University of Antiquity

University of Antiquity

By:  Shine  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
13 ratings
13Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

University of Antiquity. Kung saan tatawagin kang ginoo at binibini. Isang unibersidad na purong tagalog lang ang dapat lenggwahe. May mga patakaran na dapat sundin, may mga parusa na dapat bayaran. Kung gusto mong lisanin ang lugar, hanapin mo muna ang kasagutan sa misteryong nababalot sa loob ng Unibersidad. Lahat ng misteryo, nasasagot sa tamang proseso. Lahat ng misteryo, may nakabaon ritong kwento...

View More
University of Antiquity Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
user avatar
PanCi
Salamat sa update! Patuloy lang. Support, support, girl....
2022-01-25 08:42:05
0
user avatar
Shine
Hindi kaya ng aking powers mag UDDDD. Juskoo. Baka nextweek na naman po ulii
2021-11-11 22:04:49
1
user avatar
Shine
Salamat sa dumaraming views! <3
2021-11-02 23:25:04
2
user avatar
Shine
Dumadami views ni Agnes At Rouge, kaya sisipagin na along MAG UD! Jusko!
2021-11-01 22:32:31
1
user avatar
Shine
Sana ay makaUD na all this week. Manifesttttttt HAHAAH
2021-11-01 00:42:03
0
user avatar
PanCi
ano nga ba ang parusa nila Agnes?! hindi ako makatulogg wahahahaha
2021-10-28 23:23:52
1
user avatar
PanCi
magingay ako po saglit bago matulog! hahahah mememeegeddd Rouge! mine agad!
2021-10-28 23:19:32
1
user avatar
Shine
Bukas ako mag UUD or sa sabado! :> dito na naman ako nag announce 'coz why not? HAHAHA
2021-10-28 18:24:34
1
user avatar
Shine
May update na ako mamayang gabi<3
2021-10-25 12:34:04
1
user avatar
PanCi
what if si Agnes at Astra pala ay magkapatid? chour hahahaha malay ko ba namn baka may pa plot twist na magkakambal sila haaahahhahha
2021-10-20 23:17:10
1
user avatar
PanCi
i'm curious about sa mangyayari sa susunod huhu moreeee authorrrr<3
2021-10-20 23:13:19
1
user avatar
PanCi
pleaseeeee UDDDDDD
2021-10-20 23:11:38
1
user avatar
PanCi
Your works is exquisite and interesting po! sobra! I'll wait the other chapters Author! Keep bleeding ur ink!
2021-10-19 20:00:05
1
13 Chapters
Prologue
Tinakpan ko ng panyo ang aking ilong, dahil sa nalanghap na usok mula sa jeep na dumaan. Naiirita pa akong napabuntong-hininga nang makita ang mga nag-kalat na basura sa kalye."Nasaan na ba kasi si Manong?!" naiinis kong ani tsaka sumusop sa aking milktea."Hija," halos maging tipaklong ako sa pagtalon nang kalabitin ako ng isang matanda!Ngumiti ito sa akin ng matamis, kumalma naman ako sa pagkakabigla't napaayos ng tayo."Taho, hija..." mukhang nag-aalinlangan pa ito nang sabihin niya iyon, dahil nakita niya ang hawak-hawak kong milktea.Napatikhim naman ako't tinignan ang bitbit nito. Na-cu-curious ako kung anong mukha ng taho na nakalagay roon.Kung ano ba ang lasa ng tinatawag nilang...taho?"Uh...Lolo, gusto ko ng isa," nang marinig ng matanda ang saad ko, ay bigla itong napangiti.Sinundan ko ang tingin nito nang bumaling siya sa isang bench na nasa gilid ng kalsada, "Do'n
Read more
Chapter 1
"Anong klaseng Unibersidad ba 'yon?!" naiirita kong ani, alauna na ng umaga't hindi pa ako naka-katulog. Iniisip kung nag-eexist ba ang ganoong Unibersidad.Tsaka...Antiquity?University of Antiquity...Unibersidad ng sinaunang panahon?Tatanungin ko sana si Lolo kung saang lugar iyon, pero biglang nag-walk out ang matanda kanina. Tumawag kasi ang sekretarya niya sa trabaho, may-meeting ata.Napabuntong hininga na lamang ako't tumungin sa labas ng bintana. Ipinatong ko ang pisngi sa braso kong nakapatong sa bintana, habang tinitignan ang langit.Walang mga bituwin, kahit ang buwan.Maulap lang ito. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil kasalanan din ito ng mga kapwa ko tao.Puro pagsusunog ng plastic, mga binibiling kaniya-kaniyang ginagamit na transportasyon. Kaya ang mga usok ay nag-mistulang parang mga ulap na sa langit, at natabunan ang mga bituwin pati na rin ang  katangi-tanging bu
