Share

3

  Kanina pa hindi mapakali si Nikko. Hindi nya alam kung tatawagan nya ang babae o hindi. Hindi sya interisado rito, nais nya lang malaman kung bakit bigla sya nitong ipinakilalang boyfriend.

   Napulot nya ang binder nito at isang pouch kung nasaan nakalagay ang pera nito, eyeglasses at ilang personal na gamit. May nakalagay na landline number sa binder nito at address.

   “Nikko, Friday ngayon. Hindi ka ba sasama mamaya sa gimik?” Tinapik ni Jake sa balikat ang lalaki. Nakapagbihis na ito. Kakatapos pa lamang nang fashion show sa isang foundation day nang isang unibersidad kung saan sila inimbitahan.

   “Hindi ko pa alam pare. Tawagan ko na lang kayo. And please, sana naman hindi na makarating kay Amber to. She’s a mess!” Naiiling na sabi nya, hawak pa rin ang pouch at binder.

   Napansin naman ito ni Jake. “Oh, bakit may binder ka? Pati pouch na pink?” Nangunot ang noo ni Jake.

   “Ah, eh, sa kaibigan ko to. Pinahawak lang. Sige pare, una na ako. Paki sabi na lang kay Sandra.” Tukoy nya sa manager nila. Dali-dali syang lumabas nang dressing room at dumiretso sa sports car nya. Inilagay nya sa front seat ang pouch at binder.

   Pinuntahan nya ang address nang babae na nakalagay sa binder nito. Isang five storey building ang tumambad sa kanya. Agad nyang hinanap ang pangalan at number nito. Iniisip nya na baka importante sa babae ang mga gamit na iyon lalo na at malaki-laki rin ang pera na nasa pouch.

   Hindi sinasadya ay may nalaglag mula sa binder. Picture iyon. Picture iyon kung saan kasa araw na iyon. Nahilo sya kakaisip. Agad nyang idinial ang telephone number nito.

   “Hello, may I speak with Roxanne Velez please?”

   “Yna anung gagawin ko? Nasa baba na daw sya. Hawak nya ang binder at pouch ko.” Hindi mapakali na sabi ni Roxanne. Nakabihis sya nang oras na iyon dahil pupunta na sana sya sa pinag-applyan nya nang mag ring ang telepono nila.

   Noong hapon na iyon ang interview nya. Palabas na sana sya nang tumawag sa landline ang lalaki. Si Yna ang nakasagot. Gusto daw nito na magkita sila sa maliit na canteen na nasa baba nang apartment nila.

   “Edi bumaba ka. Bahala ka, nasa pouch mo yung pera mo.” Natatawang sabi ni Yna.

   “Pinagtatawanan mo pa ako. Nakakahiya kaya.” Nakangiwing sabi ni Roxanne.

   “Bakit ka mahihiya? Tsaka if ever magtanong sya kung bakit mo sya pinakilalang bf, sabihin mo ang totoo. Hindi naman sya mukhang nananakit.” Sabi pa ni Yna. Kasalukuyan itong nagbabasa nang magazine.

   “Eh nag-away nga sila nang gf nya dahil sa ginawa ko no. Malamang galit yun sa akin.” Sabi nya.

   Umiling si Yna. “No, If ever, kung sasaktan ka nya, bakit sa canteen pa sya nag-aya? I mean, maraming tao dun.”

  Sa huli ay nagpasya sya na harapin ang lalaki bagamat kinakabahan talaga sya. Nahihiya rin sya rito. Model pala ito, at natatandaan nya na nakita nya na rin ito sa isang commercial sa tv.

   Luminga linga sya sa paligid nang makapasok na sya sa maliit na canteen. Nakita nya ang lalaki sa isang gilid. Naka shades at naka cap ito at nakayuko. Siguro ay upang hindi sya makilala nang mga tao. Lumapit sya rito at umupo sa harap nito.

   “H-hello.” Pilit syang ngumiti.

   Luminga ang lalaki. “Hello ka dyan.”

