Share

Four

Nagising si Aria ng tanghaling tapat, napuyat ito dahil tinapos niya kagabi ang mga schoolworks at ang mga dokumento na kailangan ipasa sa kanyang pinapasukang unibersidad na matatagpuan sa Manila. Pagkatapos mag-ayos at maligo ni Aria, naghanda naman ito ng makakain. Nakasuot ito ng white sweater at black pants pang-alis. Habang kumakain ng tanghalian binuksan niya ang laptop para tawagan ang pamilya niyang nasa United States. 

"Ma, kumusta kayo diyan? Kumusta rin si Timmy?" tanong ni Aria sa ina habang patuloy na nginunguya ang kinakain nitong noodles. 

"Okay naman kami 'nak, at inaayos ko na din ang papers ni timmy para makasunod siya diyan sayo," masayang sambit ng ina. Si Timmy ay isang itim na pusa na tatlong taon nang inaalagaan ni Aria. Masakit para sa kaniya na mawalay dito. Madalas niya itong katabi sa pagtulog noong nasa US pa ito. Balak ng dalaga na pasunurin ang alagang pusa para kahit papaano ay di niya maramdaman na mag-isa siya dito sa Pilipinas. Ang kaniyang ama naman ay isang doctor sa US at isa ito sa rason kung bakit umalis ito ng US at mas pinili niya manirahan dito sa Pilipinas. Gusto ng Ama ni Aria na maging isang doctor din ito gaya niya, suportado naman ng ina niya kung ano man ang tatahakin nitong landas as long as makabubuti ito sa kaniya. 

"Ma, kilala mo ba si Jackson Kang?" 

"Yung sikat na actor diyan?" pakiwari ng ina.

"Oo, ma. Uhm, kase pano ko ba to sasabihin," naguguluhang sambit ni Aria. Di niya alam paano ito magsisimula at kung sasabihin niya ba sa kaniyang ina ang buong nangyare o itago na lamang ba ito?

"Bakit Ari? Anong mayroon sa kaniya?" mausisang tanong ng ina.

"Alam mo bang may bago siyang issue ngayon?" giit ni Aria.

"Ah, 'yon bang kahalikan niya na kumakalat ngayon sa social media 'nak?"

"Oo, ma. Yun nga!"

"Himala 'nak! Kailan ka pa naging ainteresado sa mga artista ngayon?" natatawang tanong ng ina, at napasimangot naman si Aria sa sinabi nito. Nag-iisang anak lamang si Aria kaya kung mag-usap ang mag-ina ay para bang magtropa lamang ang mga ito. Bukod sa bestfriend na si Ella, isa rin ang ina nito sa nakakaalam ng buong pagkatao ni Aria.

"Ma naman eh, seryoso nga ako." Napabuntong hininga si Aria.

"Ano bang mayroon doon sa Jackson Kang 'nak?" 

"Ma, search mo sa internet yung litrato." Hinanap agad ng ina sa internet ang larawan na tinutukoy ni Aria.

"Oh, nakita ko na 'nak. Ano bang meron dito?" kunot noong tanong ng kaniyang ina, "Atsaka infairness magkapareho kayo ng katawan at medyo maputi ka nga lang sa kaniya ng very slight." Napaisip ang ina nito at nanlaki ang mata ng ma-realize kung sino ang babaeng nasa litrato at napahawak ito sa kaniyang bibig.

"Okay, Ma. Please, this is not the time. Stop roasting me." Ikinuwento ni Aria kung ano ang mga nangyare. Nagulat ang kaniyang ina at di inaaasahang kiligin ito para sa kaniyang kaisa-isahang anak dahil no boyfriend since birth ito. Hindi tutol ang ina nito kung sakali man na magka-boyfriend si Aria dahil nasa kolehiyo na ito. Ayon kay Aria magbo-boyfriend lang daw ito o mag-aasawa pag nakatapos na ito sa pag-aaral at nakapagpundar na ito ng sarili niyang bahay at financially stable na din. 

"Ingat ka diyan palagi, and lagi mo 'kong i-update," paalala ng ina sa anak.

