ni Cardo. Ngunit kung tutuusin, wala talagang utang si Cardo dahil sinadyang dayain ni Captain ang lahat" 

Hindi niya alam na ganon ang ginawa ni Lanche. Na sapilitan lang pala itongnagpakasal.

Ilang beses niyang sinubukan lapitan si Brie noon. Subalit mas minabuti niyang sungitan ito para hindi siya paghinalaan.

Tahimik na nakikinig si Lauren. 

"Hanggang isang araw, nalaman ko na lang na ikakasal na sila. Na nakuha na niya si Madame."

Nag kwento lang si Meshua. Nahalata niyang tahimik si Lauren. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iniisip nito. Kung bakit bigla itong natahimik ng sabihin niyang mahal ni Lanche si Brie.

"Sobra siyang nasaktan ng mawala ka Miss. "

Ngumiti si Lauren ng mapait. Isa ito sa dahilan siguro kung bakit siya pinauwi dito. Para makabawi kay Lanche.

"Gagawin ko ang lahat, kung kailangan niyang makalimutan si Brie, para lang matanggap niya ang lahat gagawin ko," sabi ni Lauren at tumayo.

"Mahal mo pa si Captain?" pagtanong ni Meshua na nagpatigil kay Lauren.

Hindi siya kaagad nakasagot ng itanong ito ni Meshua.

"Mahal mo pa ba si Captain, Lauren?" pag-uulit nito. 

Huminga si Lauren bago lumapit kay Meshua.Muli niyang tinignan si Lanche.

"Mahal na mahal. Mahal na mahal ko pa rin siya Meshua."

Tumalikod siya kay Meshua upang pahidan ang luha niya.

"Pero hindi na kami pwede. Dahil kasal na siya. At mahal niya ang asawa niya. Ayokong makasira ng relasyon..."

Lumapit siya kay Lanche at hinawakan ang mukha.

"Ayokong makasira ng relasyon lalo na kung doon siya masaya. Hindi ko kayang alisin ang kaligayahan niya. Siguro noong una."

Walang nagawa si Lauren kundi ang tignan na lamang si Lanche. Habang masaya sa piling ni Brie noon. 

"Kahit gusto kobsiyang bawiin. Kunin at angkinin, hindi ko magawa. Hindi ko kaya," naiiyak na sabi niya. Lumapit naman sa kaniya si Meshua.

"Magagawa mo iyon ngayon Lauren. Para makalimutan ni Captain si Madame," sabi niya pa.

Naiwan si Lauren at Lamche sa kwarto. ilang minuto lang ay dumilat ito kaya niyakap siya ni Laurenng mahigpit. Subalit gaya noon, si Brie ang bumambibig nito. Si Brie ang hinhanap ng mga puso at isip ni Lanche. Kaya patagong nasasaktan ang dalaga sa nangyayari. 

Sinubukan niyang gawin ang mga ginagawa ni Brie kay Lanche. Iginagala na rin niya ito kaya nakapagpakalma ito kahit papano. 

Naisip niyang igala si Lanche sa Hotel nila. Kasama ang Mommy nito. Boto sa kaniya ang mommy ni Lanche dahil noon pa lang ay siya na ang gusto nito kumapara sa mga babaeng inuuwi ni Lanche noon.

Mabait si Lauren. Hindi gaya ng iba na makasarili. Nagawa niya lang namang iwanan si Lanche dahil sa career niya. Kailangan niyang makamit iyon bago niya pakasalan si Lanche. Subalit hindi niya akalain na matapos ang tatlong taon ay makikita niya itong masaya sa ibang babae. 

Kaya lubos siyang nasaktan ng sabihin ni Lanche na kasal na ito.

At ngayon, hindi niya pa rin magawa kahit gustuhin niya man. Dahil iniisip niya pa rin si Brie.

Ayaw niyang isipin nito na desperada siya kay Lanche kaya nagawa nitong mahalin ni Lanche dahil wala na si Brie. 

Nagdadalawang isip siya kung paano ang susunod na mangyayari. Dahil alam niya na hindi ganon kabili maka move-on si Lanche. 

Gayon pa man ay hindi niya ito susukuan. Maipadama lang sa lalaki na mahal na mahal niya ito at handa na ulit siyang magpakasal.

"Good morning Ma'am Lauren. Sir Claveria," sabi ng mga staff.

Ngumiti si Lauren bilang tugon at inalalayan si Lanche sa garden ng hotel. Mabuti na lang at hindi gaanong marami ang tao ngayon. May time sila makapamasyal ng matiwasay dito sa garden.

"Okay ka lang ba Lanche?" tanong niya sa lalaki. Tumango ito bilang tugon.

"Maganda ang araw. Ang sarap ng simoy ng hangin dito. Sayang lang at hindi mo makikita kung gaanon kaganda sa kugar na ito," sabi ni Lauren.

"Pumapayag na ako." 

Nabigla siya sa sinabi ng lalaki. Hindi niya alam ang tinutukoy nito.

"H-huh?" tanong niya ulit.

"Pumapayag na akong magpa opera sa states," sabi ni Lanche.

Napangiti siya sa sinabi ng lalaki. Sa wakas ay pumayag din itong magpa-opera. Kahit na wala pa ring malinaw na balita tungkol kay Brie.

Naisip ni Lanche na sa pagbabalik niya ay patuloy niyang hahanapin si Brie. Hindi siya titigil kahit na nasa states siya. Mas kailangan siya ni Brie kung makakakita na siya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marilyn
Please unlock episode 14
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status