Share

Kabanata 5

Dinala ni Fane sa pintuan ng isang maliit at sira-sirang bahay.

May isang malaking puno ng banyan sa bakuran nito. Kung titingnan ito, mukhang napakapayapa ng lugar. Ngunit, napakaluma at sira-sira na ang lugar.

"Sinasabi mo ba na dito nakatira yung nanay ko, si Selena, at yung mga biyenan ko?"

Naawa sa kanila si Fane nang makita niya ang itsura ng kanilang bahay.

Si Selena ay anak ni Master Taylor. May taglay siyang pambihirang talento. Dati, kilala siya bilang isang napakagandang direktor na may maipagmamalaki. Maraming lalaki ang nanliligaw sa kanya.

Sa sandaling iyon, dahil sa desisyon niya na ipagpatuloy ang pagbubuntis sa bata, itinakwil siya ng kanilang pamilya at pinalayas!

Bakas sa mukha ni Shauna ang lungkot at awa. "Kasama rin nila ang iyong maliit na uncle! Bata pa siya noon, pero 19 na siya ngayon at dito rin siya nakatira."

"Dito silang lahat nakatira?!"

Namula ang mga mata ni Fabe. "Nahirapan siguro ng husto si Selena!"

Ngunit, napansin nila agad na may nakaparadang Bentley sa may bakuran.

"Bakit may Bentley dito!?"

Naghinala si Fane sa kanyang nakita.

"Hindi ko alam. Bihira ako makapunta dito. Hayy, masyadong maraming nangyari nitong nakalipas na limang taon. Matagal ka nang hinihintay ni Miss Selena!"

"Pero, matagal nang naubos ang pasensya ng magulang niya. Bukod pa dun, hindi maganda ang tingin nila sa'yo… sinasabi nila na pwinersa mo ang sarili mo kay Miss Selena at sinamantala mo ang kalasingan niya nung gabi ng kasal niyo…" Ang dahan-dahang sinabi ni Shauna ng may pait sa kanyang mukha.

"Hayy, ang tanging magagawa ko lang ay bumawi sa kanila. Naghirap sila nang dahil sakin!"

Napabuntong-hininga si Fane. Gusto rin niyang manatili sa tabi ng asawa niya, ngunit wala rin siyang magawa noong mga panahong iyon.

Pagpasok nila, sumimangot si Fane ay itinaas ang kanyang kamay. Pinatahimik niya si Selena dahil hindi niya nagustuhan ang naririnig niya mula sa loob ng bahay.

Maririnig mula sa loob ang boses ng nanay ni Selena. "Young Master Clark, huwag kang mag-alala. Limang taon nang walang balita tungkol sa batang yun. Matagal na siyang patay! Plano kong kumuha ng death certificate niya. Pagkatapos, pwede mo nang pakasalan si Selena!"

"Haha, maraming salamat!"

Humalakhak nang malakas si Young Master Clark at sinabing, "Tita, hindi mo na kailangang kumuha ng death certificate. Isang piraso lang naman ng papel ang marriage certificate nila. Ako, si Ken Clark, ay hindi isang mababaw na tao. Pagdating oras, kailangan lang natin ng isang magarbo at malaking kasalan! Ang pinakamahalaga ay pumayag si Selena na magpakasal sakin."

"Syempre! Papayag yun!"

Agad na kinabog ng nanay ni Selena ang kanyang dibdib at sinabing, "Huwag kang mag-alala. Tutulungan ka namin ng tatay niya na kumbinsihin siya!"

"Talaga? Pero, napakatigas ng ulo niya!"

"Noon, kung hindi siya nagmatigas na hindi ipalaglag yung bastardong yun, hindi sana kayo papalayasin ng pamilyang Taylor para magdusa kasama siya!"

"Hayy, noon, si Selena ang pinakamagandang babae sa buong Middle Province. Pero ngayon, anong nangyari sa kanya?“ Ang sunod na sinabi ni Young Master Clark.

"Tama. Kasalanan 'tong lahat ng delivery boy na yun. Peke naman talaga dapat ang kasal nila, pero binuntis pa rin niya si Selena."

Muli, nagsalita si Mrs. Taylor, "Matigas talaga ang ulo ni Selena, pinipilit niya na dugo't laman niya yung batang yun, at aalagaan niya ito!“

"Hehe, ayos lang yun. Tito, Tita, mahal na mahal ko si Selena. Sa oras na makasal kami ni Selena, hindi na problema ang kayamanan!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon, inilabas ni Young Master Clark ang isang jade na porselas. "Inutusan ko ang isang tauhan ko na dalhin ang jade na porselas na 'to dito mula pa sa Shanghai. Malaki ang halaga nito. Regalo ko 'to sayo Tita!"

