Share

Chapter Three: The Death-defying Portal

Kinaumagahan ay maaga akong nagising kahit na puyat ako sa ka-iisip sa mga nangyari at natuklasan ko. Naabutan ko si Ryleigh na abalang-abala sa pag-iimpake ng kaniyang damit. Ngayon na nga pala ang alis namin papunta sa University of Trealvale. And me? Wala akong balak mag-impake. Duh! I don't have any clothes to begin with. Geez. What am I gonna do? Suotin 'to through out my stay here? Ang dugyot, please!

Bumaling sa akin si Ryleigh nang mapansin niya ang presensya ko. "Tanisha.. Ipinag-impake na kita ng ilang damit mukhang kasya naman 'yong mga damit ko sayo." pahayag niya habang inaayos ang kulay platonic blonde niyang buhok. Ang ganda ng buhok niya. Magkaparehas sila ng buhok ni Marchessa ang pinagkaiba lang ay medyo kulot ang kay Ryleigh.

Hindi ba masiyado ng nakakahiya sa kanilang mag-ina? They provided me a shelter, gave me food, and now even clothes?

Clothes.. Then it sink in. "Why are you packing clothes?" nakakunot-noong tanong ko. Sa school lang naman ang punta namin.. not unless it's a boarding school? Nasapo ko ang aking noo sa kabagalan ng utak ko sa pagproseso ng impormasyon. It must be a boarding school, Tanisha!

"Doon na tayo mamamalagi sa University of Trealvale, malayo 'yon dito kaya hindi tayo pwedeng mag-uwian." I see.. But how am I supposed to pay for school.. I don't have money. Never will I steal again! Baka ikamatay ko kung sa lugar na 'to ako gagawa ng masama knowing how dangerous these people can be. Hindi sila katulad ng mga nakalaban ko dati, hindi sila ordinaryo. They have powers for pete's sake!

"Nga pala, sa Dredmore muna tayo pupunta para doon bumili ng mga gamit natin sa school."

Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Paano ako bibili ng school supplies kung wala akong pera miski singko?!

"I don't have money," I stated as a matter of fact.

Kumunot ang noo niya at saka inabot ang bag ko't binuksan 'yon, "What do you call these things?" tanong niya at may nilabas siyang telang supot galing sa loob nito at pagkuwan ay iniabot sa akin.

Ang bigat ng supot at may mga kumakalansing kapag nababangga. Binuksan ko 'to at napaawang ang bibig ko sa laman. Puro 'to gintong coins na mas malaki kaysa sa regular coins. Bakit hindi ko 'yon nakita kagabi..

"How much does this coins costs?" tanong ko. Hindi ko alam kung paano ang pera nila dito. Ang hassle naman nito ang bigat!

"Basta kung magkano ang bibilhin mo 'yon ang ibayad mo. HAHA!" I stared at her dumbfounded. Ay wow napakalinaw ng sagot niya, very helpful. Note the sarcasm.

Pagkatapos ni Ryleigh mag-impake ay bumaba na siya habang bitbit ang dalawang bag. Nagbihis muna ako ng pinahiram niyang damit at saka ako sumunod sa kaniya. Napatigil ako sa hagdan nang may marinig akong nag-uusap. Hindi naman sa pagiging chismosa, curious lang. Sumilip ako sa baba at nakatayo doon si Marchessa at may kausap siyang babae. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Nakapusod ang kulay dark brown niyang buhok at ganoon din ang kulay ng suot niya.

"Galing ako sa Ministry of defense mudguard kanina lang at may ipinababang utos si Emperatrice Sunniva. Pinapahanap niya ang babaeng 'yon," pahayag nung babae.

"Matagal ng panahon na nawawala ang babaeng 'yon at ginawa na natin ang lahat noon, bakit pinapahanap niya ulit? Anong sabi ni Queen Latisha?"

Sino daw 'yong hinahanap? Puro sila babaeng 'yon. NAME DROP!

