BLISSFUL DAY, ANVESHIKA!
ENJOY YOUR STAY. THE HOUSE IS YOURS.
— D.S.R
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa screen ng laptop laman ang mensahe na iyon.
Para saan ba ‘yon?
Sino ang nagpadala ng mensahe na ‘yon?
Siya ba ang nasa likod ng lahat ng ‘to?
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako roon o matatakot. Nakakatuwa kasi kahit papaano ay may tutuluyan na ako rito at siyempre, hindi mawawala ang takot ko sa lugar na ito. Hindi ko nga alam kung nasaan ako kaya hindi dapat maging kampante na walang mangyayari sa akin sa lugar na ‘to.
I won’t let my guard down this time.
I regretted that I didn’t follow my guts before the party happens. We should have talked about that deeply. Hindi dapat kami nagpadalos-dalos at agad na pumayag na pumunta roon kahit hindi namin alam kung sino ang nagpasimula ng party na iyon.
I was taken aback form my reverie when my phone rang again. I looked at it and a number flashed on the screen. It was unregistered again.
It was not the same number who called earlier. I cleared my throat before I answered the call with a shaky breath.
Iba ang kutob ko sa tawag na ito. Inilapat ko ang cellphone sa tainga ko pero hindi ako nagsalita at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya.
"Anveshika Ferolinoz," bungad ng kung sino mang taong iyon, lalaki ang boses.
Sa pagbigkas pa lang niya ng pangalan ko ay agad na lumukob sa sistema ko ang kilabot. His voice sent me chills!
Bakit parang normal lang sa kaniya na bigkasin ang pangalan ko?
Bakit parang kilala niya ako?
Siya na ba ang nasa likod ng pangyayari na ‘to?
I still didn't speak.
"Scared?" Sabay alingawngaw ng halakhak niya sa kabilang linya pero mas lalo lang ako nangilabot.
I gulped.
I shouldn't be scared.
He was not here, right?
I tightened my grip on the knife I am holding right now.
I shouldn't be scared...
Paulit-ulit kong ipinapaalala sa sarili na huwag matakot sa taong ito. He did something to us! Siya dapat ang matakot kapag nalaman ko, namin, kung sino ang hayop na ‘to!
Pero sino ba siya?
Hindi pamilyar ang boses niya.
Ano'ng kailangan nito sa akin? Sa amin ng mga kaibigan ko?
"Don't worry, Anveshika, I mean no harm." aniya.
Sino’ng niloloko niya rito?
’I mean no harm’ pa siyang nalalaman. Kung ganoon bakit ako narito? Ano ang kailangan niya sa akin? Wala namang mapapala sa ‘kin ang kidnapper na ‘to!
Susuntukin ko agad siya kung nandito lang itong hayop na ‘to.
"Who are you?" I asked as I gritted my teeth.
"Let's say, I'm your angel sent from above." Sabay halakhak niya ulit na para bang nakikipagbiruan ako sa kaniya.
Mas lalo lang ako nagngitngit sa galit sa kung sino man ang taong kausap ko ngayon. Hindi na ako natutuwa.
How dare he laughed at the situation right now? Naririndi ako sa boses niya!
"Show yourself to me, fucker! I'll make sure that you will rot in hell!" inis na sabi ko sa kaniya.
"Calm down there, Anveshika. Wala akong gagawin sa 'yo. Baka ikaw mayro'n?" nang-aasar na tugon niya.
What the fuck?
"Alam mo? Tangina mo!" gigil na sabi ko.
Halakhak na naman niya ang narinig ko sa kabilang linya. Kinuyom ko ang isang kamao ko dahil sa pagkainis ko sa taong ‘to.
Bakit ba hindi siya magpakita? Ang lakas ng loob na kidnap-in ako tapos hanggang tawag lang siya sa cellphone? Sana ayos lang siya, ‘di ba?
"Did you see the laptop?" the caller asked instead.
Kunot noo ko namang tinapunan ng tingin ang screen ng laptop kung saan nandoon pa rin ang mensahe na nakasulat.
"What about it?" tanong ko, hindi inaalis ang paningin sa laptop.
"Nabasa mo naman, 'di ba? Or hindi ka marunong magbasa?" nang-aasar na naman na tanong niya at tumatawa pa.
Naiinis na talaga ako sa kaniya!
Bakit ba siya puro tawa?
Nakakarindi sa pandinig boses ng pagtawa niya!
"H'wag mo ako gaguhin at sabihin mo kung ano ang pakay mo sa 'kin," madiin kong sabi.
Ano’ng akala niya rito? Naglalaro kami ng tagu-taguan?
Magpakita lang siya at magtutuos kaming dalawa. Pagbabayaran niya itong ginagawa niya sa amin ngayon.
