Someone' s POV
Nakatingin ako sa isang babaeng nasa kwarto ko ngayon. May mga galos at pasa pa rin ang kaniyang katawan. Pati na ang ilang parte ng kaniyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Nakita ko lang siya na palutang-lutang noong nag camping kami. Nagmadali kaming umuwi dahil kailangan ko siyang dalhin sa hospital.
Tinitigan ko ang kaniyang mukha.And I can't deny na napakaganda nito. Ilang minuto ang lumipas ng gumalaw ang kaniyang kamay. Kasunod niyon ang pagdilat ng kaniyang mga mata.
"Miss?" tanong ko sa kaniya habang hinihintay ang pagresponse niya.
Dumilat-dilat lang siya bago ako nilingon. Tumingin siya ng may pagtataka sa akin.
"Are you okay?" tanong ko s
Maaga siyang nagising dahil na rin sa hindi siya makatulog kagabi. Maaga siyang pumasok,hinatid siya ni Vinz sa hotel. Masaya naman siyang sinalubong ni Kyla."Shishi mabuti at andito ka na!" sabi niya.Dumiretso sila sa reception. Inilagay siya bilang receptionist ngayon araw dahil marami ang mga tourista na bibisita sa mga beach resort ngayon."Shishi! Ayan siya!" nagulat siya ng ituro ng kaibigan ang isang lalaki. Ito ang lalaking tinulungan niya kahapon."Yang gwapong yan! Siya si captain Claveria. Ang anak ng may ari ng hotel na ito. Sayang lang at bulag siya dahil naaksidente siya. Pero balita ko ay aalis na siya sa sabado papuntang states para sa operation," sabi ni Kyla kay Brie na nakatitig sa lalaki na papalapit sa kaniya.
Ngayon ang uwi ni Lanche galing sa America. Ilang buwan din ang lumipas bago siya bumalik sa Pinas."Good morning sir," nakayukong sabi ng mga maid. Dumiretso na lamang sila. Dumiretso siya sa kwarto ni Brie. Ang sabi ni Meshua, may maganda siyang balita sa kaniya. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin si Meshua maski isang text ay wala ito."Babe. Halika na sa baba?" aya sa kaniya ni Lauren. Tumingin lang siya dito bago siya sumunod.Pagkababa niya, isang welcome party ang nadatnan niya. Masaya man siya dahil successful ang operation niya, subalit may malaking kulang naman na hanggang ngayonbay hinahanap niya. Si Brie.Hindi sinabi ni Meshua ang tungkol sa asawa. At hanggang ngayon ay umaasa siya na makikita niya ito.
Ilang araw ang lumipas at umiwas na si Brie kay Vinz dahil sa nangyari.May hinala siya na ay tinatago sa kaniya si Vinz kaya mas lalo siyang naging alerto.Hindi parin tumigil si Lanche sa pagsusuyo kay Brie. Pilit niya itong tinataboy palayo. Hanggang sa isang araw, hindi niya inaasahan ang lahat."Elle please. Makinig ka muna sa akin." Pagmamakaawa ni Lanche kay Brie. Gya noon, andito siya sa labas ng bahay ni Vinz."Lanche umalis ka na please lang," sabi nito. Hindi niya rin alam kung bakit hindi niya pa pinapakinggan ang paliwanag ng lalaki. At hindi pa rin siya nagpapakita sa pamilya niya."Bakit ba ang kulit mo? Ayaw mong tantanan ang girlfriend ko?" sabi ni ng kalalabas na si Vinz.