"Lubos silang nababahala, batid nila kung bakit pinapahanap ng kamahalan ang babaeng 'yon at hindi maganda 'yon lalo na't hinahangad nilang mapunta sa prinsesa ang pwesto ng Emperatrice."

"Mag—" 

Napatigil sila nang napatili ako dahil muntikan na akong madulas pababa ng hagdan.

"Sino ang binibining 'yan?" tanong ng babae na nakatingala sa akin.

Letse kasing boots 'to, ang dulas! Nasa climax na 'yong kwentuhan eh! Kainis.

Bumaba ako at tumabi kay Marchessa.

Napalunok si Marchessa bago nagsalita, "Siya ba? Malayong kamag-anak, kasama siya ni Ryleigh sa pag pasok sa Unibersidad ng Trealvale."

Pinaningkitan ko ng mata si Marchessa sa tinuran niya. Bakit siya nagsisinungaling?! Since when did I become their family member?!

Sinipat ako ng tingin ng babae habang nakataas ang isa niyang kilay at nakakunot ang noo. Sa itsura niya ay mukhang hindi siya naniniwala kay Marchessa. Miski naman ako hindi rin maniniwala, ibang iba ang itsura ko kumpara sa kanila. Hindi kami mukhang magka-mag-anak.

"Ang ganda ng mga mata mo," ani niya sa kakaibang tono.

"Salamat?" nag-aalangang pasalamat ko sa kaniya. I don't know why but I don't feel good around this woman. She looks way older than Marchessa at may suot siyang salamin, medyo kulubot narin ang morena niyang balat.

Iniharang ni Marchessa ang kamay niya sa harap ko nang akmang lalapit sa akin 'yong matandang babae.

"Tanisha, ija sumunod ka na kay Ryleigh sa labas baka abutin kayo ng dilim sa daan." tumango ako kay Marchessa at saglit na sinulyapan 'yong matanda na ngayo'y nakatingin parin sa akin habang nakangisi. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at nagmamadaling naglakad na palabas.

Ang weird ng matandang 'yon especially 'yong mga titig na binabato n'ya sa akin at 'yong ngisi niya. Kinikilabutan ako sa ngisi niya!

"Oh Tanisha andyan ka na pala."

Napatingin ako kay Ryleigh na ngayo'y nag-aayos ng pana habang nakaupo sa upuan na mukhang pinagputulan ng puno. Marunong siya ng archery? Cool.

"Ginagamit ko 'to sa pangangaso," pahayag niya nang mapansin ang pagtitig ko sa pana niya. Tumango lang ako sa kaniya at hinigpitan ang corset na nasa bewang ko. Ang sexy ko dito HAHA!

Wait.. hindi pa ba kami aalis?

Ilang sandali lang ay lumabas si Marchessa ng bahay na may bitbit na sa tingin ko ay espada na nakalagay sa leather na lalagyan at may strap. Lumapit siya sa akin at iniabot iyon.

"Baka kailanganin mo iyan. Marunong ka bang gumamit niyan?" tanong niya.

Are you kidding me? I'm an expert when it comes to swords!

"Yes! Thank you!" masiglang sagot ko. It feels so good na makahawak ulit ng espada. Pakiramdam ko ay nabuhay ang mga dugo ko. Namiss ko ang mga espada ko sa bahay namin sa Manila. Sana lang ay hindi pinakealaman yun ni Mattheus o ni Elizabeth kung andun man siya. Hindi ko talaga sila sasantuhin!

Nginitian niya ako at pagkuwan ay bumaling kay Ryleigh.

"Ingatan mo si Tanisha. Mag-iingat kayo." napataas ang kilay ko sa sinabi ni Marchessa. I need no protector, I can protect myself lalo na at may espada ako.

If I have a sword, no one can defeat me.

"Opo ina, kayo din mag-iingat kayo." nag-yakap silang mag-ina at nagpaalam na kami.

