Share

Chapter 39

Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko pero agad din iyong nagdilim nang makabawi siya at humalakhak.

"Hindi ko inaasahan na mas maaga mong malalaman. Pinahahanga mo ako, Anveshika." Marahan pa siyang pumalakpak. Napairap ako at bumaba sa sasakyan para makaharap siya ng maayos.

"What are you doing, Anveshika? Stay inside the fucking car!" Rinig ko ang boses ni Damien mula sa earpiece na suot ko.

Napangisi ako. "What now, Liher Jimenez? The father of Lhianne and Rhianne Jimenez, right? Also, the mastermind behind the Heart Forest Crime," mariin kong sabi.

"Ano ngayon ang gagawin mo ngayong alam mo na?" nakangisi niyang tanong sa akin.

"You're busted." Nakangisi lang ako sa kaniya habang nakatitig at maya-maya lang ay narinig na namin ang sirena ng mga pulis.

Nakita kong natigilan siya dahil sa tunog na iyon. Agad siyang humugot ng baril sa kaniyang tagiliran at walang kurap-kurap na itinutok niya iyon sa akin.

"Anveshika!" sigaw ulit ni Damien pero galit lang akong nakatingin kay Manong Liher.

"Inutil! Paanong nangyari 'to?! Wala talagang kwenta 'yang si Goro!" galit na sigaw niya sa akin at tinutukoy ang kasalukuyang PNP Chief ng El Kanjar.

Buti naman at natauhan na si Goro. Napailing na lang ako sa isip ko. Hindi ako makapaniwala na itinuring siyang PNP Chief pero sa simpleng pagbabanta ay umabot sa ganito ang kasong ito. Hindi nga rin naman siya masisi ng buo dahil nakasalalay ang buhay ng pamilya niya pero hindi pa rin sila gumawa ng aksyon para masolusyunan ito.

Natatawa ko pang itinaas ang mga kamay na ko na para bang susuko ako sa kaniya.

"You can't runaway now, Manong Liher." Mas lalo niyang itinutok sa akin ang baril niya.

Unti-unti na ring nagdatingan ang mga pulis at pumarada sa harap ng village at nakatutok ang mga baril nila kay Manong Liher.

"Hindi ako makukulong!" madiing sabi niya.

Napailing na lang ako. "Sa tingin mo po ba, manong, ay natutuwa si Lhianne sa ginagawa ninyo?" tanong ko sa kaniya at nakita ko naman ang panlalambot ng ekspresyon niya nang banggitin ko si Lhianne.

"Ni hindi n'yo nga po siya nabigyan ng magandang himlayan." Nanlaki ang mga mata niyang tumitig sa akin.

"A-Anong ginawa n'yo sa kaniya?!" galit na asik niya at para na siyang maiiyak.

"Manong..." malumanay na tawag ko sa kaniya. "Sumuko na po kayo. Hindi ganito ang gusto ni Lhianne para sa 'yo." Huminto ako sa pagsasalita at may kinuhang papel sa bulsa ko. "Ito... nakita n'yo na po ba 'to, manong?" tanong ko sa kaniya at inilahad ko ang papel sa kaniya.

Hindi siya natinag at nanatiling nakatayo lang doon pero napatitig siya sa papel na hawak ko.

"Sulat ito ni Lhianne bago siya lumisan, nabasa n'yo na po ba?" malumanay na tanong ko para hindi magbago ang mga galaw niya ngayong mukha na talaga siyang nanlalambot.

"P-Para sa 'kin?" utal na tanong niya at itinuro pa ang sarili niya.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Inilahad ko pa ang papel na hawak ko sa kaniya.

"Baby..." Rinig ko na naman ang malumanay na tinig ni Damien pero hindi ko na iyon pinansin muna.

Kailangang maisagawa ang plano ng maayos, kung hindi ay maaaring magkagulo pa.

"Kunin n'yo na po at basahin n'yo, manong..." malumanay na sabi ko pa pero naroon ang pangungumbinsi.

Dahan-dahan na akong naglakad palapit kay Manong Liher kahit naririnig ko ang pagtutol nila Damien sa suot kong earpiece.

I'm not scared right now, actually. I just felt pity for him. Hindi siya aabot sa ganito kung hindi siya nagpalamon sa kaniyang galit. Pero naiintindihan ko siya kahit papaano, sa paraan na ginagawa niya para bang gusto niya ipakita na hindi siya mahina, na kaya niya pa gawin ang bagay na ito kahit nawalan siya. Ayaw niyang ipakita na gumuho ang mundo niya nang mawala ang pinakamamahal niyang anak sa piling niya.

Sometimes, we tend to be evil just to hide our weaknesses... but I learned that you must hug your weaknesses for you to find your real strength that will keep you go further.

Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ni Manong Liher nang mabasa niya laman ng sulat. Niyakap niya ang sulat sa kaniyang dibdib at paulit-ulit na humingi ng tawad at pagbanggit sa pangalan ng namayapa niyang anak.