   “Ah, diba nasa sayo yung binder at pouch ko? Pwede ko bang makuha?” Alanganin syang ngumiti.

   “Teka. Sa tingin mo ba ay ganun lang yun kadali?”

   “T-teka rin, kung nag-away man kayo nang girlfriend mo dahil sa akin, pasensya na. Nagipit lang ako nang oras na iyon. Hindi ko talaga sinsasadya mister.” Paumanhin nya rito. Tinititigan nya ito at tila namesmerize sya dito. Napaka gwapo nito lalo na sa malapitan. Maputi at makinis.

   Tila nagtaka ito. “Girlfriend?”

   “Y-yung kasama mo na nag-walk out?”

   “Ah! Yun ba?” Gumalaw ang gilid nang manipis nitong labi.

   Tumango si Roxanne. “Pasensya na talaga.”

   “Patatawarin kita sa isang kondisyon.” Sabi naman ni Nikko. He grinned.

   “Ha? Ano naman yun? Huwag lang sana tungkol sa pera dahil wala ako no’n.” Kinakabahan na sabi nya.

   He chuckled. “Mukha ba akong naghihirap?” He gave her an arrogant look.

   Sumimangot si Roxanne. “Mayabang.” Bulong nya.

   “Anong sinabi mo?” Bagamat narinig nang lalaki ang sinabi nang babae ay nagtanong pa rin sya.

   “W-wala. A-ano ba iyong kondisyon na sinasabi mo?” Dumiretso sya nang upo.

   “Okay. Bakit mo ba ako ipinakilalang bf mo?” Tanong ni Nikko.

   “Ah, ano kasi mister. Kinukulit kasi ako nang kaibigan ko eh. Nasabi ko na may boyfriend ako kahit wala. Kaya nung nagkita kami, ikaw ang nasabi kong boyfriend.” Pagsisinungaling nya. Maaari kasi na hindi ito maniwala na ex nya si Alex.

   Tiningnan sya nang lalaki na tila hindi ito kumbinsido. “Talaga lang.” Sabi nito. Natatandaan nya pa ang sabi nang guard na may borfriend ito.

   “Totoo yun mister. Kaya sana mapatawad mo na ako.” Sabi nya.

    “Baka naman crush mo ako kaya mo sinabi iyon at hindi mo napigilan noong oras na iyon?” Sabi ni Nikko.

 Ikinagulat iyon ni Roxanne. “A-ano?!”

   “You heard it. Ayos lang naman sa akin eh. Umamin ka na lang.” Nakangisi na sabi nang lalaki.

   Namula ang mga pisngi ni Roxanne. “K-kapal ah.” Anas nya. “W-wala akong gusto sayo no. Ang yabang mo kaya.” Bigla ay sabi ni Roxanne.

   Natawa ang lalaki. “Talaga lang? Eh namumula ka na nga sa kilig eh.” Pang-aasar nito.

   “Pwede ba mister? Wala akong panahon makipag biruan sayo. May pupuntahan pa akong importante kaya kung pwede lang ay pakisoli na ho ang pouch at binder ko.” Matigas na sabi nya. Naiinis sya sa kapreskuhan nito.

   Bagamat gwapo at elegante manamit ang lalaki ay agad na nainis si Roxanne dito. Ayaw nyang magkaroon nang kausap na puro hangin ang laman nang utak.

   “Woah. Sandali lang miss. Baka nakakalimutan mo, nasa akin pa ang binder at pouch mo?” Pang-aasar pa ni Nikko. Tila tuwang tuwa ito na ankikitang nasa siangot ang kasuap.

   Nang marinig iyon ay lumambot ang mukha nang babae. “Mister, please naman oh. Usapang maayos to. Kailangan ko lang talaga nang pouch at binder ko lalo na at aalis ako ngayon.”

   Tiningnan ni Nikko ang suot nang babae. Naka pormal ang attire nito, halatang importante ang lakad. “Saan ka ba pupunta?”

   “Sa Logarte building. Kailangan kong makarating doon sa oras. Ngayon ako nakatakdang ma interview para sa OJT ko mister.” Sagot ni Roxanne.

