Share

Chapter 1

“Sir, you'll have your board meeting after lunch," mahinahon kong sabi nang makapasok sa pinaka-kwarto ng opisina ng boss ko.

Nasa labas naman ng opisina niya ang office table ko. I worked for him as his secretary. He's Vanmer Casiope, the cold CEO of Casiope Empire.

"I'll be there. No, scratch that, you'll come with me," malumanay na sambit niya habang hindi inaalis ang paningin niya sa screen ng laptop niya.

"Yes, sir," pagsang-ayon ko. Hindi na rin naman na bago iyon sa akin. Halos sa lahat ng meeting niya ay kasama ako bilang sekretarya niya.

"I'll take my leave now,” paalam ko. Tumango lang siya bilang sagot sa akin. I just shrugged my shoulders and stormed out of his office.

Nang maupo ako sa table ko ay napabuntonghininga na lang ako. Wala na akong gagawin dahil natapos ko na kanina lahat. Naghihintay na lang ako ng mga susunod na utos ni Sir Vanmer.

Ewan ko rin dito kay Sir Vanmer. Paano ba naman kasi, gusto niya na kaniyang utos lang ang susundin ko. Hindi raw ako maaaring sumunod sa utos ng iba! Well, maybe that’s because I’m his secretary and it’s part of my work, right? There’s nothing to doubt about it.

Hanggang sa lumipas na lang ang oras na puro kaka-scroll down lang sa F******k ang ginagawa ko. Nakakaburyo kapag wala talaga akong pinagkakaabalahan.

"Anveshika, let's go." My back straightened when I heard Vanmer's baritone voice. He stood in front of me. He screams intimidation, but I didn’t even feel intimidated around him. I just find it suitable for him. He wouldn’t be Vanmer Casiope if he’s not that intimidating.

Agad naman akong napatayo dahil hindi ko namalayan na tapos na pala ang lunch. Kaunti lang kasi ang kinain ko kanina sa cafeteria kaya mabilis lang din ako natapos, kaya nag-i-scroll na lang ako sa F******k account ko para magpalipas ng oras.

Naunang naglakad si Sir Vanmer kaya dali-dali na lang ako sumunod sa kaniya. Nauna na rin siyang pumasok sa loob ng conference hall kung saan ginaganap ang mga conference or board meetings.

Naupo siya sa isang upuan na sa dulo at pinakagitna ng mahabang lamesa sa unahan, habang ako naman ay sumunod sa kaniya at umupo sa upuang nasa kanan niya. I fixed my notes that I will use on this meeting but I stopped midways because Sir Vanmer said so.

"No need for that, Vesh," he gently said as he stares at me intently.

I gulped. “Okay, sir.”

My forehead creased after that. I acted like I didn't got affected with the way he called me. Ngayon lang niya ako tinawag sa ganoon at nakakahiya pa dahil paniguradong may nakarinig no'n! Sanay lang ako na mga kaibigan ko lang ang tumatawag sa akin ng ganoon.

Pasimple kong inilibot ang paningin sa mga taong nandito sa loob ng conference hall. Hindi sila nakatingin sa pwesto namin at kung may anong binabasa sa mga papel na nasa harap nila, but I bet that they heard what Sir Vanmer said a while ago!

I'm just his typical secretary. Nothing more, nothing less. Wala rin naman akong pagnanasa sa kaniya o kahit anong magsasabing may gusto ako sa kaniya.

People just made it a big deal since I'm the first secretary of his that lasted to work for him for about a year already. Kwento kasi nila ay iyong dating mga naging sekretarya niya ay hindi tumatagal ng isang buwan, mayroon nga raw na isang araw lang. Ganoon siya kasungit.

I just shrugged the thoughts. I'm just here to work anyway. I focused myself with the meeting and did what Sir Vanmer said to me, that I don't have to jot down notes.

Nang matapos din ang meeting na iyon ay dumiretso na ako pauwi sa condo unit ko dahil wala naman na raw ipapagawa si Sir Vanmer. Nagpumilit pa ako na tatapusin ang office hours kasi isang oras na lang naman na iyon, pero ginamit niya ang pagiging boss niya sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang sundin siya.

Maayos kong ipinarada ang sasakyan sa parking lot ng building bago nagtungo sa elevator ng paakyat sa unit.

My forehead creased when I saw an invitation was left in front of my unit's door. Nakaipit iyon sa gilid ng pinto. Lumingon-lingon pa ako at nagbabaka-sakaling nagkamali ng paglagay pero sarado naman ang mga katabing unit ko.

Nagtataka ko iyong pinulot at nakitang imbitasyon 'yon sa isang party. I heaved a deep sigh while holding the invitation as I entered my unit. Wala akong ideya kung sino ang nag-iwan nito dahil kararating ko lang din.

Dala-dala ko iyon hanggang sa mahiga sa kama ko at pinagmasdan 'yon. Hindi ko na muna nagawang magpalit ng pambahay dahil sa misteryosong imbitasyon na hawak ko.

Ang tanging nakalagay lang sa invitation ay ang address kung saan at kailan gaganapin ang party, at bukas na agad iyon ng gabi. Good thing that it's my day off tomorrow.

Walang nakalagay kung para saan at kung ano ang dahilan ng party na iyon. Nagtataka lang din ako dahil lahat kaming magkakaibigan ay nakatanggap ng imbitasyon dahil pinag-uusapan na nila iyon sa group chat namin.

I freaking have a bad feeling about this. Hindi sa pagbubuhat ng bangko, pero kapag hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa isang bagay, ay hindi nga talaga maganda ang nangyayari. And right from this moment, that gut was saying that we shouldn't come to whatever that party is.

Sunod-sunod ang pagtunog ng phone ko dahil sa notifications na nagmumula sa Messenger. Paniguradong nag-uusap pa rin sila kung pupunta ba kami sa party na iyon.

Bumangon muna ako sa pagkakahiga sa kama at isinandal ang katawan ko sa headboard ng kama bago nagbasa ng mga mensahe nila.

Athena Sanchez:

I'll come.

Shanaya Lie Romero:

Ako rin!

Gareth Cole Spencer:

Game ako d'yan! Pero safe ba talaga 'yan?

Lacheska Faustino:

Sure kayo?

Anveshika Ferolinoz:

I'll think about this guys pero kapag nahikayat niyo ako, sige.

Seen by everyone.

Mukhang marami pa sa amin ang nagdadalawang-isip pa kung sasama ba o hindi. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka sa biglaang imbitasyon na 'to? Lalo pa't ang misteryoso noon dahil walang ibang nakalagay pa na detalye. Pero sa huli, nahikayat pa rin ng lahat na pumunta kami roon.

Wala na rin namang ganap sa buhay ko kung hindi dahil sa kanila, kaya kung saan sila masaya, susuporta ako.  I'm all alone without them by my side. My whole family was gone. I am beyond happy because I got the chance to meet them. My friends that I truly treasure the most.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status