Iminuwestra ni Jon ang magandang babae na naghatid kay Harvey dito.Ngumiti ang babae bilang pag-unawa at agad na tumawag sa telepono. Maya-maya, pumasok ang ilang gwapong lalaki na naka-suit na may dalang malaking maleta bawat isa."Buksan niyo 'yan." Ikinaway ni Jon ang kanyang kamay, inutusan silang buksan ang mga maleta. Agad naman silang sumunod.Ibinunyag kay Harvey ang mga stack ng makukulay na banknotes.Ang isa sa mga kaso ay puno ng mga perang papel na nagkakahalaga ng isang libong HKD.Ang isa naman ay puno ng mga perang papel na nagkakahalaga ng isang daang US dollars.Ang huling kaso ay puno ng mga banknote na nagkakahalaga ng isang daang Euro.Ang mga banknote ay maayos na nakasalansan, na naglalabas ng amoy ng bagong tinta. Ang bango ay napakalaki at naging sanhi ng maraming hingal.Ang mga lalaking naka-suit ay berde sa inggit. Hindi sila maaaring kumita ng ganoon kalaki kahit na sila ay nagsumikap sa buong buhay nila.Pinikit ni Harvey ang kanyang mga mata,
Napuno ng tuwa ang mga tingin ni Harvey. Tinitigan niya ng maigi si Jon at nagtanong siya, "Paano naman ang huling case na may lamang Euros?" Batay sa halaga ng palitan, ang halaga ng maleta na may Euro ay dapat ang pinakamataas. Kaya, ang susunod na kahilingan ay dapat ang pinakamahalaga."Magaling. Talaga ngang isa kang matalinong tao!"Napuno ng paghanga ang ekspresyon ng mukha ni Jon. Humanga siya sa talino at katusuhan ni Harvey. Ikinaway ni Jon ang kanyang kamay, agad na binaliktad ang maleta, hinayaan ang mga banknotes na tumambak sa isang burol. "Ito ay para bilhin ang nakatagong sining na ginamit mo para sugpuin ang mga masasamang espiritu ngayon, pati na rin para magtrabaho ka sa Surrey Establishment...""Bibilhin mo ang hidden art ko sa halagang ten million Euros? Hindi lang 'yun, gusto mo ring magtrabaho ako para sa'yo habambuhay?" Napangiti na lang si Harvey sa mga sinabi ni Jon. Napuno ng sama ng loob ang kanyang mga tingin. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Nak
"Para sa isang Feng Shui master, hindi maaaring magkaroon ng isa pang Feng Shui master na mas malakas kaysa sa kanya.""Makakaapekto lang ito sa katayuan niya.""Napakabuti habang sinusubukan mo akong kumbinsihin na sumama sa'yo, pero sigurado ako ba papatayin mo ako agad sa oras na malaman mo na mas makakabuti sa'yo ang pagkamatay ko. Mali ba ako?" Saglit na natigilan si Jon, nagulat siya. Hindi niya inasahan na si Harvey ay napakatalino at nag-iisip nang malayo...Gayunpaman, hindi niya hinayaang ipakita ang kanyang sorpresa at ngumiti na lamang muli. Magiliw niyang tinapik ang balikat ni Harvey at matayog na sinabi, “Harvey, Harvey. Gumagawa ka ng mga malisyosong haka-haka. Ang iyong mga salita ay paninirang-puri laban sa akin!”"Aaminin ko, gusto ang kasikatan at pera. Ngunit alam ko din kung ano ang pwede at hindi pwedeng gawin!" "Hinding-hindi ako gagawa ng isang bagay na kasing sama ng pagpatay para lang sa kaunting pera. Mukha ba akong gagawa ng ganyan?""Napakabata mo
"Ano naman ngayon?" Walang pakialam si Harvey, walang emosyon ang mukha niya. "Pasensya na pero kailangan ko pang tignan ang ancestral hall para makita kung kaya kong iligtas ang King of Gambling." "Kung kaya ko siyang iligtas, naniniwala ako na bibigyan niya ko ng bagay na isang libong beses na mas maganda kesa sa inaalok mo." Tinignan muna ni Harvey ang berdeng perang papel na nasa lapag sa panghuling beses bago umalis. "Hay…" Kumuha ng sigarilyo si Jon at simple itong sinindihan. Bumuga siya ng usok habang pinanood niya ang papalayong likod ni Harvey. "Binigyan kita ng respeto at tinawag kita sa pangalan mo nang kinakausap kita, binata." "Kahit na ganun, nanatili kang arogante dahil lang bata ka pa." "Pinipilit mo ko!" "Tuturuan kita ng leksyon ngayon din!" "Ipapaalam ko sa'yo kung anong ibig sabihin ng paggalit mo sa isang taong mas mataas sa'yo!" Kaagad na naglaho ang mabait at malumanay na pag-uugali ni Jon. Pumalit rito ay isang mabangis at mapagmataas
