Share

Chapter 41

"Baby..." magaang tawag sa akin ni Damien at pinisil ang mga kamay ko.

Mapait akong ngumiti. "I'm fine."

Ganito pala ang pakiramdam na matraydor ng isang taong itinuring mong kaibigan. Hindi sumagi sa isip ko na magagawa niya ito sa akin dahil sa mga kabutihang ginawa niya. Pagpapakitang tao lang ba ang lahat ng iyon?

"That explains why you received the threat. There's a manual on the security's post revealing the house numbers at the village, I saw it. May bahay rin ako roon at may suspetya na ako sa kaniya simula noong nagtanong siya sa akin kung may kilala raw ba akong pangalan na Anveshika Ferolinoz," mahabang paliwanag ni Detective France na siyang nagpatango sa aming lahat.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga rebelasyon na 'to.

"I forgot! The first victime of Heart Forest Crime was your HR Head, Maniro Derso." Napasinghap naman kami ni Dearil habang tahimik lang si Damien na nakahawak sa kamay ko.

"Kaya pala biglang nawala, pero hindi na natagpuan ang bangkay niya, 'di ba?" tanong pa ni Dearil.

"Yes, because it was burned," madiing sabi ni Detective France.

Natulala na lang ako sa kaniya. Kahapon niya lang inumpisahan ang imbestigasyon tungkol kay Lhianne Jimenez pero inabot na ang lahat ng nalaman niya rito? He won't be declared as the phenomenon detective for nothing and I am witnessing it right now.

"Shit!" mura ni Dearil at hinimas-himas pa ang mga braso niya.

"Now, what's the plan?" Damien asked. Inumpisahan niya na ring paglaruan ang kamay ko gamit ang hinalalaking daliri niya.

"We'll use the ace card." Detective France smirked and silenced covered the place.

Napataas naman ang kilay ko roon habang tahimik lang ulit si Damien na hinihintay ang sunod sasabihin niya.

"Ace card?" Si Dearil na ang bumasag sa katahimikan.

"I already talked to her," dugtong pa ni Detective France.

That fast?

"Rhianne Jimenez?" tanong pa ni Dearil.

"Yes, yes."

"Did you scare her? Gago! Baka pinaiyak mo 'yon? Sasapakin kita!" paghisterya ni Dearil kaya sabay kaming lumingon ni Damien sa kaniya.

Agad na nabaling sa amin ang atensyon niya at namutla ang mukha niyang nakatitig sa amin at naging sunod-sunod pa ang paglunok niya. Napangisi na lang ako.

"Chill! She even voluntered," kalmadong sabi ni Detective France.

"Ayusin mo lang!" banta pa ni Dearil.

"She's our ace and last card at the same time. I need Anveshika's cooperation for this, Damien," seryosong sabi ni Detective France.

Napatigil sa paglaro ang daliri ni Damien sa aking kamay at mariing nakatitig kay Detective France pero bago pa siya kumontra ay inunahan ko na siya.

"It's fine. I'll do it," matapang kong sabi.

Napabuntonghininga na lang si Damien sa tabi ko dahil alam niyang hindi ako mapipigilan kapag nagbitiw na ako ng desisyon.

Sinabi sa akin ni Detective France ang gusto niyang mangyari na madali ko namang sinang-ayunan dahil kaya ko naman gawin iyon. Wala rin namang naging pagtutol sila Damien dahil siniguro naman ni Detective France ang seguridad ko.

"I'll also leave this to you." Iniabot niya pa sa akin ang isang may kalumaang papel. Kinuha ko iyon sa kaniya at napagtanto na isa iyong sulat.

"Rhianne, handed it to me," sabi niya pa.

Napatango naman ako at tahimik na inayos ang pagkakahawak noon.

"I won't read this, but I think this is for Manong Liher?" tanong ko na tinanguan naman niya. Tahimik ko na lang na itinago iyon at naghanda para isagawa ang planong napag-usapan.

Nawala ako sa pagbabalik ng ala-ala nang marinig na naman ang boses ni Dearil na paulit-ulit na humihingi ng tawad.

"I'm really sorry, Rhianne... gagawin ko ang lahat para maitama ang mali namin..." marahang sabi ni Dearil na ngayon ay nasa tabi ni pala ni Rhianne at hawak ang kamay niya.

Lumakbay pala ang isip ko sa napag-usapan naming plano isang araw na ang nakalipas.

"Sir Dearil, wala po kayong kasalanan... paulit-ulit na lang po ba tayo?" marahang tanong din ni Rhianne at ipinatanong ang isa niyang kamay sa mga kamay ni Dearil na nakahawak sa kaniya.

