Share

Kabanata 4735

Nagkaroon ng dekorasyon ang mga batong pader dahil sa hindi mabilang na mapupulang apoy. Mukhang buhay ang ang mga apoy, tumalon at nagbigay liwanag ang mga ito sa kuweba.

‘Naku naman. Ano ang lugar na ito?’

Swish!

Nakarinig ng mahinang kalabog si Darryl habang napapaisip siya, tila may lumapag sa kaniyang likuran.

Sinong lumabag sa kaniyang utos at nagpunta roon?

Kumunot ang noo ni Darryl, tumalikod siya para makita kung sino iyon. Bigla siyang napahinto.

Makikita ang isang nakakahumaling na anyo habang mabilis itong papalapit. Sino pa nga ba ito kundi ang Cloud Spirit?

Hay*p naman!

Kumabog ang dibdib ni Darryl nang makita niya ang Cloud Spirit. “Hindi ba dapat ay nasa palasyo ka? Bakit ka nandito?”

Inis na inis si Darryl nang magsalita siya. Bakit hindi ito pinigilan ng mga Demonyong Mandirigmang naroon?

“Hoho!”

Bahagyang ngumisi ang Cloud Spirit nang maramdaman niya ang gulat ni Darryl, walang pasensya siyang nagsalita. “Pareho ang itatanong ko sa’yo at naunahan mo ako. H
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status