Share

Chapter Ten: Forbidden Room

"Acheron?! Oh god! Ikaw lang pala 'yan? Why do you have to scare me like that?! And how the fuck did you get in here without even opening the door?!" sigaw ko nang makita kung sino 'yong nanghila sa akin kanina. Yes. You heard it right. It's Acheron, the cold-blooded prince.

"I'm trying to save you so shut up," ani niya na parang naiirita na. At siya pa talaga may ganang mairita ha? Eh ako nga itong tinakot niya! Akala ko kung sino na iyon. At ayan nanaman po siya sa kaka-shut up niya. Hindi na ata mawawala sa kaniya ang shut up eh. Favorite word ha.

"Do I look like I need to be saved?!" singhal ko sa kan'ya. Well.. I need to be saved but not by him! Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kumag na 'to. Nagkibit-balikat siya at nag simula ng maglakad papunta sa may pinto. At talagang iiwan niya lang ako dito ah! Bwisit.

Nang makarating na siya sa pinto ay muli niya akong nilingon. "Sigurado kang ayaw mo ng tulong ko? Sabagay mukha namang hindi ka takot sa dilim. Mauuna na ako," ani niya na parang nang-aasar pa. Bwisit talaga. Bwisit! 

"Wait!"

Hanggang saan ako kayang dalhin ng pride ko? Damn it. Nakakaasar talaga, lagot talaga sakin 'yong Eleanor na 'yon kung hindi niya ako dinala dito hindi sana ako namomroblema ngayon!

Lumingon siya sa akin ng naka-ngisi. "Yes?" tanong niya habang nakahawak sa doorknob. He can't just leave me here!

"Ano.. tu.. Damn!" Ni hindi ko mabigkas ang salitang tulungan damn it! I'm not used of asking others for help.

"May gusto ka bang sabihin?" tanong ni Acheron. Hindi pa rin maalis ang ngisi sa labi niya. Nagpakawala ako ng buntong hininga at pumikit.

"Take me with you!"

Napatigil ako sa sinabi ko at maging si Acheron din. Nakatulala siya sa akin na parang prino-process parin ang sinabi ko. Even I can't believe what I just said. Andami daming pwedeng sabihin bakit kase ayun pa ang lumabas sa bibig ko!

"Anong sabi mo?"

"Sa..sabi ko ilabas mo na ako dito!" sigaw ko at nag-iwas ng tingin.

"Hindi 'yon ang narinig ko," ani niya habang naglalakad palapit sa akin.

I rolled my eyes at him and crossed my arms over my chest. "Narinig mo naman pala nagtatanong ka pa."

"I just want to make sure. Ulitin mo." I threw him a death glare which caused him to laugh. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to. Gusto ko ng makaalis dito. It's more suffocating nang dumating siya dito.

"Damn it! Ilabas mo na lang ako dito!" paghihimutok ko.

"Okay. Okay," he said in between his chuckle.

Lumapit na ulit siya sa may pinto habang ako naman ay nakasunod lang sa kaniya. Hinawakan niya ang doorknob at ilang sandali lang ay may lumabas na kulay blue'ng ilaw sa kaniyang palad at unti-unting nag-yelo 'yong doorknob. Nang tuluyan na itong mabalot ng yelo ay nabasag ito at nagkapira-piraso and with that, bumukas na ang pinto. Sinalubong kami nang liwanag ng buwan. I wonder how long I've been locked inside that room.

Nauna ng lumabas si Acheron at sumunod ako. Akmang maglalakad na ako paalis nang hawakan niya ang braso ko at pigilan ako sa paglalakad. Ano nanamang kailangan ng lalaking 'to? Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Can you at least show some gratitude?"

This is the very reason why I don't want his help. Magiging obligado pa ako na magpasalamat at magpakumbaba sa kaniya na ni sa panaginip ay hindi ko gugustuhing mangyare. But okay since tinulungan naman niya ako. Ngayon lang 'to, ngayon lang!

"Fine. Thank you!" Aalis na sana ulit ako nang hatakin nanaman niya ako.

"What else do you want?!" singhal ko sa kaniya at napasabunot sa aking buhok sa sobrang pagka-inis. Gusto ko ng magpahinga damn it.

Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang malaking orasan sa taas ng isang building at pareho kaming napatingin doon.