Lumambot ang puso ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Napailing na lang din ako dahil napagtanto ko na simula noong napakilala ko sila sa isa't isa ay wala na akong narinig na ibang babae mula kay Dearil. Napangiti na lang ako habang nakikinig sa pinagsasabi ni Dearil na paulit-ulit na paghingi niya ng tawad.

Mabilis na naibalita na nahuli na ang suspek sa likod ng Heart Forest Crime. Marami ang nagpasalamat nang malaman ang balitang iyon. Hindi magiging imposible iyon kung hindi dahil kay Detective France na hindi binitiwan ang kaso kahit na ipinagkaila iyon sa kaniya.

Hindi makakailang mayroon pa ring kabutihang namamayani sa kabila ng labis na kasamaan.

Gaya nang ipinangako nina Damien at Dearil ay nabigyang katarungan nila ang maling panghuhusga kay Lhianne Jimenez. May isang tao na lumitaw na dati ring empleyado ng Ravides Holdings, umalis siya matapos ang sinasabing eskandalo dahil natatakot daw siya at pinagbantaan din siya ni Maniro Derso kung sakaling magsalita siya laban sa kaniya.

We suffered from different fears at different circumstances and we have our own ways on how to overcome those fears. There are people who were not brave enough to face those instances but there are also people who were struggling to fight their own fears.

Be brave to conquer your fears. You hold more power than those fears. You are fiercer beyond it. You are your own weapon to fight your battles.

Balik sa trabaho ang gawi ko nang matapos ang pangyayari tungkol sa Heart Forest Crime kahit papaano ay nabawasan na nga ang dinadala ko pero hindi pa rin ako matahimik dahil may mga katanungan pa akong hindi ko nabibigyan ng kasagutan.

"France will come here." Nawala ako sa iniisip ko nang marinig ang boses ni Damien sa harap ko.

Napakurap-kurap pa ako bago ko nagawang magsalita.

"Bakit daw?" nagtatakang tanong ko.

Ano naman ang gagawin niya rito? It's not that he is not welcomed here. What's with the sudden appearance?

"May sasabihin daw." He shrugged his shoulders.

Tumango ako at umalis sa kinauupuan ko at nagtungo sa harap niya. Sa mga nakalipas na araw ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang dumikit sa kaniya. Nilulubos ko na ang mga sandaling oras na natitira sa pananatili ko rito sa El Kanjar.

"I'm still not used to your clingy side, baby..." malambing na usal niya.

Napangiti naman ako at yumakap sa baywang niya nang makarating ako sa harap niya. Umatras siya napasandal na siya sa office table ko sa kaniyang likod.

"Don't you like it?" Ngumuso ako. Pinisil naman niya ang ilong ko at tinawanan ako.

"I love it. Lagi ka na lang ganito, ha?" natatawang aniya.

Hinampas ko naman ang balikat niya. "Ang sarcastic mo!" asik ko sa kaniya.

Napatili ako nang magtungo sa pang-upo ko ang dalawang kamay niya at marahang binuhat ako. Ang mga binti ko naman ay awtomatiko na pumulupot sa baywang niya.

"Damien!" Hinampas ko ulit ang balikat niya dahil sa biglaang ginawa. "Baka dumating si Detective France!" Hindi siya nagpatinag at mas hinapit lang ako palapit sa kaniya kaya humigpit na rin ang kapit ko sa kaniyang batok.

"Ano naman?" taas kilay niyang tanong.

"Ang awkward ng position natin!"

"Anong awkward dito?" Bahagya niya ulit akong inangat kaya ngumuso ako.

"Ano ba'ng trip mo?"

He chuckled. "I just want to be close to you," bulong niya sa tainga ko kaya uminit ang mga pisngi ko. "What position do you want, then? Gusto mong ituwad kita rito? That would me more awkward, gusto mo 'yon?"

Mas lalo lang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya! Ituwad agad?

"I love you..." malambing na sabi niya at pinatakan ng isang marahang halik ang labi ko.

Tila huminto ang paligid ko at ang tanging na tibok ng puso ko lang ang naririnig ko sa mga oras na ito. Napatitig ako sa mga mata niyang namumungay na nakatingin sa akin. Gusto kong maiyak sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon pero hindi ko rin maiwasang masaktan.

Funny, that I felt happy and contented but at the same time I am hurting. Hindi ako makapaniwala na nararamdaman ko ang dalawang iyon nang sabay ngayon.

At sa unang pagkakataon ay buong puso akong tumitig sa mga mata niya at sinuklian ang sinabi niya.

"I love you too, Damien..."

I hope we'll stay together like this... forever... but that's impossible because I know, I'm gonna leave you soon...

ASHTRIZONE

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status