Share

Chapter 3.1

Nanginginig ang kamay ko at nag-u-umpisa na rin tumulo ang luha sa aking mga mata. Marahas ko iyong pinahid at mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Tama na ang pag-iyak, Meadow. Hindi mo na dapat siya iniiyakan.

Nang makarating na ako sa classroom agad akong umupo sa tabi ni Honey. Nang mailapag ko na nang maayos ang bag ko ay sinubukan kong itago ang nararamdaman ko.

Ayaw kong umiyak dito sa classroom at gumawa ng eksena atsaka ayaw ko namang mag-alala pa sa 'kin si Honey kapag nakita niya akong umiiyak kaya naman kahit mahirap sinubukan kong umakto na para bang hindi ako apektado sa bigla na lang na pagsulpot ni Kenneth.

Bakit kasi sa lahat ng school dito pa siya nag-aral? Bakit kasi kailangan pang magtagpo ulit ang landas naming dalawa? Ayos na ako, nakakaya ko nang ngumiti ng totoo. Bakit kung kelan nasa proseso na ako ng pag-ayos sa sarili ko bigla na lang siyang susulpot at sisirain ang lahat?

Ang buong akala ko okay na ako, pero bakit gano'n? Nakita ko lang siya parang nadurog ulit ako. Hindi ko maintindihan.

"Meadow, okay ka lang?" tanong sa akin ni Honey.

"Ah, y-yeah."

Hindi ko nililingon si Honey baka kasi kapag tumingin ako sa kaniya mahalata niyang hindi ako maayos ngayon.

"You sure? Baka mamaya magulat ako mahimatay ka na lang d'yan. Ang putla mo kasi. Umihi ka lang namutla ka na pagbalik mo. Oh, baka naman may nakita kang multo sa comfort room? Balita ko kasi may multo rito sa school e. Hindi lang ako naniniwala kasi hindi ko naman nakikita. Bakit may nakita ka? Anong itsura? Nakakatakot?" pang-uusisa niya pa sa akin.

Kung alam lang ni Honey kung anong nakita ko kanina. Sana nga multo na lang nakita ko kanina pero hindi e, mas nakakatakot pa sa multo ang nakita ko kanina. May mas nakakatakot pa ba sa taong nang-iwan sayo sa ere na bigla na lang susulpot sa harapan mo na parang walang nangyari? Oh, di ba mas nakakatakot 'yon.

"Good morning, class!" masiglang bati sa amin ng isang guro.

Agad kaming nagtayuan lahat nang may pumasok siya sa loob. Hindi namin siya na-meet kahapon kaya naman medyo nabigla ako nang bigla na lang siyang sumulpot.

"Umupo na kayong lahat at may announcement ako," sabi niya sabay patong ng kaniyang kanang kamay sa teacher's desk.

"Sorry ma'am, I'm late."

May biglang pumasok na classmate ko na hindi ko pa kilala. Tinanguan lang siya no'ng teacher na para bang normal na sa kaniya na may nale-late na estudyante.

"It's alright, umupo ka na hijo. So, bumalik tayo sa announcement. Gusto ko lang malaman niyo na may bagong dadagdag sa klase niyo. He's not a transferred student nagkamali lang siya ng classroom na napasukan kahapon at hindi lang naisulat ang name niya sa section niyo kaya naman nagkaproblema siya. Alam kong kompleto na kayo pero wala naman sigurong magiging problema kung may madadagdag na isa sa inyo hindi ba?" malumanay na paliwanag at tanong sa amin ng guro sa harapan.

"Naku naman, ang init init na nga dito sa classroom para na tayong mga sardinas dito magdadagdag pa ng isa bwiset!" halos pabulong na reklamo ni Honey. Medyo natawa ako dahil doon. Sa lahat na lang kasi ng bagay may bad comment siya palagi.

