Share

Chapter 2.2

My mom died when I was just ten years old. Dada become depressed because of that. Hindi siya kumakain palagi lang siyang nakatulala at kung minsan bigla-bigla na lang namin siyang nakikita na umiiyak.

Hanggang sa nailibing na si Mommy hindi pa rin sumilip si Dada sa kabaong. Ang sabi niya kasi gusto niya na ang tanging maaalala niya lang kay Mommy ay 'yong mga panahong buhay pa ito. 

At iyon din ang naging dahilan kung bakit homeschooled ako. Dada became protective of me after losing mom. I completely understand dad that time kaya naman pumayag din ako. At bukod doon, gusto ko ring bantayan na lang si Dada. 

He tried harming himself one time while I was in school at kahit pa bata pa lang ako noon tumatak ang pangyayaring iyon sa 'kin kaya mas minabuti ko na lang na mag-aral na lang sa bahay. 

"Sweetheart, we're here. Kanina ka pa tahimik. Is there something bothering you? nag-aalalang tanong niya sa'kin. 

"Wala naman, Dada. May inisip lang po," sagot ko sa kaniya. 

Lumabas na si Dada at pinagbuksan niya ako ng pinto. Kumapit ako sa braso niya at inalalayan niya akong makababa ng maayos. 

"About what? You want to go home na?" 

"Hindi po, may inisip lang po talaga," tanging sabi ko na lang sa kaniya. 

Sa huli ay hindi na rin ako pinilit pa ni Dada na magsalita at naglakad na lang papasok sa mansyon ni Tita Anastasia. 

Tita Anastasia is my dad's best friend. Ang kwento pa sa 'kin noon ni Dada ay childhood friend niya daw si Tita Anastasia dahil magkalapit lang daw ang bahay nila noon.

Tinanong ko nga minsan si Dada kung nagustuhan niya ba si Tita dati pero ang tanging sinagot niya lang sa 'kin ay: "It would be incest. I've always treated Anastasia as my little sister." 

"O, Paul! I'm glad you're here!" enthusiasm is evident in Tita Anastasia's voice when she greeted us. 

Lumapit si Tita Anastasia kay Dada at hinalikan niya ito sa pisngi.

"Of course! Libreng hapunan din 'to," biro ni Dada. 

Hinampas siya ni Tita Anastasia sa braso at binigyan ng masamang tingin. 

Natawa ako nang hampasin ni Tita Anastasia si Dada. Ang cute nga nilang dalawa e. They actually look good together pero mas bagay pa rin si Mommy at Dada. Syempre magulang ko kaya sila. 

"Heh! Tigilan mo nga ako!" sigaw ni Tita Anastasia kay Dada na siyang tinawanan lang ng ama ko. 

Tita Anastasia is gorgeous. Matangkad, sexy, makinis ang balat, ubod ng bango at mabait pa. 

She's too good to be true. Kung iisipin wala ka nang hahanapin pa sa pagkatao niya. Ang kaso nga lang, wala pa siyang asawa at anak. Kung minsan nagtataka na nga rin ako e, halos perfect na nga kung tutuusin si Tita pero hanggang ngayon wala pa rin itong asawa. 

"Meadow Rain! Sorry hindi na kita napansin, ang kulit kasi ng Daddy mo. By the way, you look beautiful. Bagay sayo ang suot mo," she said while holding my hand. 

"Dada bought this dress for me, Tita" I proudly said to her. 

"Really?! Buti naman at sa wakas may nagawa na ding tama ang daddy mo," sabi niya sabay irap kay Dada. 

We both laughed hard.

"You, bullies!" sigaw ni Dada na asar talo. 

Hindi na lang namin siya pinansin ni Tita at mas tinawanan na lang namin siya pagkatapos ay inaya na ako ni Tita Anastasia na umupo sa isang round table, lumingon ako sa likuran at nakita kong nakasunod sa amin si Dada habang nakasimangot. 

Napailing-iling na lang ako. 

May pagka-isip bata rin talaga si Dada kung minsan. 

Naging seryoso lang si Dada nang may ilang business man na dumating. Sa tingin ko ay mga kaibigan din iyon ni Tita Anastasia. 

Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi naman masyadong engrande ang party sakto lang. Napansin ko rin na hindi masyadong madami ang round table. Sa tingin ko ay nasa mga sixty person lang ang pupunta sa party base sa bilang ng mga round tables.  

Napaaga kami ng dating ni Dada dahil iyong ibang seats hindi pa na-o-occupy. Mas okay na rin iyon kesa naman ma-late kami ni Dada baka magtampo pa si Tita Anastasia.  

"Sweetheart, are you bored? Gusto mo bang umuwi na tayo? Your Tita Anastasia would understand if we go home early," bulong sa akin ni Dada. 

