"Sweetheart, you take care okay? Have fun and don't forget to make friends."
I kissed my father's cheek then I stepped backward to face him and rolled my eyes at him.
"Dada, you've said that three times already," sabi ko sa kaniya na tila ba nagmamaktol.
He chuckled.
"Sorry can't help it. My baby girl is now a Señior Highschool student. Parang dati lang buhat-buhat pa kita tapos ngayon you're soon to be a college girl na," he dramatically said while pouting his lips.
"Dada..." I moved closer to him.
Pinahid niya ang namuong luha sa mata niya bago niya ako niyakap ng mahigpit. I hugged him back.
"Alright, while I can still manage to control myself from dragging you home, aalis na ako. Be a good girl and make some friends. I love you, sweetie."
"I love you more. Drive safely okay? Tell mom I miss her and I love her. Ba-bye!"
Hinintay ko munang makaalis si Dada bago ako tuluyang pumasok sa malaking gate ng school.
It's my first day being an actual student. I mean, noon kasi homeschooled ako. Hindi ko na nga halos matandaan kung anong pakiramdam ng pumasok sa school dahil since fifth grade homeschooled na ako.
I lower my head while walking, pakiramdam ko kasi lahat sila nakatingin sa akin. Pakiramdam ko tinititigan ako ng mga estudyante na nakakasalubong ko. Hindi ko alam kung talagang nakatingin sila sa akin o napa-paranoid na naman ako.
I feel really awkward while walking kaya naman lumakad ako ng mabilis. Sa sobrang protective kasi ni Dada bago ako pumasok ngayon pumunta na siya dito sa school kahapon to get my class schedules and classroom number, kaya naman ngayon hindi na ako pipila pa katulad ng mga estudyante ngayon na mahabang nakapila para hanapin ang section nila sa bulletin board.
Room 403. Room 403. Room 403.
Paulit-ulit kong binasa ang room number ko. Kinakabahan kasi ako at baka ma-late ako sa first day ko. I don't want to put a bad impression to my classmates and teachers on our first day.
Ang daming estudyante!
Halos nagkakabanggan na ang mga braso namin habang naglalakad. Medyo makipot kasi ang daraanan kaya naman halos magkakadikit na ang mga estudyante sa hallway.
Muntikan na nga akong matumba dahil ang lakas ng pagkakabangga sa akin no'ng isang estudyante na hindi man lang nag-sorry, pero hinayaan ko na lang. Baka ganito talaga sa public schools.
My Dada enrolled me in public school because he wants me to experience everything he experienced when he was in highschool. Nakipagtalo pa nga siya kay Mamita tungkol dito pero sa huli si Dada pa rin ang nasunod. Iba daw kasi ang saya sa public schools instead sa private schools. I don't know what's best for me that's why I just let my dad make a decision about it. I trust him and I know that if he thinks that public school is the best school for me then it is the best for me.
"O, sige, sanggi lang ng sanggi mga punyeta. Uso umilag mga tanga!"
Napatingin ako sa babae na nasa harapan ko ngayon. May nakasanggi kasi sa kaniyang lalaki kanina. Sa lakas ng boses niya halos lahat ng estudyante napatingin na sa kaniya.
"O? Tinitingin-tingin niyo? Alam niyo na ngang masikip kung ibalandra niyo 'yang mga katawan niyo feeling niyo maluwag ang daan. Oo, ang tatanga niyo!"
Narinig ko na nagbulungan ang ibang estudyante pero wala namang nagtangkang sumagot pa sa babae.
Nang umabante na ang babae ng lakad napansin ko na kahit papaano ay napabilis ang paglalakad namin. Hindi na kasi katulad kanina na basta na lang kung makalakad iyong mga estudyante na pasalubong sa amin, ngayon umiiwas na sila.
Mabuti na lang talaga at nagsalita iyong babae. Mukhang takot din kasi sa kaniya 'yong ibang estudyante. Gusto kong mag-thank you sa kaniya dahil kahit papaano napabilis kaming lahat na nasa likuran niya kaso nga lang mukha siyang mataray kaya di bale na lang.
Ibinalik ko na lang ang pansin ko sa paghahanap ng classroom. Nandito na ako sa fourth floor at pawis na pawis na ako.
Sana naman mahanap ko na ang classroom ko.
