Share

Chapter Five: Learning About Elementumkinesis

"Nakapila na ba ang lahat?" tanong ng babae na may kulay brown na mata na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan. We all answered yes in chorus.

"Mabuti. Ngayon ay magsasalita na ang ating Headmistress. Mag bigay galang kay Headmistress Fryia." hudyat niya at tumayo na 'yong babaeng may kulay pulang mata at sabay sabay kaming yumukod.

"Magandang araw, students. Maligayang pagdating sa Unibersidad ng Trealvale. Katulad ng ibang unibersidad, we also have rules thee must abide. We forbid thee to use thy mana against your fellow students not unless it is instructed by an authority for studying purposes. No shape-shifting within the school premises except it is part of the school's activity and clothes must be worn at all times. You heard me, Sarzons?"

Sino namang siraulo ang maglalakad sa school ng n*******d.. Tsaka ano daw?

"Shape-shift?" I whispered.

"Ang mga Sarzon ay may kakayahang mag shape-shift bilang hayop o tao, depende kung saang lahi ng Sarzon sila galing," pabulong na sagot sa akin ni Lucian.

The fuck? Ang hina hina na ng boses ko narinig niya pa 'yon?

"Parang werewolf, vampires?" I asked. Confusion plastered on his face. That's when I knew he doesn't know what those are.

"Ha?" tanong niya ng nakakunot-noo. I just shook my head at him. It's no use of explaining these things to him since we grew up in different world.

"The door at the end of the main building's hallway must never be opened." pagpapatuloy ni Headmistress.

Bakit naman kaya? I hate it when I get curious. I always feel the need of feeding my curiosity even if it means risking my life.

"Lastly, everyone must be in their respective dorms when the clock strikes at 12am. Why is that? There's an extra hour that occurs after 12am, the 13th hour also known as the Dark Hour. Ito ang oras kung saan malayang nakakagala ang mga Wruazi. Ngayon, kung kayo ay nasa labas parin sa oras na 'yon and you hear ominous chanting, the most appropriate response is to cover your ears and run for your life."

Everyone gasped in terror, fear registered on their faces. Everyone except from me, of course, I have no idea what they are o ano ang kaya nilang gawin sa akin that's why I am not as scared as them, maybe I'm surprised but not scared.

"Now, everyone please stretch your right hand forward, your palm upward." she instructed.

Ginawa namin ang sinabi niya, tinawag niya 'yong babae na may kulay yellow na mata at nakasuot ng cloak. May sinambit ang babae habang winawasiwas ang wand niya sa ere and in just split second may biglang lumitaw na papel sa mga kamay namin.

It's our schedule.

R248-AHistory - Professor Bernadine

R156-A▪Cryptozoology - Professor Collosus

R67-AHerbology - Professor Hanalli

Battle FieldCombat and Defense - Professor Silvanus

Open Field(Specialize) Pyrokinesis - Headmistress Pryia

"Milady! Anong first subject mo?" tanong sa akin ni Lucian sabay akbay. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to.

Marahas na tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa'kin at sinamaan siya ng tingin.

"History! Parehas tayo, milady!" nakangising turan niya habang sinisilip ang papel ko.

Please. Ilayo niyo sa akin ang lalakeng 'to kung hindi pwedeng habang buhay kahit one hour lang o kung hindi parin pwede, kahit five minutes na lang!

"Don't touch me and stop calling me milady, will you?!"

Feeling ko puputok na ang lahat ng ugat ko sa katawan sa sobrang pagkainis sakaniya pero siya mas lalo lang lumaki ang ngisi niya. Ang sarap niya talagang sapakin. Magsasalita pa sana siya nang magsalita ulit si Headmistress.

"Before you go to your classrooms there is one more thing thee should know. Step not into the forbidden garden, for thou will never leave. That serves as my last warning, you may go now."

Inunahan ko na si Lucian maglakad at binilisan ko para hindi niya ako maabutan. I hate it when someone is bothering me. Katahimikan lang naman ang gusto ko. Why they can't give that to me?! Mahirap bang tumahimik? Tch!

