Share

Chapter Eight: Engulfed By Fire

"Stand right in the middle," utos ni Lucian.

Nandito kami ngayon sa likod ng isang building which is tago sa mata ng iba. We don't want anyone to see us doing what we are about to do. I know what you are thinking folks! It's not what you think it is. We ain't gonna do dirty things alright? That's a big NO. Nandito kami para turuan niya akong mag-fire manipulate. We skipped our Herbology class that's why we hid ourselves in the sight of everyone and I don't mean literally.

Naglakad na ako at tumayo sa spot na itinuro ni Lucian. He's setting up a torch— a big ass torch one meter away from me.

"So what do I do now?" I asked with my hands on my waist. He's taking too long.

"Saglit, malapit na akong matapos, milady," sambit niya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. He's too engrossed on what he's doing.

"And.. there, I'm done. Miss me, milady?" anya habang naglalakad palapit sa akin. I rolled my eyes at him. I don't know if he's flirting with me or that is just how he is. Either way hindi ako natutuwa.

"What now? Magtititigan na lang ba tayo dito?" tanong ko nang hindi na siya nagsalita at nakatingin lang sa akin.

"Pwede rin," he said while wiggling his brows and with that, I hit his head with my hand.

"Aw! Biro lang naman eh," reklamo niya habang hinihimas ang parte ng ulo niya na hinampas ko.

Ang dami kasing sinasabi, kung nagsimula na kami edi sana may nagawa na kami imbis na nakatunganga lang.

"Panoorin mo muna ako, milady."

He positioned himself infront of the torch, not too close but not too far. He stood firmly and took a deep breathe as he move his hands in a delicate yet firm way and sweep his feet on the ground and turned 360 degrees. As he do that, the fire swirled around him. He came to a halt, closed his fist, and the fire vanished.

"Wow," I uttered under my breath.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang mag-manipulate ng apoy. Wala pa akong alam sa fire manipulating pero I must say Lucian is great. The way he manipulated that fire.. it's fascinating.

"Nakita mo ba 'yong ginawa ko, milady? Ganoon ang gagawin mo," sabi niya habang naglalakad palapit sa akin.

Kaya ko kaya 'yon? Parang hindi but I need to try. I need to make it to the battle royale and beat Olivia. Kahit si Olivia lang matalo ko para mawala na 'yong kayabangan sa katawan niya, nakakairita eh.

"How am I supposed to do that?" tanong ko.

"Lagi 'tong sinasabi sa akin noon ng yumao kong ama, if you want to control the fire, think of you and fire as one."

Isipin kong ako at ang apoy ay iisa? Okay. I could do that.

Naglakad siya papunta sa likod ko and he lifted my chin using his hand. "Close your eyes, milady." utos niya at idinaan ang palad niya sa ibabaw ng mata ko at isinara 'to.

"Don't think of anything," he whispered in my ear.

I'm trying not to think of anything but he's too close to me and I am uncomfortable. Why am I even uncomfortable? Okay. Shut up now, brain.

I took a deep breath and cleared my mind.

"Your veins are the roots, your bones are the branches and your blood is the fuel. Now, set your soul on fire," he speaks in an undertone.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Either it's too deep or I'm just stupid.

Pumikit ako ng mariin at pinilit na mag-concentrate. Then I felt something. Parang may kung anong nagising sa loob ko and it wants to come out. This is the first time I felt this and it's scary yet fulfilling.

"Open your eyes now."

The moment I opened my eyes it feels like I am seeing everything in a complete different way. Something inside me changed and I don't know what it is. I can't seem to put what I feel right now into words.

"You are the fire. The fire is you," muling sambit ni Lucian sa tenga ko bago lumayo ng bahagya sa akin. Tumitig ako sa apoy sa harap ko, pinapanood ang bawat pag-sayaw nito kasabay ng pag-ihip ng hangin.

Itinaas ko ang kamay ko at ginaya ang ginawa ni Lucian na para bang normal ko na itong ginagawa. It came out naturally, as if I was born to do this.

