Share

Kabanata 4

"Aahhhh..."

Iniumpog ni Alyssa ang kanyang ulo sa ulo ni Mark at sabay pakawala pa ng isang suntok sa sikmura para sa binata. Nagulat si Mark sa ginawa nito. At bago pa man siya makapagreact, nakatakbo na agad si Alyssa papalayo. 

"Miss, saglit..." Tawag ni Mark dito. Ngunit, hindi man lang siya nito nilingon. Bagkus ay lalo pa yatang binilisan ang pagtakbo. Agad kasi itong nawala sa kanyang paningin.

"Kakaibang babae..." Napailing na lang si Mark sa pangyayari. Mayamaya pa bigla siyang napaisip. Bakit kaya ganoon ang naging reaksyon nito sa kanya? Saka ano kaya ang nangyari dito? Bakit kaya ito nagpalutang lutang sa dagat? Para magkaroon ng kasagutan ang kanyang mga tanong, sinundan niya ang dalaga. 

Tinahak ni Mark ang direksyong tinumbok nito. May nakita siyang trail ng mga footprints na naiwan sa dalampasigan kaya madali niya itong masusundan. Huminto ang last footprint nito sa bukana ng gubat. 

"Shit!" Mabilis na tumakbo si Mark papasok sa gubat. Pamilyar na siya sa lugar kaya alam niya kung gaano kadelikado sa loob nito. Nagkalat ang mga mababangis na hayop at animal traps sa loob ng gubat. Nalaman lang niya iyon nang mag-install siya ng surveillance camera sa buong isla. 

Sa loob ng hotel...

"Laura...Laura..." Napamulat ng mga mata si Laura ng maramdaman niyang may tumatapik sa kanyang balikat. 

"Young miss..." 

"Laura, si Jaycee 'to." 

"Jaycee??" Naguguluhang tanong nito. Si Jaycee ay isa rin sa mga bodyguard ni Alyssa.

"Anong ginagawa..." Bago pa man matapos ni Laura ang kanyang sasabihin, biglang nag-flashback sa kanya ang pangyayari sa elevator. Mabilis siyang napaupo mula sa pagkakahiga sa sofa. 

"Jaycee? Nasaan ang Young miss?" Nag-aalalang tanong ni Laura. 

"Nawawala ang Young miss. Ikaw lang ang nakita ko sa loob ng elevator." Tugon ni Jaycee sa kanyang tanong. "Nakausap ko na ang security management ng hotel. Nagrequest na rin ako ng kopya ng kahapong CCTV footages. Kaya huwag ka nang masyadong mag-alala sa Young miss. Makikita rin natin siya." Pagbibigay assurance sa kanya ni Jaycee. 

"Alam na ba ito ni Master at Madam?"

"Hindi pa nila alam. Mahigpit na bilin ng Young miss na kapag nangyari ang ganitong klaseng insidente, huwag ipapaalam sa Master at Madam. Dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito. At kung kinakailangan daw ng tulong, si First Young Master daw ang lapitan."

"First Young Master??" Napataas ang kaliwang kilay ni Laura pagkarinig sa sinabi ni Jaycee. "Si First Young Master talaga? Sigurado ka?" Hindi malaman ni Laura kung matatawa o maiinis sa sinasabi ni Jaycee. Of all people kasi, bakit kay First Young Master pa. Sa tatlong kapatid na lalaki kasi ng Young miss, si First Young Master ang pinaka-istrikto at mahirap hagilapin. Busy kasi ito sa kaliwa't kanang pagsusupervise ng buong Madrigal-Araneta Group of Companies here and abroad. Kaya bihirang-bira nila itong makita.

"Did someone mention my name awhile ago?" 

Gulat na napalingon sina Laura at Jaycee sa kanilang likuran. Kilala nila ang boses na iyon. Si First Young Master. Nakasuot ito ng shades habang nakahalukipkip na nakasandal sa hamba ng pinto ng silid. At mataman silang tinitingan.

"First Young Master.." Tugon ni Jaycee, na unang nakabawi sa pagkabigla.

"May kailangan ba akong malaman?"  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status