"To reach the main building please follow the blue light." Rinig kong may nagsalita sa kung saan. May intercom sila?

Lumingon-lingon ako para hanapin 'yong blue light na sinasabi niya pero wala akong nakita. Not until I looked beneath my feet. May kulay blueng ilaw doon na nagbi-blink, sinundan ko kung saan ito papunta at nakarating na ako sa isang building— nah. Mas mukha itong kastilyo, mataas ito at patatsulok ang mga bubong, gawa sa bato ang lahat at luma na ang estilo. May mga nakalutang na torch sa bawat poste at pader ng hallway ang iba ay may sindi ang iba naman ay wala.

Saan na ba 'yong room 248? Nakarating na ako sa dulo ng first floor pero wala kaya napagpasyahan ko ng tumuloy sa third floor, mababa ang bilang sa unang palapag kaya malamang andon pa 'to sa upper floor.

Si Ryleigh kaya? Simula nung pumila kami ay hindi na kami nagkitang dalawa. Nasa kaniya 'yong uniform ko!

Pagdating sa second floor ay walang hangdan paakyat ng third floor. Paano ako aakyat doon..

Natuon ang pansin ko sa isang estudyante na umapak sa isang bilog na bato at bigla na lang itong lumutang sa ere at nakarating na siya sa third floor. Nang bumaba ulit ang bato ay dali dali akong naglakad papunta doon at tinitigan 'to.

How does this thing works?

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa bato nang may magsalita mula sa likod ko.

"You need help?" tanong ng lalaking may kulay yellow na mata at magulong itim na buhok.

"No." madiing sagot ko at tinalikuran siya. I'll just find other way.

Napapikit ako ng mariin ng wala ako makitang ibang daan. Male-late na ako sa klase. Bwisit.

"Miss, baka kailangan mo ng tulong?" tanong nung lalaking may yellow na mata. Bakit andito pa siya?

Tatanggihan ko sana siya nang bigla niyang hawakan ang wrist ko. Nakaramdam ako ng kuryente, it's not because of romantic connection okay? It was something else. Parang lumilindol kaya napapikit ako nang makaramdam ako ng hilo. Pagkabukas ko ng mata ko ay nasa third floor na ako.

"You are welcome." an'ya ng lalake habang nakangiti at naglakad na paalis.

Did we just teleported..

"Thank you!" pahabol na sigaw ko sa kaniya dahil medyo malayo na siya. Lumingon siya sa akin at sumaludo habang nakangiti at saka nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko man lang naitanong pangalan niya. Nevermind, male-late na talaga ako!

Naglakad na ako sa kabilang way para hanapin ang classroom ko. When I arrived halos mapupuno na 'to. Right. Late na nga talaga ako. Nakatayo sa harap ang isang may edad ng babae na may kulay yellow na mata, nakasuot ng cloak at nakapusod ang itim na buhok. Kumatok ako sa bukas na pinto para kunin ang atensyon niya.

"Ano ang maitutulong ko sa'yo,  binibini?" tanong niya habang naglalakad palapit sa akin.

Ipinakita ko sa kaniya ang schedule ko at mukhang naintindihan naman niya ang gusto kong iparating. Tumango siya sa akin at iginiya ako sa harapan.

"Tapos na silang magpakilala. Ikaw naman," an'ya at iniwan ako sa unaha't tumayo sa tabi ng table niya. Hanggang dito ba naman may introduce yourself pa? Napalunok ako nang humarap ako sa mga estudyante at ang lahat ng mata nila ay nasa akin. Oh how I hate attention.

Natanaw ko si Ryleigh sa dulong upuan na nakangiti sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kaniya at mabilis namang nawala ang ngiti ko ng matanaw ko si Lucian na nakangisi sa akin.

"Ija." pagkuha ng Professor sa atensyon ko. Nakatulala na pala ako.

"I'm Tanisha Guinevere St. Laurent, 19." I said in straight tone.

Nakatitig lang sila sa akin, waiting for my next word pero wala na akong mabalak dagdagan pa 'yon.