Sa una ay normal lang ang lahat, napapasunod ko iyong apoy sa kahit na anong gawin ko hanggang sa lumaki na nang lumaki 'yong apoy. I can't control it anymore.

"Tanisha, control your mana. Lumalaki na iyong apoy, hinaan mo!" sigaw ni Lucian.

Sinubukan kong gawin ang sinabi niya pero hindi ko magawa. Imbis na humina ay mas lalo lang lumalakas 'yong apoy, umabot na ito sa puno malapit sa akin at nasusunog na ang ilang dahon nito.

"Tanisha! Tanggalin mo na ang apoy!" sigaw ni Lucian na nagpa-panic na. He tried controlling my fire but he failed. It's too strong and uncontrollable.

"I can't! Damn. I fucking can't! Lalo lang lumalakas!"

Umabot na sa braso ko 'yong apoy pero hindi ako napapaso. Damn it. Bakit hindi ko makontrol?!

"Lucian! What am I gonna do?!"

"Just relax okay? Try to calm down. It will keep on getting stronger when you are tensed. Calm yourself and slowly close your fist," sabi niya habang sinusubukan ding kalamahin ang sarili niya.

Ginawa ko ang sinabi niya. Pinayapa ko ang isip ko, tinanggal ko muna 'yong kaba ko at pagka-taranta. I closed my eyes at dahan-dahang ikinuyom ang palad ko.

I thought nawala na 'yong apoy but when I opened my eyes it's still there at mas malaki ito kesa kanina. I started to panic again.

"Tanisha! Don't let the fire take over. You should control the fire. The fire should not control you."

Lucian's voice is slowly fading, I can't hear him anymore. Parang ako na lang at ang apoy ang nandito. Everything is blurry, pakiramdam ko ay matutumba na ako anytime pero ayaw parin mawala ng apoy lalo lang itong lumalakas. Nakalutang na ako sa ere at nakabalot na sa akin 'yong apoy.

"AHH!"

Bigla na lang may kung anong malakas na pwersa ang tumulak sa akin at tumalsik ako kasabay ng paglaho ng apoy. My back hits the tree and I stumbled to the ground at tumama ang ulo ko sa bato. My body hurts and I can feel the blood dripping from my head.

"Mi-milady!" narinig kong sigaw ni Lucian. With my blurry sight, I can barely see him running towards me.

Kinuha niya ako mula sa aking balikat at inilagay ako sa kaniyang hita nang makaupo na siya sa tabi ko. "Na..naririnig mo ba ako, milady? Ayos ka lang ba?" his voice trembled in anxiety as he speaks.

I opened my mouth to speak but nothing comes out. I just feel lightheaded. I can feel myself losing its consciousness.

"Tanisha!" That's the last thing I heard. I fainted and everything went pitch black.

Ryleigh Point Of View

"Halfblood ba talaga si Tanisha?" tanong sa akin ni Lessandro. Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya dahil hindi ko naman talaga alam.

Si Lessandro Mauris ay kaklase ko sa Herbology at isa rin siyang water manipulator katulad ko. Tuwing nakikita niya ako ay wala siyang ginawa kundi ang kulitin ako tungkol kay Tanisha. Sa katunayan, halos lahat ng kaklase ko kung hindi kay Lucian ay sa akin nagtatanong. Masyado silang interesado sa pagkatao ni Tanisha.

"Hindi pwedeng hindi mo alam, kaibigan mo 'yon eh," singit naman ni Ariette, isang Wrucudian.

"Ang kulit niyo. Hindi ko nga alam."

Inikot ko ang upuan ko para hindi na nila ako kulitin.

"Kung tunay ngang halfblood siya ay hindi dapat siya naririto. Dapat ipatapon na siya sa mundo ng mga mundane," narinig kong sabi ni Ariette.

"Tama. Mali talagang nandito siya. Tingnan mo nga noong una ay hindi niya pa alam kung ano siya." dagdag ng isa pa naming kaklase.