Pagkatapos ng pag-uusap ng mag-ina ay iniligpit ni Aria ang kaniyang pinagkainan at lumabas na ito ng kaniyang unit. Nasa 26th square meter lamang ang laki ng kaniyang kwarto at matatagpuan ito sa 16th floor ng isang sikat na large property complex sa Lungsod ng Quezon. Nag-commute lamang ito papunta sa Manila, para ipasa ang mga requirements nito sa kaniyang pinapasukang eskuwelahan. Balak din nitong kumuha ng second hand na sasakyan dahil hindi ito sanay sa pagko-commute, kaya't bago pa siya umuwi ng Pinas ay nagkausap na sila ng kaniyang matalik na kaibigan na ibebenta kay Aria ang isa pa nitong sasakyan at huhulugan na lamang niya ito buwan buwan. Pagkatapos nito manggaling sa unibersidad ay dumiretso ito sa mall na malapit doon para mamili ng damit na susuotin mamaya para sa dinner party na inihanda para sa kaniya ng pamilya ni Micaella. Ito ay maliit na salo-salo lamang. Nang makabili si Aria ng damit na isusuot ay bumili din ito ng Red Velvet Cake na paborito ng kaniyang kaibigan. Hindi parin sanay si Aria sa weather dito sa Pinas kasabay pa ng suot niyang sweater na medyo may kakapalan din. Umuwi muna 'to sa kaniyang unit para mag pahinga at maligo ulet dahil nanlilimahid na ito sa pawis. May usapan sila ni Ella na susunduin siya nito ng alas singko ng hapon.

Pagdating ni Aria sa unit niya, isang bouquet ng bulaklak ang tumambad na nakalagay harapan ng pinto. Pinulot niya ito at nagmasid kung may tao ba sa paligid, ngunit wala naman siyang napansin. Nagtataka ang dalaga kung kanino ito galing kaya ipinagwalang bahala na lamang niya ito at pumasok na sa loob. Hindi ito mahilig sa bulaklak kaya hindi niya rin ito binigyan ng pansin. Habang nag-aayos si Aria, napatayo ito ng marinig na may kumakatok sa pintuan. Nang silipin niya ang doorhole si Ella pala ito. Pagpasok ni Ella niyakap agad siya nito. 

"Wow, I like your dress." Tiningnan ang kaibigan mula ulo't hanggang paa. Suot ni Aria ang isang Off Shoulder Floral Dress at nakasuot ito ng white sandal.

"I bought it earlier today," pagmamalaki ni Aria kay Ella. 

"I love the ambiance of your room, very cozy and who gave you this bouquet of flower?" Kinuha ni Ella ang flower na nakapatong sa mesa at inamoy amoy ito. 

"I don't know at sino naman ang makakainteres sakin diba?" natatawang sambit nito.

"Whoever gave you this, he definitely has a taste." Patango-tangong sambit ni Ella na may pataas taas pa ng kilay.

"Can you take out the cake from the refrigerator." Utos nito kay Ella.

Nang buksan ni Ella ang refrigerator nito nakita niya ang paborito nitong cake.

"Thank you bestie. Nag-abala ka pa talaga," pasasalamat ni Ella sa kaibigan.

Habang nag-aantay si Ella sa pag-aayos ng kaibigan kumain muna ito ng cake at nagpaalam din ito na iuuwi na lamang niya ang bulaklak. Pumayag naman si Aria dahil wala din siyang hilig sa mga ito. Pagpasok nila ng elevator may nakasabay silang lalaki na nakasuot na gray na longsleeve at malagkit ang tingin kay Aria. Nagtataka ang dalawa kaya di nila maiwasang magkatinginan na para bang nag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga mata. Sumabay sa pagbaba ang lalaki sa parking lot entrance ng gusali at sumakay na ito sa sarili nitong kotse. Nang makapasok sa sasakyan ang dalawang magkaibigan, nagtatawanan ang mga ito sa nangyare. 

"Nakita mo ba 'yon? Baka siya nag bigay ng bulaklak na 'to sayo," natatawang sambit ni Ella kay Aria. 

Napahalakhak ng todo si Aria, "No way!"

Habang nagmamaneho sinabe ni Ella na ang sasakyan na kaniyang pinagmamaneho ay ang kaniyang ibebenta kay Aria. "Pag may license ka na let me know so I can have our driver take this car in your condo ha." Ngiti ni Ella sa kaibigan. 

Nabanggit rin ni Ella na nandoon ang kuya nitong si Max. Ito ang panganay na kapatid ni Ella at noong maliliit palang sila nagkagusto ang kuya nito kay Aria at nangako itong hihintayin si Aria makatapos ng pag-aaral at nangako rin na papakasalan niya ito ngunit si Aria ay tinuring lamang ito na parang nakakatandang kapatid at kahit kailan hindi sumagi sa isip nito na magkagusto kay Max. Si Aria ay chinita at namana niya ito sa kaniyang ina, namana niya rin ang straight na buhok at may konting pagkakakulot nito sa dulo kaya hindi malabo na magkagusto ang kuya niya dito. Si Ella naman ay may fair skin at may katangkaran na 5'6 habang si Aria ay 5'3. Madalas din si Ella sumali sa mga beauty pageant at kilala ang pamilya nito dahil sila ang nagmamay-ari ng sikat na restaurant dito sa Pilipinas at mayroon na itong 150 branches, bukod sa restaurant meron din itong mga pinapaupahan na mga bahay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status