I shook my head. "Dada, I'm okay. Just talk to them I know you missed your friends. Sige na po okay lang talaga ako."

Hinalikan ako ni Dada sa noo. "Alright, but don't hesitate to talk to me if you want to go home already okay?" 

Tanging tango na lang ang sinagot ko kay Dada pagkatapos ay tumayo na siya at sumama sa iilang businessman na nakatayo at may hawak nang wine. 

"Henry! I hate you! Akala ko ba hindi ka makakarating? Anyway where's Camila?" 

Narinig kong maligayang bati ni Tita Anastasia sa lalaking naka-formal attire rin at maganda ang tindig. 

"She's busy.. You know girl stuff," tanging sagot ng lalaki na siyang ikinangiti ni Tita Anastasia. 

In fairness, ang gwapo nitong Henry na kilala ni Tita. Ang kaso asawa siguro nitong Henry 'yong Camila na tinatanong ni Tita, sayang naman. 

I want to play cupid sa magiging love life ni Tita Anastasia. 

"O, kasama mo pala si Theo hindi mo man lang sinabi. Hi Theo! You grew up handsome huh. You look exactly like Henry when we're still in highschool," nakangiting sabi ni Tita Anastasia pagkatapos ay marahan nitong hinaplos ang kulot na buhok no'ng Theo. 

Theo? Wait, that name sounds familiar.

I knew it! Siya 'yong Theo na schoolmate ko. Paano ko siya nakilala? Simple lang. He's still wearing the same jacket na suot niya kanina no'ng binugbog siya no'ng Kenneth sa may cafeteria. 

Anong ginagawa niya rito?

"Anyway where's Tita Analine? I want to say hi," sabi no'ng Henry na tila ayaw nang pagsalitain pa si Theo.

Napatingin ako kay Theo dahil umalis na 'yong Henry kasama si Tita Anastasia at naiwan siyang mag-isa sa isang sulok. 

Gwapo 'yong Henry at ang sabi ni Tita Anastasia ay kamukhang-kamukha nitong si Theo iyong lalaki noong bata pa ito. 

Is that mean na gwapo itong si Theo? 

Nakasuot siya ng denim jacket at ng white plain t-shirt sa loob no'n tapos faded jeans at kulay puti na sapatos. 

Kung titignan ay balot na balot siya. Hindi naman malamig. Sa katunayan nga kahit naka-dress na ako medyo naiinitan pa rin ako dahil hindi rin masyadong malakas ang hangin. Hindi ba siya naiinitan? 

At dahil nakatitig ako kay Theo ay nakita ko na may babaeng naglalakad palapit sa kaniya. Ang buong akala ko ay kakausapin niya si Theo ngunit nagkamali ako dahil imbes na kausapin ay binuhusan niya ito ng wine sa ulo. 

"Ops, sorry nadulas," pagdadahilan no'ng babae matapos niyang ibuhos lahat ng laman no'ng wine glass na hawak niya sa ulo ni Theo. 

What the hell?!

Nakatayo lang naman si Theo mag-isa! Wala namang ginagawa 'yong tao tapos gano'n 'yong gagawin niya? Tapos anong dahilan niya? Nadulas? What kind of excuse is that?

I'm waiting for Theo's response but nothing came. Narinig ko na lang ang tawanan sa gilid na sa tingin ko ay galing sa group of friends nitong babaeng nambuhos kay Theo ng wine.

Umalis lang 'yong babae na para bang wala lang nangyari, like she doesn't do anything bad. 

Nakita kong naglakad si Theo palabas sa garden. Out of curiosity, sinundan ko siya. I don't know but I'm worried about him. Iniisip ko kasi na baka maisipan na lang niyang magpakamatay dahil kanina sa school pinahiya na siya no'ng Kenneth hanggang dito ba naman sa party may gagawa ng kalokohan sa kaniya.

Pumasok si Theo sa isang pintuan, sinundan ko siya doon. Nakita ko na may hagdanan doon paakyat, hinintay ko muna siyang maka-akyat bago ako sumunod sa kaniya. 

Based on the way he walked around the place he seemed very familiar in Tita Anastasia's mansion. Siguro palagi siyang nandito dahil sinasama siya no'ng Henry. 

Nang matapos ko na ang mahabang pag-akyat sa hagdanan sa dulo no'n ay may isang pintuan na pinasok ni Theo. 

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumalubong sa'kin ang malakas hangin. 

Oh my god!

Bakit ang tanga ko? Hindi ko man lang naisip na papuntang rooftop pala ang mahabang hagdan na iyon. 