Tumungo na lang ako para hindi ko na masyadong marinig ang mga sinasabi nila. Napapaisip din ako kung ano ang meron sa pagkatao kay Tanisha. Ayoko namang tanungin siya dahil batid kong maging siya ay hindi rin iyon alam. Nahihiwagaan lang ako kay ina sa sinabi niya sa akin noon tungkol kay Tanisha bago kami umalis ng aming tahanan, 'Siya ay natatangi, hindi dapat siya mapahamak kaya protektahan mo ang binibining 'yon.' Ayun ang sinabi niya noong gabi bago kami umalis.

Nasaan kaya si Tanisha? Kanina ko pa sila hindi nakikita ni Lucian. Lumiban sila sa klase namin ngayon, hindi naman sila nagsabi sa akin kung saan ang punta nila.

"Tumingin ang lahat sa harap, magsisimula na ang klase." Napaayos ako ng upo ng marinig kong magsalita ang aming propesor.

"Srusmorn. Ito ay uri ng halaman na nakapagsasalita. Kapag ikaw ay nadikit sa kahit dahon lang nito ay lahat ng malulungkot na nangyare sa'yo na pilit mo ng kinalimutan ay mapupunta sa halamang ito at ito ay kanilang sasambitin ng paulit-ulit hanggang sa hindi mo na kayanin." paliwanag niya at biglang may lumutang na halaman sa kamay niya. Ang dahon nito ay merong ani mo'y mga bibig at matatalas ang ngipin nito. Hindi ko gusto ang itsura nito, parang halimaw.

"Ang daan lang para mapatigil ito ay bunutin mo ang dahon na may kulay pulang mga tuldok. Mag-iingat lang dahil matatalas ang mga ngipin nila at kayang-kaya kayong sugatan."

Hindi ako lalapit sa bagay na 'yan. Mukhang mapanganib. Natigil ang pagtuturo si Professor Hanalli nang may kumatok sa aming pintuan at pumasok si Headmistress Pryia sa aming silid.

"Headmistress Pyria," sambit ng aming Propesor at bahagyang yumukod. Tumayo kaming lahat at yumukod din sa Headmistress.

"Andito ako para ianunsyo sa inyo na gaganapin ang testing para sa battle royale sa makalawa. Maghanda na ang lahat ng gustong sumali."

Napuno ng bulungan ang buong silid, halos lahat ay gustong sumali. Gusto ko din sanang sumali pero hindi ko alam kung sapat na ba ang kakayahan ko para mapabilang sa kalahok. Si Tanisha ay may pag-asang makasali, nakita ko kung paano siya makipaglaban kay Olivia, magaling siya. Espada pa lamang 'yon paano pa kung lubos na n'yang matutunan ang pag-manipula ng apoy? May pag-asa siyang mag-wagi.

"Sabihin mo sa kaibigan mo na simulan na niyang maghanda. Tignan lang natin kung makakapasok siya," pahayag ni Prinsesa Olivia na naka-upo sa tapat ko at nakaharap sa akin. Wala na talaga siyang ginawa kung hindi ang pag-initan si Tanisha at hamunin, lagi naman siyang natatalo. Pinapahiya niya lang ang sarili niya.

"Anong nangyare sa kanila?!" sigaw ng isa kong kaklase habang nakaturo sa labas ng aming silid. Lahat kami ay napatingin doon pati na si Headmistress at Professor Hanalli.

"Si Lucian at Tanisha!" sigaw ko ng makilala ko kung sino ang nasa labas. Bitbit ni Lucian ang sugatan na si Tanisha sa kaniyang mga bisig.

Anong nangyare..

Nakipagunahan ako sa kanila sa pagsunod kina Headmistress na nauna ng lumabas.

"Anong nangyare? Sino ang may gawa niyan sa kaniya?" tanong ni Headmistress.

"She did this to herself," sagot ni Lucian.

Bakit naman sasaktan ni Tanisha ang sarili niya? Nasisiraan na ba siya?

