Share

Chapter Four: Unveiling Her Mana

Kasalukuyan akong naglalakad sa loob ng sa palagay ko ay isang palengke. Madaming nakahilerang mga stall sa magkabilang gilid ng daan na gawa sa kahoy. Madami ring nagkalat na mga tao sa daan, ang iba ay nakasuot noong katulad ng kay Marchessa, parang pang pulis, ang ibang lalake ay nakasuot ng pang-kawal at 'yong iba ay nakasuot ng normal nilang kasuotan.

I walked out from Ryleigh kanina dahil sa inis ko. I understand he's their prince but if he wants respect he should make sure he's worthy of it. Respect is not something you demand, it is something you earn!

And now, I don't know where to go. My life has been a mess since I came here. May part sa akin na gusto ng umalis dito but meron ding part na gusto kong alamin kung sino ba talaga ako at ano ako. I'm contemplating. If I were to discover my true identity I must go to University of Trealvale but how can I get there? Sumasakit na ang ulo ko. I better look for Ryleigh now.

I was about to turn around when I bumped into an odd looking woman with a pointed hat, like those hats that's worn by witches and she has a distorted nose too. May dala dala siyang basket na nakasukbit sa kaliwa niyang braso. She's looking at me intently with her yellow-coulored-eyes. May kinuha siyang something sa loob ng basket, kinuha niya ang palad ko at inilagay doon ang isang gold brooch na may kulay red na bato na pinagigitnaan ng dalawang phoenix.

"Hindi ko po ito bibilhin, ale." pahayag ko, assuming she's selling it to me.

Kinuha niya ulit ito sa akin, akala ko ay babawiin na niya ito talaga pabalik but to my surprise, inilagay niya ito sa kanang bahagi ng damit ko malapit sa d****b.

"Hindi ko po talaga bibil—" naputol ang pagsasalita ko nang bigla na lang siyang naglaho sa harap ko.

Okay... what was that? Ilang beses akong kumirap para mahimasmasan ako, naghahallucinate ba ako? Tinignan ko ang damit to check kung andun talaga 'yong pin and it was there! Holy cricket! Hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayare sa akin. I'm very spooked out!

"Ahh!" napatili ako sa gulat at takot nang may humawak sa braso ko. Baka ito 'yong ale kanina!

"Ako lang ito.." Napalingon ako sa nagsalita at nakahinga ng maluwag nang makitang si Ryleigh lang iyon. Bakit ba siya biglang sumusulpot nalang kung saan saan? Aatakihin ako sa puso dahil sa kaniya eh!

"Kanina pa kita hinahanap. Pasensya na pala sa mga nasabi ko kanina. Binilhan na kita ng mga notebook at libro, bibili pa tayo ng uniporme." pahayag niya at isinukbit ang braso niya sa braso ko at hinila ako sa isang tindahan na mukhang boutique. Biglang nawala ang pinto nito nang makalapit kami dito pero bumalik din nung nasa loob na kami. Wicked...

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Punong-puno 'to ng iba't-ibang klaseng damit. Lumapit si Ryleigh sa isang damit na naka-suot sa mannequin. It has white longsleeves, nakapatong dito ang kulay blue na sleeveless coat na may manipis na white double-stripe at hanggang tuhod ang haba, dark green ang collar nito at may buttons na kulay gold. Ang palda nito ay kulay dark green na mas mahaba sa coat at may blue na belt. Meron din 'tong neck tie na blue with white stripes na pa-slant at sa button ng collar nito ay may nakalagay na badge ng school.

"Eto na ba 'yong uniform sa University of Trealvale?" tanong ko kay Ryleigh habang hinahawakan ang tela ng damit.

Tumango siya at nagsalita, "Pero sa mga Narconian lang ang unipormeng 'to at magkakaiba ang kulay depende kung saang abode ka nabibilang. Sa mga taga-Water's Abode ay kulay dark blue, sa Fire's Abode ay dark red, sa Earth's Abode ay brown at sa Air's Abode naman ay light blue." pagpapaliwanag niya.

"Bakit kulay green 'to?" tanong ko habang tinuturo ang uniform sa harap namin.

"Hindi ko alam.. Ayan na lang ang bilhin natin sayo dahil hindi pa natin alam kung saang abode ka nabibilang." sabi niya at kumuha ng dalawang pares na nakasabit sa tabi at kumuha din siya ng para sa kaniya na kulay dark blue.