Isinukbit ko ang espada sa likod ko at lumakad na kasabay ni Ryleigh. Hindi pa man kami nakakalayo ay biglang umulan ng nyebe. Ngayon nalang ako ulit nakakita ng snow sa tagal ng panahon.

"Isuot mo ang hood mo," utos ni Ryleigh. Ginawa ko ang sinabi niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Saan ba kami pupunta? Don't tell me maglalakad kami mula dito hanggang doon?! Sabi niya malayo 'yon dito?! Ang ayoko talaga sa lahat ay 'yong naglalakad ng pagkalayo-layo.

"Ryleigh, maglalakad ba tayo hanggang doon?" tanong ko. Wag niya talaga sabihing oo. Babalik talaga ako sa bahay nila!

"Hindi haha masyadong malayo ang Dredmore dito pero may alam akong short-cut," sabi niya nang natatawa. Buti naman no! Ayokong maglakad.

Nangunot ang noo ko nang pumasok si Ryleigh sa palagay ko ay isang lumang light house. Anong gagawin namin dito..

"What are we gonna do here?" tanong ko sa kaniya habang ginagala ang mata ko sa paligid. Makipot lang ang loob nito at may spiral na hagdan paakyat, ang mga pader ay gawa din sa clay bricks gaya ng mga bahay dito. Mukhang matagal ng hindi ginagamit ito, ang daming sapot ng gagamba at mga alikabok.

"Sa short-cut tayo dadaan," sagot niya. 

"Paanong may short-cut dito?" tanong ko sa kaniya.

"Makikita mo mamaya." Hindi na ulit ako nagsalita at tahimik na sumunod na lang sa kaniya. Ginugood time yata ako nito ni Ryleigh eh. Paanong makakarating kami sa Dredmore dito sa lumang light house? Not unless nasa langit 'yong Dredmore at itong hagdan sa light house ay papunta doon which is impossible to happen!

Andito na kami ngayon sa tuktok ng light house at walang kahit ano dito.

"Asan ang short-cut dito?" nakakunot-noong tanong ko kay Ryleigh.

Nginisian niya ako at itinuro ang isang pader. Paano naman kami papasok dun?! Lumapit siya sa pader at walang ano-anong umakyat sa taas n'on. What the hell is she doing? Baka malaglag siya doon!

Dali dali akong tumakbo papunta sa kaniya at inilahad ang kamay ko.

"Hoy Ryleigh bumaba ka nga diyan. Baka mahulog ka!" sigaw ko sa kaniya. Hindi niya inabot ang kamay ko sa halip ay tinawanan niya lang ako. Tignan mo 'tong babaeng to!

"Dito 'yong short-cut, halika umakyat ka rin." Pinaningkitan ko siya ng mata. Paanong may short-cut doon?

Sinunod ko ang sinabi niya at umakyat na rin ako. Baka may daan doon sa likod ng pader o baka may hagdan doon pababa at sa likod nito ay dredmore na.

Malakas ang hangin kaya hindi ako makatayo ng maayos. Nagawa ko ng umakyat sa mga building dati, mas mataas pa kumpara dito pero naka-harness ako non! Hindi ganito!

Sumilip ako sa baba at halos malula ako nang wala akong makita sa doon kundi tipak tipak lang na snow. Ang taas taas namin!

"Asan ang short-cut dito? Niloloko mo ba ako?!" galit na tanong ko.

"Tatalon tayo!" sigaw niya na siyang nagpalaki ng mata ko.

Ano daw sabi niya? Tatalon kami? Did I heard it right? I didn't know she was suicidal!

"May portal na nilagay ang mga taga-Dredmore dito. Kailangan nating tumalon, hindi naman tayo mahuhulog. Bago tayo tumama sa lupa ay bubukas ang portal at makakarating na tayo sa Dredmore." pagpapaliwanag niya.

Muli akong tumingin sa baba at napalunok.