13:00

Nagkatinginan kaming dalawa at napalunok nang makita kung anong oras na. Fuck. We're doomed. Headmistress Pryia warned us about the Dark Hour and the Wruazi. Ano ng mangyayare ngayon..

"We should run now.." sabi ni Acheron habang lumilingon-lingon sa paligid.

Bigla na lang humangin ng malakas kaya napahawak ako sa bintana ng kwarto kung saan ako nakulong kanina. Nanlamig ako nang may marinig akong parang nabulong sa lengguwahe na hindi ko maintindihin. There was something sinister about that murmuring voice.

"Cover you ears!" sigaw sa akin ni Acheron, he's now covering his ears.

For some reason hindi ako makagalaw, parang ayaw kumilos ng kahit anong parte ng katawan ko. What the fuck is wrong with me? I can't move a muscle.

"Tanisha! I said cover your damn ears!" I can sense anxiety in his voice. As much as I want to cover my ears I can't move!

Palakas na nang palakas ang kanina'y bulong lang hanggang sa parang isinisigaw na nila 'yon. Yes, madami sila hindi lang iisa ang boses na naririnig ko. Napapikit ako nang mariin, parang ang lapit lapit lang nila sa akin. Sa wakas ay nagawa ko ng makagalaw. Agad kong tinakpan ang mga tenga ko pero parang wala paring silbi rinig na rinig ko parin sila.

"AHH!" sigaw ko sa pagbabakasakaling tumigil na sila. Sumasakit na ang ulo at ko parang dudugo na rin 'yong tenga ko. Halos madurog na ang tenga sa sobrang higpit ng pagkakatakip ko pero wala talaga. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako napasigaw sa sakit habang mariing nakapikit.

Maya maya pa ay nawala na 'yong mga boses. Hinihingal na napaupo ako sa lapag at habol habol ko ang aking hininga, daig ko pa ang nakipaghabulan. Bigla na lang lumabo ang paningin ko at nakaramdam ako ng hilo.

"T-tanisha.. Halika n-na," nahihirapang turan ni Acheron habang inilalahad niya ang kaniyang kamay sa'kin. Iniangat ko ang tingin ko sa kaniya at napansing may mga galos siya sa mukha at braso. Saan niya nakuha ang mga 'yon..

Aabutin ko na sana ang kamay niya nang bumalik nanaman 'yong mga boses. This time triple na iyong lakas kaya agad akong napatakip sa tenga ko at napatili sa sakit.

"Acheron!" sigaw ko nang may maramdaman akong kung anong humahatak sa mga paa ko. Gumapang ako at pili na inabot ang kamay niya.

"Hold o..on. Do..don't let g..go," an'ya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Bigla nalang may lumitaw na mga hiwa sa katawan niya at rumihistro sa mukha niya ang sakit. Sino ba ang may gawa no'n? Wala akong makita na kasama namin dito, mga boses lang ang naririnig ko.

"AHHH!! ACHERON!!"

Dumulas ang kamay ko at natanggal sa pagkakahawak niya nang may malakas na pwersang humila sa akin papunta sa kung saan. Naka-lutang ako ngayon sa ere at tumilapon sa loob ng kwarto sa dulo ng hallway at biglang sumara ng malakas ang pinto.

Isiniksik ko ang sarili ko sa isang sulok at tinakpan ko ang aking ilong nang may maamoy akong nakakasulasok na amoy. Parang amoy nang naaagnas na mga katawan. Biglang bumukas ang ilaw at napayakap ako sa aking sarili sa nakita ko. The floor is covered with human bones and bloods as far as my eyes can see.

"Welcome to our humble abode," narinig kong bati ng boses mula sa kung saan sa nakakapangilabot na tono. Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin kung sino ang nagsalita pero wala akong nakita at nang muli akong tumingin sa aking harap ay may bigla nalang lumitaw na babae, kumakaway siya sa akin at.. at.. wala siyang mukha!

Nanginig ako sa takot. Buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng takot. Ngayon lang ako natakot para sa buhay ko. Pasimple akong umusog palayo sa kaniya kahit hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako. Hindi ko alam kung nakikita niya ba ako dahil wala siyang mga mata.

"Fear not, my child." muli niyang turan, andon parin ang nakakatakot na pagbigkas niya. Anong wag akong matakot? Siraulo ba siya? First of all bigla na lang ako napunta dito tapos bigla siyang lumitaw sa harap ko at higit sa lahat SHE HAS NO FACE!