"That's it?" tanong ni Professor Bernadine. I nodded as response. She laugh awkwardly at pinaupo na ako. Dumertso ako sa bakanteng upuan one seat away from Ryleigh.

"Arriving late just to gain attention huh."

Napataas ang kilay ko sa nagsalita. Lumingon ako sa kaliwa ko at doon nakaupo si Acheron na nakahalukipkip at diretsong nakatingin sa harap. I know he's pertaining to me. Ako lang naman ang na-late. Andito din pala 'sya. Hindi talaga ako matahimik bwisit.

"Where's your off button? I need you to shut the fuck up." I said with my irritated voice.

"Okay, class. Pag-aaralan natin ngayon ay ang Trealvale at ang mga naninirahan dito." panimula ni Professor Bernadine. Buti naman at nagsalita na siya para wala ng manggulo sa akin. Inilabas ko ang notebook na binili sa akin ni Ryleigh.

"Ang Empiro ng Trealvale ay pinamumunuan nila Emperor Aldous Roosevelt II at ni Emperatrice Sunniva Roosevelt. Sila ay kapwa Narconian at nanggaling sa Division II, sa Fire's Abode. Nahahati ang Empiro ng Trealvale sa tatlong kaharian. Ang kaharian ng Irvaicean na pinamumunuan nila King Lennox Carstansen at Queen Latisha Carstansen, meron silang dalawang anak at ito ay sina Princess Aislyn Carstansen at Prince Acheron Carstansen."

Pagkabanggit sa pangalan ni Acheron ay lumingon silang lahat sa kaniya at nginitian niya sila. Looks who's enjoying attention. I rolled my eyes at him at nangalumbaba.

"Ito ang tahanan ng mga Narconian at nahahati sa apat na dibisyon, ang Air's Abode, Fire's Abode, Earth's Abode at Water's Abode. Ang sumunod naman ay ang kaharian ng Destruria na pinamumunuan ni King Barnabas Servius III at Queen Bernadette Servius. Meron silang isang anak, si Prinsesa Olivia Servius."

Lumingon naman sila sa babaeng may kulay violet na mata at may mahabang itim na buhok at malawak na nakangiti habang kumakaway sa kanila. Typical celebrity.

"Iyon naman ay tahanan ng mga Sarzon. Ang ikatlong kaharian ay ang kaharian ng Dredmore na pinamumunuan nila King Aethelbert Czaszar at Queen Constacia Czaszar. Meron silang isang anak, si Prinsipe Donovan Czaszar. Ito ay ang tahanan ng mga Wrucudian." pagpapatuloy niya. Mukhang wala naman dito 'yong sinasabi niyang Prinsipe Donovan dahil wala silang nilingon.

"Dumako muna tayo sa mga Narconian. They are the race who uses Elementumkinesis as their mana or widely known as Element Manipulation. We have four principal elements; solid, liquid, gas and plasma."

Dapat ay inaantok na ako sa mga oras na 'to, surprisingly I am not. This is the first time na mapag-aaralan ko ang tungkol dito and I will make sure I will learn everything. Lalo na sa kakayahan ko. Napatingin ako sa mga palad ko. I wonder what else can I do.

"Plasma, Pyrokinesis o mas kilala bilang Fire Manipulation, ang mga taga-Division II ng Irvaicean ang may kakayahang ganito. They can manipulate fire and shape it to whatever they want. They can also change the temperature. Fire manipulators who did not came from the royal family or is not what they called a 'True Bone' can't create fire. They are limited to manipulating only from existing sources. Meanwhile the True Bones can create fire to extent. Reckless to use this mana can be chaotic."

So I can't create fire? There's no way I'm a true bone. Mas masaya sana kung nakakagawa ako ng apoy para hindi limited ang mana ko but on the other hand I don't want to be a true bone. I mean, look at Acheron. Who will want to be a true bone?

