Share

Kabanata 2

”Jasper! Maghintay ka at tignan mo, hindi ko hahayaan na makuha mo ang mga gusto mo!” galit na sigaw ni Penelope bago ito umalis.

Walang bakas ng pagsisi sa mga mata ni Jasper nang tignan niyang umalis si Penelope sa galit.

Dapat iniwan niya na itong babae noon pa.

Pag sapit ng gabi, ang mga langit ay unti-unti ng dumidilim.

Sinulat ni Jasper lahat ng oportunidad na pwedeng pagkakitaan ng pera base sa mga naalala niya sa kanyang memorya sa notebook kung sakali makalimutan niya ang mga ito. Ito ang pinakaimportante sa buhay niya ngayon. Hindi siya maaring maging pabaya dito.

Sa hindi inaasahan, may kumatok sa pinto.

Binuksan ni Jasper ang pinto at bumungad sa kanya ay tatlong tao-Penelope Hunt, ang kapatid niya na si Calvin Hunt at ang nanay niya na si Susan Jones.

Iritable ang mukha ni Susan. Nang masilayan niya si Jasper, dinuro duro niya ito at sinigawan, “Jasper Laine! Hinayaan kong ligawan mo ang anak ko dahil akala ko tapat at totoo kang tao. Sino ka para iwan ang anak ko, wala kang puso?! Tao ka ba?!”

Tinignan ni Jasper si Penelope, ang kanyang mata ay pulang pula kakaiyak. “Nakipaghiwalay ako sa kanya ng maayos. Ayusin mo ang pananalita mo,” mahinahong sagot ni Jasper.

“Ano put*ng in* ka!”

Nagalit si Calvin Hunt. Dinuro niya din si Jasper at sinigawan, “Nakikita mo ba kung paano mo pinapaiyak ang kapatid ko? ‘Wag mo ng ipagtanggol ang sarili mo. Sa tingin mo hindi ko alam na kaya mo ginawa to dahil hindi mo kami kaya pahiramin ng pera.”

“‘Nay, sinabi ko sa’yo noon pa na ang mga taong tiga probinsya ay masyadong makwenta. Ang mga magulang niya wala gaanong nakamit sa buong buhay nila, ano pa aasahan mo sa anak nila? Paano nila nakukumpara ang mga tao na kagaya natin na tiga syudad?” sabi ni Calvin.

Tumawa si Susan Jones, “Nabulag siguro ako noong hinayaan ko na maging nobya mo ang anak ko. Tama ang aking anak. Ang mahirap na magulang ay paniguradong magpapalaki ng mahirap na anak. Dahil dito sa maliit na pera na hinihiram namin, masasabi namin na patapon ‘yang ugali mo,” sagot niya.

“Sa tingin mo ba makakaalis ka ng ganun-ganon na lang matapos mo sayangin ang tatlong taon ng anak ko sa’yo? Mangarap ka! Kahit ano pa man, kailangan mo kami bigyan ng $300,000!”

Si Jasper ay nanatiling walang pakielam sa mga pinagsasabi nila. “Wala akong pera,” tugon niya.

Natawa si Susan. “Walang pera? Hindi ba magkakapera ka pag binenta mo ‘yung bahay ng mga magulang mo?”

“Mismo!” pagsang ayon na sagot ni Calvin. “Pwede naman sila umupa ng kwarto o kaya sa palayan matulog pagkatapos ibenta ang kanilang bahay. Gayon pa man, mga magsasaka naman sila buong buhay nila at wala silang alam kung hindi magtanim. Baka mas makakabuti sa kanila tumira sa palayan nila.”

Habang patuloy siyang nagsasalita, ang mga mata ni Calvin ay puno ng kasakiman. “Ibigay mo na din ‘tong bahay na ito sa akin. Magpapakasal na din ako bago matapos ang taon na ito. Kailangan ko ng matitirhan pagkatapos ng kasal. Pag ginawa mo ito, sasabihan ko ang kapatid ko na makipag balikan sayo,” sabi niya.

