She's beautiful. Maputi siya, medyo chubby ang cheeks niya na sa tingin ko ay natural na mamula-mula, may katangusan din ang ilong niya at medyo manipis ang labi niya. Kulay brown ang buhok niya na nakaladlad at mukha talaga siyang mataray. Maybe it's because of her eyes? Iba kasi siya tumitig; malalim.
"You have two years to tell that to me."
"Huh?"
"Wala, ang sabi ko umayos ka na ng upo dahil nandyan na si Bonsai."
"Good morning class!"
Lahat ng estudyante ay nagtayuan kaya naman nakigaya na lang din ako. Nang utusan kaming umupo na ay umupo na lang din ako agad at inayos ko ang pagkakaupo ko.
"I see some familiar faces.. Anyway, let me introduce myself first before anything else. My name is Rosaline Fernandez and I'll be your General Mathematics teacher," malakas na pagpapakilala ni Ma'am Rosaline para siguro makuha ang atensyon ng mga estudyante sa may bandang likuran na may kung anu-anong ginagawa.
Nagtaka naman ako bigla, Rosaline naman pala ang pangalan ng teacher namin pero bakit Bonsai ang tawag ni Honey sa teacher namin?
"Bakit nga pala Bonsai ang sabi mo sa 'kin kanina?" tanong ko kay Honey nang may pagtataka.
"Ang liit lang kasi niya. Kung anong kinaliit niya gano'n naman kinalaki ng boses niya tapos puro failing grades binibigay," reklamo niya gamit ang mahinang boses.
Magsasalita pa sana ako kaso biglang tinawag ni Ma'am Rosaline si Honey.
"O, Rodriguez estudyante na naman pala kita," nakangising sabi ni Ma'am Rosaline na tila ba iniinis si Honey.
"Nagtaka ka pa e binagsak mo nga ako," pabulong na sabi ni Honey pabalik.
"Anong binubulong-bulong mo d'yan Rodriguez?" tanong ni Ma'am Rosaline habang nakahawak ito sa magkabila niyang bewang at tinaasan ng kilay si Honey.
"Wala ho ma'am," sagot ni Honey sabay palihim niyang tinarayan si Ma'am Rosaline.
"Aba, mabuti naman. Dalawang beses na kitang binagsak baka hindi ka pa nadadala. Umayos-ayos ka na at baka mabagsak na naman kita," pagbabanta nito kay Honey.
What? Dalawang beses na siyang bumagsak? So, mas matanda siya sa akin? Pero hindi halata huh? Mukha lang siyang mataray pero hindi ko inasahan na bulakbol pala siya.
Nag-umpisa nang magsalita ulit si Ma'am Rosaline. Bawat salita niya iniintindi ko talaga pero mukhang 'yong mga classmates ko hindi naman interesado sa sinasabi ni Ma'am.
Nagbigay lang ng syllabus si Ma'am Rosaline for her subject at gano'n din ang ginawa ng dalawa pang sumunod na teacher na pumasok sa room namin.
Ganito siguro kapag first day. Wala kaming masyadong ginawa. Tatlong beses lang naman kaming nagpakilala sa harapan. Bukod sa pagpapakilala wala nang ibang pinagawa. Nagbigay lang ng syllabus tapos umalis na rin sila agad.
I actually didn't expect all of these, ang akala ko first day pa lang magle-lesson na, excited pa naman na akong mag-aral.
"Halika na," pang-aaya sa akin ni Honey. Nakasukbit na ang kaniyang shoulder bag sa may kanang balikat niya at ready na siyang lumabas ng room.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
Umirap siya sa akin.
"Of course, lalabas na tayo. Break time na kaya. Hindi ka pa ba nagugutom?"
"Nagugutom," mahinang sagot ko sa kaniya.
"O, iyon naman pala e, tara na. Hindi mo pa alam ang pasikot-sikot dito sa school baka maligaw ka lang. Halika ka na."
Hindi na ako nagreklamo pa at sumunod na lang din ako sa kaniya.
Sabay kaming lumabas ng room at katulad kanina ang dami na namang mga estudyante. Sabay-sabay pala ang break time ng bawat section.
"Doon ang comfort room para rito sa fourth floor. Bawat floor may comfort rooms pero mas madalas sa first floor ako nagbabanyo kasi 'yong ibang comfort rooms mapapanghi. Gamol kasi mga tao dito e. Iyong mga nasa highest sections lang mga malilinis kaya sa first floor iyong ginagamit kong comfort room." Tinuro sa akin ni Honey ang makipot na pasilyo sa gilid.
Akala ko budega lang iyon kanina wala naman kasing nakalagay na comfort room signage sa may labas. May nakalagay lang na for girls and for boys sa may mismong pintuan.