"Ryleigh, ikaw na ang humawak nito since I don't know how to use that." sabi ko at iniabot sa kaniya ang supot na may mga gintong barya besides siya rin naman ang bumibili ng lahat, masyado namang nakakahiya kung hindi ako magbabayad. Nakapatay na ako pero that doesn't mean hindi na ako marunong mahiya!

"Sigurado ka ba?" tanong niya. I nodded as response at nag-aalinlangan niya naman 'tong inabot.

Nandito na kami sa counter at nakapila upang bayaran ang mga pinamili namin. After five minutes turn na namin. Ipinatong ni Ryleigh ang mga uniform sa wooden table namin, sa kabilang side ng table ay nakatayo ang isang matandang babaeng may kulay dark yellow na mata at nakasuot ng cloak, may kinuha siyang stick— wand! sa bulsa ng cloak niya at winasiwas ito sa ere at itinapat sa mga damit. Naglabas ito ng kulay puting ilaw at bigla nalang naging bilog na metal na mas maliit sa palad ko ang kaninang mga damit.

"Pindutin niyo lamang ito," anya at itinuro ang isa pang bilog na nakausli dito, "At babalik na ulit 'to sa dati." pagpapatuloy niya.

That's actually cool! Kung may ganiyan lang sa mundo ko dati, shopping would be a lot easier! We need this on earth!

"Wala na ba tayong ibang bibilhin?" tanong ko kay Ryleigh.

"Wala na. Sa University of Trealvale na ang tungo natin."

Sa wakas.

Wala akong ginawa kung hindi ang sundan si Ryleigh kahit saan siya pumunta. Looks like she knows the way naman. Nakatayo kami ngayon sa kabilang dulo ng tulay na punong-puno ng nyebe, maski ang mga puno't halaman ay kulay puti narin sa dami ng nyebeng nakatabon dito dahil sa pag-ulan ng nyebe. Sa kabilang bahagi ng tulay ay wala ako ibang makita kung hindi mga puno at halaman.

Bago pa man kami makalagpas ng tulay ay may apoy na dumaan sa gilid ko at muntik ng masunog ang buhok ko.

Who the fuck did that?!

Agad kong hinugot ang espada sa likod ko at lumingon sa pinanggalingan n'on. Si Ryleigh naman ay nakahawak sa lalagyan ng tubig na nakasukbit sa kaniyang bewang.

Paglingon ko ang sumalubong sa akin ang isang lalake na mas matangkad sa akin at may lagpas tengang itim na buhok na may iilang hibla sa unahan na kulay red at nakapusod ang likod. Mabilis kong itinutok ang espada ko sa kaniyaang leeg, tinaas niya ang dalawa niyang kamay sa ere na parang sinasabi niya na wala siyang gagawing masama at gulat na tinitigan ako gamit ang kulay red niyang mga mata.

"Whoah! Milady! Hindi magandang basta basta ka na lang nanunutok ng espada!" bulalas niya habang nakangisi.

"At magandang magpalipad ng apoy? You almost burned my hair!" singhal ko sa kaniya.

Buti na lang at hindi tumama sa buhok ko 'yon. Siraulo siya!

"Nag-eensayo lang naman ako binibini." pagdidipensa niya pero hindi maalis ang ngisi sa kaniyang labi. Jerk.

"Sino ka?" tanong sa kaniya ni Ryleigh na ngayon ay nasa tabi ko na at hinawakan ang braso ko, she motioned me to put my sword away but I didn't. What? Only to let him attack us again? No.

"Ang pangalan ko ay Lucian, Lucian Magnus. Nanggaling ako sa Division II ng Irvaicean, sa Fire's Abode." pagpapakilala niya. Bumaling siya sa akin at itinuro ang espada ko using his lips.

"Pwede mo na bang ibaba 'yang espada mo, binibini?"

Unti-unti kong binaba ang espada ko kasabay n'on ang paghinga ng maluwag ni Lucian. As soon as I put my sword away I drove my fist into his nose. He gasped from my sudden attack.

"Tanisha!" sigaw ni Ryleigh at hinawakan ang braso ko.

"What was that for?" hindi makapaniwala niyang tanong habang hinihimas ang ilong niya.

"That is for almost burning my hair." sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi ko naman intensyong sirain ang maganda mong buhok." pagadadahilan niya at hinaplos ang buhok ko habang nakangisi.

"Tanisha!" sigaw ulit sa akin ni Ryleigh nang akmang susuntukin ko ulit si Lucian.

"Ang mainitin naman ng ulo ng kasama mo." ani niya kay Ryleigh at sabay silang tumawa. Eh kung pag-untugin ko kaya sila?