"Hindi ako tatalon diyan. No way!" Hindi pa ako nababaliw para tumalon d'on. Ayoko pang mamatay! Kapag tumalon ako mula dito ay siguradong lasog lasog ang katawan ko. Kaya NO hindi ako tatalon.

Bababa na sana ako sa pader nang hilahin niya ang kamay ko at saka tumalon.

"AHHHHHH!! TANGINA!" napatili at napamura ako nang nasa ere na kami. Humahampas ang hangin sa mukha ko at mabilis kaming nalalaglag. Parang gusto ng kumawala ng puso ko sa katawan ko sa sobrang lakas ng pagtibok nito.

"Ang saya hindi ba?!!"

Kapag ako talaga nabuhay pagkatapos nito makakatikim talaga sa akin si Ryleigh!!!

Napapikit ako nang makitang malapit na kaming humampas sa lupa. This is it. Katapusan ko na.

Hinintay kong lumapat ang katawan ko sa lupa pero wala akong naramdaman. Parang tumigil sa pag-inog ang mundo, wala naring malakas na hangin na humahampas sa mukha ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong nakatapak ang paa ko sa lupa.

Nang tuluyan ko ng maidilat ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang nakahilerang mga tindahan at may mga naglalakad na nakasuot ng cloak na magkakaiba ang kulay, may dark red, black, dark green at iba pa. Meron ding nakasuot ng katulad sa amin. May mga bitbit silang mga basket na may lamag ibang gamit at mga libro.

Bumaling ako kay Ryleigh na nasa tabi ko at pinaghahampas siya.

"SIRAULO KA! PAANO KUNG NAMATAY TAYO HA?!" sigaw ko sa kaniya. Hindi parin kumakalma ang puso ko. I thought I was going to die!

"HAHA! Hindi naman tayo namatay kaya kumalma ka na." sagot niya ng natatawa.

At may gana pa talaga siyang tumawa ha?! Bakit ba kasi ako sumama sama sa kaniya?!!

"KAHIT NA! HINDI NA ULIT TAYO TATALON SA KAHIT ANONG BUILDING, MALIWANAG BA?!!"

Natatawang tumango lang siya sa akin. Did she find this funny? We almost died! Paano kung hindi gumana 'yong sinasabi niyang portal?? We could have died!!

Padabog na naglakad ako palayo sa kaniya. Naiinis ako sa kaniya okay?!

"Tanisha! Alam mo ba kung saan ka pupunta?" tanong niya. Nilingon ko siya at hindi parin maalis sa mukha niya ang ngisi. Bwisit talaga!

"Nasaan na ba tayo?" tanong ko sa kaniya nang makalapit na siya sa akin.

"Sa Market of Dredmore. Nandito na halos lahat ng kailangan natin. Tara doon!" sagot niya at hinila ako papasok sa isang tindahan.

Kahoy ang paligid ng pinto nito at puro na salamin ang kabuuan. Madaming nakasabit na iba't ibang klase ng kutsilyo at espada sa pader, meron ding sa tingin ko ay sungay ng usa na mukhang hindi naman ipinagbibili. Humiwalay ako kay Ryleigh at mag-isang nag-ikot sa loob. Ano bang bibilhin ko..

May lumapit sa aking lalake na nakasuot ng kulay itim na cloak, tinanggal niya ang hood ng cloak niya at tinitigang mabuti ang mukha ko partikular na ang mga mata ko. May kulay itim siyang buhok na may kahabaan, he has a scar across his left dark violet eye. His thick lips moved, looks like he has something to say.

"We seldom see such interesting specimen in this part of Empire. Tell me, are you for sale?" he asked, grinning.

Bahagya akong napaatras sa tinanong niya. What the fuck did he just asked? Mukha ba akong paninda sa kaniya?!

"Do grant me pardon for I am about to disappoint you, sir. I am not for sale and will never be." I responded while gritting my teeth, trying not to let words that might offend the gentleman escape my lips.

