Share

Kabanata 3 Sino Siya?

Pagkalipas ng dalawang minuto, umalis na ang kotse ni Mark Tremont. Nilabas ni Arianne ang hininga na kanina'y hindi niya namalayang pigilan. Napaisip siya kung anong ginagawa ni Mark habang nakahinto ang kotse.

"Sir… bumubuhos na ang snow. Hindi ba natin papapasukin si miss sa kotse? Maghintay pa ba tayo ng kaunti o tawagin ko na siya?" Nagaalala ang driver na si Brian Pearce.

"Pakialamero…" iritableng tiningnan ni Mark Tremont ang delicate silhouette ni Arianne sa rearview mirror.

Dalawang minuto siyang naghintay para bigyan ng tsansa si Arianne na pumasok sa loob ng kotse.

Nang makarating si Arianne sa eskwelahan, nagulat si Tifanny dahil basa ng snow ang kanyang kaibigan.

"Anong pinaggagawa mo sa sarili mo? Bakit naisipan mong mag-bike? Alam mo naman na malakas ang buhos ng snow 'di ba? Nababaliw ka na ba? Tara na pala, mainit pa ang breakfast mo. Kainin mo na agad!"

Tinanggap ni Arianne ang gatas at tinapay na nakangiting binigay sa kanya ni Tiffany. Nakita ang isang guhit ng pula mula sa kanyang tuyot na labi.

Huminga ng malalim si Tiffany. "May paki ba ang magulang mo sa'yo? Hindi ba nila inaalala ang mga pagkain mo o mga damit mo? Hindi ba nila inaasikaso ang pag-attend mo ng art school? Kinuha lang ba nila ikaw sa tabing kalye?"

"Ang nanay ko… nagpakasal ulit siya sa ibang lalaki noong bata pa ako at ten years nang patay ang tatay ko. Hindi nila ito kasalanan…" sagot ni Ariamme habang tinatanggal niya ang basang coat at pagkatapos ay uminom siya ng mainit na gatas.

Masakit sa damdamin na pakinggan ang manhid niyang pananalita at gayundin ang kanyang kilos. Pagkatapos nito, hinimas ni Tiffany ang basang buhok ni Arianne.

"Bakit hindi mo ito sinabi sa akin noong una? Simula highschool ay magkakilala na tayo, pero ngayon mo lang sinabi ang mga bagay na ito sa akin.

Nakakainis na kinaya ng nanay mo na abandonahin lamang ang isang magandang babae na tulad mo… Sino pala ang kasama mo sa bahay niyo?"

Sino ang kasama mo sa bahay?

Hindi agad sumagot si Arianne dahil hindi niya alam kung paano niya sasabihin na si Mark Tremont ang kasama niya.

Sasabihin niya ba kay Tiffany na kuya niya ito? "Kasama ko ang kuya ko." Ayan lang ang masasabi niya sa ngayon.

Nagulat si Tiffany Lane. "Kuya? Biological brother mo? Kahit na pinsan mo man 'yan, dapat di ka niya tinatrato na parang basahan. Nabili mo na ba ang pintura na pinapabili sa atin ng instructor?"

Umiling si Arianne. "Hindi ka pa mabibili 'yon sa ngayon pero gagawa ako ng paraan."

Three years ago, tapat siya pero hindi siya madaling mauto. Iyon ang unang beses na tumanggi siya kay Mark Tremont.

Maririnig sa kanyang bibig ang manhid niyang boses. 'Darating ang araw na magmamakaawa ka sa akin.'

Pagkatapos nito, biglaang umalis ng bansa ng walang pasabi si Mark. Habang nakatira si Arianne sa Tremont Estate, hindi na ulit ito nanghingi ng pabor o pagkain kay Mark, nabuhay si Arianne sa kinikita niya mula sa pagpasok sa ilang part-time jobs.

Hindi na naibigay ni Arianne ang saya o mga request sa kanya ni Mark. Hindi niya na ito kailangang gawin dahil wala na sa bansa ang lalaking iyon.

Kumirot ang puso ni Tiffany habang tinitingnan niya ang malungkot na mukha ni Arianne. May sasabihin sana si Tiffany nang biglang may gumambala na boses ng lalaki sa kanilang usapan.

"Tiffany, kamusta ang cuti pie mong kaibigan ngayong araw? Bakit matamlay siya?" Ang nagsalita ay si Will Sivan, isang lalaki na kakilala ni Arianne sa kanilang campus.

Maraming mga mayayaman at makapangyarihan na tao sa capital. Kasama na doon sila Tiffany Lane at Will Sivan, pero si Arianne Wynn ay hindi kasama sa mga taong iyon.

"Yung paint kasi na…"

"Tiffany!"

Umentra si Arianne kay Tiffany at umiling ito sa kanyang kaibigan. Ayaw niyang malaman ni Will ang mga problema niya.

Walang ano-ano'y, biglang hinawakan ni Will Sivan ang noo ni Arianne. "May sakit ka."

"Magbubunganga na naman buong araw si Tiffany kapag nilagnat ka."

Pa-reklamo ang pagkakasabi ni Will pero makikita na tinatanggal niya ang kanyang scarf at inilagay ito sa leeg ni Arianne.

Tumingin si Arianne sa kanya habang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya. Ang ngiti ng lalaking ito ay parang sunlight na dumapo sa mga ulap, natural at banayad.

May kaunting buhok na nakalaylay sa kanyang noo, nakahulog malapit sa kanyang mga mata na parang mga bituin, aakalain mo na nasa loob nito ang lahat ng bituin sa daigdig.

Isa si Will Sivan sa mga magandang lalaki na nakilala ni Arianne. Pangalawa siya kay Mark Tremont sa kagwapuhan.

Nabighani rin siya sa taglay na kagwapuhan ni Mark noong nakilala niya ito ten years ago.

"Sino siya?" Nakatitig ng mabuti si Mark Tremont kayla Arianne Wynn at Will Sivan, habang siya ay nakatingin sa gilid ni Arianne mula corridor sa labas ng art studio.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status