Share

Chapter 7

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Kahit hindi pa rin ako sigurado sa naghihintay sa akin ngayong araw ay haharapin ko pa rin iyon. Hindi ko malalaman kung ano ang mangyayari kung hindi ko ito haharapin.

Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kailangan na gawin 'to?

Ano ang saysay ng pagpunta ko rito sa lugar na 'to?

Iyon talaga ang hindi ko makuha.

Matapos ko makapag-ayos sa sarili ay natuwa ako sa tumambad sa walk-in closet na naroon. Napangiti ako dahil ang mga damit na narito ay talagang pasok sa panlasa ko.

Hanga ako sa gagong 'yon. Mukhang maayos naman ang taste ng kidnapper ko.

I picked a white ruffled top and a cream pencil cut skirt partnered with a cream blazer. I also wear a cream stilettos.

At saka ko lang pala naalala na wala akong sasakyan!

Argh!

I need to take a taxi just to go to Ravides Holdings! Baka mapaano pa ako! Mamaya ay may ma-kidnap naman ako ng taxi driver!

Napangisi ako nang may ideyang sumagi sa isip ko.

Hindi naman siguro masama na mag-demand sa taong 'yon, ano?

Lulubus-lubusin ko siya, ginusto niya 'to kaya pakikinabangan ko nang husto.

I won't accept the fact that you're the only one who was going to play with me, fucker. Hindi pa rin ako naniniwala na wala kang intensyon sa akin. Hindi pa rin ako naniniwala na hindi ikaw ang may pakana nito sa akin, sa amin.

I dialed the number who called me yesterday. Hindi naman ako nabigo dahil makailang ring lang ay sinagot na niya iyon.

"Enjoying, Anveshika?" nang-aasar na bungad niya.

I rolled my eyes as I stormed out the house. Sinigurado ko pang naka-lock iyon. Mahirap na, mamaya ay wala na akong balikan na bahay pag-uwi ko galing trabaho.

"I need my car. Anything, basta sasakyan. Ayokong mag-commute lalo pa’t hindi ko alam ang takbo ng bituka ng mga tao rito sa lugar na pinagdalhan mo sa 'kin," may diin kong sabi.

The other line chuckled. "Yes, yes! Anything else?"

I rose an eyebrow. "How about my money? Ayokong mamatay sa gutom dito."

"You already have a bank account, Anveshika, you can check it right away."

Napangisi ako. Nakita ko na kanina ang card ng isang bangko, akala ko pa naman ay display lang iyon sa wallet ko. May black card din akong nakita. Ayos din naman pala kausap ang gago na 'to.

Galante ang kidnapper ko.

"Okay," tanging sabi ko at pinatay ang tawag.

Nang makalabas ako sa village ay naroon na ang guwardyang nakausap ko at nagbabantay roon. Kinuha ko ulit itong pagkakataon para makapagtanong.

"Manong." Pagkuha ko sa atensyon nito. Agad naman siyang lumingon sa akin mula sa bintana ng maliit na silid niya. Binuksan muna niya ang pinto bago ako kinausap.

"Ikaw pala, hija," bungad niya.

"Manong... nakita n'yo po ba kung sino ang nagdala sa 'kin dito?" tanong ko, nagbabaka sakali na may matandaan man lang siya sa mukha no’n.

"Pasensya ka na, hija, hindi, e. Pero ang natatandaan ko ay sakay sila ng isang mamahalin na sasakyan," sagot niya.

I nodded. "Salamat po, manong."

Sila?

Ibig sabihin ay may mga kasama siya nang maihatid ako rito o kaya ay ipinag-utos lang niya sa mga tauhan niya?

Pero ang tanong... sino?

Iyon bang tumatawag sa akin?

O iyong totoong may pakana ng nangyayari ngayon?

Kasabwat lang ba ang taong tumawag sa akin?

I'm going crazy!

"Saan ba ang lakad mo, hija?" tanong niya ulit.

"Sa Ravides po, magtatrabaho," nakangiting sagot ko.

Nagulat naman si manong sa isinagot ko. Mukha bang hindi kapani-paniwala iyon?

"Bakit po, manong?" nagtatakang tanong ko, mukhang hindi talaga siya naniniwala.

"Sigurado ka na sa Ravides ang punta mo?" gulat na tanong niya pa rin.

My forehead creased. "Opo."

"Nagulat lang ako, hija." He laughed. "Mahirap ang makapasok sa kompanya na 'yan. Baguhan ka sa lugar pero agad kang nakapasok," paliwanag niya.

