Share

Kabanata 10

Ang lalaki ay nakasuot ng pang kaswal na pananamit, pero ito ay nakasuot ng isang maganda at mamahalin na Cartier men’s watch.

Ang babae naman sa tabi niya ay pinipilit siyang bilhan ng pulseras.

“Felix, bakit hindi mo bilhin ito para sakin. Hindi naman ito kamahalan. Mga nasa $30,000 lang naman. Mas malaki pa nga ginagastos mo sa pag lalaro ng baraha.”

Hindi pinansin ni Felix ang babaeng nasa tabi niya at ito ay nakatingin lamang kay Wendy.

“Wendy Schuler?” pag tawag ni Felix.

Hindi inaasahan ni Felix na matapos nila makapagtapos ng high school, ay makikita pa niya ang kanyang pinapangarap na maging kasintahan.

Sila ni Wendy ay magklase noong high school. Noon pa niya nililigawan si Wendy subalit hindi siya binibigyan ng chansa.

Matapos nila sa unibersidad, si Wendy ay pumunta agad sa isang unibersidad sa kapitolyo para mag aral dahil siya ay nakapasok doon sa mga matataas niyang marka. Mayroon din pera ang pamilya ni Felix, hindi siya napadala sa ganoon klase na unibersidad kaya siya ay pinag aral na lamang sa ibang bansa.

Sa kanyang matagal na pagkawala, si Wendy ay lalong gumanda. Kahit na hindi na siya ganoon kabata sa kanyang pagkakaalala, mas naging mature at babaeng babae ito!

Bumilis ang tibok ng puso ni Felix. Gusto niyang mapasakanya agad si Wendy.

Kaharap si Felix, si Wendy ay medyo sumimangot at may sinabi siya na sobrang kinalungkot ni Felix.

“Sino ka?”

Walang duda, nakalimutan na siya ni Wendy.

“Ako si Felix West. Magkaklase tayo noong high school. Noon panahon na yon, lagi ako nagpapadala ng mga love letters sayo araw-araw.”

Lumapit si Felix kay Wendy ng nakangiti. Nang marinig iyon, naalala na siya ni Jasper.

Noon high school sila, mayroon talagang isang tao na nag ngangalang Felix West. Isang tipikal na anak ng mayaman na pamilya. Pumunta siya sa ibang bansa para mag-aral at hindi na sila muling nagkita pagkatapos noon.

Kaya meron siyang malalim na impresyon sa kanya dahil si Felix ay lagi siyang niloloko nang sila ay high school pa!

“Felix West, ikaw nga?”

Naalala na siya ni Wendy at ito ay napangiti sa kanya. Naalala niya din na lagi niya niloloko si Jasper noong sila ay nag-aaral pa. Bigla niyang sinabi, “Hindi ko inaasahan na makikita kita dito, kaya lang marami pa akong gagawin ngayon, mag-usap tayo sa ibang araw!”

Matapos magsalita, hinila ni Wendy si Jasper at sabay sabi, “Jasp, tara na. ‘Wag mo akong bilhan ng regalo. Hindi ko naman kailangan.”

Sa mga salita ni Wendy, kasama ang mga kilos nito kay Jasper, napunta ang atensyon ni Felix kay Jasper.

Habang nakatitig kay Jasper, unti-unti siyang nakikilala ni Felix.

“Jasper Laine?”

Bigla ng naalala ni Felix si Jasper, biglang nagiba ang ekspresyon ng mukha nito. “ Hindi ba ito ung mahirap nating kaklase noong high school? Paano kayo naging malapit sa isa’t isa?”

Sa kalahati pa lang ng salita niya, nag iba ang tono at kilos ni Felix. Para bang nadumihan ang kanyang dyosa na si Wendy.

Sa oras na ‘yon, si Lindy Manson, ang babaeng kasama ni Felix, ay lumapit din.

“Felix, sino siya?” tanong ni Lindy.

“Kaklase ko noong high school!”

Ngumisi si Felix ng may halong pangmamata. “Siya ang pinakamahirap sa buong high school, sinusuot niya palagi ay iisang uniporme lang at kumakain lamang ng dalawang beses sa isang araw ng tinapay na may palaman. Lagi din siyang niloloko. Nakakaawa din ang tingin ko sa kanya, kaya paminsan minsan inuutusan ko siya at babayaran ko siya ng ilang dolyar.”

Pagkatapos mag salita, tumingin ng masaya si Felix kay Jasper. Mararamdaman ang pagmamalaki sa kanyang mga mata, tinuloy niya ang pang mamaliit kay Jasper sa harap ni Wendy. “Jasper, tama ako ‘di ba?”

“Oo, tama ka!”

