Share

Prologue

Sumalubong sa pandinig ko ang maingay na musika. Pamilyar sa akin ang tunog at napagtanto ko rin na ito iyong party na pinuntahan namin ng mga kaibigan ko.

Wala ako sa mismong pangyayari pero nakikita ko ang mga tao. Nakita ko pa ang sarili ko na tahimik na nakatayo sa isang table habang may hawak na isang baso ng inumin at nagmamasid-masid sa paligid.

Inilibot ko pa ang paningin ko para mahanap ang mga kaibigan ko na hiwa-hiwalay dahil sa pag-e-enjoy ng party hanggang sa huminto ang tugtog sa bulwagan. Kitang-kita ko na hindi man lang nag-panic ang mga taong naroon sa bulwagan maliban sa aming magkakaibigan na nalilito ang mga ekspresyon sa mukha.

Dumilim ang paligid at ang sunod na nasilayan ko ay iyon wala ng tao ang buong bulwagan at sarado ang lahat ng mga pintuan at bintana na sinusubukan naming buksan, hanggang sa may lumitaw na usok sa paligid.

Umusbong ang galit sa d****b ko nang masaksihan ang unti-unti naming pagbagsak pero tumagal ang titig ko sa isang tao na huling bumagsak sa aming magkakaibigan. Kinilabutan ako nang makita ang pagngisi niya bago siya tuluyang nawalan ng malay. Napansin ko rin na medyo malayo ang pwesto niya mula sa amin na tuluyang natutupok ng usok.

Paano niya nagawa ‘to?

Sunod na nasilayan ko ay may mga taong nakasuot ng purong itim, maging ang ang mukha nila ay nababalot, tanging mga mata lang ang nakikita. Isa-isa kaming binuhat ng mga ‘yon at hindi na naipakita kung saan kami dinala.

Ang sumunod na nakita ko ay ang sarili ko na nakasalampak sa isang malamig na sahig. Hindi ko alam kung ano ang hitsura ng silid dahil madilim ang paligid. Tanginang ang sarili ko lang na nakahiga sa sahig ang nakikita ko.

Nakarinig ako ng pag-uusap mula sa labas ng silid. Tungkol iyon sa rare drug na nakahalo sa usok na inihagis sa amin kanina kaya nagresulta ng pagkawala namin ng malay at kung saan-saang dimensyon na kami napunta tulad ng deskripsyon ni Dearil sa rare drug na iyon.

“Hanggang kailan kaya ako maghihintay na magising ang mga ‘to? Sana ay nag-e-enjoy kayo kung nasa’n mang kayong dimensyon!” Sabay halakhak niya umalingawngaw sa tahimik na paligid.

Gusto ko siya sigawan at suntok-suntukin! Ano ba itong ginagawa niya? Bakit nagawa niya ito sa amin? Kaibigan namin siya pero bakit ganito siya?

“Pagbabayaran n’yo ang ginawa n’yo sa mga magulang ko,” madiing sabi niya.

Kitang-kita ko ang madilim na titig niya sa silid na kinalalagyan ko. Nag-uumapaw na ngayon ang galit ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na kaibigan ko siya!

“Kumusta ang tulog, Anveshika? Nagkita ba kayo ng magaling mong, Kuya?” puno ng poot na sambit niya.

Napakunot ang noo ko dahil sa kalituhan pero sobrang lakas ng kabog ng d****b ko.

“I begged for your brother’s help. I begged, but what did he do? Tinalikuran niya ako kahit alam niyang kaibigan mo ako para sa isang malaking kaso! Hindi sana nabalewala ang kaso ng mga magulang ko kung ‘di dahil sa nagmamagaling mong Kuya!” nanggagalaiti na sigaw niya sa labas ng silid. Siya lang ang tao roon kaya nakakasigaw siya ng ganiyan.

“But karma is a bitch. Tingnan mo ang nangyari, namatay siya!” Sabay halakhak niya ulit. “Karma ang pagkamatay niya, Anveshika. Alam ko namang duda ka na hindi suicide ang nangyari sa kaniya, pero may nagawa ka ba? Wala ring nagawa, hindi ba? Masyadong nagmamagaling kaya ayun! Maagang kinuha!”

Umaalingawngaw pa rin ang mga halakhak niya sa pandinig ko kahit wala na akong sunod na nakita. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa lahat ng nalaman ko.

Bakit ganito ang tadhana?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status