Agad naman akong nabuhayan ng loob nang makita ko ang number ng room na nasa tapat ko.
Room 401.
Thank God! Malapit na ako.
Halos takbuhin ko ang classroom namin nang makita ko na iyon pero napatigil ako sa paglalakad nang masilip kong marami nang estudyante sa loob.
Nakakahiyang pumasok!
Dapat pala mas binilisan ko ang paghahanap ko kanina. Pero sa huli nagdesisyon na rin akong pumasok. Hindi rin naman ako masyadong kinabahan dahil pansin ko namang may mga sari-sarili silang mga mundo. Karamihan ng mga estudyante ay nakaupo sa bandang likuran. Halos bakante pa ang mga upuan sa unahan kaya naman sa may bandang unahan na lang ako umupo.
Ano kayang meron sa likuran at bakit mas gusto nila doon kaysa dito sa unahan? Mas makakapag-focus ka kaya kapag mas malapit ka sa teacher.
Habang wala pa ang teacher ay nagmasid muna ako. Malinis ang buong classroom at may kalakihan din ito.
Na-excite akong bigla nang mapansin kong tabi-tabi pala ang mga upuan. Wala kasi akong ibang nakakausap noon bukod kay Mommy at Dada. Wala naman kasi akong kaibigan, well paano ako magkakaroon e homeschooled ako tapos hindi pa ako gustong kalaro ng mga batang nakatira malapit sa bahay namin noon.
Kung wala akong magiging kaibigan dito sa room I'm okay with that pero kung magkakaro'n why not?
"Hay, ang init talaga sa Pinas," naiiritang sabi ng isang babae.
Napausod ako ng konti nang bigla na lang umupo sa katabi kong upuan 'yong babae at basta na lang niyang binato ang bag niya sa likod ng upuan niya.
Umayos ako ng upo at tinignan ko siya. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na siya 'yong babaeng sumigaw kanina habang naglalakad sa corridor.
Naunahan ko pa pala siya.
Hindi ko tuloy alam kung kakausapin ko siya o hindi baka kasi sungitan niya lang ako.
"Bago ka lang dito 'no?"
Napatingin ako sa kaniya nang bigla niya akong tanungin.
Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sagutin kaya imbes na magsalita tinanguan ko na lang siya. Medyo natatakot pa kasi ako sa kaniya.
"I knew it. Hindi ka kasi tumakbo paalis nang bigla na lang akong umupo dito sa tabi mo e," kaswal niyang paliwanag sa akin na tila ba sanay na siya sa gano'ng reaksyon ng mga tao sa kaniya.
Kinuha niya ang bag niya at nilabas ang pouch niya na naglalaman ng mga make-up.
"Tumakbo paalis?"
Tumango siya sa akin.
"Oo, tumatakbo kasi madalas mga estudyante dito kapag tinatabihan ko e," she casually said.
Kinuha niya ang mascara niya pagkatapos ay binuksan iyon at maingat niyang nilagyan ang kaniyang pilik-mata.
Mas lalo lang akong natakot sa kaniya dahil sa sinabi niya.
Bakit tatakbo? Maldita ba siya? O baka naman kasali siya sa isang gangster dito sa school tapos nambubugbog sila ng mga estudyante?Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng malakas.
"Bakit?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.
"Ikaw kasi namutla ka naman d'yan agad! Masyado kang paniwala, joke lang 'yon. Anyway, ako nga pala si Honey Quinzel Rodriguez ikaw?"
I suddenly envy her for being confident when it comes to starting a conversation with a stranger. Hindi kasi ako gano'n. Hindi ko alam kung paano makipag-usap sa tao kaya madalas wala akong kausap. Kahit siguro iwan mo ako sa isang court na punong-puno ng tao hinding-hindi ako makikipag-usap sa mga taong nandoon, hindi dahil maarte ako kung hindi dahil hindi alam kung paano gumawa ng first move to talk to them.
"My name is Meadow Rain Fabiana. Nice to meet you," nahihiya kong sabi sa kaniya.
"Wow, pangalan mo pa lang pang-mayaman na. Kung sabagay ang kinis mo. Mukha ngang mayaman ka pero bakit nag-public school ka? Mga kupal mga tao dito mukha ka pa namang mabait."