Ang pagiging tapat na pagsagot ni Jasper ay hindi inaasahan ni Felix. “Lagi kami naghihirap ng aking pamilya, kaya imposible sa akin ang magkaroon ng sapat na baon noong ako ay nag aaral. Ayos na sa akin na mayroon lamang ako makain, at nagpapasalamat ako sa pagsisikap ng aking magulang sa pag tatrabaho.”

Sa pananaw ni Jasper, ang pagiging mahirap ay hindi isang kasalanan, at hindi dapat kinakahiya. Dahil sa kahirapan kaya hirap sila kumita ng pera. Sa totoo lang, ang mga mayayamang tao, sila talaga ang tunay naghirap at nagsimula sa ilalim.

Ang pagiging malawak na pag-iisip ni Jasper ay nagpataas lalo ng tingin sa kanya ni Wendy, at hindi niya maiwasang mapatitig kay Jasper.

Kinagalit lalo ito ni Felix.

Ngiting may halong pangungutya, sabi ni Felix, “Matapos ang ilang taon, ang walang kwentang ito ay naging madaldal at pakitang gilas. Narinig ko naghahanap ka ng kwintas na Étincelle de Cartier collection na kararating lamang? Alam ko ang kwintas na yan, pero ‘yan ay napakamahal. Kaya mo bang bilhin yan?”

Matapos marinig ‘yan, pinagyabang ni Felix ang kanyang kamay, “Nakikita mo tong relo na ito? Nabili ko ito ng $200,000. Nakakita ka na ba ng ganoon karaming pera sa buhay mo? Kahit hindi mo sabihin kaya ko bilhin ‘yang kwintas na yan!”

“Wendy, kahit na siya ay dati nating kaklase, kailangan mo makita ang katotohanan. Ano ang kinakaharap na meron ka kasama yang mahirap na ‘yan? Hihilahin ka lang niyan pababa. Sa iyong itsura at kakayahan, makakahanap ka ng mas mabuting lalake kaysa sa kanya.”

Si Lindy ay labis na nalulungkot dahil sa mga kinikilos ni Felix kay Wendy.

Agad niyang pinagyabang, “Oo, bilang babae, dapat tayo nagiingat sa paghahanap ng magiging nobyo. Tignan mo ako mahal na mahal ni Felix.”

“Itong nakaraan lang, binigyan niya ako ng LV handbag na nagkakahalaga ng mahigit $10,000. At ngayon, bibilhan niya ako ng Cartier na pulseras. Ang mahirap na kagaya niya, ano kaya niyang bilhin sa’yo? Kahit na lumabas kayo para mag almusal, hindi niya kaya makabili ng eggs and ham para sa isang tinapay, tama?”

Wala ng sinabi si Wendy at siya ay nakatingin na lamang kay Lindy na naawa.

Sa opinyon ni Wendy, kapag ang babae ay umabot sa punto na kailangan niya ipagmalaki ang lalake dahil sa pagkakaroon nito ng pera, ito ay isang nakakalungkot na bagay.

Ang kanyang naawang tingin kay Lindy, na nakaramdam ng pagkatalo dahil sa itsura at postura ni Wendy, ay nagalit.

“Hindi ito lugar para sa mga mahihirap na kagaya niyo. Lumabas kayo!” sigaw ni Lindy.

Sagot ni Jasper, “Itong Cartier store ba ay pag mamay-ari mo? Ano ang karapatan mo para palabasin kami?”

Matapos niyang sabihin iyon, humarap si Jasper sa salesperson na hindi alam kung ano ang gagawin sa dalawang grupo na nagtatalo. Sabi niya, “Mayroon ka bang kwintas na galing sa Étincelle de Cartier series?”

Sumingit si Felix. “Nag papanggap pa din? Nakakdiri.”

Ang salesperson ay sumagot, “Mayroon, at ito ay nagiisa na lamang sa buong rehiyon.”

Nagmamadaling nilabas ng salesperson ang kwintas.

Cartier’s Étincelle series ang pinakasikat na collection.

36 perfectly cut diamonds ang pumapalibot sa kwintas, sa gitna, mayroong kulay rosas na brilyante na hindi matatanggihan ng sino man na babae!

Ang halaga ng mga brilyante na ito ay lagpas $400,000.

Pagkalabas agad ng kwintas na ito, kahit si Wendy, na laging nakakakita ng mga alahas, ay namangha- pati si Lindy na nakatulala dito.

Ang kinalabasan, ang pulseras na gusto niyang ipabili kay Felix kanina ay naging isang basura sa kabilang kanto.

Kaya lang, si Felix ay nagdadalawang isip na bilhin ang pulseras na ‘yon para sa kanya.

“Ang kwintas na ito, kaya bang bilhin ng isang mahirap na kagaya niya?” ngisi ni Lindy.

Ngumuso si Felix at sabay sabi, “Hindi mo kailangan bayaran ‘yan. Baka gusto niya lamang magawa ang kasiyahan niya. At dahil nakita niya tayo, siya ay napilitan at naipit sa sitwasyon!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status