Dumating ang dalawa sa isang private resort.
"Where are we?" tanong ni Aria sa binatang actor.
"By the way, this is our private resort. Actually my parents owned this. So enjoy your stay." Lumabas ang binata sa sasakyan nito at iniabot ang susi sa driver na nagtratrabaho din sa resort.
Tinawag itong private resort dahil hindi pa ito binubuksan sa mga publiko at isa ito sa mga mamahaling resort na matatagpuan sa Pilipinas kung saan purong mayayaman, sikat na personalidad at mga bigating tao lamang ang maaaring pumunta, at mag-staycation do'n.
"I just wanna go home!" sigaw ni Aria ngunit hindi sya pinansin ng binata at tuloy tuloy lang ito sa paglalakad. Sinundan ng dalaga ang binata at namangha si Aria sa ganda ng resort, lalo't tanaw nito ang asul na kulay ng dagat, puting buhangin, at mabangong simoy ng hangin.
Nakasalubong nila si Cindy na isang head manager at isa sa pinakamatandang trabahador sa resort. Sinundan ni Jackson ang matanda at patuloy padin sa pagsunod sa kaniya si Aria.
"Hello, mam. Welcome to Kang's Private Resort," masayang bati ni Cindy sa dalaga. Sinundan ni Jackson ang matanda gayundin ang pagsunod sa kaniya ni Aria.
"Ang ganda ng girlfriend ni sir Jack." Bulong ng isang empleyado sa kasamahang babaeng empleyado.
Napansin ni Aria ang dalawang babaeng trabahante na nakatayo sa tabi ng isang kwarto na kasalukuyang nililinis. Nakatingin sa kaniya ang mga ito na para bang namamangha na makita ang dalaga.
"Iba din talaga taste ni Sir." Napatingin si Aria sa dalawang trabahante na nagbubulungan.
"Uhm, sorry po." Humingi ng paumanhin ang dalawa at umalis din agad ang mga ito.
Dinala ni Cindy si Jackson at Aria sa isang malaking kwarto na may malaking pinto at pinagbuksan ang mga ito. Nang pumasok ang dalawa, nagpaalam at umalis na rin ang matanda.
"So when are you gonna take me home?" tanong ni Aria sa actor.
"Maybe, later?" Seryosong sagot ng binata habang nakatalikod ito at malakas na isinara ang malaking pinto.
Nagulat si Aria sa ginawa nito, "What are you doing?"
"Why? Is this your first time sleeping with a guy sa isang kwarto?" pilyong sagot ng binata at sabay kindat sa dalaga.
Lumapit ito kay Aria at nakayuko ito na halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Tinitigan sya ni Aria ng masama.
"Aray! I was just joking." Napasapo ang binata sa noo nito pagkatapos siyang bigyan ng headbutt ng dalaga.
Krinngg! Kring! Nagriring ang telepono at agad naman itong sinagot ni Jackson, habang si Aria nagdesisyon ikutin ang malaking kwarto.
"I'll be back and I'll take you to your place later." sambit ni Jackson at binaba ang telepono. Naiwan si Aria mag-isa sa kwarto. Ilang oras ng nakalipas nakatulog si Aria sa paghihintay sa binata at nagising ito sa katok na nanggagaling sa pinto. Agad naman itong bumangon at inayos ang sarili at binuksan ang pintuan.
"Goodevening, ma'am. Dinner's ready. Pinapasabi po pala ni Sir Jack na ipapahatid ka na lang po sa driver pagkatapos po ng hapunan." sambit ni Ana na isang concierge sa resort.
Pagkatapos mag-ayos ni Aria, lumabas na ito ng kwarto at dinala siya ni Ana sa isang malaking buffet area.
"Thank you, Ana" aniya.
Pagkatapos ng hapunan nagpaalam ang dalaga kay Ana na maglalakad lakad muna ito sa tabing dagat habang hinihintay ang driver na maghahatid sa kaniya. Tuwang tuwa si Aria makita ang mga nagniningning na bituin sa langit at ang amoy ng sariwang hangin na nanggagaling sa maliliit na alon sa dagat. Habang naglalakad isang familiar na mukha ang nakasalubong ni Aria.
"Aaron?!" nagulat ang dalaga ng makasalubong si Aaron.
"You again?"
"Are you following me?" kunot noong tanong ng dalaga.