"This fine lady is my client, Professor Silvanus."

Napalingon ako sa nagsalita. Tumabi sa akin ang lalake na may maputi at lagpas sikong buhok, kulubot na ang kaniyang pale na balat at medyo kuba na rin siya.

Muli akong tinitigan ng tinawag niyang Professor Silvanus na para bang kinakalkula niya ako at ngumisi sa akin bago siya tuluyang umalis.

Weird.

"Makabubuti sa iyo binibini kung hindi ka lalapit sa isang Sarzon," pahayag ng matanda na may-a*i nitong tindahan.

Napabaling ang tingin ko sa matanda at tinignan siya ng nagtatanong.

"Sarzon?" tanong ko.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay nginitian niya lamang ako at saka'y naglakad na palayo sa akin habang ang kamay niya ay nasa kaniyang likod.

Pawirdo na nang pawirdo ang mga nakakasalamuha ko ngayon. Mga naka-drugs ba sila?

I just shrugged my shoulders at nagpatuloy na sa pagtingin sa mga paninda. Napunta ako sa isang shelf na may lamang iba't ibang mga bote at garapon. Inilapit ko ang mukha ko sa pinakamalaking bote at pinagkatitigan ito. Napaatras ako at nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano 'yong nasa loob ng garapon.

Why do they have human brains here... 

Lumipat ako sa kabilang shelf na puro garapon din. Napukaw ng pansin ko ang isang garapon na may lamang parang capsule. Kinuha ko ito at nilapit sa mukha ko't sinipat ng tingin. Summon Capsules— Ayun 'yong nakalagay sa label. Para saan naman kaya 'to?

"Summon capsules. Isulat mo sa kapsulang nasa loob ang pangalan ng sino man, kapag binasag mo ito lilitaw siya sa harap mo." muntik ko nang mabitawan 'yong garapon nang may magsalita sa gilid ko. 'Yong matanda pala kanina.. I thought andoon na siya sa kabila?

Pero what? Isusulat ko daw dun yung pangalan tapos kapag binasag ko boom! lilitaw siya sa harap ko? Sounds impossible but seems like I'll be needing this.

"How much for this?" I asked the merchant.

"Tatlong gitnong barya lamang binibini." Hindi ko alam kung mahal 'yon o mura since I don't know how money works for them. I fished the pouch inside my bag at kumuha doon ng tatlong barya at iniabot 'to sa kaniya. Tinanguan niya ako at umalis na sa harap ko.

Humanda ka ngayon Elizabeth! Kapag ito talaga gumana I'll summon you first at magpapaliwanag ka kung bakit ako andito at kung sino talaga ako. Bumalik ka after three years just to take me and abandon me in this place!

"You should shut up, mademoiselle. You're too loud."

My breath caught in my throat as I turned and saw the face of the man who spoke. He was so handsome that my breath hitched in my lungs. The man's long platonic blonde hair was placed atop his glorious head in the most neat way. He has a small headdress on his forehead with blue crystal at the center.

It was so sexy that I wanted to run my fingers through it and feel its softness against my skin. I know it's horrendously wrong time for me to feel these things he just shush me!

"I didn't talked!" sigaw ko nang matauhan na ako.

Anong hinaan ko ang boses ko? Hindi nga ako nagsasalita! Naghahallucinate ba siya?

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay at nakaawang ang mamula-mula at manipis niyang labi. He looks astound, as if this is the first time someone talked to him in that tone. Inayos niya ang kulay blue niyang cloak na nakapatong sa malalapad niyang balikat and stared at me with his cold blue eyes.

"I don't care, shut up." he retorted.

I looked at him in utter shock, "Are you into drugs? Baliw ka ba ha? Ni hindi nga bumubuka bibig ko kanina!" singhal ko sa kaniya.

Gwapo siya pero siraulo!