   Tila may naisip ang lalaki nang marinig ang sinsabi nito. “Logarte? Bakit?”

   “Mister, masyado ka na hong madaming tanong.” Tila mauubusan na nang pasensya si Roxanne sa oras na iyon.

   “Just answer me. Malay mo, matulungan kita.” Seryoso na sa pagkakataon na iyon si Nikko.

   Tila nakumbinse naman si Roxanne. “Mag a-apply nga ho para sa ojt ko. I need it badly. Baka wala na akong mapag applyan.”

   Nag-isip si Nikko. “I have something to discuss with you. Kung maari, sumama ka sa akin sa kotse ko. I will drive you there.”

   Nanlaki ang mata ni Roxanne. “At bakit naman ako sasama sayo, aber?”

   “You have to. I’ll give you the job, rest assure. Sumama ka lang.”

  “P-paano mo nagawa yon?” Gulat na tanong ni Roxanne sa lalaki. Kakalabas nya pa lamang sa opisina nang HRD at natanggap sya agad sa trabaho. Bago pa iyon ay ang lalaki ang unang pumasok. Tumagal ito nang mahigit na limang minute sa loob.

   Nang umabas na ito ay sya naman ang pinapasok nito, at presto. May trabaho na sya agad. Wala na syang problema para sa OJT nya. Mukhang mauunahan nya pa si Yna dahil sa lunes na agad sya makakapagsimula.

  “Well, endorser nila ako kaya medyo malakas ako rito.” Sagot ni Nikko. Sabay na silang naglalakad palabas nang HRD office. Muntik nya nang makalimutan na model nga pala ito.

   “Salamat nga pala.” Nahihiyang sabi ni Roxanne. Kanina lang kasi ay hindi talaga sya nagtitiwala rito. Puro kasi kayabangan ang mga sinasabi nito. Pinagpipilitan pa nito na crush nya ang lalaki.

   “So, aaminin mo na ba na crush mo ako?” Tanong nito. Hinarap nya ang babae at kumindat pa dito.

   Ngumiwi si Roxanne. “Thanks sa pagtulong, pero hindi talaga kita crush, or magiging crush. Di kita type.” Sabi nya at inirapan ito.

   Tumawa si Nikko. “Okay. Since mukhang ayaw na ayaw mo talaga sa akin, we will discuss now the payment.” He grinned.

   “A-anong payment?”

   “Ow. Don’t tell me na nakalimutan mo na? Sabi mo kanina, maipasok lang kita sa trabaho, susunod ka sa ano man na sabihin ko.” Makahulugang sabi nito.

   “Ah! Hindi ko matandaan na sinabi ko yon.” Maang maangan na sabi ni Roxanne.

   Sumimangot si Nikko. “Aba. Madali naman akong kausap. Tutal nasa Logarte pa rin naman tayo, pwede akong bumalik at ipabawi ang pagkaka employ sayo.” Sabi ni Nikko. Tumalikod ito at akmang babalik talaga.

   “Hoy teka lang. Binibiro lang kita.” Mahinang sabi ni Roxanne. Hinila nya ang laylayan nang t-shirt na suot nang lalaki.

   Hinarap ni Nikko si Roxanne. “Ano ba? Hindi ako nakikipag biruan.” Seryoso na ito.

   Na guilty naman si Roxanne. “O-okay. Sige, ano ba kasi yun?”

   Huminga nang malalim si Nikko. “We’ll talk in the car.” Pagkasabi nito ay tuloy-tuloy lang itong naglakad, leaving Roxanne.

   Patakbong sinundan nang babae si Nikko. Nauna itong sumakay sa kotse nito at agad syang tumabi rito sa harapan.

   “A-ano ba yun?”

   “Okay. To tell you the truth, yung babaeng kasama ko nung oras na iyon ay hindi ko talaga girlfriend, not even a friend.” Akmang magre-react ang babae ngunit itinaas ni Nikko ang kamay. “Let me finish.”

   “Okay.” Tumango si Roxanne.