"No."
"Then why are you here?" mausisang tanong ni Aria.
"I owned this resort."
Di makapaniwala si Aria sa sinabe nito, "Wait, what? May-ari ka rin ng resort na 'to?"
"Yes, by the way you never tell me your name?"
ARIA'S POV
Di parin ako naniniwala na sya ang may-ari ng resort na 'to. Akala ko ba si Jackson Kang ang may-ari nito o niloloko lang kaya ako ng Aaron na 'to? Pero kung siya man ang may-ari ng resort na 'to anong koneksyon niya kay Jackson? Pero di hamak na mas gentleman at mabait 'tong Aaron na 'to kesa kay Jackson.
"My name is Aria. Aria Grey Lawrence .Nice to meet you. Sorry, about earlier."
"Ikaw ba yung ihahatid ng driver?" Tango ko sa kaniya.
"Yes."
"I'll have my car ready, ako na lang maghahatid sayo."
"No, its totally fine. Thanks."
"Are you sure?"
"Yes, thanks for the offer." Itatanong ko na ba kung ano ang koneksyon niya kay Jackson?
"Jackson is actually my brother. Its actually a long story. But I hope you keep it a secret"
Is he reading my mind? Tanong ko sa sarili ko. "How can you trust me when you barely know me."
"No reason."
"But why does it have to be a secret?"
"I'll tell you next time, medyo late na din."
"Yeah you are right. It's a little late na nga. I really have to go na nga." Napatingin ako sa relo ko.
"Let me just accompany you to the lobby."
"Salamat, Aaron." Di ko mapigilan mapatingin sa mukha ni Aaron. Sikat man si Jackson pero di hamak na mas may itsura si Aaron, maputi, at matangkad pa ito. Pero bakit puno ng lungkot ang kaniyang mga mata. Medyo nabalutan kaming dalawa ng katahimikan habang naglalakad pabalik sa lobby area.
THIRD POV
Nang dumating ang dalawa sa lobby nakasalubong nila si Ana at ang driver na maghahatid kay Aria.
"Magandang gabi po ma'am and sir Aaron," bati ni Ana sa dalawa.
"Hello, Ma'am. Pasensiya na po nagloloko po yung makina ng van at yung isa pang van pabalik pa lang po at medyo may katagalan po. Kaya n'yo po ba maghintay ng mga dalawang oras pa?" paliwanag ng driver.
"Ako na maghahatid kay Aria," pagpupumilit na sambit ni Aaron.
"Thank you po, sir. Pasensiya na po miss Aria," sambit ng driver. Isang matamis na ngiti ang itinugon ng dalaga sa driver.
"Balik po kayo dito Ma'am Aria," ani Ana.
Pagkatapos magpaalam ni Aria sa mga empleyado sumakay na ito sa sasakyan ni Aaron. Sinabi ng dalaga kung saan ito tumutuloy. Habang nasa biyahe, binalot ang dalawa ng katahimikan. Di namalayan ni Aria na nakatulog ito sa biyahe at nagising na lamang ng maramdaman na hindi na pala umaandar ang kanilang sinasakyan.
"We've been here for an hour. I didn't wake you up and you look tired," giit ni Aaron.
Dumating ang dalawa sa isang entrance parking lot ng hotel kung saan nakatira si Aria. Lumapit si Aaron kay Aria upang tanggalin ang seatbelt nito at napalunok ang dalaga dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya. Lumabas agad si Aaron at pinagbuksan ang dalaga ng pintuan ng sasakyan.
"Thank you, Aaron," nahihiyang sambit ng dalaga.
"Hope to see you next time," ani Aaron at bumalik na ito sa driver's seat habang sinundan ito ng tingin papalayo.
Pagpasok ni Aria sa kaniyang condo binuksan niya agad ang kaniyang laptop para kontakin ang kaibigan na si Ella at para na rin kunin ang cellphone kinabukasan. Ngunit unang tumambad sa kaniya ang mga balita sa bagong girlfriend ni Jackson Kang. Kumalat ang pictures nilang dalawa na naghahalikan sa parking lot ng isang malaking mall ngunit hindi klaro ang mukha niya sa mga litrato. Kaya di rin matukoy sa report kung sino nga ba ang bagong girlfriend ng actor.