Sumilay ang ngiti sa labi niya pero agad din 'tong nawala. Baliw na nga siya, confirmed.

"Tanisha kanina pa kita hinaha—" ani Ryleigh at humawak sa braso ko, she stopped between her words at tumitig sa lalaking nasa harap namin. She looks stunned.

"P..prince Acheron.." usal niya at biglang yumukod at nagbigay galang sa lalake.

What in the hell is she doing?! Why is she bowing to that rascal?!

"Tanisha.. yumukod ka din.." pasimpleng bulong niya sa akin.

Pinaningkitan ko siya ng mata at nagsalita, "Bakit ako yuyukod sa lalaking yan? Sino ba 'yan? Diyos?" tanong ko.

Nakatiim bagang na 'yong lalake na Acheron daw ang pangalan ayon kay Ryleigh nang tumingin ako sa kaniya.

"Siya ang prinsipe ng Irvaicean, si Prince Acheron." pabulong na sagot ni Ryleigh na pinipigilang ibuka ng malaki ang bibig niya at hinihila ang sleeves ng damit ko.

"Bow down to the royalties out of respect, that's the official unspoken rule mademoiselle." This time si Acheron naman ang nagsalita. Walang halong kahit na anong emosyon ang boses niya.

"Right but those rules don't apply to me." sagot ko.

How ironic. He just speak the unspoken rule.

"If you are to live in our Empire, thou shalt abide by OUR rules." he said, the tone in his voice did not mean well, he sounds offended.

I did not came here by choice thus I am not bound to follow whatever rules they have!

Sasagot pa sana ako pero inunahan na ako ni Ryleigh at madiin akong hinawakan sa braso, she looks troubled.

"Ah.. Prince Acheron ako na po ang humihingi ng paumanhin sa inasal ng kaibagan ko, hindi siya nagmula dito kaya hindi niya alam ang mga patakaran." pahayag niya ng nakatungo.

"Why the hell are you sorry?! He should be the one to apologize! He told me to shut up even if I'm not talking! He's retarded!" I retorted. I'm fuming mad! Bakit parang ako pa ang masama at walang galang? He walked up to me and told me to shut up even if I didn't talked!

"Tanisha naman!" tinignan niya ako na para bang nagmamakaawa siya na wag na akong magsalita pa.

"Out of all the people I've encountered, you have the loudest mind."

Napatingin ako kay Acheron na ngayo'y nakatitig sa akin ng matiim habang nakapasok ang kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon. Pinaningkitan ko siya ng mata. Ano bang binubulong-bulong niya?

Walang sali-salitang umalis si Acheron sa harap namin. Hinila ni Ryleigh ang braso ko at iniharap ako sa kan'ya. She's mad..

"Bakit mo naman sinagot-sagot si Prince Acheron, Tanisha?" tanong niya habang hinihilot ang kaniyang sintido.

Here we go again.

"I told you, siya ang nag-umpisa." I answered in a stodgy tone.

"Kahit na! Buti walang nakarinig sayong Mudguard kung hindi ay dinampot ka na nila! Hindi ko alam kung ano klaseng mundo ang pinanggalingan mo pero sa mundo namin hindi pu-pwede 'yong ganito. Sa susunod wag ka na lang sumagot, huwag mo ng ulitin 'yon at baka ipahamak mo pa ang sarili mo. Bilang mamamayan ng Empiro ng Trealvale ay resposibilidad mong magbigay galang sa mas nakatataas sa'yo. Buti na lang at mabait si Prince Acheron."

Napa-ismid ako sa sinabi niya. Yung lalakeng 'yon mabait? She's got to be kidding me. May mabait bang bigla nalang lalapit sayo at sasabihan ka ng shut up? He should learn not to meddle with things that doesn't concern him! That's offensive!

"I accept no responsibility and if the same thing happens, I would say it all again with no remorse." sabi ko sa matigas na tono at tinalikuran siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status