Share

Chapter 37

Kinabukasan ay naging normal naman na ang paggising ko. Ramdam ko pa rin ang pamumugto ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi.

Naghilamos muna ako bago ako bumaba ng kwarto. Wala pang kumakatok dito sa kwarto ko, siguro ay hindi pa tapos ang paghahanda ng umagahan namin.

Hinayaan lang ako ng magkambal na umiyak na kagabi. Alam kong may ideya sila sa kung ano’ng nangyari kay Kuya Gignesh dahil nabanggit ko iyon. Siguro’y naguguluhan sila kung bakit ako umiyak nang makita ko ang picture ng lalaking biktima ng Heart Forest Crime. Ako lang naman ang nakakakilala ng mukha ni Kuya.

Hindi nga ako nagkamali dahil hindi suicide ang ikinamatay ni Kuya. Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin talaga napapalagay ang loob ko dahil doon. My Kuya didn’t deserve this, his death deserves justice! Gagawin ko ang lahat para makaalis sa laro na ito.

Alam kong kagagawan ito ng taong nasa likod ng party na pinuntahan naming magkakaibigan. Hindi ako magpapatalo sa larong ibinigay mo.

You’re underestimating my name, fucker. I am not named Anveshika for nothing. I am named Anveshika to unravel things behind every mysteries.

Habang pababa ako ng hagdan ay naririnig ko na ang sagutan nina Damien at Dearil kaya napakunot ang noo ko at pinakinggan kung ano na naman ang pinag-aawayan nila.

“Turn off the TV, Kuya,” utos ni Dearil.

“I’ll just finish the news.” Boses naman ni Damien ang narinig ko.

Ano bang balita iyon? Nagpatuloy ako sa pagbaba at dumiretso sa kusina para makainom muna ng tubig. Mukhang hindi nila ako narinig dahil abala sila sa pagsasagutan.

“Anveshika might broke down again,” wika ni Dearil.

Napataas ang kilay ko roon. Dala ang isang baso ay nagtungo ako sa may sala kung nasaan silang dalawa na nakaharap sa malaking flatscreen TV, natulala ako sa mga pictures na nasa screen.

Pitong magkakaibigan, bagong biktima ng Heart Forest Crime?

Wala sa sariling napahakbang ako paatras at nabitawan ko ang baso na hawak-hawak ko.

“Anveshika!” Gulat na napatingin sa akin si Dearil at Damien.

Bakit nandoon ang mukha ng mga kaibigan ko?

Nag-umpisang manginig ang mga kamay ko. May mga sinasabi sila Dearil at Damien pero hindi ko marinig iyon dahil para akong nabingi sa mga oras na ito. Ang mga luha ko ay nag-unahan na rin sa pagtulo at ang kirot sa d****b ko ay nabubuhay.

Ano ang ibig sabihin no’n? Hindi pa sila patay! Hindi totoo iyon! Hindi pwedeng mangyari ‘yon! Hindi sila mamamatay! Hindi sila ‘yon! Nagkamali lang ‘yon!

Paniniwalaan ko pa na nangyari o mangyayari pa lang iyon kung ibang tao ang pag-uusapan pero kung mga kaibigan ko... hinding-hindi ako maniniwala!

Walang mamamatay sa amin... wala... hindi pwede... lumalaban pa kami... ramdam ko ‘yon... wala pang sumusuko... makakaalis kami sa larong ito.

“Hindi... lalaban pa rin tayo... walang susuko...” paulit-ulit na pagkumbinsi ko sa sarili ko.

Walang mawawala sa aming lahat. Kumpleto kaming makakabalik sa totoong buhay namin. Kumpleto pa rin kami at magpapatuloy sa naudlot na buhay namin. Hindi ganito ang mangyari... walang kamatayan.

Masasaksihan ko pa ang pagkaharot nila Laszle at Nabi. Ang malamig at mataray na si Athena. Si Shaira na matatakutin. Si Shanaya na may pagkamataray. Si Lacheska na mahinhin at may pagkalutang at si Gareth na masayahin at mapang-asar sa grupo.

Hindi ko matatanggap kung gano’n ang mangyayari sa kanila...

Hindi katanggap-tanggap!

“Hindi ko hahayaan na mangyari ‘yon... hindi ako papayag...” mariing bulong ko.

Hindi ko na namalayan na nakayakap na pala sa akin si Damien at paulit-ulit na hinahalikan ang buhok ko habang hinahagod ang likod ko para pakalmahin ako.

Nagpatong-patong na lahat sa isipan ko. Napapagod na rin ako pero hindi ako pwedeng sumuko. Hindi ko hahayaan na manalo siya sa laro niya. Inumpisahan niya man ang lahat ng ito... pwes, kami ang tatapos.

“Calm down, baby... I’m here... we’re here, calm down, okay?” paulit-ulit na sambit ni Damien habang pinapakalma ako.

Nang kumalma ako tuluyan na akong yumakap sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pagpakawala niya ng malalim na buntonghininga.

“I’m sorry...” namamaos na bulong.

“Don’t be... you’re not at fault,” bulong niya pabalik.

Ilang minuto pa ako nanatili sa bisig niya hanggang sa tuluyan na nga akong kumalma at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

“You okay now?” he softly asked.

I nodded. “Yes, thank you...”

He just kissed the back of my hand. I smiled with his gesture.

“Let’s eat?” anyaya niya. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya kaya inalalayan niya akong makapunta sa dining area.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling wala si Damien sa tabi ko. Siguro ay nabaliw na ako kakaisip sa lahat ng nangyayari sa akin at mas lalong hindi ko alam kung saan ako pupulutin dito sa El Kanjar.

“About last night and earlier...” I trailed off.

“It’s okay if you don’t want to talk—“ I cut what Damien was about to say.

“‘Yong mga biktima... kamukha nila ang Kuya at mga kaibigan ko...” Sinikap kong hindi mabasag ang boses ko nang sabihin ko iyon.

Naalala ko na naman ang kinahinatnan ni Kuya pero hindi ako papayag na maging ganoon din ang kahinatnan ng mga kaibigan ko. Hindi pa tapos ang laro.

“You’ve mentioned that you’re brother was already dead, right?” Bakas sa mukha ni Dearil ang pag-aalinlangan sa pagtanong.

Sumulyap pa si Damien kay Dearil para patahimikin siya pero nagsalita ako.

“It’s okay,” sabi ko. “Yes, he’s gone as I’ve mentioned,” sagot ko sa tanong niya.

“But... what about your friends?” tanong pa ni Dearil.

“They’re not and it won’t happen,” madiing sabi ko.

Hindi na siya nagtanong pa kaya nagpatuloy kami sa pagkain namin pero maya-maya ay binasag ko ulit ang katahimikan.

“We’ll have a meeting with Detective France again, right?” tanong ko.

“It’s okay if we postponed it—“ I cut Damien’s words again.

“I’m fine. We’ll get back to work,” sabi ko na tinanguan naman nilang dalawa.

Kailangan ko na matapos ang kahibangan na ‘to. Gusto ko nang mabawasan kahit papaano ang tumatakbo sa isipan ko dahil baka hindi ko na lang mamalayan ay nababaliw na pala ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status