"This is Jackson's fault. I just got here in the Philippines tapos ito agad ang sasalubong sakin," inis na sambit ni Aria sa sarili. Hinubad ni Aria ang mga suot at tinago ito. Nagpasya itong di na muli susuotin ang red dress at ang heels na bigay ng matalik na kaibigan na si Ella.
Nag-usap ang ang dalawang matalik na kaibigan sa pamamagitan ng messenger at ikinuwento kay Ella ang buong nangyare sa kanila ni Jackson.
"Aria. Don't forget tomorrow night. Dinner party in our house at 6pm, okay? See you and goodnight."
"Jackson, ano na naman ba 'tong gulo na pinasok mo? Look! Kalat na kalat na sa social media at sa balita," sambit ni Erika na manager ni Jackson."Kung hindi mo sana tinuloy yung loveteam namin ni Christine at magpanggap na-inlove ako sa kanya hindi sana mangyayare 'to!" sigaw ni Jackson sa manager."Sinabi ko naman sayo na makakatulong to sa career mo diba?""Like how? Ngayong obsessed na sa 'kin yung tao?!""I'll talk to Christine okay. But for the mean time, you won't accept any interview without my approval.""I agree with you since close kayo ni dad. But this? You are ruining someone's life. Now, she's expecting more from me. For two years, niloloko ko yung tao at araw-araw naman akong kinakain ng konsensya ko!""Sir Jack, nakauwi na po yung bisita niyo sa resort at si sir Aaron po ang naghatid sa kanya dahil nasira po yung makina ng van," sambit ni Mark na P.A ni Jackson.Habang nag
Nagising si Aria ng tanghaling tapat, napuyat ito dahil tinapos niya kagabi ang mga schoolworks at ang mga dokumento na kailangan ipasa sa kanyang pinapasukang unibersidad na matatagpuan sa Manila. Pagkatapos mag-ayos at maligo ni Aria, naghanda naman ito ng makakain. Nakasuot ito ng white sweater at black pants pang-alis. Habang kumakain ng tanghalian binuksan niya ang laptop para tawagan ang pamilya niyang nasa United States."Ma, kumusta kayo diyan? Kumusta rin si Timmy?" tanong ni Aria sa ina habang patuloy na nginunguya ang kinakain nitong noodles."Okay naman kami 'nak, at inaayos ko na din ang papers ni timmy para makasunod siya diyan sayo," masayang sambit ng ina. Si Timmy ay isang itim na pusa na tatlong taon nang inaalagaan ni Aria. Masakit para sa kaniya na mawalay dito. Madalas niya itong katabi sa pagtulog noong nasa US pa ito. Balak ng dalaga na pasunurin ang alagang pusa para kahit papaano ay di niya maramdaman na mag-isa siya dito sa Pilipin
Dalawang palapag ang laki ng bahay nina Ella at may apat na kwarto at tig-iisang banyo bawat kwarto. Nang dumating ang dalawa pinagbuksan sila ng security guard ni Ella at sinalubong ito ng isang maid sa entrance ng bahay nila."Goodevening po ma'am Ella and ma'am Aria," bati ng yaya ni Ella. Matagal na din itong naninilbihan sa kanila simula pagkabata nito at kilala rin nito si Aria."Kumusta na po? May mga dala po akong pasalubong sa inyo." Nagmano si Aria sa matandang katulong."Where's mom and dad?" tanong ni Ella habang nakataas ang kilay nito.Dire-diretso sa paglalakad si Ella papunta ng dining room habang nakasunod naman si Aria dito. Si Ella ay nakasuot ng Ditsy Floral Ruched Ruffle Hem Dress na color Brown. Pagdating ng dalawa sa dining room ay unti-unti na rin inihahanda ang mga hapunan ng dalawa pa nilang maid."Aria, long time no see," bati ng ina ni Ella at tumayo ito sa kaniyang kinauupuan at bineso niya ito. Gumanti rin ng bes
Two days ago. Ayon kay Mark ay nahanap niya na daw ang babae sa larawan. "Really?" gulat na tanong ni Jackson habang nagbibihis ito at ipinaghahanda naman siya ng Almusal ni Mark. "What's funny she lived in the same building with us," natatawang sambit ni mark. Natigil si Jackson sa pagbibihis at napatingin ito sa kaniya. "Okay, here's what I want you to do." I need you to send her some presents anonymously." Nagtataka si Mark dahil first time lang nito na makitang interesado sa babae. Dahil busy ito sa career niya kahit kailan hindi pa ito pumasok sa isang seryosong relasyon o mag bigay ng mga regalo sa babae kahit nung nagpapanggap pa ito na may gusto kay Christine. Pagkatapos kumain ng aktor ay na iniwan na nito si Mark at nauna na itong umalis dahil pinapapunta ito sa studio ng kanyang manager na si Erika. Habang naglilinis si Mark tumawag si Aaron dito. "Is Jackson there?" tanong ni Aaron.
