Share

Chapter 40

"Maraming salamat, Anveshika. Patawad din sa lahat ng nangyari..." malungkot na sabi ni Rhianne habang hawak ang kamay ko.

"You're not at fault, Rhianne," sabi ko sa kaniya.

Umiling lang siya at malungkot na tumitig sa kabaong unti-unting bumaba sa ilalim ng lupa. Gaya ng ipinangako ko kay Manong Liher ay ginawa ko ang paglibing kay Lhianne Jimenez. Nalungkot ako nang sinabi niyang hindi siya pupunta ngayon dahil sa sobrang hiya niya raw sa anak niya, wala raw siyang karapatan na harapin ang anak niya dahil sa lahat ng kasalanang nagawa niya.

"Sobrang maraming salamat..." bulong niya.

Ngumiti na lang ako sa kaniya. Lumapit na kami sa lumubog na kabaong sa lupa. Hawak pa rin ni Rhianne ang kamay ko at ramdam ko ang panginginig at panlalamig no'n kaya marahan ko iyong pinisil. Hawak-hawak ang putik bulaklak ay unti-unti namin iyong inihagis sa ibabaw ng kabaong. Ganoon din ang ginawa nina Damien at Dearil na nasa isang tabi.

"We know it's late, Ms. Lhianne Jimenez, but we're sorry for the damage that we've caused you..." Damien uttered.

"We're really sorry, Ms. Lhianne Jimenez. Don't worry, I'll assure you that we'll fix your name," sabi ni Dearil at lumingon naman siya kay Rhianne ngayon. "Rhianne, we apologize for the loss of your sister. I promise that I will make her name clean—" pinutol naman ni Rhianne ang iba niya pang sasabihin.

"Sir Damien, Sir Dearil, wala naman po kayong kasalanan. It's Sir Maniro's fault in the first place..." sabi niya.

"But still, he's part of the company..." wika pa ni Dearil.

"Sir Dearil... I told you you're not at fault. Kilala ko si Ate at alam kong hindi niya rin kayo sinisisi sa nangyari." Ngumiti siya at dumungaw ulit sa kabaong na ngayon ay unti-unti nang tinatabunan ng lupa.

Parang kahapon lang ay bumuo pa lang kami ng plano at hindi ko akalain na maisasagawa namin iyon ng maayos.

Nang dumating si Detective France sa opisina ni Damien ay agad na sumalubong si Dearil sa kaniya.

"Bakit ang tagal mo! Kanina pa nila ako pinagtutulungan!" nakangusong sumbong niya. Napailing na lang ako.

"Gago! Umayos ka nga! Ang pangit mo!" asik sa kaniya ni Detective France.

Napatawa naman ako dahil doon. Napahinto ako sa pagtawa nang tumunog ang cellphone ko. Kunot noo ko iyong kinuha sa bulsa ko. Hindi na ako napansin ng tatlo dahil sa pag-aasaran nila.

Sino naman ang mag-te-text sa 'kin? Wala sa sarili na napasinghap ako nang mabasa ang isang text message. Nangangamusta iyon pero nag-umpisang mangatal ang sistema ko dahil sa pangalan noon na naka-save sa contacts ko.

Siya ba ang taong nasa likod ng Heart Forest Crime? He has the LJ initials but I am not still sure. Pero napagtanto ko na sa kaniya ko nga nahawigan ang larawan ni Lhianne Jimenez na nakita namin sa bahay sa gitna ng gubat!

Fuck!

Napatingin ako sa mga kasama ko na abala pa rin sa pag-aasaran pero itinikom ko muna ang bibig ko. Ayokong pangunahan, baka mamaya ay mali naman pala ang nalaman ko.

"Pati ba naman ikaw? Akala ko ba, bestfriends tayo?" pangungulit pa ni Dearil.

Napasapo na lang sa noo niya si Detective France. "Tangina mo! Manahimik ka na ngang kupal ka!"

Humalakhak naman si Dearil dahil sa reaksyon ni Detective France. Kahit ako ay bahagyang natawa dahil sa pagmumura niya. Natigil lang sila nang sabihin ni Damien na magsimula na sa pag-uusapan.

"Lhianne Jimenez..." panimula ni Detective France na binanggit ang pangalan ng babaeng nakita namin sa kabaong at sa picture sa bahay na iyon.

"It was really a wrong accused. It's the other way around. The HR Head Maniro Derso was the one who harrassed Lhianne Jimenez," dagdag pa ni Detective France.

Hindi na ako nagulat sa sinabing iyon ni Detective France dahil nagbasa-basa na ako kagabi sa mga articles online. Mukhang ganoon din sina Dearil at Damien.

"I can't believe that we have a fucking maniac in the company," mariing sambit ni Damien.

Natawa naman si Detective France pero saglit lang iyon dahil sumeryoso na ulit ang mukha niya. Kahit alam ko na ang susunod na sasabihin niya ay tumahimik pa rin ako.

"She committed suicide after the scandal," bunyag ni Detective France at katulad ay wala pa rin siyang nakuhang reaksyon sa amin.

Nagtaas ng kilay si Detective France. "Alam n'yo na 'no? Para akong tanga rito!" asik niya na tinawanan naman namin.

"We need to formally hear it from you, Detective France. It's your work. Our curiousity just ate us so..." I shrugged my shoulders.

"She's right, please continue." May pang-aasar sa tono ni Dearil kaya nakatanggap na naman siya ng mura mula kay Detective France.

"She committed suicide. She shot herself, straight into her heart at the forest," dagdag ni Detective France.

"How about her family? Did you find someone?" tanong ni Damien.

Marahil katulad ko ay hindi na siya nakahanap ng impormasyon kung sino ang pamilya niya dahil wala na rin akong nahanap o nabasa man lang tungkol doon.

"But we have a Jimenez employee, Rhianne Jimenez..." sambit ni Dearil.

Detective France smirked. "Lhianne and Rhianne were sisters."

Pasimple akong napasinghap doon. They're siblings? May alam ba si Rhianne?

"Fuck..." bulong ni Dearil at napahilamos sa kaniyang mukha na ngayo'y parang naging problemado dahil sa nalaman.

"The parents?" tanong pa ni Damien.

"Their mother died a long time ago but their father..." he trailed as his eyes shifted on me.

Mukhang tama nga ang hinuha ko.

"You knew him, Anveshika," sabi niya pa sa akin.

I smirked as I nodded.

"How come?" tanong pa sa akin ni Detective France.

"Instincts?" sarkastikong sabi ko.

"Wait! The who?" naguguluhang tanong ni Dearil habang si Damien ay mariing nakatitig sa akin.

"Liher Jimenez," sagot ni Detective France.

"El Kanjar Village's daylight guard," dugtong ko.

"What the fuck!" madiin na sabi ni Damien na hindi inaalis ang malalalim niyang titig sa akin.

"Seryoso ba 'to?" hindi makapaniwalang tanong pa ni Dearil.

Kung ikaw ay hindi makapaniwala, paano pa ako? I treated him a friend, as a father and yet I'll come to the point about this?

Hindi ko maikaila na masaktan sa katotohanan na ito. Ang inakala kong magiging kasangga ko rito sa El Kanjar ay may maitim na budhi sa akin. Bakit niya pinagtangkaan ang buhay ko? Dahil ba nakita niya akong nakahandusay sa kagubatan pero may nagligtas sa akin?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status