"Liquid, Aquakinesis or Water Manipulation, Narconian who can manipulate water and ice resides in Division IV of Irvaicean. Sila ang pumpropotekta sa harang sa mundo natin at sa mga mundo ng mundane. Kagaya ng sa Pyrokinesis, ang mga hindi kabilang sa royal family o hindi True Bone ay walang kakayahang gumawa ng tubig o ng yelo, they can only manipulate existing water and ice. May stages ito, sa una ay tubig lamang ang kaya nilang manipulahin at kapag na-master na nila ito ay sunod nilang matututuhan kung paano i-solidify ang tubig para gawing ice and vice-versa. Kaya rin nilang manipulahin ang weather, kaya nilang magpaulan ng tubig at ng nyebe. Uulitin ko, kagaya ng ibang element ay may stages ito hindi mo makukuha sa isahan lang ang lahat ng mga kakayahang iyon, it takes practice and patience."

That explains kung bakit noong una kong makita si Marchessa ay nagawa niyang maging yelo yung tubig samantalang si Ryleigh naman ay hindi pa gaanong magaling sa magmanipula ng tubig. It's all making sense now.

"Solid, Terrakinesis o Earth Manipulation, ang mga nag-ma-master dito ay ang mga taga-Division III ng Irvaicean. They can manipulate anything that is on earth, be it a sand or a stone. Katulad sa mga nauna ay ang mga True Bone lang ang may kakayahang gumawa ng mga nasabi pero makakagawa lang sila if they stay contact with earth unless otherwise they have mastered the sacred technique. Which will be discussed not in my class."

And so I thought magic has no limit.

"At ang panghuli, Aerokinesis o Air Manipulation. It is the power to manipulate air. Narconian who practice this lives in Division I of Irvaicean. They have endless power as long as there is air but it is weak against fire manipulation for fire is fuelled by the oxygen in air thus making the flames together and stronger. Kung mapapansin n'yo ay sobrang kaunti lang ang mga Air manipulator na kasing edad ninyo, yun ay dahil halos lahat sa kanila ay may edad na. And that is all you need to know about the Narconians. I'll discuss about Sarzon on our next meeting. Class dismissed."

Everyone starts to pack up their things. I slammed my notebook shut as I scooted my chair back. I slung my bag over my shoulder and paved my way towards the door. Ayoko na ng kahit na anong confrontation kay Acheron masyadong nakakaubos ng energy at pasensya.

"Tanisha!!"

Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa tumawag sa akin. Tumatakbo papunta sa akin si Ryleigh habang kumakaway at sa likod naman n'ya ay si Lucian na naka-ngisi.

Not him. Not again. I might snap.

"Hindi ako makapaniwala! Alam na natin kung ano ka! Isa kang fire manipulator!" masayang turan ni Ryleigh.

I don't know if this is something to celebrate. I mean— nabuhay ako na ang paniniwala ko ay normal ako, na pangkaraniwang tao lang ako. I didn't even know people like them exists. Tapos malalaman ko lang na there is something in me than being an assassin. From assassin to thief to fire manipulator.

"I'm so happy you are one of us."

Napaismid ako sa sinibi ni Lucian. I know I am being unreasonable but ewan ko ba pero naiinis talaga ako sa kaniya.

"And I'm not," turan ko at saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Isinukbit ni Ryleigh ang braso niya sa braso ko at sinabayan akong maglakad. Ang hilig niyang gawin 'yan. Lumabas kami ng building at pumasok sa katabi nito, dito daw 'yong cafeteria.

Pagpasok namin ng cafeteria ay sinalubong kami ng kakaibang tingin ng  mga estudyante, they are looking at us— specially at me. They stares are making me extremely uncomfortable.

"Bakit sila nakatingin sa'tin?" mahinang tanong ni Ryleigh.

"Ganyan talaga. May kasama kayong gwapo eh." sagot ni Lucian sa seryosong tono.

"We do? Where?" I asked while roaming my eyes around us which made Ryleigh burst into laughter.

"Ano ka ngayon, Lucian? HAHA!"

Sumimangot si Lucian at ngumuso na para bang aping-api siya. Nakakatawa itsura niya haha!