Aria Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga pagkain na pinadala sa akin. Mas gusto ko ito kaysa sa bulaklak atleast dito mabubusog pa ako. Medyo busog pa rin ako dahil sa kinain ko kanina sa bahay nina Ella kaya itinabi ko na lamang ang mga pagkain at magpapahinga muna ako dahil mamayang hapon balak kong lumabas at pumunta sa malapit na establisyemento dito sa condo, para makapamili ng mga gamit dito sa bahay at damit na susuotin sa paparating na kaarawan ng kapatid ni Ella na si Mico ngayong darating na biyernes. Si Mico ay kapatid nila Ella sa kerida ng ama nito. Nalaman ng nanay ni Ella ang tungkol sa kabit na limang taon na ang nakararaan. Sinubukan nitong hiwalayan ang ama ni Ella ngunit sa takot na mawala ang luho at karangyaan nito sa buhay, pinili na lamang niyang makisama at nanatili pa rin silang mag-asawa. Nagpanggap na lamang n
“Max?” Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Max sa harapan ko. Napahinto ako sa kinatatayuan ko at sa pag-ubos ng milk tea na iniinom ko. Di ko sinasadyang mabangga ito habang naglalakad. Laking gulat ko din na nandito ito ngayon. Ano naman kaya ang ginagawa nito rito? Napakunoot ang noo ko.“Nandito ka rin pala? What a coincidence, Aria,” sabi ni Max. Napaatras ako ng akma akong hahalikan nito sa pisngi. Wala akong nagawa nang itinuloy niya parin ang paghalik sa pisngi ko. Napangiwi ako at namilog ang aking mga mata sa ginawa ni Max. He never changed. Napatingin ako sa likod ni Max at kasama niya ang bunsong kapatid na si Mico. Kahit kailan hindi parin ito nagbabago.“Well, actually I live nearby. Why are you here?” nagtatakang tanong ko dito sabay yumuko para batiin ang bunsong kapatid nitong si Mico. “
Pagkatapos kumain, tumayo na ako. Kinuha ulit ni Aaron ang mga pinamili ko at si Max naman ay binuhat na ang nakababatang kapatid dahil nagpapakarga ito. I don’t know but Aaron’s gesture, makes me feel so special at di ko maiwasang mapangiti rito.“Aria, hatid ka na namin,” wika ni Max habang karga ang inaantok na kapatid na si Mico.“I’ll take care of her, don’t worry, I know where she lives,” Aaron assured him. Umusok ang ilong ni Max sa sinabi nito, dahil mas may alam pa ito kung saan ako nakatira kaysa sa kanya.Nabitin sa ere ang sasabihin ni Max nang mag salita ako, “Okay, lang Max. You really need to go home na rin, Mico looks exhausted,” I pleaded, habang hinahagod ang buhok ni Mico, nag-aalala lang din ako para dito dahil mabilis itong nakatu
I thought Ella was just making a joke to save me from that disgrace. Talaga ngang may pag-uusapan kami. Dinala niya ako rito sa may hardin kung saan medyo malamlam ang ilaw, pero sapat para makita namin ang isa’t isa. Mula rito tanaw mo ang kanilang malaking swimming pool at mga bisita na naroon. Nagulat ako ng bigla itong nagsindi ng isang stick ng sigarilyo na inilabas niya mula sa kanyang purse. She told me that she started smoking a year ago, but this is actually my first time seeing her smoke in front of me. Nakatitig ako rito, sabi niya t’wing nai-stress or pag may mga okasyon niya lang daw ginagawa ‘yon. Napabuntong hininga ako, siguro naninibago ako dahil ngayon ko lang s’ya nakitang ganito. Napahalukipkip ito habang naninigarilyo and she looks frustrated.“What’s wrong?” I asked her. I know something is bugging her.