Naglakad pa kami at patuloy pa rin si Honey sa pagsasalita. Tinuro niya rin sa akin kung saan 'yong mga faculty ng mga teachers, pati na rin 'yong mga buildings pinaliwanag niya sa akin 'yong mga pangalan. Baka raw kasi may mag-utos sa aking teacher tapos magbanggit ng pangalan ng building tapos hindi ko alam kaya pinaliwanag niya na rin sa'kin.
Nang makapasok na kami sa cafeteria ay mas dumami ang bilang ng mga estudyante kumpara sa bilang ng mga estudyante na nakasalubong namin kanina.
Nang makahanap na si Honey ng available seat and table ay agad niya akong pinaupo doon.
"Ako na lang ang o-order and don't worry it's my treat pa-welcome ko na rin sayo dito sa school. Hoy wag kang aalis dito huh? Mahirap makakuha ng bakanteng lamesa rito may mga sapak pa naman mga tao rito baka bigla ka na lang daragin."
Tumango na lang ako sa kaniya pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa bilihan ng mga pagkain.
Grabe, ang daming estudyante. 'Yong iba naglalakad na palabas ng cafeteria. 'Yong iba nagtatawanan ng malakas. 'Yong iba tahimik na kumakain. 'Yong iba naman nakatayo nang kumakain.
Napaisip tuloy ako paano kaya kung hindi ako kinausap ni Honey baka katulad din nila ako na kumakain ng nakatayo. Buti na lang talaga may kilala na agad ako kahit first day ko pa lang dito sa school.
"Itong bicol express with rice sa akin. Ito namang giniling with rice sa 'yo. Masarap 'yan promise," paliwanag niya sa 'kin at tinaas niya pa ang kanang kamay niya na parang sinusumpa niya na masarap talaga iyon.
Natawa naman ako dahil doon.
"O, anong nakakatawa?" mataray niyang tanong sa akin.
"Wala may pa-promise ka pa kasi naniniwala naman ako sayo."
Inirapan niya lang ako.
"O, kain na," aya niya sa akin.
Sumubo na ako sa pagkain ko. Wow, totoo nga ang sarap! Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng tahimik.
Napatigil lang ako sa pagkain nang may marinig kaming sumigaw pati si Honey napatigil din at napatingin doon sa lalaking sumigaw.
"O, putangina mo! Bakit ka ba kasi nandito? Di ba sabi ko sa 'yo huwag na huwag kang lalapit sa akin?" maangas na sigaw ng lalaki.
Nakita ko ang ginawang pagtulak ng lalaking sumigaw sa lalaking naka-jacket.
Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil may kahabaan ang bangs ng lalaking sinisigawan nung isang lalaki.
"Hay nako! 'Yan na naman si Kenneth. Bwiset talaga 'yang isa na 'yan palagi na lang badtrip parang tanga," sabi ni Honey habang kumakain.
"Kilala mo 'yung lalaking sumigaw?" pagtatanong ko kay Honey at agad naman siyang tumango.
"Oo naman. Bully 'yan dito e," sagot niya sabay irap.
May naalala tuloy ako. Kenneth din kasi ang pangalan niya at katulad ng sinabi ni Honey bully din iyon pero imposibleng siya 'yong Kenneth ko noon.
"Sinasabi ko sa 'yo, Theo. Isa pang lapit mo sa 'kin babangasan na kita." Rinig kong pagbabanta nung Kenneth sa lalaking may bangs na tinawag niyang Theo.
At bago umalis 'yong Kenneth ay sinipa niya pa 'yung Theo kaya napangiwi ako. Sigurado akong malakas ang sipa na ginawa nung Kenneth. Grabe, ang sama naman ng ugali no'n.
Hindi ko masyadong nakita 'yong mukha no'ng Kenneth kasi nakasuot iyon ng cap at medyo may kalayuan din kami sa kanila.
"Nakakaawa naman 'yong lalaki," malungkot kong sabi. Totoo naman kasi, nakakaawa talaga siya. Grabe kung sipain at itulak siya nung Kenneth pero hindi man lang siya lumalaban.
"Nako, isa pa 'yang si Theo palagi siyang ginaganyan ni Kenneth pero hindi niya palagi pinapatulan e tapang-tapangan lang naman yang si Kenneth."
Bigla naman tuloy akong na-curious. "What do you mean na palagi?"
"Since Junior Highschool ginaganyan niya na 'yang si Theo."
What? Since Junior Highschool pa? Sobrang tagal na no'n. Paano niya natitiis maging gano'n?
"Grabe," nanlulumo kong sabi.
"Grabe talaga. Wag mo na nga lang silang isipin di naman tayo magkakapera sa mga 'yan. Ang mabuti pa ubusin mo na lang 'yang pagkain mo at male-late na tayo para sa next subject natin," sermon niya sa akin kaya naman binilisan ko na lang ang pag-ubos sa pagkain ko.
