Hindi man naiintidihan ni Wendy Schuler ang stock market, narinig niya na ito at gusto niyang subukan. Nagaalinlangan siya ng bahagya pero mas pinili niyang pagkatiwalaan si Jasper at agad itong nagbukas ng account. “Tangent Technology, Cain Industry, and Phoenix Pharmaceutical. Itong tatlong stocks.”Dahil sa napaka ganda ng kanyang assistant na si Wendy, hindi nag dalawang isip pa si Jasper na gawin ito mismo. Matapos niya sabihin ang pangalan ng tatlong stocks, si Wendy ay nagbukas ng magkakaibang account para dito. Sa kanyang nakaraan, itong tatlong ito ang pinaka bullish na stocks!“Paano natin ito bibilhin?” tanong ni Wendy. Ang $1.8 milyon na pera ay naghihintay lamang sa account na kanyang hinahawakan. Ito ay napaka laki ng halagang pera sa panahon ngayon. Subalit, hindi kinakabahan si Wendy. Isa pa, bilang isang anak ng pinakamayaman sa kanilang probinsya, mas marami na siyang nakitang pera mas marami pa sa pwedeng paglaruan na Lego blocks. Ang mga sumunod na salita ni J
”Anong problema?”“Gusto ko maging magkakilala kayo ng ama ko!”Matapos si Wendy magsalita, napansin niya ang pagka bigla ni Jasper. Ang kanyang magandang mukha ay biglang namula, “’Wag mo masamain, hindi ‘yun ang ibig kong sabihin.”“Itong nakaraan kasi ang aking ama ay nalulong sa financial investment, pero wala siyang naiintindihan kaya nalugi siya ng malaking pera. Sana matulungan mo siyang mapunta sa tamang direksyon.”Sa totoo lang, nangyari nga. Alam ni Jasper na may pinagdadaanan si Wendy ngayon. Makalma niyang sinabi, “Bakit kita kailangan tulungan?”Nagulat si Wendy. Simula ng bata pa lang siya, halos lahat ng nasa paligid niya ay gagawin kung ano ang hilingin nito. Lalo na ang mga lalake para lamang makumbinsi siya. Hindi ba iyon kusang loob nila? Tama si Jasper. Wala naman relasyon na namamagitan sa kanilang dalawa. At isang milyonaryo na si Jasper at hindi matatapos ang kanyang kinahaharap. Kung tutuusin, sila lamang ay mag kaklase noon, bakit siya tutulungan ni Jasper?
Ang lalaki ay nakasuot ng pang kaswal na pananamit, pero ito ay nakasuot ng isang maganda at mamahalin na Cartier men’s watch.Ang babae naman sa tabi niya ay pinipilit siyang bilhan ng pulseras. “Felix, bakit hindi mo bilhin ito para sakin. Hindi naman ito kamahalan. Mga nasa $30,000 lang naman. Mas malaki pa nga ginagastos mo sa pag lalaro ng baraha.”Hindi pinansin ni Felix ang babaeng nasa tabi niya at ito ay nakatingin lamang kay Wendy. “Wendy Schuler?” pag tawag ni Felix.Hindi inaasahan ni Felix na matapos nila makapagtapos ng high school, ay makikita pa niya ang kanyang pinapangarap na maging kasintahan. Sila ni Wendy ay magklase noong high school. Noon pa niya nililigawan si Wendy subalit hindi siya binibigyan ng chansa. Matapos nila sa unibersidad, si Wendy ay pumunta agad sa isang unibersidad sa kapitolyo para mag aral dahil siya ay nakapasok doon sa mga matataas niyang marka. Mayroon din pera ang pamilya ni Felix, hindi siya napadala sa ganoon klase na unibersidad kaya
“Subukan mo,” sabi ni Jasper kay Wendy habang nakangiti sa kanya. Sa kanyang nakaraan, hindi niya sinubukan maging malapit kay Wendy, pero iba na ang buhay niya ngayon. Mayaman na siya at magiging mas mayaman sa hinaharap!Kapag ang lalake ay hindi na kailangan isipin ang pang pinansyal na kalagayan, makikita mo ang kumpiyansa sa sarili-katulad ni Jasper na nabuhay ng dalawang beses. Kagaya ng sabi ni Wendy dati, magkaiba ang ugali ng paggulang ang pagkabata pag ito ay pinagsama. Para itong isang bisyo na hindi mapigilan ng babae magpadala. Habang tinitignan ang kwintas na nakalagay sa jewelry box, mas lalo itong makinang tignan sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng Cartier counter. Nakaramdam ng konting kaba si Wendy. Hindi ito dahil sa mamahaling presyo na $800,000. Bilang isang anak ng pinakamayaman tao sa probinsya, hindi ito sapat para siya ay magulat. Ito ay dahil sa mga titig ni Jasper, nakaramdam ng ibang kaba si Wendy. Hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang kanyang mga