"Oo ganiyan talaga 'yan, masanay na tayo haha! Nga pala, ako si Ryleigh sa Division IV ako galing at 'yong masungit na 'yon, siya si Tanisha."

Sino daw masungit? Ako?!

"Saang abode ka nanggaling?" tanong sa akin ni Lucian.

I just rolled my eyes at them at saka isinukbit ulit ang espada ko sa likod at tinalikuran na sila.

"Sa mundo ng mga mundane siya nagmula at hindi pa namin alam saang abode siya nabibilang. Kaya kami andito ay para alamin 'yon." narinig kong pagpapaliwanag ni Ryleigh.

"Wala pang kahit sinong mundane ang nakapasok dito dahil mahigpit 'yong ipinagbabawal, siya pa lang ang una."

"Oo pero isa siya sa atin kaya walang problema. Sa mundo ng mga mundane lang siya lumaki at wala akong ideya kung paano 'yon nangyare."

Will they stop talking about me? Andito lang ako hello! Kung makapag-usap sila akala mo wala 'yong pinag-uusapan nila dito.

"Sa University of Trealvale din ba ang punta niyo?" tanong sa akin ni Lucian habang humahabol sa mga hakbang ko. Hindi ako sumagot kaya si Ryleigh na ang sumagot ng oo. Ayoko siyang kausapin, naiinis ako sa mga ngisi niya. 'Yong tipong galit ka na tapos tuwang tuwa pa siya. Tch!

"May alam akong short-cut," sabi ni Lucian.

Napalingon agad ako sakaniya nang marinig ko ang salitang short-cut, "Kung tatalon tayo sa building, kalimutan mo na." madiing turan ko. Na-trauma na ako sa mga short-cut short-cut na 'yan.

"HAHA! May short-cut bang kailangang tumalon sa gusali?" tanong niya ng natatawa.

"Believe me, there is." sagot ko at tinapunan ng masamang tingin si Ryleigh na ngumiti lang sa'kin.

Nagkibit-balikat lang si Lucian at may inilabas na maliit na bote mula sa bulsa niya.

"Binili ko 'to sa isang Wrucudian sa may Dredmore." anʼya at iniabot sa akin ang bote na may laman sa loob na kulay green. I don't know exactly what it is.

"Wrucudian?" tanong ko.

"Ayun yung tawag sa mga naninirahan sa Dredmore. Sila 'yong gumagawa ng mga potion at iba pa, sila din ang gumagamit ng mga spells bilang mana nila." pagpapaliwanag ni Ryleigh.

"You mean witch, right?" kumunot ang noo n'ya sa tanong ko.

"Ha? Ano ang witch?" tanong ni Lucian.

"Nevermind." Nakalimutan kong nasa ibang mundo pala ako at iba ang alam nila sa alam ko.

Binalik ko na kay Lucian ang boteng ibinigay niya sa akin. Nagliwanag ito nang kaniyang buksan at isinalin n'ya ang laman nito sa kan'yang kamay at lumutang ang kulay green na ilaw sa palad niya.

Inilagay niya ang isa niya pang kamay sa taas nito at pagkuwan ay pinakawalan ito sa harapan namin at nag-korte 'tong pintuan.

Hindi na dapat ako nagugulat sa mga ganitong bagay but I AM!

"Ayan na ba 'yong University of Trealvale?"

Sinilip ko ang loob at may mahabang daan sa loob n'on at sa dulo nito ay may malaki at mataas na gate.

"Ayan na nga. Ang portal papunta sa University of Trealvale. Halika na, ladies first." sagot ni Lucian at iginiya ang kamay niya sa harap ng pintuan.

Papasok talaga kami diyan?

Naglakad si Ryleigh sa harap ng pintuan at walang ano-ano'y bigla siyang tumawid at andoon na siya sa may tulay.

Tumingin sa akin si Lucian at tinanguan ako, "Ikaw na, binibini." Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at tumitig lang sa portal.

"Don't tell me you are scared, milady." pahayag ni Lucian ng nakangisi at parang nangaasar pa.

Nakakabwisit talaga 'tong lalaking 'to. Bakit ba namin kasama 'to?! If only I could tear his mouth off his face, I would!

"Who said I am?" I raised my brow at him at diretsong naglakad sa portal kahit kumakabog ang d****b ko. Pagkapasok ko ay sumunod na sa akin 'yong kupal at nagsara na 'yong portal.