Hanggang sa makarating na kami sa classroom tila ba lutang pa rin ako dahil iniisip ko pa rin 'yong nakita ko kanina.
Bakit kaya gano'n? Ano kayang kwento ng lalaking 'yon? For sure may reason kung bakit ang tagal na niyang sinisikmura ang pagtrato sa kaniya ng gano'n no'ng Kenneth.
"Hoy, Meadow!" sigaw sa akin ni Honey.
"Ay, Kenneth!"
Inirapan niya ako.
"Tsk, hanggang ngayon iniisip mo pa rin 'yong mga 'yon? Tigilan mo na nga 'yan! Mag-focus ka na lang dito balita ko kasi magiging teacher natin si Ma'am Torres terror pa naman 'yon!" sabi ni Honey habang kinakagat nito ang kuko niya sa daliri.
"Oo na po," sagot ko sa kaniya at nag-focus na lang ulit ako sa klase.
Grabe, first day ko pa lang bilang estudyante ang dami na agad nangyari. Una si Honey, pangalawa, si Kenneth at ang panghuling 'yong lalaking nagngangalang Theo.
Sana nga makatagal ako rito.
"Thank you nga pala sa libre kanina, Honey," sabi ko sa kaniya nang makalabas na kami sa gate ng school. "Wala 'yon. Minsan lang naman ako manlibre atsaka mumurahin lang 'yong nilibre ko sayo. Anyway, saan ba daan mo? Tara, sabay na tayong umuwi," aya niya sa akin. Umiling ako sa kaniya. "Next time na lang. Dada will pick me up kasi e," nahihiya kong pagtanggi sa kaniya. "Ah, gano'n ba. You want me to stay with you habang wala pa 'yong papa mo?" tanong niya sa 'kin habang tinitignan niya ang kaniyang sarili sa maliit na salamin na hawak niya. Umiling ako sa kaniya. "Naku, hindi na. You've done so much for me today." "No problem you're a friend naman," she nonchalantly said then she shrugged her shoulders. "A friend?" Nakita kong para bang nataranta siya bigla kaya medyo natawa ako sa itsura niya. "Ah, wala. May sinabi ba ako? Okay sige kaya mo naman na
My mom died when I was just ten years old. Dada become depressed because of that. Hindi siya kumakain palagi lang siyang nakatulala at kung minsan bigla-bigla na lang namin siyang nakikita na umiiyak. Hanggang sa nailibing na si Mommy hindi pa rin sumilip si Dada sa kabaong. Ang sabi niya kasi gusto niya na ang tanging maaalala niya lang kay Mommy ay 'yong mga panahong buhay pa ito. At iyon din ang naging dahilan kung bakit homeschooled ako. Dada became protective of me after losing mom. I completely understand dad that time kaya naman pumayag din ako. At bukod doon, gusto ko ring bantayan na lang si Dada. He tried harming himself one time while I was in school at kahit pa bata pa lang ako noon tumatak ang pangyayaring iyon sa 'kin kaya mas minabuti ko na lang na mag-aral na lang sa bahay. "Sweetheart, we're here. Kanina ka pa tahimik. Is there something bothering you? nag-aalalang tanong niya sa'kin. "Wala naman, Dada.
Halos hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip kay Theo at sa mga bagay na sinabi niya doon sa rooftop kahapon. Sa tuwing iniisip ko kasi 'yong mga sinabi niya mas lalo lang akong na-curious sa pagkatao niya. He always wear his jacket kahit hindi naman malamig, tapos palagi pa niyang tinatago ang mukha niya sa pamamagitan ng pagyuko at pagpapanatili niya sa mahaba niyang bangs. At hindi lang 'yon napansin ko ding hobby na niyang magpaalipusta na lang kung kani-kanino. Ang buong akala ko talaga kaya hindi siya nalaban sa Kenneth na 'yon ay dahil takot siya pero nang makita ko ang nangyari sa party ni Tita Anastasia kahapon ay napagtanto ko na hindi niya talaga pinaglalaban ang sarili niya. He's weird and mysterious. "Sweetheart, you're alright? Kanina ka pa nakatulala and you're not eating your food. What's the matter? Ayaw mo ba sa school mo? I could still transfer you to another school if you want," Dad worriedly said. He's always been like that ka
Nanginginig ang kamay ko at nag-u-umpisa na rin tumulo ang luha sa aking mga mata. Marahas ko iyong pinahid at mas binilisan ko pa ang paglalakad.Tama na ang pag-iyak, Meadow. Hindi mo na dapat siya iniiyakan.Nang makarating na ako sa classroom agad akong umupo sa tabi ni Honey. Nang mailapag ko na nang maayos ang bag ko ay sinubukan kong itago ang nararamdaman ko.Ayaw kong umiyak dito sa classroom at gumawa ng eksena atsaka ayaw ko namang mag-alala pa sa 'kin si Honey kapag nakita niya akong umiiyak kaya naman kahit mahirap sinubukan kong umakto na para bang hindi ako apektado sa bigla na lang na pagsulpot ni Kenneth.Bakit kasi sa lahat ng school dito pa siya nag-aral? Bakit kasi kailangan pang magtagpo ulit ang landas naming dalawa? Ayos na ako, nakakaya ko nang ngumiti ng totoo. Bakit kung kelan nasa proseso na ako ng pag-ayos sa sarili ko bigla na lang siyang susulpot at sisirain ang lahat?Ang buong akala ko okay na ako, pero bakit gano'n?