Bakas sa mga mata ni Susan ang pagkatuwa. Matapos ang insidente, hindi lang magbabayad ang kanyang anak ng $300,000 pero kailangan niya din pakasalan ang babae. Siya ay nagaalala dahil walang sariling bahay ang kanyang anak. At wala sila ibang bahay na nakikita na pwede maging pag-aari bukod sa momentong iyon.

“Oo, itong bahay na ito ay mukhang maganda na tirhan ni Calvin matapos siyang ikasal,” masayang sagot ni Susan.

Tumawa ng malakas si Jasper dahil sa kasakiman ng mag-ina. “Napakagandang plano. Hindi lang bahay ng mga magulang ko ang gusto niyo ibenta, pati itong bahay ko din na ito? Ginamit ng mga magulang ko ang lahat ng ipon nila para mabili itong bahay na ito para tirhan ko matapos ko ikasal!”

“Tanga ka talaga!” bungad ni Calvin, “Pag hindi kami pumayag ng nanay ko, sino magpapakasal sa isang mahirap na probinsyano na tulad mo? Para saan pa ang bahay na ito? Hindi ba para ito sa’yo at sa magiging asawa mo? Maipapakita mo ang iyong sinseridad pag ibinigay mo tong bahay na to sakin bilang regalo sa kasal ko.”

Nagsimula na din magsalita si Penelope. “Tama, Jasper. Siya lang ang kapatid ko. Nag sumikap kami para sa kanya, tama ba? Makinig ka sakin. Kausapin mo mga magulang mo at ipaalam mo na ibebenta mo kanilang bahay, at ibigay mo itong bahay na to sa kapatid ko bukas pag pasok mo sa trabaho. Pag ginawa mo to, papatawarin kita at papayag akong magpakasal sa’yo.”

“Nabaliw na ba kayo?”

Tinignan lang silang tatlo ni Jasper. “May utang ba ako sa pamilya niyo? O hindi pa ba malinaw kay Penelope ang pinag usapan namin kanina? Sinabi ko sa kanya na umalis na siya. Ngayon pwede ba kayong tatlo ay umalis na din. Ako at si Penelope ay wala ng relasyon. Anong karapatan niyo para utus-utusan ako?” tanong niya.

Lalong ikinagalit ni Susan ang mga salita ni Jasper. Tinignan niya si Jasper sabay duro na may halong gigil ng galit sa mukha. “Wala ka talagang utang na loob b*stardo ka! Put*ng in* ka!” sigaw niya.

“Jasper Laine!” mataas na tonong sigaw ni Penelope. “Nakita mo kung gaano mo ginalit si nanay! Mang hingi ka ng tawad! Hindi mo ba naalala yung mga panahong hinahabol mo ko noon? Hindi mo ba pwedeng gawin ito para sa akin ngayon. Tao ka pa ba?” tanong niya.

“T*ng in* yan, hinabol niya yung kapatid ko na parang aso noon. Ngayon iiwan mo na lang ng ganun-ganon na lang. Jasper Laine, kasuklam-suklam ka! Mahirap na b*stardo. Yung buong pamilya mo lalong maghihirap ng sobra…”

Bago matapos mag salita si Calvin, tinignan lamang siya ni Jasper.

“Bahay ko ito. Ito ang sasabihin ko sa inyo sa huling pakakataon, alis!” sigaw ni Jasper. Pagkatapos nito ay sinara niya ang pinto ng malakas.

Habang nakatingin sa saradong pinto, si Susan ay nang gagalaiti sa galit.

“Nay, patawad. Hindi ko alam na ganito siya…” umiiyak na sagot ni Penelope.

Maski si Calvin dumilim ang ekspresyon ng mukha. “Nay, ano na gagawin natin ngayon? Itong b*astardo na ito ayaw ibenta ang bahay. Hindi ako pwede pumunta sa korte. Masisira ang buhay ko. Paano ang bahay ko?” tanong niya.

Galit na tinitigan ni Susan ang pinto. Sagot niya ng pasuklam, “Gabi na, bumalik na tayo. Darating din ang oras na kakarmahin itong walang utang na loob na b*astardo na ito!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status