“Congratulations, Pres!”
People who pass by greet me as soon as they see me. I greeted them back with a genuine smile. While making my way through the venue, I couldn’t help but wander my eyes around. As expected, everybody’s excited while doing an errand. Wearing their best dresses and polo, with toga’s on, we’re all going to leave this place together, indeed. They are scattered all over the lobby. May nag-pi-picture taking, may kinakausap ng teachers, and some are crying… tears of joy? I hope.
After six years in high school, finally, we will be able to step out of our little zone. This is not the end. This is just the beginning of our life or maybe another chapter. Then, after four years of college, it will be another chapter of our life. Life is life, indeed. It will continue to evolve as years passes by. I just hope that when it’s another chapter of my life, I’m now with her…
My feet automatically stop halfway as soon as my eyes spot her with her friends.
LAAAAAST CHAPTER </3333
Nobody’s perfect. Nothing is perfect. Even love that makes everything in its place is flawless. There will be times when things won’t fit in their respective place. There will be chaos. We will doubt. We will get hurt. We will fight weak, and people will leave us in the middle of a battle. But how ironic that even love makes us tired; we keep trying to love and be loved. Love may be flawless, yet it is one of the beautiful things in the world. Hindi napagbigyan ang kahilingan ni Cadence na magkaroon ng second chance ang pagmamahalan nila ni Millie. It’s because of one reason—she was drained. She’s tired. Iniisip niya na baka lalong masira sila kung susubok pang muli si Millie. Cadence got no choice but to accept her decision. She has a point after all. Why you will tumble into a battle restless and weak? Hindi ba’t sa huli, hindi ka rin makakaligtas? You will die right away because you’re too weak to fight against the enemy. You’re too weak to hold a sword. On the ot
The ambiance was getting lighter and lighter as their chitchat got longer. The four suddenly lost in their world to catch up with each other’s life. Tila’y kulang pa ang isang araw para sa kwentuhan nilang apat sa mga nangyari sa loob ng apat na taon. They also told each other’s plans for the future or did they even wanted to get married. While the three are happily telling their plans, Millie is only smiling the whole time. She wanted to get married. She wanted to have children. But how will that happen kung single pa rin siya hanggang ngayon? Kung mahal na mahal niya pa rin ang nakaraan? She knew her wound had already healed. Wala na siyang pait na nararamdaman sa nakaraan. Gusto na niya lang itong patawarin. Sa apat na taon na nagdaan, wala naman siyang ibang ginawa kundi pagpahingain ang puso. She also tried to forget him, but she failed. Iniisip niya pa lang na kalimutan ito, hindi na niya magawa. Cadence left a huge space in her heart. N
"Oo, Millie, s-siya nga," Pumaywang ako habang tumatango kay Linda. Pinanliitan ko ng mata ang dalawang haliparot na nakaupo sa bench sa ibaba. Dito pa talagang naglalampungan. Tama ba 'yon sa mga single?"Ihanda mo na ang armor," sabi ko habang pasama nang pasama ang tingin sa dalawa. Nakanang. Hindi yata na-inform na school ang pinasukan nila, hindi park. Kulang na lang mag-check-in sila sa hotel.Kumunot ang noo ko nang wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Nang lumingon ako ay nakayuko na ito at pinaglalaruan ang kamay. Nako kung papatagalin pa namin 'to, maabutan kami ng susunod na klase! 30 minutes lang ang breaktime namin kaya dapat maging matagumpay ito! Mabuti na lang iilan lang kaming nasa room. Kaunti lang ang makakasaksi sa panibagong kalokohan ko. "Anong tinutunganga mo d'yan? Napalitan na ba ang gagamitin nating armor? Baba mo na ba? Oh akin na, matulis naman.” Sinenyasan ko siya na lumapit pero nanatili siyang tuod sa pwesto niya.