"Ano ang ibig mong sabihin?" muling tanong ni Headmistress.

"Nageensayo kami ng fire manipulating at bigla nalang siya nawalan ng kontrol, lumaki ng lumaki 'yong apoy, lumutang siya sa ere habang nababalot na siya ng apoy at bigla na lang siyang tumalsik," natatarantang pagpapaliwanag ni Lucian.

Paano 'yon nangyare...

Nagkatinginan si Headmistress at si Professor Hanalli, parang naguusap sila gamit ang kanilang mga mata. Sinenyasan ni Headmistress si Lucian na lumapit sa kaniya. Hinawakan niya sa braso si Lucian habang nakahawak naman ang isa niyang kamay sa kamay ni propesor, iwinasiwas ni Professor Hanalli ang kaniyang wand at mukhang magte-teleport sila. Bago sila tuluyang mawala ay mabilis akong humawak sa likod ni Headmistress at kasabay nun ay nag-teleport kami papunta sa aming dorm.

Inilipag ni Lucian si Tanisha sa kaniyang kama at umupo sa gilid nito.

"Kailangan siyang magamot," sambit ni Headmistress. Bigla namang nagtaas ng kamay si Miranda at itinuro niya ang sarili niya. Siguro ay sinasabi niyang siya na ang gagamot kay Tanisha.

"Kaya mo ba?" tanong ni Professor Hanalli.

Tumango si Miranda bilang sagot. Tumayo na rin si Lucian sa pagkakaupo niya at tumabi sa akin. Magkasaklob ang dalawa niyang kamay at hindi siya mapakali habang nakatitig sa sugatang katawan ni Tanisha. Kita sa mukha niya ang labis na pag-aalala. Paano naman kase nangyare 'yon? Sa estado ni Tanisha na kakatuklas niya pa lamang ng kaniyang mana ay kahit ang simpleng pagmamanipula lang ng apoy ay mahihirapan siya. Pero siguro nga totoo ang sinabi ni ina, natatangi siya.

May inilabas na panulat si Miranda sa hawak niyang bag. May isinulat siya sa ere sa hindi ko alam na lengguwahe, nakalutang ito sa hangin at nagliliwanag. Binura niya ito gamit ang kamay niya at lumipat ang liwanag sa kaniyang palad, inilapat niya ito sa bawat sugat ni Tanisha at mabilis itong naghilom pero hindi parin siya nagkakamalay.

"Hindi na pwedeng maulit ang ganito. Sa susunod ay maari lang kayong magensayo sa oras ng klase ko, maliwanag ba?"

"Paumanhin po. Hindi na mauulit," paghingi ng tawad ni Lucian kay Headmistress habang bahagyang nakatungo.

Humawak ulit siya sa braso ni Professor Hanalli at nag-teleport na sila.

Headmistress Pryia's Point Of View

"Anong tingin mo sa binibining iyon, headmistress?" tanong sa akin ni Hanalli nang makarating kami sa aking opisina.

Naupo ako at napaisip. "Una ko pa lang siyang nakita ay alam ko ng kakaiba siya sa kanilang lahat hindi ko lang matukoy kung bakit."

"Bali-balita sa buong eskwelahan na isa raw halfblood ang binibining iyon." Isa siyang halfblood? Hindi imposible.

'Yong mga mata niya ay kakaiba at galing siya sa mundo ng mga mundane. Hindi kaya.. Siya kaya 'yon? I wonder. Pero kung siya nga talaga ang iniisip ko kailangang matuklasan ko ang katotohanan bago pa nila ako maunahan.

"Bantayan mo si Tanisha. Siguraduhin mong hindi na siya ulit mapapahamak at makakapasok siya sa battle royale."

Tila nagulat siya sa tinuran ko pero tumango din siya sa akin.

"Masusunod po, headmistress." ani niya at saglit na tumungo bago lumisan.

Malalaman ko din ang tunay mong katauhan, Tanisha.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status