Share

Kabanata 8

"Wow! Ang ganda naman dito."

Nakangiting sabi ni Alyssa. Naglalakihan at naggagandahang bulaklak ng sunflower kasi ang bumungad sa kanya pagkalabas niya sa veranda. Natanaw na niya ito kanila sa attic while talking to Jaycee. So, she made a mental note na pupuntahan niya ito right after their conversation. 

"Talagang maganda..." Narinig niyang tugon sa kanyang sinabi. Napalingon si Alyssa sa kanyang likuran. Si Mark pala ang nagsalita. 

"You want some tea?" Tanong nito habang papalapit sa kanya. May dala itong dalawang tasa. Hindi pa man siya nakakasagot ay iniabot na nito sa kanya ang isa while taking a sip on the other cup. Naamoy ni Alyssa ang tsaa. It was a chamomile tea. She take a sip and soon the calming effect of it reach her senses.

"And relaxing too." Nakangiting sabi ni Alyssa habang nakatanaw sa magandang tanawin. Ang mga bulaklak ng sunflower ay parang sumasayaw habang ito ay iniihip ng hangin. 

"Yeah."

A moment of silence pass through them. Naupo si Alyssa sa upuan na yari sa narra, habang si Mark naman ay prenteng sumandal sa dingding. Pareho silang nakatanaw sa mga sunflower habang ninanamnam ang masarap na tsaa. Mayamaya pa biglang natawa si Mark. Napatingin si Alyssa dito. 

"Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa nga pala tayo magkakilala." Nakangiting sabi nito kay Alyssa. "By the way, I'm Mark." He extend his right hand indicating a handshake.

"Alyssa." Sagot naman ng dalaga saboy abot sa nakalahad nitong kamay. The moment their hands connect a sudden spark hit them both. Pareho silang nabigla sa naramdaman kaya mabilis nilang binawi ang kamay sa isa't isa at natahimik.

"Alyssa, if you don't mind me asking..." Sabi ni Mark na mabilis na nakabawi sa pagkabigla. "What happen to you? Bakit nakita kitang palutang-lutang sa may dalampasigan?" 

Ikinuwento ni Alyssa sa binata ang nangyari sa kanya. Simula sa pangyayari sa elevator, sa yate hanggang sa mapadpad siya sa dalampasigan. 

"Do you have any idea who might do this to you?" Curious na tanong ni Mark.

"Wala. Wala akong maisip na pupuwedeng gumawa nito sa akin." Nakayukong sagot ni Alyssa.

Matamang tinitigan ni Mark ang nakayukong dalaga. Wala siyang nakikitang anumang bahid ng takot o pag-aalala sa mukha nito. Kahit nang magsimula itong magkuwento kanina. Tanging maaliwalas na ekspresyon lang ang kanyang nakikita. Hindi tuloy niya maiwasang hangaan ito.

He finds Alyssa to be a tough woman. And aside from that, he can't even resist her charm. From the start na makita niya ito sa dalampasigan up to that handshake, he can't deny the fact that he's attracted to her. Ramdam na ramdam din niya iyong spark sa handshake nila kanina. Hindi lang siya nagpahalata sa dalaga. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status