   “She is Amber, model din sya at anak nang may ari nang isang clothing company owner na iniindorso ko. Mula nang makilala nya ako ay hindi nya na ako tinigilan. She’s so persistent, makulit at may pagka isip bata.”

   “So anong papel ko?”

   “Teka nga sabi eh. Let me finish nga diba?” 

   “Okay.” Ngumuso si Roxanne at muling nakinig sa lalaki.

   “Another woman. Si Lyndsay Sandoval. I think kilala mo sya, she’s a teen star. Medyo sikat na rin naman sya.” Nagkibit balikat ito.”She’s also persistent. Kahit matagal ko na silang tinapat na hindi ko sila gusto ay sige pa rin sila sa pangungulit.”

    “Parang nagyayabang ka na naman mister.”

    “Totoo yan. I’m not just boasting. Anyway, let’s go back. I want you to pose as my special someone whenever they are present.” Sabi ni Nikko. Tila hirap itong sabihin ang huling sentence na sainabi nya.

   “Pose as what?”Nalaglag ang hawak na pouch ni Roxanne.

    “Hindi ka naman siguro bingi.” Seryoso pa rin na sabi ni Nikko.

    “P-pero bakit? Tsaka bakit ako?” Itinuro pa ni Roxanne ang sarili.

    Ngumiti si Nikko. “Don’t ever think na ako ang may gusto sayo, miss. You told me many times na ayaw mo sa akin at hindi mo ako magugustuhan kahit kalian. So your’e the perfect girl for this job. Just stick to what you said and everthing will be fine.”

    “P-pero, teka. Paano yun?” Nalilito si Roxanne sa sinabi nang lalaki.

    “Ang slow mo naman.”

    Tinapik ni Roxanne sa balikat si Nikko. “Hoy hindi ako slow. For your information, above average ang i.q ko when it comes to logic.” Pagyayabang naman nito.

    Tumawa si Nikko. “Parang hindi naman. Ni hindi mo nga kaagad nakuha ang ibig kong sabihin.” He mocked.

    “What I mean is yung set-up. Ano pa yung details. Jerk.” Sabi nya rito.

    “Anong sabi mo? Jerk? Aba, sumusobra ka na ha.” Tila napikon si Nikko rito.

    “Bakit, ikaw naman ang nauna! Sinabihan mo ako nang slow!” Pikon na rin si Roxanne.

    “Simpleng bagay lang, di mo ma gets, paanong hindi kita sasabihan nang slow?”

    “Eh ikaw nga, ang yabang yabang mo. Ang bossy mo pa.” Si Roxanne naman iyon.

   “Hay. Teka nga. Baka nakakalimutan mo, marami kang dapat ipagpasalamat sa akin. Kaya huwag kang kumokontra sa mga sinasabi ko.”

   Inirapan ito ni Roxanne.

    “Let’s go back. Sa harap lang naman nang dalawa tayo magkukunyari. Sasama ka sa mga photoshoots kung kasama ang kahit na sino sa dalawa. Pansamantala lang naman, hanggang sa tantanan na nila ako at maniwala na may girlfriend na akong iba.”

    “Eh bakit ba kasi hindi ka na lang mag girlfriend nang totoo. Ikaw na may sabi na gwapo ka, diba?”

    “Huwag ka nang maraming tanong. Sundin mo na lang. Susunduin o tatawagan na lang kita, okay?”

    “P-pero, paano kapag may pasok ako?”

   “I’ll handle that. Tsaka karamihan nang skeds nang photshoots at pictorials ay weekdays kaya hindi heavy ang trabaho mo noon.” Tila siguradong sigurado na sabi nang lalaki.

    “H-hindi ba nakakahiya?”  Mahinang tanong ni Roxanne.

    “What? Anong nakakahiya?”

    “I mean, magpapakilala ka nang girlfriend na panget sa mga magagandang naghahabol sayo.” Yumuko si Roxanne.

    “Don’t think too much, my girlfriend to be. Now, ihahatid na kita sa inyo. Remember our deal, okay?”

    Tumango lang si Roxanne.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status