"Okay lang po ma'am!" sagot ng mga classmates namin. Mukha namang wala silang pakielam kung may madagdag si Honey lang talaga ang hindi sang-ayon. Kung ako ang tatanungin bakit naman hindi? Isa lang naman ang idadagdag.

Atsaka nagkaproblema pa daw 'yong tao kahapon, first day pa naman, kawawa naman siya.

"Let's just wait for him pumunta kasi siyang comfort room kanina. While waiting for him magpapakilala na lang muna ako sa inyo...."

Nagtuloy-tuloy pa ang salita ni Ma'am Salvador. Siya naman ang magiging teacher namin para sa asignaturang Physical Education. Nakakatuwa nga siya e, mukha kasing ang cool lang niyang maging teacher. Hindi siya masyadong istrikto.

Sa maikling oras na iyon nakapalagayang loob na agad ni Ma'am ang mga classmates ko na tuwang-tuwa sa mga jokes niya.

"O, tulala ka na naman d'yan Meadow," sita sa akin ni Honey na siyang nakapagbalik sa aking wisyo.

"Pasensya na may iniisip lang," sagot ko sa kaniya sabay ayos sa aking pagkakaupo.

"Kung sa bagay ako rin may iniisip. Iniisip ko kung saan kaya napulot ni Ma'am Salvador mga jokes niya masyadong corny nakakairita lang. Tapos kung makatawa pa 'yong mga ulupong doon sa likod akala mo naman ipapasa sila niyan ni Ma'am kapag tinawanan nila mga jokes niya. Mga sipsip," iritableng sabi ni Honey habang nakatingin siya ng masama sa mga kaklase naming nagtatawanan.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at natawa na ako ng malakas. "Baliw ka talaga, ewan ko sayo."

Habang natawa ay napatampal ako ng mahina sa braso niya. Agad naman niya iyong nilayo sa akin at inirapan niya ako.

"May patampal sa braso, close tayo?"

"Ay pasensya na hindi ko naman kas—"

She chuckled. "Joke lang. Alam mo ang seryoso mo lagi. Para kang tanga d'yan."

"Seryoso kasi 'yong mukha mo," pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Ewan ko sayo," sagot niya sa 'kin tapos inirapan na naman niya ako.

"O, nandyan na pala ang new classmate niyo. Halika dito hijo at magpakilala sa kanilang lahat."

Pagkalingon ko sa lalaking papasok ng classroom namin para bang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko ang mukha niya.

"Hello guys, my name is Kenneth Descallar. Sana maging kaibigan ko kayong lahat."

"Tsk, pa-cool talaga 'tong bwiset na 'to! Bakit sa dinami-rami ng classrooms dito sa atin pa siya napunta," rinig kong sabi ni Honey.

Dahil sa sinabi ni Honey nabuo ang katanungan sa isip ko na baka siya 'yong Kenneth na sinasaktan si Theo kahapon pero sana hindi, sana hindi siya 'yon.

"Meadow ayos ka lang? Maputla ka na naman."

"Wala ayos lang ako. T-Teka kilala mo ba siya Honey?" Nangangatog ang aking kamay kaya naman hinawakan ko na lang ang aking panyo ng mahigpit.

Tumingin ako kay Honey at nakita ko ang inis sa mukha niya.

"Oo naman, siya ang bully dito. Hindi ba nasabi ko na sa 'yo kahapon? Siya 'ykng Kenneth na sinasabi kong bully at 'yong taong walang ginawa kung hindi gawing punching bag si Theo," paliwanag niya sa akin habang nakatingin siya kay Kenneth na ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan.

Siya nga.

Hindi ko akalain na ganito na pala siyang tao. Masyado na siyang naging bayolente.

Sinalubong ko ang tingin niya sa 'kin. Sinubukan kong hanapin si Kenneth. 'Yong Kenneth ko two years ago, pero hindi ko na siya mahanap sa katauhan ng lalaking nakatingin sa 'kin ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status