Tumango-tango naman ako. "Gano'n po ba? E 'di, maswerte ako kung gano'n, ano?" pabirong asik ko.

Humalakhak naman si manong. "Palabiro ka rin pala. O siya, ipapara kita ng taxi. Wala ka bang sariling sasakyan, hija? Nagkalat pa naman ang mga krimen sa lugar natin."

"Hindi ko pa po alam kung kailan ang dating ng sasakyan ko manong, e. Mag-iingat na lang po muna ako kung gano'n," magalang na sambit ko.

"Mag-ingat ka talaga, hija."

Nang makapara siya ng taxi ay kinuha ni manong ang plate number nito. Inilagay niya rin sa cellphone ko ang number niya kung sakaling kailanganin ko ng tulong.

Napangiti ako. Kahit papaano ay makakausad naman ako sa lugar na ito. Matiwasay na naihatid ako ng taxi driver sa tapat ng mataas na gusali ng Ravides Holdings. Hindi na bago sa akin ito dahil ganito rin ang kompanya nila Sir Vanmer.

I let out a heavy sigh as I composed myself. I held my chin up high as I walk towards the building. Sinalubong ako ng masiglang bati ng bodyguard.

"Good morning, Ma'am!" nakangiting bati pa nito sa akin.

Quota naman yata ako sa mga bodyguards? I just mentally laughed with the thought.

"Good morning din po! Pero bakit may Ma'am?" pabirong asik ko.

"Kayo po si Ma'am Anveshika Ferolinoz po, 'di ba? Iyong bagong sekretarya ni Sir Dearil," tanong niya sa akin.

"Ako nga po, manong. Pero h'wag n'yo po akong tawaging ‘Ma'am’, hindi naman ako boss dito," natatawang sambit ko.

Napakamot naman si manong sa batok niya. "Susubukan ko ho, Ma'am!"

Natatawang naiiling na lang ako sa kaniya at nagtanong kung saan ang opisina ni Sir Dearil.

Hindi ko alam pero habang tinititigan ko ang mga nagpapalit-palit na numero sa loob ng elevator ay dumadagundong sa kaba ang puso ko.

Bakit ba ako kinakabahan?

Wala naman ako dapat na ipangamba dahil mukhang ligtas ang lugar na ito. Pati ang mga tao na narito ay mukhang wala akong  poproblemahin.

Pero bakit ganito na lang ang bilis ng tibok ng puso ko?

Marahil ay dahil maninibago ako sa boss ko ngayon?

Siguro ay nasanay na ako sa ilalim ni Sir Vanmer kaya ganito na lang ang kaba ko na humarap sa panibagong boss ko?

I exhaled deeply.  When the elevator dinged at the last floor at the building, I stormed out the lift with my head held high.

Mula rito ay tanging double doors ang nahagip agad ng paningin ko. Literal na opisina nga ni Sir Dearil ang buong palapag na ito.

Pero may front desk sa labas ng double doors, at may isang lalaki ang naroon. Sa harap naman ng front desk na iyon ay may mga couch na nagmimistulang waiting lobby ng palapag.

Bumuntonghininga ulit ako bago tinahak ang pasilyo patungo sa front desk.

"Ms. Anveshika Ferolinoz, I'm glad that you came," nakangiting sambit sa akin ng lalaki na nasa front desk.

Pamilyar ang boses niya, siya siguro 'yong naunang kumausap sa akin sa telepono.

"Good morning, ako nga," tanging sagot ko.

Nahiya ako bigla nang maalala ang naging sagutan namin sa telepono, lalo pa't napatunayan ko na nagsasabi siya ng totoo. Wala ngang Casiope Empire na nag-e-exist sa lugar na ‘to, kahit anong hanap ko sa mga websites ay wala talagang lumalabas.

He nodded his head as he talked over an intercom.

"Sir Dearil, you're secretary arrived already."

Naghintay siya ng ilang segundo bago may sumagot. Napalunok ako nang marinig ang boses noong sumagot.

"Let her in."

Parang pamilyar ang boses niya. Pamilyar na pamilyar. Ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay mas dumoble pa matapos marinig ang boses na iyon.

Imposible...

"You may come in. By the way, I'm Gian," pagpapakilala niya. Tanging tango na lang ang naisagot ko sa kaniya dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na rin naman kailangan magpakilala dahil kilala na niya ako.

Habang tinatahak ang pintuan papasok sa opisina na iyon ay para na lang akong mabubuwal sa kinatatayuan ko. Imposibleng mangyari iyon! Hinding-hindi mangyayari iyon! Kahit saang anggulo ay napakaimposible.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status