"Si Dada ang nagdesisyon sa pagpasok ko dito, hindi ko masyadong maidetalye sa 'yo kasi masyadong mahaba ang dahilan," tugon ko sa kaniya habang siya ay patuloy pa rin sa pagre-retouch.
Mukha naman siyang mabait, na may pagkamaldita pero sana nga, makasundo ko siya
She's beautiful. Maputi siya, medyo chubby ang cheeks niya na sa tingin ko ay natural na mamula-mula, may katangusan din ang ilong niya at medyo manipis ang labi niya. Kulay brown ang buhok niya na nakaladlad at mukha talaga siyang mataray. Maybe it's because of her eyes? Iba kasi siya tumitig; malalim. "You have two years to tell that to me." "Huh?" "Wala, ang sabi ko umayos ka na ng upo dahil nandyan na si Bonsai." "Good morning class!" Lahat ng estudyante ay nagtayuan kaya naman nakigaya na lang din ako. Nang utusan kaming umupo na ay umupo na lang din ako agad at inayos ko ang pagkakaupo ko. "I see some familiar faces.. Anyway, let me introduce myself first before anything else. My name is Rosaline Fernandez and I'll be your General Mathematics teacher," malakas na pagpapakilala ni Ma'am Rosaline para siguro makuha ang atensyon ng mga estudyante sa may bandang likuran na may kung anu-anong ginagawa.&nb
"Thank you nga pala sa libre kanina, Honey," sabi ko sa kaniya nang makalabas na kami sa gate ng school. "Wala 'yon. Minsan lang naman ako manlibre atsaka mumurahin lang 'yong nilibre ko sayo. Anyway, saan ba daan mo? Tara, sabay na tayong umuwi," aya niya sa akin. Umiling ako sa kaniya. "Next time na lang. Dada will pick me up kasi e," nahihiya kong pagtanggi sa kaniya. "Ah, gano'n ba. You want me to stay with you habang wala pa 'yong papa mo?" tanong niya sa 'kin habang tinitignan niya ang kaniyang sarili sa maliit na salamin na hawak niya. Umiling ako sa kaniya. "Naku, hindi na. You've done so much for me today." "No problem you're a friend naman," she nonchalantly said then she shrugged her shoulders. "A friend?" Nakita kong para bang nataranta siya bigla kaya medyo natawa ako sa itsura niya. "Ah, wala. May sinabi ba ako? Okay sige kaya mo naman na
My mom died when I was just ten years old. Dada become depressed because of that. Hindi siya kumakain palagi lang siyang nakatulala at kung minsan bigla-bigla na lang namin siyang nakikita na umiiyak. Hanggang sa nailibing na si Mommy hindi pa rin sumilip si Dada sa kabaong. Ang sabi niya kasi gusto niya na ang tanging maaalala niya lang kay Mommy ay 'yong mga panahong buhay pa ito. At iyon din ang naging dahilan kung bakit homeschooled ako. Dada became protective of me after losing mom. I completely understand dad that time kaya naman pumayag din ako. At bukod doon, gusto ko ring bantayan na lang si Dada. He tried harming himself one time while I was in school at kahit pa bata pa lang ako noon tumatak ang pangyayaring iyon sa 'kin kaya mas minabuti ko na lang na mag-aral na lang sa bahay. "Sweetheart, we're here. Kanina ka pa tahimik. Is there something bothering you? nag-aalalang tanong niya sa'kin. "Wala naman, Dada.