I ignored Kenneth's presence. Kahit pa nasa likuran ko lang siya nakaupo. Bukod kasi sa kadahilanang ayaw kong malaman pa ni Honey na kilala ko si Kenneth ay ayaw ko na talagang makausap pa siya. For what? Closure? No thanks. I'd rather live a life not knowing why he left me instead of hearing him out and know his nonsense reasons.Kahit pa magpaliwanag siya he can't undone what happened in the past. We can't do anything about it now. We just have to move on and continue with our life.I'm perfectly fine now. I hope he is too. We seriously need to just forget everything that happened between us in the past. We're so young back then, we thought we're really in love with each other, we're both stupid to think that what we have back then will lasts long. We got hurt, he left me without a single word, end of story.If he's doing this because he's guilty about leaving me I would recommend him to just stay away dahil kahit hindi pa siya humingi ng tawad sa 'kin sa mga
Nang makahanap na kami ng mauupuan ay agad kaming umupo doon. Katulad kahapon sa may bandang dulo na naman ang table namin. Masyado kasing maraming tao sa may unahan at kalimitan puro occupied na 'yong seats doon."Ako na lang ang o-order," presinta ko kay Honey."Sure ka? Baka naman magulat ako may pasa ka na pagbalik mo dito.""Grabe naman! Hindi naman siguro."Kinuha na ni Honey ang wallet niya at naglabas siya ng one hundred pesos."Wala akong barya e, pero cup noodles na lang ang sa 'kin. Wala ako sa mood magkanin ngayon.""Anong flavor?""Kahit ano basta cup noodles."Ibinalik ko ang pera niya."Libre ko na, pinasaya mo kasi ako kanina e. Pa-thank you ko lang," nakangiting sabi ko sa kaniya, siya naman ay nakakunot ang noo sa 'kin."You're weird."I just laughed at her pagkatapos ay umalis na ako sa may table namin para makipila na. Buti na lang mabilis magbenta iyong mga tindera kaya naman naging mab
After eating, naghiwalay na kami ni Honey ng daan; siya patungo sa classroom namin ako naman patungo sa abandunadong building.I'm not a fan of horror movies and anything related to that. Kaya naman hindi ko din maisip kung bakit pumayag akong pumunta dito ngayon. Bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng maging tambayan dito pa naisip na tumambay ni Theo?Theo is recluse; I only see him by chance. Kaya naman ito lang ang pagkakataon na makikita ko siya. Ibibigay ko lang naman sa kaniya itong bracelet niya pagkatapos aalis na rin ako. Dahil kapag hindi ko pa nabigay itong bracelet baka sa susunod hindi ko na talaga siya mahagilap pa. Sa tingin ko nga kung alam niyang papunta ako sa tambayan niya baka umalis na iyon agad at hindi na tatambayan ulit sa abandunadong building para lang maiwasan ako.Hindi lang naman 'yong bracelet ang dahilan ng pagpunta ko sa kaniya. Hanggang ngayon kasi ay nag-aalala pa rin kasi ako sa kaniya dahil sa nangyari.
Huli na nang ma-realize ko na hindi pa pala ako nakakapagpasalamat kay Theo dahil sa ginawa niyang pagligtas sa 'kin. It's been weeks since that day. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng saya sa tuwing naaalala ko ang nangyari doon sa abandunadong building. Hindi man naging matagal ang pag-uusap namin pero sa sandaling mga oras na 'yon pakiramdam ko pinapasok na niya agad ako sa mundo niya. And he even let me borrow his book!"Bigla bigla kang nangiti d'yan? Nababaliw ka na?" Tinignan ko ngayon si Honey sa gilid ko. Naninibago nga ako sa itsura niya ngayon e. Wala kasi siyang make up tapos nakasuot pa siya ng oversized t-shirt na panglalaki tapos maong above the knee short at flip-flops.Papunta kami ngayon sa bahay namin. May pinagawa kasing two pages reaction paper na kailangan printed. Dahil walang laptop si Honey I suggested na pahiramin na lang siya. I have two laptops naman kaya okay lang kung hihiramin niya muna 'yong isa.