Royce Villa.Ito ang pinakasikat na private club sa kanilang lugar. Sinasabing ang amo sa likod na ito ay isang kakila-kilabot na tao na may malakas na reputasyon. Narinig na ito ni Jasper sa nakaraan niyang buhay. Noong panahon na iyon, ang amo ng kanyang tinatrabahuan na kumpanya ay miyembro nito. Bilang amo sa likod ng Royce Villa, hindi siya maari na makipag usap dito. Ngayon, habang nakatayo sa harap ng Royce Villa, mayroon na siyang kakayahan na rumanggo sa mga pinakamataas na financial circle sa syudad. “Jasper, nandito ka na.” Si John Jackson ay ngumiti at binati siya kasama ang magandang babae sa tabi niya. Sa mga gantong klaseng okasyon, lalake ang mga bida, pero maraming paraan upang mapakita ng mga lalake ang lakas nila. Ang kalidad ng babae na nasa paligid nila ay isa sa mga malalakas na paraan. Kaya lang, ang babae na kasama ni John ay walang wala kay Wendy. “John, salamat sa pag bigay sakin ng oportunidad.” Kinumpas ni John ang kanyang kamaya, “Alam ko ang kakay
Nagulat siya ng makita niya si Jasper, siya ay nag-react bigla.Nakapasok siguro siya dahil may kakilala siya. Kung hindi, paano siya makakapunta sa isang high-end party sa kanyang kakayahan lang? Makikita ang pagkainis sa mukha ni Penelope. Lumakad siya papunta kay Jasper. Ang kanyang matinis na boses ay gumambala kay Jasper na nakikipag usap sa grupo nila ni John. “Oh, Jasper, hindi ko inaasahan na nandito ka!” Ang salitang ito ay agad nakuha ang atensyon ng mga kasama niya. Nagtaka si John at tumingin kay Jasper. Nanatiling tahimik si Jasper. “Nagpapanggap na cool!” ngisi ni Penelope, “Isa ka lamang mahirap. Tapos pupunta ka dito at mag papanggap na mayaman? “Makinig kayo. Isa lang siyang lalake na umaasa sa babae. Kaya lang siya nakapasok dito ay dahil nakahanap siya ng mayaman na babae. Kayong mga mayayaman. ‘Wag kayong magpapaloko sa kanya!” Ngisi ni Penelope, sa kanyang pag iisip na inaalagaan lamang ito ni Wendy na nakita niya lamang noong isang araw! Hab
“Haha, bata!”Tumahimik sandali si Hugh, at tumawa ng malakas. “Bata, mukhang ikaw ay napaka yabang!”“Stock god man o hindi, isa lamang itong titulo, wala akong pakielam dito. Pero kung mayroong gusto umasta na mataas at magaling dahil sa isang babae, hindi ako mangangamba nito,” sagot ulit ni Jasper. Simple lamang ang rason dahil si Penelope ay ginagamit si Hugh. Ang iba ay takot kay Hugh, pero hindi si Jasper. Dumating ang punto na si Hugh Lewis ay unti-unti ng maghihirap. Karamihan sa mga investments nito ay manganganib na sa susunod na kalahating taon, at ang lahat ng ito ay mawawala, na magiging rason ng ikasisira ng capital chain ng Lantern Capital. Higit pa, sa opinyon ni Jasper, ang pagkabagsak ni Hugh ay mangyayari ng mas mabilis. Sa kanyang personalidad, sino pa ba ang mamatay kung hindi siya?“Bata, walang kwenta ang pagmamalaki. Dahil ang lahat ay nandito at magbubukas na ang market ng kalahating oras, bakit hindi tayo mag pustahan? Mamimili tayo ng stock at titignan na
Matapos sabihin ang mga katagang ito, lahat ay nagulat. Ang mga tao na kinutya siya noon ay hindi na makatawa ngayon. Maririnig ang mga buntong hininga nila. Ang isang gamit na nabili ng $500,000 ay maaring mabenta ng $35 milyon?!$35 milyon!Sa oras na iyon, kahit ang mga mayayaman na amo ay naiinggit. Ang isa sa mga hindi makapaniwala ay si Penelope at Richton.Punong puno ng selos ang kanilang mga mukha.Wala ng iba pang nakakaalam bukod sa kanila dahil nasaksihan nila na binili ni Jasper ang ruby pendant sa halagang 500,000. Noong oras na ýon, pinagtawanan nila si Jasper dahil sa akalang naloko siya sa pera. Ngayon, lumalabas na ang ruby pendant ay nagkakahalagang 35 milyon?!Tumutulo ng dugo ang puso ni Penelope. Ramdam nila na ang alahas na ito ay dapat pag mamay ari nila at sa kanila din ang 35 milyon! “Jasper Laine, bakit hindi mo sinabi na napaka halaga ng ruby na ito?” pinunto ni Penelope at sumigaw kay Jasper. “Baliw ka ba o sadyang may tama ang iyong utak?” sabi ni