Share

Hey! Mr. Rebound!
Hey! Mr. Rebound!
Author: BadReminisce

Prologue

Jana’s POV

Bakit siya aalis? Bakit niya ako iiwan? Hindi ko maintindihan at naguguluhan ako sa ginagawa ni Takore. Kinakabahan, balisa, natataranta at natatakot. Bakit siya ganyan? Bakit kung kailan handa na ako saka niya ako iiwan.

            “Manong matagal pa po ba?” Tarantang tanong ko sa taxi driver.

            “Ma’am pasensya po medyo traffic po kasi.” Paliwanag ng driver sa akin.

            “Pero manong baka po hindi ko na siya maabutan.” Naiiyak kong tugon sa driver.

            “Pasensya na po talaga.”

            Sumandal ako at pilit na kinalma ang sarili ko. Sana lang hindi pa siya nakakaalis. Mariin kong naipikit ang aking mga mata at nasapo ang aking palad sa aking noo. Nagdarasal na sana ay hindi pa siya nakakaalis. Nagmasid ako sa labas ng taxi. Nang mapatingin ako sa katabi kong sasakyan, nanglaki ang mata ko at natulala nang makita ko si Xial kasama sina Tita Xyra. Binaba ko ang salamin ng bintana at tinawag siya.

            “Xial!” Malakas kong sigaw pero umandar na ang sasakyan. Si Xial nandito pa siya. Maaabutan ko pa siya. “Manong pasundan nong sasakyan na ‘yon!” Turo ko sa driver.

            Habang nasa biyahe tinatawagan ko pa rin siya pero unattended pa rin ang phone niya. Pagtingin ko sa harap ng taxi na sinasakyan ko. Hindi ko na nakita ang sasakyan nila Xial.

            “Manong nasaan na ‘yung itim na kotse?” Tanong ko kay Manong.

            “Ma’am nawala po sa paningin ko e.” Paliwanag ni Manong. Naisapo ko na lang ang palad ko sa aking noo. Hindi ko na napigilan ang umiyak habang nasa loob ng taxi. Pinanghihinaan na ako ng loob.

            Matapos ang isa at kalahating oras na ipit sa traffic nakarating din ako sa airport. Pagbaba ko ng taxi nakita hinanap ko agad si Takore. Paikot-iko ako ng tingin sa mga taong nasa loob ng airport. Nang tumingin ako sa entrance nakita kong papasok pa lang si Takore at Tita Xyra. Hingal na hingal akong tumakbo at sumigaw.

            “Gian Xial Bustamante!” Malakas kong sigaw na kumuha sa atensyon ng maraming tao kasama na si Takore. Hingal na hingal akong marahan na naglakad papunta sa kanya.Nagulat si Tita Xyra nang makita ako. Pagdating ko sa tapat ni Takore ay agad ko siyang niyakap. “Bakit ka aalis? Bakit mo ko iiwan?” Umiiyak kong tanong sa kanya habang mahigpit ko siyang yakap. Pero mas lalong bumuhos ang luha ko sa sunod na sinabi niya.

            “Ma? Sino ‘tong nakayap sa akin? Anong sinasabi niya?” Ani Takore na labis kong ikinagulat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status