Read more
Chapter 2
"Ano ba naman 'to!" naiinis kong ani nang hindi umuusad ang pagsuklay ko sa aking buhok!Kaninang naligo ako sa banyong gawa sa kawayan, ay hindi ko mahagilap ang shampoo! Tanging dalawang timba na hindi pangkaraniwan at may tubig ang naroon, ang tabo pa ay isang bao! May nakita lang akong aloevera't kulay gatas na mga liquid doon. Hindi ko inamoy o ginamit ang mga iyon, dahil malay ko bang baka naka-kamatay na pala ang mga 'yon.O, baka masusunog ang aking mala-papel na kutis!Kaya heto ako't hirap na hirap suklayin ang buhok.              Pagkatapos kong sumabak sa giyera of the hair, ay tinignan ko ang kabuuan ko sa lumang salamin, at napapikit na lang ako ng mariin.Naka-suot na ako ng baro't saya gaya ng sinabi sa sulat sa tabla. Naiinis pa ako sa kakapa
Read more
Chapter 3
"Rouge! Bilisan mo!" sigaw ni Eren, nasa harap kami ngayon ng pintuan ni Rouge, naka-upo sa parihabang upuhang kahoy na parang balkonahe. Ewan ko ba, basta may upuan. 'Di ko sure.   "Sorry talaga ha..." mahina kong sambit kay Eren nang mapatingin ito sa akin. Kumunot naman agad ang noo nito, nagtataka ang itsura, "Sorry?"  Buntong hininga lang ang naisagot ko sa lalaki nang marinig ko 'yon mula sa kaniya. "I mean..." napakagat agad ako sa aking pang-ibabang labi nang mapagtantong nag-ingles na naman ako, "Pasensiya na," tuloy ko rito. Magtatanong pa sana ang lalaki dahil sa nabanggit kong 'I mean', pero sabay na kaming napatingin ni Eren kay Rouge na nakabibis na, at parang posteng nakatayo sa harap ko. Napalunok ako nang biglang dumapo ang paningin nito sa akin!  Medyo hapit sa kaniyang maskuladong d****b ang suot nitong polong kulay puti, bumagay rin sa kaniya ang pantalon niyang
Read more
Chapter 4
Susein POV "Malayo pa ba tayo?!" sigaw ng babae sa aming likuran. Ang ate niyo'y kanina pa natatapilok sa putikan rito sa palayan.  "Tss, anak mayaman," ngisi kong saad nang makita kong inalalayan siya muli ni Rouge para tumayo. "Malapit na binibini, kaonting tiis na lang," usal naman ng Eren ko. Ilang buwan na rin kami ni Vina noong inilagay kami ng aming magulang sa Unibersidad na ito. Gaya ng babae na baguhan, ganoon din kami noon. Palampa lampa sa lahat ng lumang gawain at mga bagay-bagay. Na-culture shock pa yata ang kippy namin ni Vina noong tumapak na kami rito. Hanggang sa nakasanayan na rin namin.  Ang totoo'y enjoy na enjoy naman kami sa bagong buhay namin rito, lalo na nang maging kaklase ko itong Eren ko. "Namo, ngingiti-ngiti mo riyan? Pinagpapantasyahan mo ba 'yang Eren na iyan?" sinamaan ko agad ng tingin si Vina.  Panira ng moment! "Palibhasa'y may jowa
Read more
Chapter 5
Susein POV "Agnes? Naririnig mo ba ako?" usal ko sa lata na naka-sentro sa aking bunganga. "Tigil mo na nga 'yan. Hindi ba ipinaaral sa iyo ni Ma'am Susan sa 'yo noong elementary ka? Na kapag hindi straight line ang sinulid, ay hindi ito makaka-abot sa kabila," ngumiwi naman ako sa panenermon ni madam Vina inggrata! Nagbuntong hininga na lang ako at ibinaba ang lata tsaka sumalampak sa higaan namin. Pagkatapos kasi ng parusa namin kanina ay agad na kaming pina-uwi. Nagulat nga ang Ale do'n dahil humihinga kaming lumitaw sa harapan niya. Huh, anong akala niya.  "Ang boring! Tara na, huwag ka namang KJ Vina, minsan lang ito, oh!" pang-aaya ko sa kaniya ulit para kami ay tumakas. Gabi na kasi at pinapatulog na kaming lahat ng mga namamahala rito sa mga ganitong oras. 6 PM pa lang yata. Kung sa Maynila ay baka 6 AM pa lang ako matutulog, at sa ganitong mga oras ay panay indak ako sa bar. "Tumigil ka, mapapahama