Halos hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip kay Theo at sa mga bagay na sinabi niya doon sa rooftop kahapon. Sa tuwing iniisip ko kasi 'yong mga sinabi niya mas lalo lang akong na-curious sa pagkatao niya. He always wear his jacket kahit hindi naman malamig, tapos palagi pa niyang tinatago ang mukha niya sa pamamagitan ng pagyuko at pagpapanatili niya sa mahaba niyang bangs. At hindi lang 'yon napansin ko ding hobby na niyang magpaalipusta na lang kung kani-kanino. Ang buong akala ko talaga kaya hindi siya nalaban sa Kenneth na 'yon ay dahil takot siya pero nang makita ko ang nangyari sa party ni Tita Anastasia kahapon ay napagtanto ko na hindi niya talaga pinaglalaban ang sarili niya. He's weird and mysterious. "Sweetheart, you're alright? Kanina ka pa nakatulala and you're not eating your food. What's the matter? Ayaw mo ba sa school mo? I could still transfer you to another school if you want," Dad worriedly said. He's always been like that ka
Nanginginig ang kamay ko at nag-u-umpisa na rin tumulo ang luha sa aking mga mata. Marahas ko iyong pinahid at mas binilisan ko pa ang paglalakad.Tama na ang pag-iyak, Meadow. Hindi mo na dapat siya iniiyakan.Nang makarating na ako sa classroom agad akong umupo sa tabi ni Honey. Nang mailapag ko na nang maayos ang bag ko ay sinubukan kong itago ang nararamdaman ko.Ayaw kong umiyak dito sa classroom at gumawa ng eksena atsaka ayaw ko namang mag-alala pa sa 'kin si Honey kapag nakita niya akong umiiyak kaya naman kahit mahirap sinubukan kong umakto na para bang hindi ako apektado sa bigla na lang na pagsulpot ni Kenneth.Bakit kasi sa lahat ng school dito pa siya nag-aral? Bakit kasi kailangan pang magtagpo ulit ang landas naming dalawa? Ayos na ako, nakakaya ko nang ngumiti ng totoo. Bakit kung kelan nasa proseso na ako ng pag-ayos sa sarili ko bigla na lang siyang susulpot at sisirain ang lahat?Ang buong akala ko okay na ako, pero bakit gano'n?
I ignored Kenneth's presence. Kahit pa nasa likuran ko lang siya nakaupo. Bukod kasi sa kadahilanang ayaw kong malaman pa ni Honey na kilala ko si Kenneth ay ayaw ko na talagang makausap pa siya. For what? Closure? No thanks. I'd rather live a life not knowing why he left me instead of hearing him out and know his nonsense reasons.Kahit pa magpaliwanag siya he can't undone what happened in the past. We can't do anything about it now. We just have to move on and continue with our life.I'm perfectly fine now. I hope he is too. We seriously need to just forget everything that happened between us in the past. We're so young back then, we thought we're really in love with each other, we're both stupid to think that what we have back then will lasts long. We got hurt, he left me without a single word, end of story.If he's doing this because he's guilty about leaving me I would recommend him to just stay away dahil kahit hindi pa siya humingi ng tawad sa 'kin sa mga
Nang makahanap na kami ng mauupuan ay agad kaming umupo doon. Katulad kahapon sa may bandang dulo na naman ang table namin. Masyado kasing maraming tao sa may unahan at kalimitan puro occupied na 'yong seats doon."Ako na lang ang o-order," presinta ko kay Honey."Sure ka? Baka naman magulat ako may pasa ka na pagbalik mo dito.""Grabe naman! Hindi naman siguro."Kinuha na ni Honey ang wallet niya at naglabas siya ng one hundred pesos."Wala akong barya e, pero cup noodles na lang ang sa 'kin. Wala ako sa mood magkanin ngayon.""Anong flavor?""Kahit ano basta cup noodles."Ibinalik ko ang pera niya."Libre ko na, pinasaya mo kasi ako kanina e. Pa-thank you ko lang," nakangiting sabi ko sa kaniya, siya naman ay nakakunot ang noo sa 'kin."You're weird."I just laughed at her pagkatapos ay umalis na ako sa may table namin para makipila na. Buti na lang mabilis magbenta iyong mga tindera kaya naman naging mab
After eating, naghiwalay na kami ni Honey ng daan; siya patungo sa classroom namin ako naman patungo sa abandunadong building.I'm not a fan of horror movies and anything related to that. Kaya naman hindi ko din maisip kung bakit pumayag akong pumunta dito ngayon. Bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng maging tambayan dito pa naisip na tumambay ni Theo?Theo is recluse; I only see him by chance. Kaya naman ito lang ang pagkakataon na makikita ko siya. Ibibigay ko lang naman sa kaniya itong bracelet niya pagkatapos aalis na rin ako. Dahil kapag hindi ko pa nabigay itong bracelet baka sa susunod hindi ko na talaga siya mahagilap pa. Sa tingin ko nga kung alam niyang papunta ako sa tambayan niya baka umalis na iyon agad at hindi na tatambayan ulit sa abandunadong building para lang maiwasan ako.Hindi lang naman 'yong bracelet ang dahilan ng pagpunta ko sa kaniya. Hanggang ngayon kasi ay nag-aalala pa rin kasi ako sa kaniya dahil sa nangyari.