Tinahak na namin ang malawak at mahabang batong tulay papunta sa gate ng University of Trealvale. May mga matataas na batong poste sa mga gilid nito na may apoy sa tuktok at ito namang kupal namin na kasama ay itinaas ang kamay niya doon at mula sa poste ay napunta 'yong apoy sa kamay niya at pinagluruan 'yon. Pasikat talaga.

Pero ako kaya... anong kaya kong manipulahin?

Nakarating na kami sa harap ng gate. Nakakalula ang taas nito at wala ako makitang kahit na anong pinto. Gate tapos walang pasukan? How are we suppose to enter this gate?

"So pano tayo papasok diyan?" tanong ko sa kanila habang tinuturo 'yong gate. Nag-tinginan lang silang dalawa at nagkibit-balikat. Great. Just great. What now? Tatayo na lang kami dito for who knows how long?

"AHH!"

Mabilis kong hinugot ang espada mula sa likod ko nang marinig kong sumigaw si Ryleigh. Paglingon ko sa kinaroroonan niya ay may matandang nakatayo sa harapan niya na may hawak na wand at may ilaw sa dulo nito. Anong gagawin ng matandang 'yon? Napatakbo ako kay Ryleigh at tinutukan ng espada 'yong matanda.

"Ang hilig mo talagang manutok ng espada. Ibaba mo 'yan, milady." anʼya Lucian at hinawakan ang blade ng espada ko.

"At ang hilig mong makealam."

"Ija, kung maaari lang ay ibaba mo na 'yang espada mo. Hindi mo gugustuhing patayin ang gatekeeper ng unibersidad ng Trealvale." pahayag ng matanda sa mahinahon na tono.

Damn. He's the gatekeeper? Akala ko may gagawin siyang masama kay Ryleigh..

Ibinaba ko na ang espada ko at isinukbit ulit sa likod ko at nahihiyang nginitian 'yong matanda.

"HAHA! Muntik mo pang saktan 'yong gatekeeper!"

"I didn't know he was the gatekeeper!" I shouted at Lucian saka bumaling kay Ryleigh, "Ikaw naman! Bakit ka kasi sumigaw?" tanong ko sakaniya.

"Eh kase.. bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ko. Sino bang hindi magugulat d'on?" sagot niya habang nagkakamot ng ulo at alangang nakangiti.

"O'sya, mga ijo at ija. Kung maari ay ipakita niyo sa akin ang sulat niyo galing sa aming unibersidad."

Binuksan ko ang bag ko at kinuha 'yong sulat sa loob at ganoon din ang ginawa nila Ryleigh. Iniabot na namin sa gatekeeper ang mga sulat at saglit niya 'tong tinitigan at ibinalik ulit sa amin.

"Magsi-lapit kayo sa akin," the gatekeeper said. Lumapit kami sa kaniya paikot. At itong bwisit na kupal ay sinisiksik ako. Sa inis ko ay siniko ko siya at natatawang lumayo siya sa akin. Kupal talaga.

"Muforpus Infecactum." sambit ng gatekeeper habang iwinawasiwas ang hawak niyang wand.

Napahakbang ako paatras nang biglang umilaw ang tinatapakan namin at may kung ano-anong symbol ang lumabas doon. Napahawak ako sa kamay ni Ryleigh at napapikit nang humangin mula sa baba at parang may pwersang humahatak sa katawan ko sa kung saan.

"Milady, buksan mo na ang mata mo." narinig kong turan ni Lucian.

"Tanisha.." tawag sa akin ni Ryleigh at ginalaw ang kamay niyang na hawak ko.

Buhay pa ba kami?

I slowly open my eyes and let go of Ryleigh's hand. Sumalubong sa akin ang nakangising mukha ni Lucian. The least thing I want to see.

"You should have seen your face, milady. You look really scared HAHA!" anʼya at tumawa ng malakas. Pinaningkitan ko siya ng mata at lalo lang lumakas ang tawa niya. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to!!

Sinipa ko ang tuhod niya dahilan para mapaluhod siya sa lupa. Serves you right, jerk. Dapat pala sinipa ko siya down there para mas masakit.

"Aw! Milady! Mapanakit ka!" d***g niya at tumayo sa pagkakaluhod niya. Napalingon ako kay Ryleigh nang bigla siyang tumawa ng malakas. What's so funny..

"HAHA! Ang kulit niyo talagang dalawa." anya at hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

"Bagay kami, hindi ba?" asked Lucian while wiggling his brow. I grimaced at his question.

"Oo, bagay na bagay. Hindi ba, Tanisha?"

"I always have a sword strapped to my back, remember that next time you say those words again." pahayag ko sa matigas na tono.