Hindi ko na pinansin ang tingin ng mga estudyante at naghanap na kami ng mauupuan. Nakalutang ang mga wooden table and chairs dito kaya nang maupo ako parang malalaglag ako dahil sa pag-uga nito. Pagkaupong-pagkaupo namin ay bigla nalang may lumitaw na pagkain sa harap namin.

"Ang sasarap naman nito!" Lucian retorted while licking his lower lip and looking at the meat before him as if it's the most delicious thing on Trealvale.

They both started eating while me? I have no appetite. I missed Mattheus. Kahit naman lagi kong pinapasakit ang ulo n'on mahal ko 'yon. He's the only thing left for me. Actually him and Elizabeth but galit ako kay Elizabeth, she threw me here ng hindi man lang nagpapaliwanag! And I had to discover it myself!

Hang on.. If I am not a pure mundane and Mattheus is my brother while Elizabeth is my grandmother, that makes them not a mundane too, right? Kung ganon.. Alam din kaya ni Mattheus na ganito ako? Damn. He must've known! That's why sinabi niya sa akin don't lose your sanity! How dare them keep this from me for a long time?! And about our parents.. I need to know everything about them! I need to talk to them. I need answers!

I snapped my fingers when I remembered something. I opened my bag and fished my phone inside. Sana naman ay gumana 'to dito.

"Ano ang bagay na 'yan?" tanong ni Ryleigh habang nakaturo sa hawak kong phone.

They don't have phones here? Why am I even surprised.

"I learned about mundanes long time ago. That thing is called cellphone." pagpapaliwanag ni Lucian.

"What exactly is its function?"

"You call people with this." I said while waving my phone in the mid-air.

"Ang galing!" bulalas ni Ryleigh na manghang-mangha at kinuha ang phone sa kamay ko at pagkuwan at dinutdot-dutdot ito.

"Hey! Sisirain mo 'yan eh!" sigaw ko sa kaniya at binawi ang cellphone ko. She just gaved me an apologetic smile.

"Why do you have that thing?"

Napaangat ako ng tingin sa nag-mamay-ari ng maarteng boses na 'yon. Tignan mo nga naman. Anong ginagawa ng prinsesa ng Destruria sa harap namin?

Sa tabi niya ay nakatayo ang babae na may kulay yellow na mata't nakasuot ng red cloak at may kulot na itim na buhok. I looked at her blankly and didn't utter a single word.

"Kapag kinakausap kita sumagot ka." an'ya at pinaningkitan ako ng mata. Hinawakan niya ang braso ko at marahas akong hinatak patayo mula sa kinauupuan ko.

Seriously, what's with royalties and attitude?

"What the hell is your problem?" I asked her while gritting my teeth.

"Tanisha.."

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Don't you dare disrespect a royalty!" Sigaw niya at diniinan ang pagkakahawak sa braso ko. Napapikit ako nang maramdang bumaon ang kuko niya sa balat ko.

I did not know na matatawag na palang pag-di-disrespect ang hindi pagsagot. First of all her question is personal and I have all the rights to refuse answering that!

Nakatingin na sa amin halos lahat ng student sa cafeteria dahil sa lakas ng sigaw niya. Napaka-eskandalosa naman ng bruhang 'to.

"Ask for respect not from me. I ain't giving that to you."

Bakit ba ang hilig ng mga royalties na 'to na mag-demand ng respect na hindi naman nila deserve? Tch.

Hinatak ko ang aking kamay paalis sa pagkakahawak niya dahilan para ma-out of balance siya, good for her at naalalayan siya ng kasama niya. Ang lakas ng loob mang away lampa naman pala.

"You!! Siguro ay isa kang halfblood kaya ayaw mong sagutin ang tanong ko. Kaya siguro ganiyan ang mata mo dahil may dugo ka ng mga hampaslupang mundane! Sino ang may maduming dugo sa magulang mo? Ang ina mo ba? o ama? Sino kaya sa kanilang dalawa ang Narconian na lumandi sa isang mundane? 'Yong ina mo? Tama. Malandi ang ina mo at ikaw na rin." she mockingly stated with her arms crossed. Nag-igting ang panga ko sa sinabi niya. Anger travelled through my veins up in my brain. I need to let this out. She fucking crossed the line.