"Gaya nang nabasa mo... sa 'yo na 'yang bahay. H'wag ka mag-alala, libre ko na 'yan," sagot niya, malayo sa itinanong ko.
Napairap na lang ako sa kawalan. I am pissed with this man!
"Bakit ba nandito ako? Ano'ng kailangan mo sa 'kin?" naiinis na tanong ko dahil hindi niya sinasagot iyon.
"Chill. Wala ka bang natatandaan? I mean, bago ka gumising?"
"Magtatanong ba ako kung mayro'n?" I lied.
Natatandaan ko pa ang nangyari sa party at paggising ko ay nandito na ako sa lugar na 'to. Pero hindi ko sasabihin iyon.
Paano kung hinuhuli niya ang mga sasabihin ko para makakuha ng impormasyon?
Mahirap na ang magsalita ng mga nalalaman ko kaya mas mabuting manahimik na muna ako.
"Magpakita ka sa 'kin! Hayop ka!" sigaw ko.
"Kumalma ka nga! Hindi ako ang kaaway rito. Baka madamay ako kung sakaling may kaaway ka nga. Ako na nga ‘tong nagmagandang loob na bigyan ka ng bahay, e," mahabang sagot niya at base sa pagsasalita niya ay mukhang nakanguso ang gago.
"Wala akong pakialam sa bahay mo! Gusto kong umuwi sa amin! Hindi ako taga rito!" singhal ko.
"Delikado ang pag-alis dito, Anveshika,” malamig na sambit niya.
Kinilabutan naman ako sa pag-iba ng boses niya. Nawala ang mapang-asar na tinig niya.
Napalunok ako. Parehas sila ng komento ni manong guard tungkol sa daan pauwi.
"Hindi ako naniniwala! Pakawalan mo ako!" I yelled.
Mas lalo lang humigpit ang pagkakakuyom ng kamay ko habang hawak ang kutsilyo. Humigpit din ang paghawak ko sa cellphone na para bang mawawasak na iyon.
He chuckled on the other line. "You're not even my prisoner, Anveshika."
I was about to speak again, when he mentioned someone that I didn’t expect to come from his filthy mouth.
"By the way I have some trivia for you. Your older brother's name was Gignesh, right?" mapang-asar na tinig na sambit nito.
I gritted my teeth.
How dare he mention my brother?
He doesn't have the right!
Nanginginig na ang mga kamay ko habang mahigpit na hawak pa rin ang kutsilyo.
"You..."
Wala akong makuha na tamang salita sa kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Basta pamilya ko ang pinag-uusapan ay apektadong-apektado ako.
"I was just stating a fact. Does it triggers you?" mapanuyang tanong niya pa.
"Putangina! Sino ka ba?! Ano ba'ng kailangan mo?!"
Bakit alam niya ang tungkol sa kuya ko?
Paano?
Sino ba talaga siya?!
"Putangina! Sino ka ba?! Ano ba'ng kailangan mo?!" Hindi ko na napigilan na pagtaasan ng boses ang kausap ko.He deserves it!Pinaglalaruan niya ako!Maaaring hindi lang ako!Baka pati ang mga kaibigan ko rin!Tanging halakhak lang niya ang narinig ko sa kabilang linya. Halatang tuwang-tuwa sa mga naririnig niya sa akin.This shouldn't be this way. I should be calm. I shouldn't be affected. But this shit, just mentioned my beloved brother and my whole system fucked up."Nasaan sila? Ano'ng ginawa mo sa mga kaibigan ko! Papatayin talaga kita kapag nagkita tayo, tandaan mo 'yan! Fuck you!" sigaw ko pa pero gaya kanina ay tinawanan lan
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Kahit hindi pa rin ako sigurado sa naghihintay sa akin ngayong araw ay haharapin ko pa rin iyon. Hindi ko malalaman kung ano ang mangyayari kung hindi ko ito haharapin.Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kailangan na gawin 'to?Ano ang saysay ng pagpunta ko rito sa lugar na 'to?Iyon talaga ang hindi ko makuha.Matapos ko makapag-ayos sa sarili ay natuwa ako sa tumambad sa walk-in closet na naroon. Napangiti ako dahil ang mga damit na narito ay talagang pasok sa panlasa ko.Hanga ako sa gagong 'yon. Mukhang maayos naman ang taste ng kidnapper ko.I picked a white ruffled top and a cream pencil cut skirt partnered with a cream blazer. I also wear a cream stilettos.At saka ko
I swallowed hard as I hold the door handle. Parang gusto kong umurong at hindi na makita pa ang kung sinong nasa loob.But no!I shouldn't let that fucker win over me!Never!Over my fucking dead body!Bumuntonghininga ako sa huling pagkakataon at matapang na binuksan ang pintuan. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at hindi agad nag-aangat ng tingin. Ramdam ko ang presensiya niya sa aking likuran pero hindi agad ako lumingon.Paano kung mali naman ang iniisip ko?"You're here."I swallowed hard as I heard his baritone voice. Unti-unti akong humarap sa kaniya at ganoon na lang ang pangangatal ko.