Nang makapasok na ako sa rooftop nakikita ko mula sa kinaroroonan ko si Theo na nakatingin lamang sa kalangitan. Nakatingala siya sa langit at tila ba ang lungkot-lungkot niya. Bigla tuloy akong naawa sa kaniya. 

"Sino ka? At bakit mo ako sinundan?" 

Nanlamig ang buong katawan ko nang magsalita si Theo. 

My goodness! Bobo ka talaga Meadow. 

Bakit hindi ko man lang nahalata na napapansin na pala niyang sinusundan ko siya? Atsaka gano'n ba ako ka-obvious? Hindi naman ako maingay maglakad kanina huh? Sa katunayan, dahan-dahan pa nga ako e. 

"Tinatanong kita," seryoso nitong sabi sa akin. 

Tinignan ko siya pero kagaya kanina gano'n pa rin ang posisyon niya, nakapamulsa ang dalawang kamay at nakatingala pa rin sa kalangitan. 

"Nag-alala kasi ako sa 'yo," mahina kong sagot. 

Iyon ang lumabas sa bibig ko, sa dami ng pwede kong isagot iyan pa talaga ang lumabas sa bibig ko. Kung sabagay, totoo naman. Nag-alala talaga ako sa kaniya. Hindi lang kanina doon sa ibaba pati na rin kanina sa school.

"Sino ka para mag-alala?" walang emosyon nitong sabi. 

Lumakas ang ihip ng hangin nang tumingin siya sa direksyon ko. Seryoso ang mukha niya at wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya. 

Kung hindi ko lang talaga nakita ang pang-aapi sa kaniya at ang palagi niyang hindi pagganti pabalik baka matakot ako sa seryosong pagtingin niya sa 'kin ngayon. Pero imbes na matakot mas lalo akong naawa sa kaniya. 

Napaisip tuloy ako. 

Ilang beses na kaya siyang nagpanggap na galit at masungit sa harap ng mga tao para maitago lang ang tunay niyang nararamdaman? 

"Nakita kita kanina sa school. Hindi ka man lang lumaban, pati na rin kanina," mahina kong sabi. 

Nahihiya kasi ako sa kaniya at isa pa, tama naman talaga siya. Sino nga ba ako para mag-alala? 

"Dapat ba akong lumaban?" tanong niya sa 'kin habang nakatingin pa rin siya sa direksyon ko. 

"Aba, oo naman! Grabe na ang pangbu-bully nila sayo hindi na iyon tama. Wala pa akong nakakaaway pero kung nasa posisyon mo ako kahit di pa ako nakakaranas ng away lalaban pa rin ako," matapang ko sagot sa kaniya. 

"Kung ako naman ang nasa posisyon mo hindi na ako mangingielam kasi wala naman akong alam," he sarcastically said.  

Iniwas na niya ang tingin niya sa 'kin. 

"Sorry, siguro nga masyado na akong nanghihimasok pero kasi..." hindi ko na matuloy ang sasabihin ko. 

Ano ba kasing dapat kong sabihin? Na sadyang chismosa lang ako gano'n? O, hindi naman kaya napipikon lang ako kasi hindi niya man lang mapagtanggol ang sarili niya sa iba?

"Umalis ka na lang. At kung pwede, magkunwari ka na lang na walang nakita," sabi niya sabay tingin muli sa akin. 

"Pero kasi—"

He interrupted, "Trust me, hindi mo gugustuhing mas makilala pa ako." 

Naglakad siya palapit sa akin. 

"Mag-iingat ka, at sa susunod huwag mo nang balakin pang kilalanin ako."

Nilampasan niya ako at lumabas na siya habang ako naman ay naiwan pa ring naguguluhan. 

Lumakad ako at pumunta sa pwesto kanina ni Theo. Nakita ko kasing may kumikinang na kung ano sa sahig. Lumapit ako doon at kinuha ko iyon. 

Bracelet na pambabae. 

Kay Theo ba talaga 'to? Kung sa kaniya nga, bakit naman siya magtatago ng bracelet na pambabae? O baka naman sa girlfriend niya ito?

*Phone ringing*

Nagulat ako nang bigla tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa purse ko, tinignan kung sino ang tumatawag at nang makita kong mula iyon kay si Dada ay sinagot ko agad ang tawag. 

"Hello Dada?" 

"Where are you? Uuwi na tayo. Maaga pa ang pasok mo bukas," ani Dada. 

"Okay Dada," sabi ko sa kaniya bago ko pinatay ang tawag. 

Nilagay ko sa loob ng purse ko ang bracelet at lumabas na ako ng rooftop. 

Kung kay Theo nga talaga itong bracelet isasauli ko na lang 'to sa kaniya kapag nakita ko siya ulit. 

Iyon ay kung makikita ko pa siya muli.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status