She snapped her fingers at may lumitaw na lamesa at dalawang upuan sa pagitan namin, umupo siya sa upuan malapit sa kaniya.

"Maupo ka," utos niya sa malumanay na tono habang nakaturo sa isa pang upuan. Umiling lang ako sa kaniya. Ano bang malay ko? Baka mamaya ay gawin niya pa akong hapunan niya. Even the thought of it gives me goosebumps.

"Wala akong balak na masama sa iyo kung 'yon ang inaalala mo. Maupo ka na."

I just stared at her trying to figure out how in the hell she can speak without a mouth. Nang hindi pa rin ako gumalaw sa kinalalagyan ko ay muli na naman niyang pinitik ang kaniyang daliri at sa isang kisap-mata ay nakaupo na ako sa upuan sa tapat niya.

Napa-atras ako ng bahagya nang inilapit niya ang kaniyang kamay malapit sa d****b ko at hinaplos ang brooch na ibinigay sa akin nung matanda sa palengke ng Dredmore. Nakasanayan ko nang isuot 'to palagi sa hindi ko alam na dahilan.

"Sino ang nagbigay sa iyo nito?" tanong niya habang hinahaplos parin ang brooch. Hindi ko malaman kung nakatingin pa rin siya doon pero dun naka-tapat ang mukha niya.

"'Yung m..matanda," sagot ko na nauutal-utal. Tumango siya at binawi na ang kaniyang kamay. Ngayon naman ay sa akin na siya nakaharap.

"Ang akala ko ay hindi na kita masisilayan. Matagal na kitang hinahanap at ngayong napadpad ka na dito kailangan mo ng kunin ang nararapat sa iyo." napakunot ang noo ko sa tinuran niya. Ano daw? Magkakilala ba kami? No way. At bakit naman niya ako hinahanap? I'm so fucking confused.

"Makinig ka sa sasabihin ko. Ang daan para matuklasan mo ang 'yong tunay na katauhan ay hindi magiging madali, madaming hadlang at hahadlang."

"A..alam mo kung sino ako? Bakit hindi mo na lang sabihin para matapos na?" sambit ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin ang mga 'yon sa kaniya.

"Hindi dapat pinangungunahan ang tadhana."

Napatahimik ako sa sinabi niya. Mukhang wala naman talaga siyang balak na sabihin sa akin. May nalalaman pa siyang tadha-tadhana. Ano namang alam ng isang halimaw na kagaya niya?

"Hindi lahat ng gustong tumulong ay mabuti ang intensyon dapat kang maging matalino sa pagpili ng pagbibigyan mo ng 'yong tiwala," pagpapatuloy niya.

Biglang pumasok sa isip ko si Ryleigh at Lucian. Hindi naman siguro.

"At upang maiwasan ang nakatakdang digmaan ay dapat kang manalo sa paligsahan, 'yon lamang ang tanging paraan para mapigil ang mga kalaban."

Naguguluhan na talaga ako sa mga pinagsasabi niya. Pinagtitripan niya ba ako? Wala talaga akong maintindihan.

"Ano bang pinagsasabi mo? Bakit ako? At bakit naman ako maniniwala sa iyo? Isa kang Wruazi!" I retorted.

Nagpakawala siya ng nakakapangilabot na tawa na siyang nagpatayo sa mga balahibo ko. "Iyon ba ang tawag nila sa akin? sa amin? Sinigurado talaga nilang walang makakaalam ng aming mga nalalaman. Mga tuso."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Sobrang naguguluhan na talaga ako.

"Ang mga Wruazi, kung tawagin nila, ay dating mga Wrucudian na alam ang nakaraan at may kakayahang makita ang hinaharap at dahil ayaw nilang may makaalam sa nangyare at mangyayare ay pinatay nila lahat kaming may ganoong kakayahan, wala silang itinira mga lapastangan sila!"

Sa pagsigaw niya ay may narinig akong mga nabasag dahilan para mapapikit ako.

Napaatras ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Tignan mo ang ginawa nila sa akin, Tanisha. TIGNAN MO!" sigaw niya habang tinuturo ang mukha niya. Paano niya nalaman ang pangalan ko.. Sigurado akong hindi ko 'yon sinabi sa kaniya.

Tumayo siya sa kinauupuan niya habang ang mga kamay niya ay nakapatong sa may lamesa.

"Hindi ka dapat matakot sa aming walang mukha. Matakot ka sa kanilang madaming katauhan. Ipaghiganti mo kami, Tanisha. Ubisin mo silang mapagpanggap!!"