Kami? Bagay? Bagay na patayin ko siya pwede pa.

"Halika na nga." anʼya Ryleigh at isinukbit ang braso niya sa braso ko.

Tinahak namin ang tuwid na daan at nang makalampas na kami sa malaking fountain ay bumungad sa amin ang napakadaming estudyante na nakakalat sa paligid at sa unahan nito ay may stage na nakalutang sa ere na may limang upuan, ang isa sa gitna ay mas malaki kumpara sa apat.

Maya maya pa ay may dumating tatlong babae at dalawang babae, ang dalawa sa kanila ay naka-suot cloak. Umupo sa gitnang upuan 'yong babaeng may kulay pulang mata. Napakunot ang noo ang noo ko nang makilala ko ang isa sa kanila. Si professor Silvanus, 'yong nagtanong sa akin kung for sale daw ba ako.

"Maligayang pagdating sa aming unibersidad mga mag-aaral ng University of Trealvale," pagbati ng babae na may kulay brown na buhok at mata.

"Kung maari lamang ay pumila sa kanan ang mga Wrucudian sa tabi nito ay ang mga Sarzon at sa huli ay ang Narconian. Mga Narconian mauuna ang mga taga-fire's abode, sunod ay ang water's abode, Earth's abode at air's abode. Pakibilisan ang kilos, students." utos nito at saka pumalakpak ng tatlo.

Saan naman ako pupunta? Fuck.

"Tanisha.. paano ka?" nag-aalalang tanong ni Ryleigh.

"Oo nga, milady. Saan ka pipila?" tanong naman ni Lucian.

Hindi ko alam! Bwisit.

"Bahala na. Pumila na kayo." Imbis na pumila they just looked at me with worried face.

"Aalis kayo o ako kakaladkad sa inyo papunta sa pila niyo?" pagtataray ko. Gumana naman dahil umalis na sila at pumunta sa pila nila.

Nakapila na ang lahat habang ako ay naiwan dito sa gitna.

"Ikaw. Ija na nasa gitna, pumila ka na."

Dumiin ang pagkakahawak ko sa strap ng espada ko sa kaba ko. All eyes are on me.

"Hindi ko alam kung saan ako pipila." pahayag ko.

Kumunot ang noo niya at tumaas ang kilay, "Ang Wrucudian ay doon, sunod ang Sarzon at Narc—" pinutol ko ang pagsasalita niya. Alam ko naman 'yon ang problema hindi ko alam kung saan ako nabibilang sa mga 'yon.

"Hindi ko alam kung saan ako nabibilang."

They all gasped in disbelief. Tumayo ang babae na nakaupo sa gitnang upuan at tumabi sa babaeng kumakausap sa akin ngayon.

"Ano ulit ang sabi mo, binibini?" tanong ng babaeng may pulang mata.

Mga bingi ba sila? Kailangan paulit-ulit? Parang pinagsisisihan ko ng pumunta pa ako dito.

"Hindi ko alam kung saan ako nabibilang." pag-uulit ko.

Tinitigan niya lang ako at saglit na umalis. Pagbalik niya ay may dala dala na siyang tray na may lamang bato, tubig at kandila. Bumaba siya ng stage at pumunta sa harap ko.

"Subukan mong pagalawin ang kahit na ano dito." pahayag niya.

Itinapat ko ang kamay ko sa bato at ginawa ko ang ginawa dati ni Ryleigh sa kamay niya at walang nangyare ganoon din sa tubig. Bakit ba ako sumasakay sa mga kalokohang 'to, hindi naman talaga nila ako ka-uri baka nagkamali lang si Elizabeth sa pagtapon sa akin dito.

Iniabot ng babae ang tray sa katabi niya at itinira lang ang kandila. Hawak niya sa kaniyang kaliwang kamay ang kandila at itinapat niya naman ang kanang kamay niya sa apoy at lumipat 'to doon. Kinuha niya ang palad ko at ipinagsaklob ang aking kamay at ang kaniyang kamay na may apoy. Ang akala ko ay mapapaso ako pero wala akong naramdaman. Tinanggal na niya ang kaniyang kamay. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa palad ko. Nakalutang doon 'yong apoy!

"Isa kang Narconian. Pumila ka na sa pila ng fire's abode. Huwag kang mag-alala. Thou canst master thy mana."  anʼya nang nakangiti.

Wala sa sariling naglakad ako papunta sa pila. I can't believe what just happened..

"So you're one of us," Lucian whispered in awe.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status