“Ngayon lang nagkaroon ng sekretarya si Sir Dearil,” komento ng staff habang nakangiting nakatitig sa akin.Naguluhan naman ako sa sinabi niya.Ha?Seryoso ba siya?Kaso mukhang hindi naman siya nagbibiro dahil hindi ako makabasa ng bakas ng pagbibiro sa mukha niya."Po?" naguguluhang tanong ko. Napakamot pa ako sa kilay ko at naghihintay sa sagot niya. Sa totoo lang ay kinakabahan ako, nakakakilabot."Ikaw pa lang ang naging sekretarya ni Sir Dearil. Hindi na niya kailangan ng sekretarya dahil nariyan naman si Gian, ang kaniyang personal butler. Pero ngayon lang talaga siya nagka-sekretarya." Mariin ang titig sa akin ni manang staff na para bang pinapasok niya ang kaloob-looban ko.Tumikhim naman ako para maibsan ang kaunting kaba na nararamdaman ngayon.Oo, kaunti lang, promise.&nbs
“You have a car?” kuryosong tanong niya.Agad siyang lumabas sa elevator nang bumukas ang mga pinto nito. Sumunod naman ako sa kaniya.Para pa akong madadapa sa pagsunod ko sa kaniya dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.What’s happening to me?"Beside yours," sagot ko. I tried to sound calm and I think I made it.Tumango naman siya. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Sinadya kong hindi siya sabayan sa paglakad niya kaya nandito ako likod, nakasunod lang.Habang nasa likod niya ako ay hindi ko mapigilan na tingnan ang kabuuan niya habang naglalakad kami.He has a lean body. I think his muscles were just put in the right places. The way he walked, screams authorativeness and power.
Nang makarating sa entrance ng El Kanjar village ay huminto muna ako sa tapat ng silid ni manong guard. I rolled down the car's window. Bumusina pa ako para makuha ang atensyon ni manong."Hija!" masiglang bati niya.Napangiti naman ako at binati siya."Magandang hapon po," bati ko."Buti naman at hindi ka masyado ginabi. Delikado na ang mga oras na 'yon," paalala niya.Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ganoon din ang sinabi sa akin ni Sir Dearil pero ipinagwalang-bahala ko lang iyon.Normal lang naman siguro ang paalala na iyon, 'di ba?"Gaano po ba ka-delikado, manong?" kuryosong tanong ko.Hindi naman nila paulit-ulit na ibilin sa akin na huwag magpagabi kung hindi talaga delikado, ‘d
Warning: Brutal triggers.Tinanaw ng isang lalaki ang paglayo ng sasakyan ng bagong babae sa lugar nila, ang El Kanjar."Mukhang hindi ka naniniwala. Tingnan natin kung hindi ka pa maniwala matapos ang gabi na 'to," bulong nito sa kaniyang sarili.Pinanood din ng lalaki ang pag-alis ng dalawang sasakyan na nakabuntot sa babaeng iyon. Nakita niyang mga bodyguards ang sakay noon dahil bumaba ang isa sa kanila kanina at sumulyap sa sasakyan noong babae na pumasok sa village."Tingnan din natin kung magawa n'yo ba na mabantayan talaga siya ng maayos," mariing bulong niya pa.Napangisi ang lalaki.Noong una niyang nakita ang babae sa kagubatan ay inakala niyang wala itong buhay. Nakahandusay lang iyon sa lupa at madungis ang hitsura. Lalapitan niya sana iyong babae nang may nakauna sa kaniya.Agad siyang nagtago sa
Nabuga ko ang iniinom na kape matapos mapanood ang balita ngayong umaga.Isang babae ang natagpuang patay sa bungad ng kagubatan ngayong umaga. Gaya ng mga naunang krimen, natagpuan ang babaeng nagngangalang, Aranie Lacson, na butas ang dibdib at wala ang kaniyang puso katulad ng mga huling biktima. Ayon sa imbestigasyon, kagabi pa ang bangkay ng biktimang si Aranie. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy-tukoy ng pulisya ang suspek sa likod ng Heart Forest Crime kung tawagin.Napasapo pa ako sa bibig ko nang makilala ang sasakyan ng biktima.Hindi ako nagkakamali!That was the car I’ve seen last night!I remembered the plate number as it was making its u-turn!