Humangin nanaman ng malakas kaya napakapit ako ng mahigpit sa lamesa. Nanginginig nanaman ako. Hindi ko na alam kung dahil ba 'to sa takot o sa galit. Parang may kung anong galit ang sumibol sa d****b ko kahit hindi ko alam kung kanino dapat ako magalit.

"Sinong sila?" sa wakas ay may lumabas na rin na salita sa mga labi ko. Kanina pa ako parang natutuyuan.

"SILA!!!!!!" sigaw niya at may malakas na hangin ang humampas sa akin at tumilapon ako sa labas ng kwarto at malakas na nagsara ang pintuan.

"Tanisha!!" narinig kong sigaw ni Acheron habang humahangos papunta sa akin.

"Are you okay? Anong nangyare sa'yo sa loob? Nasaktan ka ba?" sunod sunod niyang tanong habang nakahawak sa mga balikat ko at tinitignan kung may mga galos ako sa katawan. Bakit ganiyan siya? Why does he look so worried? Wala sa sariling tinapunan ko siya ng tingin at tumayo habang inaalalayan niya ako.

"Fuck. Magsalita ka," utos niya habang ginugulo ang kanina niya pang magulong buhok.

Totoo kaya 'yong sinabi ng Wruazi na 'yon? Kung totoo 'yon.. Why me? Bakit kailangang ako pa ang dapat manalo? Alam kong ang battle royale ang tinutukoy niya. Mukhang kilala niya rin ako at ramdam kong higit pa doon ang alam niya. Bakit kase hindi niya na lang sinabi kung sino talaga ako para hindi na ako mahirapan! At higit sa lahat sino 'yong mga tinutukoy niyang mga mapagpanggap.. Susundin ko ba lahat ng sinabi niya? AHH! Bakit kase ako pa?!

"Do it," napalingon ako kay Acheron nang bigla siyang magsalita.

"If you are eager to know the answers, do it," pagpapatuloy niya. Tinitigan ko lang s'ya at nag-iwas siya ng tingin.

"Don't stare at me like that. I can read minds. No more questions. I'll entertain none."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at parang gusto kong takpan ang bibig ng isip ko kung meron man. Damn it! He can actually read minds! That explains kung bakit niya nalaman noon na tinatanong ko kung ano 'yong battle royale at kung bakit mainit ang dugo niya sa akin. Narinig niya siguro kung paano ko siya insultuhin sa isip ko.

"Exactly." ani niya ng naka-ismid.

"Yah! Stop reading my mind!" Baka mamaya kung ano ano pa ang marinig niya. I feel naked, damn it.

"Then refrain from thinking anything. At tungkol sa sinabi ng Wruazi na 'yon. Don't tell anyone about it." seryosong sabi niya.

"Let's find the answers together. I'm quite curious about your true identity too." Kusang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. At bakit naman siya nasama dito?

"Do you trust me?" tanong niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Naalala ko ang sinabi nung Wruazi. Maging matalino ako sa pagpili ng taong pagkakatiwalaan ko.

"No." mabilis kong sagot.

"You're smart," pagpuri niya ng naka-ngisi habang umiiling-iling.

"But I'm serious. Let's unravel this mystery together," sa tono niya kala mo nagpo-propose siya sa akin. Damn Tanisha. Ano ba 'yang pinagiiisip mo? Propose? Seriously? Maririnig ka ng kumag na 'yan!

"Well, If you want to see it that way. I'm proposing to you," sabi niya nang nakangisi na siyang nagpamula ng mga pisngi ko sa pagkapahiya. Sinasabi ko na nga ba eh! But.. Can I trust him?

"It's for you to decide."

Ayan nanaman siya! He's reading my mind again!

"Okay! As if I have a choice. After all nalaman mo na rin naman papayag na ako. Pero sa oras na malaman kong pinapaikot mo lang ako. Ako na mismo ang papaslang sa'yo!"

Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa ng malakas. Itong baliw na ba 'to ang makakasama ko? Parang gusto ko ng umatras.

Biglang sumeryoso ang mukha niya at nagsalita, "Bawal na. So, partners?" tanong niya at inilahad ang kamay niya sa'kin. Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko 'yon pero sa huli ay nakipagkamay din ako.

"Partners."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
PhAi Adruc
paano ba to mag unlock
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status