Share

Chapter 38

Kailangan ko na matapos ang kahibangan na ‘to. Gusto ko nang mabawasan kahit papaano ang tumatakbo sa isipan ko dahil baka hindi ko na lang mamalayan ay nababaliw na pala ako.

Una ay nasagot ko na kung bakit kamukha ng mga nakakasalamuha kong tao rito sa El Kanjar ang mga tao sa totoong buhay ko bilang Anveshika. Parehas ang mga mukha nila pero iba ang pangalan nila rito sa El Kanjar at may pagkakaiba rin pagdating sa ugali.

Pangalawa ay hindi ko pa rin alam kung may kinalaman ba ang mga tao na ito sa paraan ng pag-alis ko rito sa El Kanjar.

Pangatlo ay ano nga ba ang katotohanan sa likod ng Heart Forest Crime? Ang totoong kwento kay Lhianne Jimenez?

Pang-apat ay ano’ng kinalaman ko sa suspek ng Heart Forest Crime? May posible akong sagot dito na maaari ngang, ang mukha ng suspek ng Heart Forest Crime ay siya ring mukha ng totoong dahilan ng pagkamatay ni Kuya Gignesh. Hindi ko akalain na sa pagpunta ko rito ay mauungkat ko rin ang tungkol sa Kuya ko.

Pero ano itong balita ngayon lang? Ang pitong magkakaibigan na kamukha rin ng mga kaibigan ko... there’s a loophole here...

Pang-lima ay paano ako napadpad sa lugar na ito? Wala akong natatandaan na may nag-e-exist na lugar na El Kanjar.

Pang-anim ay ano ang nangyari sa aming magkakaibigan matapos ang party na siyang paggising ko ay nandito na ako sa lugar na ‘to?

Pangpito ay kung sino ang dalawang tao na nakakakita ng nakaraan at hinaharap?

At pangwalo ay sino... sino ang may gawa nito sa aming magkakaibigan? Sino ang nag-umpisa ng larong ‘to?

Napakarami kong katanungan ko pero iisa pa lang ang may katuturan sa isipan ko. Hindi ko na alam kung paano pa mahahanap ang mga kasagutan sa larong ito.

Silence covered the whole penthouse. Nobody dared to speak until we finished our breakfast. I know they’re being considerate because of my sudden breakdowns but I don’t want to be a burden to them, they already did a lot for me, this is not the time to be weak.

I know that the game creator was just manipulating my mind. He or she knew all about me. He won’t use my brother nor my friends if he or she doesn’t know that I value them the most.

Sumabay na rin ako kay Damien papuntang Ravides Holdings, sa sobrang dami kong iniisip ay baka hindi ako makapagmaneho ng maayos.

“Ate Anveshika,” pagtawag sa akin ni Dearil habang naglalakad kami papuntang elevator.

Sa main lobby kaming pumasok na tatlo kaya lahat ng atensyon ng mga empleyado ay sa amin napunta.

“What?” tanong ko at lumingon sa kaniya dahil nasa kaliwa ko siya.

“Ayos ka lang?” malumanay na tanong niya.

Napangiti ako. “Yes, thank you, Dearil.”

Napakamot siya sa kanang kilay niya. “Hindi ako sanay na mabait ka.” Sabay mahinang halakhak niya.

I just shook my head. “I’ll call you fucker, okay na?”

“Grabe ka naman, Ate!” sigaw niya kaya mas lalong nakakuha ng atensyon sa paligid pero hindi namin pinansin. “Bagong buhay na kaya ‘ko!” Sabay nguso niya.

“You look stupid.” Damien smirked.

“Ang sama n’yong dalawa! Pangit n’yo ka-bonding!” nakanguso pa ring sabi niya. “Bakit kasi wala pa si France? Wala tuloy akong kakampi...” bulong-bulong na niya sa sarili niya.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa elevator. Ngayon ko lang napansin na hindi ako sinalubong ni Rhianne. Nasanay na kasi akong ang pangungulit niya ang sumasalubong sa akin sa tuwing pagpasok ko rito pero ngayon ay mukhang wala siya. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Baka nga absent siya.

Matapos ang pag-iisip na iyon ay natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng sasakyan patungong El Kanjar Village.

Nakatanggap kasi ako ng text galing kay Manong Liher, nangangamusta siya sa akin kaya bibisita na lang ako. Nang makarating sa tapat ng security guard’s post ay bumusina ako sa sasakyan, tanghaling tapat kaya wala masyadong sasakyan.

“Kumusta, manong?” nakangiting tanong ko nang maibaba ko ang salamin ng sasakyan at lumabas siya sa silid niya.

“Anveshika! Bakit ka pa dumalaw? Nag-text naman ako, nangangamusta lang!” Napakamot si Manong Liher sa kaniyang batok.

Hindi ko maikakaila na itinuring ko na rin siyang parang tatay ko simula nang pakitaan niya ako ng kabutihan noong mga bago pa lang ako rito sa El Kanjar. Hindi ako nakaramdam sa kaniya ng pagtataboy, pero sa halip ay tinutulungan niya pa akong makaahon sa lugar na ito kaya nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya.

“Ayun na nga po, manong! At saka, medyo matagal na rin noong huling punta ko rito kaya naisipan ko na lang na dumalaw,” maligayang sambit ko pa.

Totoo naman iyon dahil naging abala nga ako nitong mga nagdaang araw.

“Hindi ka pa rin ba babalik?” tanong niya sa akin.

Napakamot ako sa kilay ko at ipinatong ang braso ko sa may bintana ng sasakyan.

“Hindi pa po, e... baka po sa susunod. Nag-e-enjoy pa po ako sa bago kong kaibigan.” Sabay hagikgik ko.

“Mabuti ‘yan! Masuwerte ka dahil nagkaroon ka ng kaibigan dito.” Ramdam ko ang pait sa boses niya kaya nagtanong pa ako.

“Bakit po?” kuryosong tanong ko. Malungkot siyang ngumiti at saglit na natulala na para bang may inaalala.

“May anak ako, kasing edad mo yata siya kung tutuusin. Dalawa sila pero parehas na silang wala sa akin,” aniya.

Napakunot ang noo ko. “Kung hindi mo po mamasamain, manong... ay pwede ko po bang malaman kung bakit?”

Huminga siyang malalim at umayos ng tindig. Bumagsak din ang malungkot niyang mga mata sa akin.

“Nagpakamatay ang panganay ko...” Napasinghap ako sa sinabi niya kaya napahinto siya sa pagsalita bago siya nagpatuloy ulit. “‘Yong isa ay umalis sa akin...” malungkot na sabi.

“I’m sorry, manong...” sinserong sabi ko.

“Ayos lang, para na rin kitang anak kaya walang problema. Salamat din kasi... parang nagkaroon ulit ako ng isang anak dahil sa ‘yo...” mahinang sabi niya. “Gusto kong mabigyang katarungan ang pagkamatay ng anak ko... pero alam kong imposible ‘yon dahil naging sarado na ang isip ng mga tao rito,” dagdag niya.

“Katarungan?” taas kilay na tanong ko.

Tumango naman siya. “Gusto kong mabigyang hustisya ang pagkamatay niya.”

Natawa ako kaya bumaling ang paningin niya sa akin. Nagtataka pa iyon dahil ginawang pagtawa ko. You can’t fool me.

“Enough with the dramas Liher Jimenez. Do you think the justice you’ve been seeking will be found with the Heart Forest Crime?” madilim kong tanong.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status