Read more
Chapter 6
Susein POV   "Agnes! Bilisan mo!" sigaw ko sa harapan ng kwarto ng neneng.  Nakabihis pang-binibini na kami nitong si Vina, ngunit ang isang babae ay natutulog pa yata! "Sino ba kasi iyan?! Lo, naman?!" Putakte! Nagkatinginan nga kami nitong kasama ko sa narinig mula sa babae na kagigising yata. Sus maryosep! Late na naman kami! At pinagkamalan pa kaming lolo niya!  Pambihira. Nang bumukas nga ang pinto ay tumambad ang neneng na kaygulo ang buhok.  "Bruhang iyan, late na tayo," iiling-iling na saad ni Vina tsaka kinuha na lang ang yosi sa ginawang bulsa niya sa saya. Imagine-nin niyo iyon, naka-pambihis dalagang pilipina ang babae at may naka-salampak na yosi sa bunganga nito. Hinablot ko na agad ang yosi niya, kaya tinaasan na agad nito ako ng isang kilay, "Ibulsa mo nga muna, kung may makakita baka pagtatagain nila ito," saad ko at inilahad ang yosi s
Read more
Chapter 7
Susein POV   "Gising na sila Rouge," iyon agad ang narinig ko nang magising ang aking diwa. Napahawak agad ako sa sentido nang dumaan ang kaonting kirot doon. "T-Tubig..." usal ko nang unti-unti ko ng iminulat ang mata. "Pakihintay Binibini," usal ni Eren na aking unang nakita. Kumunot ang noo ko nang namataan ang ibang kwartong aking kinaroroonan. "S***a, nasaan ako?" baling ko kay Rouge. Hindi agad ako nito liningon dahil kita ko siyang inaasikaso rin si Agnes. "Ay, wow. May special treatment," tumingin ito sa akin nang iusal ko iyon kaya ako ay napangisi agad. "Si Vina, Ginoo?"  Pfft. Piste. Muntik na akong mabilaukan dahil sa inusal ko sa 'Ginoo'!  Petchi. Hindi ko bagay! "Oh, congrats. Graduate na kayo," hayon at biglang lumitaw ang gaga. Naka-ngisi na ito habang nakapamulsang nakasandal sa dingding! "Halika, halika," pekeng ngiti ko rito. "Halika at masabunuta
Read more
Chapter 8
"Bakit ba kasi lagi kang hindi nag-iingat, Binibini?" napalunok ako nang mahimigan ang parang nanenermon niyang boses.Ang talampakan ko ay hawak-hawak ng lalaki, habang tinatapalan ang isa kong daliri sa paa na dumudugo. Sa totoo lang ay mahapdi ang pagkakatapal niya nang dinikdik na dahon ng malunggay, sa daliri kong natuklap na yata ang kuko. Jusko!Ayaw ko lang dumaing dahil baka mas lalo akong pagalitan nitong feeling Ama ko!Bumuntong hininga ito't muling ipinako ang seryoso niyang mukha sa akin, kaya agad naman akong napa-iwas at muntik na rin yatang tumagaktak ang pawis sa aking kili-kili!"Tapos na, Binibini" rinig kong kaniyang usal tsaka ito tumayo, ngunit ang seste! Ramdam ko pa rin ang tingin nito sa akin!Kinakabahan man ay tumingin ako sa kaniyang direksiyon bago umusal, "S-Salamat..." kinurot ko ang aking palad dahil sa timbre ng aking boses na pabebe! Nautal pa nga!"Walang anuman
Read more
Chapter 9
Agnes POV   Tinaasan ako ng kilay ni Susein nang makitang iba ang aking lakad, "Ano namang ka-emehen 'yan?" ani nito habang naglalakad kami papuntang Unibersidad. Ngayon lang yata kami hindi late. Hinintay nila ako kanina sa aking silid kaya kami na nga ay nagakakasamang papunta sa skwelahan. "N-Nabitawan ko kasi 'yong bato kanina sa paa ko..." Umikot ang mata nito, "Tanga, tanga!" sinamaan ko ng tingin ang babae, kukutusan ko pa sana ito ngunit natatawa na itong tumakbo.  Jusko na iyan, binibini na binibining tignan ngunit ang lalaki ng mga hakbang kung tumakbo! "Eren, bebe!" "Piste," naiusal na lang ni Vina nang bigla ba namang isigaw iyon ni Susein kila Eren habang kumakaway! Ayon at pinagtitinginan kami tuloy ng mga ibang estudyante rito. "Hi!" masiglang bati ni Susein nang sa wakas ay nasa harapan na kami ng dalawang lalaki. Nginitian ko pabalik si Rouge nang ngumiti ito sa akin na
Read more
DMCA.com Protection Status