Share

Chapter Thirteen

“What are you trying to do and why do you have to run?”

Pilit kong hindi hinaharap si Liam dahil sa kahihiyan. Yumuko ako at inilayo ang mukha ko para hindi magtama ang mga mata namin.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglipat ng tingin niya sa cake na hindi ko sinasadyang nalaglag at ngayon ay nasa sahig na.

Umakyat ang dugo ko sa ulo, and swear, nai-imagine ko ang pamumutla ng mga labi ko kahit hindi ko naman nakikita.

“I-I'm sorry…” mariin kong kinagat ang ibaba ng labi ko dahil sa kirot na naramdaman ko sa paa, kasabay ng kahihiyan.

Umangat ang kamay niya patungo sa aking mukha, at nang marahan itong dumampi sa balat ko ay nakaramdam ako ng kaunting kiliti na nagmumula sa mga daliri niya. Pilit niyang pinagtatama ang aming mga mata, na patuloy ko pa ring iniiwasan.

Mabuti na lang at bahagyang natatakpan ng buhok ko ang aking mukha habang ang mga mata ko ay nakapako sa sahig, pinipilit pa rin na hind

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status