Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata
Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga
“Hindi ako may gawa niyan. Maniwala ka sakin!” Nakatitig ng maigi si Jane Dunn sa taong nasa kotse. Ang malakas na buhos ng ulan ay tumalsik sa bintana ng kotse, ngunit hindi niya gaanong maaninag ang mukhang nasa kabila ng basang bintana. Nanginig ang katawan ni Jane habang nakatayo sa labas ng pinto, sumisigaw sa kanya sa kabila ng bintana, “Sean! Pakinggan mo naman ako!”Biglang bumukas ang pintuan, ngunit bago pa matuwa si Jane, siya ay walang pasintabing hinagis papasok sa kotse . Siya ay bumagsak sa kanyang katawan, biglang nabasa ang kanyang malinis na puting damit.“Sean, hindi ako ang siyang nagutos sa mga taong iyon na saktan si Rosaline...” Ng sinabi ni Jane ang mga salitang iyon, isang mahabang manipis na daliri ang dumikit sa kanyang baba. Ang kanyang kakaibang malalim at nakakaakit na boses ay nagsalita sa taas ng kanyang ulo.“Ganoon mo ba talaga ako kagusto?”Ang kanyang malamig na boses at ang mahinang amoy ng sigarilyo—ang kanyang amoy.“Ano?” Nataranta si Jane
Mayroong bahid ng gulat sa mga mata ni Sean… Talaga bang sinusubukan niya panatilihin ang kanyang dignidad hanggang sa mga oras na ito?Kung sabagay siya nga naman si Jane Dunn. Ang babaeng ito ay palaging magara at puno ng pride, kung kaya kahit ang kanyang pagtanggi sa kanyang pagtatapat ay hindi man lang nakaapekto sa kanya.Biglang hinablot ni Sean ang kanyang baba.“Mhhh… Aray!” Ang kamay sa kanyang baba ay parang isang pares ng bakal na pliers, ang pwersa sa kanyang baba ay nagbabantang basagin ito. Sumakit ito ng todo na may mga luhang lumitaw sa mga mata ni Jane.Subalit, hindi niya pinigilan kagit kaunti ang kanyang sarili, naglagay pa ng mas matinding pwersa sa kanyang paghawak sa kanyang baba. “Sino ang magaakala na ang magandang mukha na ito ay nagtatago ng masamang puso?”“Wala akong kahit anong ginawa kay Rosaline!” Kinagat ni Jane ang kanyang labi, ang kanyang mukha ay namutla dahil sa sakit. “Hindi mo ako pwedeng ipakulong ng walang ebidensya.”“Nagkakamali ka. K
Tatlong taon ang lumipasAng mga pintuan ng S City Women’s Prison ay nagbukas at isang babae ang naglakad palabas dito ng mabagal.Siya ay sobrang namayat. Bagaman nakasuot ng parehong puting damit ng siya ay pumasok sa kulungan tatlong taon ang nakaraan, ito ay nagmukhang sako na sinuot niya sa kanyang mga balikat.Mabagal siyang naglakad, dahan-dahang naglalakad patungo sa counter na lagpas sa isang daang metro ang layo. May hawak siyang itim na plastic bag na naglalaman ng thirty-one bucks at fifty cents, pati na ang kanyang ID. Taginit ngayon panahon at may malinaw na heat wave sa ibabaw ng batong kalsada na kanyang dinadaanan. Ito ay halos thirty-three o thirty-four degrees celsius sa labas ng araw na iyon, ngunit ang babae ay sobrang natuyuan na hindi na siya pinagpapawisan habang naglalakad siya sa ilalim ng mainit na araw.Mayroong itim at asul na pasa sa paligid ng kanyang maputlang balat. Mayroong pang sugat na three centimeters ang haba sa kanyang mukha, mas eksakto pa
Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng si Jane ay magsimulang magtrabaho sa East Emperor.Ng ang gabi ay dumating, ang sobrang abalang bayan na ito ay kikinang ng may mga mapangakit na matitingkad na ilaw.Kakalinis lang ni Jane sa suka ng isang lasing na babae. Kahit na mabagal siyang gumalaw, epektibo siyang magtrabaho. Matapos iyon, nagsindi siya ng mabangong insenso at iniwan ito sa isang tabi.Ang mop na kanyang hawak ay nilinis ang bawat isang cubicle sa banyo at pagdating niya sa dulong cubicle sa pinakalikod. Dito niya itinatago ang kanyang mga panlinis at nagpapahinga sa pagitan ng kanyang mga gawain.Ito ay napaka ayos at malinis.Ang tagapagsilbing na naghatak sa kanya dito para linisin ay matagal ng wala, ngunit walang pakialam si Jane. Inilagay niya ang mop at ang timba sa gilid ng maayos bago umupo sa tabing cubicle at nakatulala.‘Jane, ang lahat ng ito ay ayon sa kahilingan ni Mr. Stewart.’‘Jane, wala ka na ngayon. Wala na ang iyong pamilya na pinagmamalaki mo
Ang puso ni Jane ay kumakabog pa din, ngunit bago pa siya huminga ng malalim, bigla niyang napagtanto na ang lalaki na hindi niya kilala ay nakahawak sa kanya baywang ng mahigpit.“Ahhhh...” Nagulat si Jane. Sa buong buhay niya, ang tanging lalaki lang na yumakap sa kanya ng ganoon kahigpit ay ang kanyang nakatatandang kapatid. Walang sino pa man ang nakahawak sa kanya ng ganito, hindi kahit na… siya.Ang ekspresyon ni Haydn Soros ay nandilim at iniabot ang kanyang kamay, nilagay ito sa bibig ni Jane. “Tumahimik ka! Bakit ka sumisigaw? Kakakiba ka, babae! Karamihan ng mga tao ay bigalng sisigaw habang nalalaglag sila, ngunit ikaw ang eksepsyon dito. Hindi ka gumawa ng kahit anong tunong noong nalalaglag ka, kaya bakit ka ngayon sumisigaw?”“P-P-Pakiusap… Bitawan mo ako.”Napansin ni Haydn na nakakapagtaka siyang nauutal at bigla siyang may naisip. “Hoy, hindi ka sumisigaw dahil niyakap kita sa baywang mo tama ba?” Nakita ni Haydn kung paano ang babae sa kanyang braso ay biglang nam
Tignan mo, talagang napunta na sa kanya ngayon! Alam na niya ito, hindi na dapat niya sinubukang tulungan si Susie!Nanghihinayang na si Jane sa kanyang ginawa ngayon.“Hoy, nagtanong ako sayo diba, tagalinis.”Walang pagpipilian si Jane kung hindi ang sapilitang tumango.Ang mayabang na boses na iyon ay tumawa ng malakas, sinasabihan si Susie ng, “Nakita mo ba? Kahit na ang isang cleaner ay mas marunong makiayon sa paligid kaysa sayo.” Dahil dito, kumuha siya ng isang bote at binagsak ito sa lamesa. “Ubusuin mo lahat ito o tatawagin ko si Alora Smith dito.” Si Alora Smith ang interviewer na siyang tumanggap kay Jane dito sa club.Ang pagbanggit kay Alora ay tumakot kay Susie ng kaunti. Ang mga Thompsons ay mahirap at si Susie ay nagnagtatrabaho dito sa East Emperor dahil sa malaki ang bayad nila. Kung talagang tinawag nila si Alora, siguradong matatanggal siya sa kanyang trabaho.“Huwag mong tawagin si Alora!” Hinablot ni Susie ang bote ng alak mula sa krystal na lamesa. “Iinumi