"Pa..." Napatingin ako sa aking kaliwa nang makita ko si Rhianne.

Tipid akong ngumiti sa kaniya nang magtama ang mga paningin namin. Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin pero ngumiti pa rin siya bago ulit binaling ang atensyon sa kaniyang ama.

Yes, Rhianne Jimenez is his daughter too. She's the younger sister of Lhianne Jimenez.

Hanga ako kay Rhianne dahil ang lahat ng ito ay kinimkim niya lang sa kaniyang sarili. Aniya ay alam niya ang ginagawa ni Manong Liher pero naduwag siya na isuplong siya sa mga pulis dahil tatay niya pa rin siya at mahal na mahal.

"R-Rhianne?" Napatigil sa pag-iyak si Manong Liher at gulat na napatingin kay Rhianne na ngayon ay nasa harapan na niya.

Tumango-tango naman si Rhianne habang nakatitig sa kaniyang ama at maya-maya pa ay inisang hakbang ni Manong Liher ang layo nila at mahigpit na niyakap ang kaniyang anak. Narinig ko pa ang paulit-ulit na paghinigi niya ng tawad at ang mga hikbi ni Rhianne kaya nag-iwas na ako ng tingin.

"You okay?" Napagitla ako nang nasa tabi ko na si Damien.

Bahagya ko namang hinampas ang braso niya pero tinawanan niya lang ang reaksyon ko.

Bumalik ang atensyon ko kay Manong Liher nang unti-unti siyang naglakad papunta sa mga pulis at nakalahad ang kaniyang mga kamay.

Napaupo naman si Rhianne sa kinatatayuan niya at mas lalong umiyak nang naposasan na ang kaniyang ama sa pangunguna ni Detective France. Agad naman na dumalo si Dearil kay Rhianne para yakapin ito at pakalmahin.

Nagpaalam ako kay Damien na lumapit sa kinaroroonan nila Manong Liher at ng mga kapulisan kasama ni Detective France.

"Manong..." Pagkuha ko sa atensyon niya. Agad naman siyang napalingon sa akin at may maliit na ngiti sa kaniyang labi.

"Anveshika, patawarin mo ako..." mahinang sabi niya. Pinigilan ko ang pag-usbong ng emosyon ko at ngumiti sa kaniya. "Patawarin mo ako kung binantaan ko ang buhay mo..." Yumuko siya.

"Manong... mas matimbang pa rin po ang pasasalamat ko sa inyo..." Napaangat ulit ang ulo niya at naiiyak na tumingin sa akin. "Hindi ko po makakalimutan ang mga kabutihan na ginawa mo sa 'kin. Maraming salamat, manong..." sinserong sabi ko.

"Anveshika... hindi ka galit sa 'kin?" alanganing tanong niya.

Ngumiti ako. "Hindi po," sagot ko.

"Dapat ay magalit ka sa 'kin..." bulong niya.

Umiling ako. "Hindi maganda ang nangyayari kapag nagtatanim po ng galit, manong. Kaya po tayo may puso para po magpatawad. Hindi naman po ako santo para hindi magpatawad. May kahinaan din po ako tulad ninyo pero magkaiba po tayo ng paraan kung paano lumaban."

Tumango siya bilang pagsang-ayon sa akin at humingang malalim. "At ang ginawa kong paglaban ay maling-mali. Patawad ulit, Anveshika..."

"Ayos na po 'yon at saka po pala, ako na po ang bahala sa magandang libing ni Lhianne," malumanay na sabi ko.

Muli na namang tumulo ang mga luha niya at lumapit sa akin para hawakan ang mga kamay ko.

"Maraming salamat... maraming salamat... napakabuti ng 'yong puso pero ito ang sinukli ko sa 'yo... maraming, maraming salamat at patawad ulit, Anveshika... hanggang sa muli..." emosyonal na paalam niya.

Ginantihan ko ang paghawak niya sa mga kamay ko bago siya inilayo sa akin ng mga kapulisan sa pangunguna ni Detective France.

We shouldn't let our anger consumed ourselves. You wouldn't notice that you were capable to do things beyond your expectations.

"Damien..." pagtawag ko sa kaniya.

Agad ko naman naramdaman ang marahang paghila niya sa isang braso ko at ikinulong ako sa isang mahigpit at mainit niyang yakap. Buong puso kong ginantihan ang yakap niya.

"It's done... you have nothing to worry about now..." bulong niya at h*****k sa buhok ko.

"Salamat... maraming salamat, Damien..." sinserong sabi ko kahit sa likod nito ay ang unti-unting pagkirot ng puso ko.

Hindi na magtatagal, Damien...

Nararamdaman ko nang nalalapit na ang katapusan. Malapit na akong umalis sa mundo mo. Kakayanin mo kaya, Damien? Kakayanin ko ba na umalis pa sa piling mo?

Am I ready to face the dead end?

ASHTRIZONE

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status