Nilakasan niya ang kanyang pagsasalita on purpose at ngayon ay nagsimula ng magbulungan ang mga estudyante na nasa paligid namin at tinitignan ako na para bang diring-diri sila ang iba ay mahinang tumawa sa sinabi niya.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim to calm myself. Hindi ko alam pero parang gustong gusto nila akong ginagalit. I'll give them what they want.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at marahas siyang hinatak palapit sa akin. My other hand reached for her neck as I smash her on the table.

"TANISHA!" tili ni Ryleigh at napatayo sila ni Lucian sa ginawa ko. Lahat din ng pagkain ay nasa lapag na.

"Milady.. Bitawan mo na si Prinsesa Olivia.." ani ni Lucian habang sinusubukang hawakan ako. I glared at him which caused him to took a step backward.

"Don't you dare insult my parents in front of my face." my voice and hands were trembling from anger.

Kahit naman hindi ko nakagisnan ang mga magulang ko, magulang ko parin sila at hindi ko hahayaang may mangbastos sa pangalan nila.

"A-ack! L-let g-go.." nahihirapang turan niya habang hinahampas ang kamay ko na nakahawak sa leeg n'ya. Imbis na tanggalin ay mas lalo ko pa 'tong diniinan dahilan para umubo siya.

"Tanisha! Tama na pakiusap!" sigaw sa akin ni Ryleigh na halata mong natatakot na. Bakit niya ba ako laging inaawat?! Sila naman may kasalanan, sinasagad nila pasensya ko!

"Awatin niyo yung babaeng 'yun! Baka mapatay niya si Prinsesa Olivia!" narinig kong sigaw ng isa sa mga estudyanteng nakatulala sa amin ngayon. No one moved. They all looked scared while staring at me.

"Ahh!" napalingon ako sa sumigaw. Paglingon ko ay may biglang sumipa sa panga ko dahilan para mabitawan ko si Olivia.

"Tanisha.. tama na.." awat sa akin ni Ryleigh nang makalapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Sumunod sa kaniya si Lucian at hinawakan ang isa ko pang braso. Galit na tinapunan ko sila ng tingin at hinila ang braso ko.

Humarap ako sa sumipa sa akin, 'yong kasama pala ni Olivia kanina. Hinugot ko ang espada sa aking likod at mabilis na itinutok ito sa kaniya.

Napasinghap ang mga nanonood sa amin at ang iba ay napatili. Walang nagtangkang umawat, ni ang lumapit ay hindi nila nagawa.

"Tanisha! Ibaba mo 'yan!" sigaw sa akin ni Lucian.

No. Hindi pa ako nakakagante.

Napalunok ang babae ng dininan ko ang espada sa kaniyang leeg at nasugatan siya doon. Napapikit siya at napalunok sa ginawa ko.

"Huwag mong saktan si Eleanor!" sigaw ni Olivia na ngayon ay mahigpit na nakahawak sa may lamesa.

"Sige." turan ko at inialis na ang espada sa leeg ng kaibigan niya. Tumingin ako kay Olivia at ngumisi.

"Ikaw na lang ang sasaktan ko."

Dahan dahang lumapit sa kaniya habang kinakaladkad ang espada ko na gumagawa ng nakakatakot na ingay. Napaatras siya at natapon ang natitirang laman ng lamesa kung saan siya nakahawak.

Tumakbo papunta sa akin si Lucian at niyakap ako mula sa harap.

"Tama na." bulong niya. Kumunot ang noo ko at tinulak siya palayo. Akmang aatakihin ko si Olivia nang may nagsalita mula sa likuran ko.

"Stop. You've done enough damage. The three of you, go to the council's office." Napalingon ako sa nagsalita. Nakatingin siya sa amin at walang emosyon ang kaniyang mukha. Lumilipad ang ilang hibla ng mahaba niyang buhok tuwing nadadaanan ito ng hangin. I met his cold blue eyes when I glanced at him.

Acheron.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status