Weeks passed.Tahimik na naglalakad sa gilid ng daan si Brie. Naalala niya yung unang pagkikita nila ni Lanche. Muntik pa siyang sagasaan nito.Mabigat ang mga paghinga niya habang hawak ang isang folder. Habang tumatagal, pabigat nang pabigat ang pakiramdam niya. Hindi na niya napigilan pa ang luhang kanina pa gusto pumatak sa pisngi niya.Nakarating siya sa labas ng apartment. Tahimik at walang tao dito. Umupo siya sa labas niyon. Habang hawak-hawak niya ang isang folder na puti. Hindi niya maiwasang hindi umiyak. Napakabigat ng dibdib niya. Hindi niya matanggap ang lahat.Naisip niyang kuhain ang ilang importanteng gamit niya sa mansion ni Lanche. Sinalubong siya ng mga katulong. Mabuti na lamang at wala si Lanche dito. Umakyat siya sa kwarto niya
"Brie? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Lauren sa kaniya.Pinuntahan siya ni Brie sa condominium nito. Gaya ng ineexpect niya, mugto ang mata ni Lauren."L-lauren kailangan ka niya," sabi ni Brie."Brie, wala na kami ni Lanche. At wala akong balak sirain kayo. Kaya please ayusin niyo ang gulo niya–""Nasa hospital siya. He needs you not me.""What?! What Happened?" tanong ni Lauren."Kailangan ka niya Lauren. Please. Puntahan mo siya.""Pero B-brie. Bakit mo to ginagawa?" tanong ni Lauren sa kaniya.
Tahimik na nakadungaw sa bintana ng apartment niya si Brie. Habang nilalasap ang simoy ng hangin. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari. Tinatanaw niya ang mga building sa kalayuan habang naisisinagan ito ng palubog na araw.Mabuti na ang ganito. Ang tuluyang siyang kalimutan ng lalaki. Ilang araw na ang lumipas mula ng makausap niya si Lauren. At inaamin niya na hanggang ngayon ay sobrang sakit ng lahat. Sapilitin niyang binitawan ang unang lalaking minahal niya dahil kailangan.Muli siyang nakaramdam ng sakit at paghirap huminga. Madalas na rin siyang sumpungin ng pagpapalpitate niya. Bahagya siyang humiga sa kama niya habang hawak-hawak ang parte ng dibdib niya. Hindi pa rin humuhupa ang sakit ng dibdih niya.Para bang ilang beses ito tinutusok-tusok."A-ahh!"
Muli siyang binalot ng lungkot ng bumalik siya sa apartment. Hawak niya pa rin ang folder na puti habang may luhang natulo sa pisngi niya galing sa mga mata niya."Mesothelioma"Napapikit na lamang siya ng mabasa niya ito. Naka-third opinion na siya sa iba't-ibang mga doctor. Subalit iisa lang ang mga resulta nila.Muling sumakit ang kaniyang dibdib. Sobrang sakit niyon na para bang mamamatay na siya sa sobrang sakit. Nahihirapan na din siyang huiminga kaya kinuha niya ang pain reliever na mesa. Hindi pa rin nawala ang sakit sa dibdib niya at patuloy pa rin itong sumasakit pa. Napahawak na lamang siya habang namimilipit sa sakit. May luhang tumulo sa mga mata niya."A-ahhh! P-please..." hawak-hawak niya parin ang kaniyang dibdib habang hinahaplos-haplos iyon para mawala ang pananakit. Tumagal ang pananakit ng dibdib niya ng ilang minuto bago ito nawala. Nakahinga na rin siya ng maluwag ng humup
Weeks passed...Habang tumatagal, palala ng palala ang kaniyang karamdaman. Pinili pa rin niyang itago kay Lanche ang tungkol dito. Kaya walang kaalam-alam ang lalaki tungkol sa kaniyang sakit.Nakaupo siya habang nakatanaw sa bintana ng kwarto. Hindi niya namalayan na unti-unting pumapatak ang mga luha niya galing sa kaniyang mata. Marahan niya itong pinunasan.Matagal na niyang pinaghandaan ang bagay na ito. Kaya naman masaya siya ng malaman mula kay Lauren na malapit na silang ikasal. Masakit man, pero mas pinili niyang suportahan at maging masaya na lamang para sa kanila."Anak, kumain ka muna." aya sa kaniya ng kaniyang ama. Hindi niya ito sinagot bagkus ay patuloy niya pa ring pinupunasan ang luha sa kaniyang mga mata.