"I-I-Ito ay… Paano namin matatanggap 'to?"

Sa kabila ng pinto, pasama nang pasama ang ekspresyon ni Fane. Mahigpit na nakatikom ang kanyang mga kamao.

Ginawa niya ang lahat nang makakaya niya upang pigilan ang kanyang galit. Pagkatapos niyang pakalmahin ang kanyang sarili, kumatok siya sa pinto.

"Sino 'yan?"

Halata ang pagkainis sa boses ni Mrs. Taylor habang binubuksan niya ang pinto.

"Sino ka?"

Tiningnan ng masama ni Mrs. Taylor, na kilala rin sa kanyang pangalan na Fiona Lewis, si Fane. Pagkatapos ay tiningnan niya si Kylie at nagtanong, "Bakit bitbit mo si Kylie?"

"Lola, siya ang daddy ko!"

Tumingin si Kylie kay Fane at dahan-dahang nagsalita, "Sabi ni daddy, wala nang mang-aapi sakin at kay mommy dahil nandito na siya!"

Natulala si Fiona sa kanyang narinig at agad siyang napasigaw sa sobrang pagkagulat, "Ayos. Buhay ka pa palang walang-hiya ka… Ang kapal ng mukha mo para magpakita ngayon! Nasayang ang buhay ng anak ko dahil sayo! Naghirap ang buhay ng pamilya namin dahil sayo!"

"Sino? Sinong nagbalik? Yung bastardong Fane na yun?"

Nagmadaling lumabas ang tatay ni Selena, at hinablot si Fane. "Papatayin kita, hayop ka! Kung hindi dahil sa pambababoy mo sa anak namin, hindi sana siya nangongolekta ng basura para mabuhay! Kung hindi dahil sayo, hindi sana ako nalumpo!"

Nagulantang si Fane sa kanyang narinig. Bakit nagkaganito ang buhay ni Selena? Paanong nalumpo ang tatay niya?

Kahit na hindi niya kasalanan ang nangyari at si Selena mismo ang nang-akit sa kanya, lasing din siya noong gabing iyon at hindi niya pinigilan ang init na nararamdaman niya. Subalit, dahil pa rin sa kanya kaya nagkaganito ang buhay nila.

Hindi nakapagtataka na galit na galit sa kanya si Andrew Taylor at Fiona Lewis.

Napuno ng pagsisisi ang puso ni Fane. 'Tama, kung hindi dahil sa kapusukan ko, hindi sana maghihirap ang buong pamilya nila.'

"Shauna, papaglaruin mo muna sa labas si Kylie!"

Iniabot ni Fane si Kylie kay Shauna.

"Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon ka pa bumalik? Bakit ka nandito? Mas mabuti pa kung namatay ka na lang sa digmaan!"

Naluha si Fiona. "Ayaw mo ata talagang mamuhay ng maayos si Selena. Hayop ka!"

"Tuturuan kuta ng leksyon!"

Agad na sinampal ni Andrew si Fane. Ngunit, sinalo lamang ni Fane ang kanyang kamay. "Ama, patawarin niyo ako. Dahil sakin naghirap kayo. Anu't ano pa man, isinilang na ni Selena si Kylie. Ako, si Fane Woods, ay gagampanan ang aking responsibilidad sa aking mag-ina. Hindi ko siya bibiguin. Matagal niya akong hinintay. Bibigyan ko siya ng maayos na buhay."

"Huh? Ang lakas ng loob mo na hawakan ang kamay ko. Umalis ka na!"

Nainis si Andrew. Gaya ng inaasahan sa isang dating sundalo, napakalakas ni Fane. Hindi makagalaw si Andrew.

"Hindi siya pwedeng umalis!"

Sa hindi inaasahan, sa mga sandaling iyon, nakangiting lumapit sa kanila si Young Master Clark. "Tama lang ang dating mo. Dahil nandito na siya, pwede natin siyang pilitin na hiwalayan si Selena. Bukod pa dun, anak niya si Kylie. Siya ang tatay niya, kaya dapat kunin niya si Kylie. Simula ngayon, hayaan na lang natin si Kylie na sumama sa kanya!"

"Kung sabagay, wala akong balak na tulungan ka sa pasanin mo. Kung wala ang pabigat ba yun, mas magiging maganda ang buhay namin ni Selena!" Dagdag pa ni Young Master Clark habang nakangisi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status