Bang!Ngunit walang pagkakataon si Nella na tamaan si Harvey gamit ng espada niya. Bago pa siya makabuwelo, tinaas na ni Harvey ang binti niya at ibinagsak ito sa kanya sa isang malakas na sipa. Muli, tumalsik siya at bumangga sa mamahaling kahoy na shelf sa likuran niya. Sa sobrang lakas ng pwersa ay napuruhan siya at hindi man lang niya kayang gumapang patayo. Kasabay nito, nabali ang peach wood sword na hawak niya. Hindi makapaniwalang tinignan ni Nella ang espada, nawalan ng pag-asa ang mukha niya. Walang pakialam si Harvey. Naglakad siya palabas at simpleng dumaan sa pinto ng para bang walang nangyari. Hindi nagtagal, nakarating siya sa isang maliit na grupo ng tao at nakita niya si Jon na may hawak na Feng Shui plate. Naglakad si Harvey papunta sa lalaki at tumayo sa harapan ni Jon nang magkapatong ang braso. Napakabilis niya, hindi man lang siya napansin ng mga disipulo ng Surrey Establishment. Nang napansin nila ang nangyayari, nakaharang na si Harvey sa daanan n
Sa harapan, naramdaman niya ang isang napakalamig na aura, mas malamig kumpara sa kahit na ano… Ang lamig na ito ay para bang nilubog sa yelo ang kwarto. Sapat na ito para manginig ang kahit na sino. Sa paligid ni Harvey, maraming tao ang nakahiga sa lapag ng courtyard. Halos hindi na sila buhay. Mukha silang nagdurusa habang desperado pa ring kumakapit sa natitira nilang buhay. Naningkit ang mga mata ni Harvey habang tinignan niya sila. Para bang sinusubukan nilang gumapang palabas ng ancestral hall, pero huminto silang lahat nang isang hakbang na lang ang lalakbayin nila. Habang aligaga si Harvey sa pag-iimbestiga sa sitwasyon at pagsubok na malaman kung ano talaga ang nangyari, isang mahinang boses ang tumawag sa kanya mula sa malayo. “S-Sir York…”Kaagad na tumingin si Harvey sa sulok ng kwarto. Nakasandal ang likod ni Fabian sa pader at mukhang miserable. May ilang bangkay sa paligid niya, marami sa kanila ang mukhang binaril. Lumapit si Harvey at nagtanong nang may
Sa backyard, nilalabanan ni Harvey ang isang kalaban. Napakabilis ng kilos ni Harvey. Sa isang suntok, kaagad na bumagsak sa lapag at humiyaw sa sakit ang kalaban niya nang nakangiwi ang mukha. Gayunpaman, hindi natapos doon si Harvey. Hinakbang niya ang paa niya paharap at kaagad na binasag ang binti ng lalaki hanggang sa narinig ang nakakapangilabot na tunog ng pagkabasag. Crack!Narinig sa ere ang tunog ng nababasag na buto. “Aaagh!”Sumigaw ulit sa sakit ang kalaban niya bago pinakita ang itsura niya. Isa siyang maitim na lalaking nakasuot ng damit mula sa Nanyang. Para bang pang-unggoy ang mukha niya at isang napakabahong amoy ang nagmumula sa katawan niya. Sinubukan niyang tumakas sa hawak ni Harvey habang sumisigaw ng pautal-utal na Chinese. "Bwisit! Bwisit ka!" "Put*ngina ka! Ang lakas ng loob mong mangialam sa ginagawa ko?!" "Bitawan mo ko ngayon din!" "Kung hindi, isusumpa ko ang buong pamilya mo!" Kahit na natalo na siya ni Harvey, nanatiling arogante
Tumingin si Harvey sa mga mata ni Fabian. Medyo nagulat siya. 'Ang lupit niya!' Ang walang awang bahagi ng para bang malumanay na matanda ay hindi inasahan ni Harvey. Gayunpaman, naintindihan ni Harvey na kaya pinindot ni Fabian ang gatilyo ay hindi dahil wala siyang awa, kundi para ipakita ang katapatan niya kay Harvey. Wala lang sa mga mata ni Harvey ang pagpatay sa isang basurang kagaya ni Brandon, pero ang lakas ng loob ni Fabian ay nakakakuntento na para kay Harvey. "Hindi na masama." Tinapik ni Harvey ang balikat ni Fabian nang puno ng paghanga. "Dahil tapat ka, ganun din ang gagawin ko." "Sunugin mo ang ancestral hall bago sumapit ang umaga. Pagkatapos, kumuha ka ng excavator dito. Aayusin ko ang mga problema mo pagkatapos nito." Napahinto si Fabian sa takot. Kung hindi siya kumilos ng ganoon, o kung trinaydor niya si Harvey sa takot, malamang namatay na siya nang hindi niya nalalaman kung paano. Kung kaya't napalunok ng laway si Fabian at masigasig na tumang