"So, you're Layla?" tanong niya. Nakataas ang kilay nito, seryoso ang tingin sa akin habang magka-intertwined ang kamay na nakatapong sa isang folder na sa tingin ko ay record ko. Mataray ko siyang pinagmasdan. Mukha siyang paltos na sinabuyan ng harina sa sobrang puti. Halatang may lahi. Matangos ang kaniyang ilong. May manipis at mapula itong labi. May suot itong salamin na parang wala naman grado. Design? Nakahati sa gilid ang kaniyang buhok habang naka-wax pa. Malinis at talagang karespe respetado ang kaniyang datingan. Aminado akong gwapo siya pero hindi iyon sapat para mahumaling sa kaniya. Tss. Never. Lalo na kung nakaka-intimidate ang aura niya. Halatang hindi kami magkakasundo ng taong 'to. Well, kahit presidente pa siya, wala akong paki. Siguro kung katulad lang ako ng iba, manginginig na ako sa takot sa paraan pa lang ng tingin niya pero hindi 'e. Simula nang tumungtong ako ng senior high, wala na akong kinatatakutan. "Millie na lan
"Iyang underwear mo, labhan mo agad! 'Wag mo ng isama 'yan sa labahan!" sigaw ng nanay ko sa labas. Umagang umaga sumisigaw. Dapat talagang gawing soundproof ang banyo namin. Hindi ako maka-focus sa pagligo."Opo!" Muli kong binuksan ang shower saka nagpatuloy sa pagligo. Wala naman na akong nakuhang sagot sa kaniya. Matapos kong maglagay ng conditioner ay naghilod muna ako. Isang linggo kasi akong walang hilod at alam kong sangkatutak na ang libag ko sa katawan. Nakakahiya naman kay Calum.Habang naghihilod ay gawain ko na ring bumirit. Nagiging dance at recording studio ko na nga ang banyo namin kapag naliligo. Dito ko lang kasi nalalabas ang talent ko.Siguro lahat naman tayo?Napatigil ako sa sunod sunod na katok. Sinigawan ko kung sino 'yun."Ate! Dalian mo naman! Nasa dulo na ng pwet ko 'yung tae!" Si Lyle pala. Kapatid ko."Edi hilahin mo para hindi ka na umire!" Nilakasan ko na ang shower dahil magbabanlaw na ako. Napakaepal talaga ng
“Bruha, sa tingin mo single ang bagong presidente ng student council?” bulong ni Carol saka niya ako siniko. Oras ng klase pero palihim niya akong dinadaldal. Nasa second to the last naman kami nakaupo kaya kampante akong hindi kami agad mahuhuli ni Sir Gardon na kasalukuyang nagtuturo ng Pol sci. Pero sumulyap pa rin ako sa kaniya bago ako lumapit ng kaunti kay Carol. “Imposible. Sa itsura niya pa lang, alam kong marami na siyang napaiyak at may jowa ‘yun ngayon,” wika ko saka ipinagpatuloy ang pag-do-doodle sa likod ng binder ko. Playboy. Ayan ang tamang tawag sa kaniya. Sa mukhang ‘yun? Single? Inosente sa relasyon? Utut. “Hindi ba sa inyo nakarating ang magandang balita?” Sabay kaming napalingon sa likuran ni Carol. Inusog pala ni Hannie ang upuan niya palapit sa amin. “No girlfriend since birth si Pres!” malakas niyang bulong. Nagkatinginan kami ni Carol. Tumaas ang kilay niya. Siya umeschos dito. “Talaga? Sa gwapo niyang ‘yun, NG
"Kailan ka pa naging wonder woman?! May bayad ka ba, ah?! Alam mo bang muntik na akong atakihin nang malaman ko ang nangyari sa'yo! Bakit kasi sumugod ka pa do'n?!" Nagkasalubong kami ni Carol sa hallway dahil papunta siya sa clinic para kumustahin ako. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit tapos inalalayan ako papasok sa room. Medyo iika ika kasi akong maglakad buhat ng masakit pa ang katawan ko. Pagkatapos ko kasing makausap si Cadence, hindi na rin ako nagtagal sa clinic. Nag-walk out na ako. Ayoko ng marinig ang iba pa niyang sasabihin. Wala naman kwenta. Nakakawalang gana lang. Makita nga lang siya, nasusuka na ako. Matagalan pa kaya ng tingin sa kaniya? Naiinis ako dahil naiwan ko pa ang jacket ni Calum! Kaya nag-tuck in na lang ako para hindi mahalata ang butas sa uniporme ko sa likod. Bwisit kasi 'yang Cadence! Mabuti na lang walang teacher. Bakante pala ang oras namin ngayon. Hay, mukhang kailangan kong tiisin ang sakit ng katawan hangg
"Hindi ako ang nauna! Sila!" Turo ko sa apat na tiyanak na katabi ko. Sinamaan ko ng tingin ang apat na tiyanak sa tabi ko. Lahat sila nakayuko na animo'y mga inosente. Sa ginagawa nilang pagpapanggap, malamang ako ang dehado sa huli. Lalo pa't mas mukha silang kaawa awa sa lagay nila habang ako ay kaunting ayos lang, babalik na ako sa dati. "Sino nga ba naman ako para paniwalaan mo?" bulong ko. Sandali kong natikom ang bibig nang dumapo sa akin ang seryosong tingin ni Ma'am Rosyl. Pinandilatan ako ng mata ni Cadence kaya inirapan ko siya. Bumuga ako ng hininga saka sumandal sa upuan nang wala na akong magawa kundi ang tumahimik. Bahagya pa akong napangiwi nang kumirot ang likuran ko. Hindi pa nga magaling, nadagdagan na naman ng sakit.