Share

Taming The Wild CEO (Tagalog)
Taming The Wild CEO (Tagalog)
Author: Ethan Choi

Chapter 1

Umuulan sa Washington D.C. at puno ng tao ang mga kalsada. Gitgitan ang mga limousine at dilaw na taxi na nag-uunahan sa masikip na trapiko. Mayayaman at malalaking kumpanya ang nasa street na iyon, at kabilang doon ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Ella Stanford.

Habnag nagklalakad si Ella papasok sa building, ngumiti siya sa guwardya na ngumiti rin pabalik. Kilala nito halos lahat ng empleyado na nagtatrabaho sa Summers Industries, karamihan sa mukha lang, ang iba naman, sa pangalan din.

Naglakad si Ella papunta sa electronic gates at nag-tap ng card sa machine. May tumunog na buzz bago ito bumukas at tuluyan siyang nakapasok. Agad siyang pumunta sa mga elevator at pinindot ang call button. Nang makarating sa tamang floor, lumabas siya ng elevator tungo sa mabigat na plate glass door na may nakasulat na “SUMMERS ENTERTAINMENT”. Ngumiti si Ella sa batang receptionist na nasa likod ng desk at tumungo sa bukas na opisina bago pumasok sa opaque glass door na may nakasulat na pangalan na “JAVIER SUMMERS”. Javier Summers, ang boss niya na CEO ng Summers Entertainment (mahuhulaan siguro ito ng kahit sino base sa apelyido), ay may malaking kwadradong kuwarto na nakahiwalay sa kanya gamit ang isang pinto.

Tatlong taon na siyang nagtatrabaho para kay Javier Summers. Ang kanyang pagiging propesyonal at magaling sa trabaho ang dahilan kung paano noya napanatili ang trabahong ito. Bihira ‘di umano sabi ng kanyang mga katrabaho na may nagtatagal. Bago siya, limang tao na ang tinanggalan ng trabaho ni Javier at ang pinakahuli ay isang buwan pa lang nagtatrabaho.

Sampung minuto na pa bago mag-ala una. Bumalik siya sa opisina nang maaga at naglaan ng oras para makapaghanda bago bumalik ang boss niya mula sa panananghalian. Inilagay ni Ella ang jacket sa hanger sa sulok ng kuwarto at inayos ang buhok bago umupo sa desk.

“Kumusta ang magaling at propesyonal kong sekretarya?”

Ella gritted her teeth against a seething wave of annoyance. Paminsan, mahirap magtrabaho para kay Javier at isa ito sa mga dahilan: sa tuwing ‘di man lang ito nag-iingat sa sinasabi. Hindi naman nito kailangang sabihin pa ang salitang “propesyonal” na para bang napaka-boring ni Ella. Higit sa lahat, ang dahilan kung bakit tinawag siya nitong “magaling” ay dahil sa may bago na naman itong conquest. Hindi lamang isang business deal, dahil ang conquests nito ay umaabot hanggang sa mga kababaihan.

Mayabang ang tono nito, siguradong senyales ng sexual satisfaction. No doubt, nag-enjoy ito kaninang lunch kasama ang isang babae. Isang senyales dito ay ang nawawalang tie ni Javier. Natatandaan ni Ella na pumasok ito na may suot na grey na tie kaninang umaga. Hindi lang ang tie ang nawawala, naluwagan na rin ni Javier ang kanyang collar.

Ngunit isang tingin lang dito, naiintindihan na ni Ella kung bakit nahihirapan ang mga babae na tanggihan ito. Bukod sa natural itong guwapo, he was also disturbingly attractive. Ang mga mata ni Javier ay kasing asul ng karagatan, at tuwing ‘di maganda ang mood nito, dumidilim ito nang kaunti, halos kasing dilim ng kalangitan tuwing gabi. His cheekbones were angular, almost austere. His mouth was wide with the top lip firm and controlled and the lower full conveying the hint of sensuality and his mastery in the art of kissing. Palaging kita sa kanyang mukha ang kanyang mood, minsan puno ito ng pride tuwing may kailangan itong takutin (lalo na ang kanyang subordinates o business partner). Kung minsan naman, sobra itong maamo na maski ang mga pusong binalot ng yelo ay matutunaw. Isang bagay lang ang sigurdo, makapangyarihan ang mukha ni Javier, gaya lang ng lalaki. Paminsan, naiinis si Ella kung paanong nagagawa nito na makapag-isip nang mas mabilis kaysa sa ibang normal na tao.

Delikadong lalaki si Javier Summers. He was as difficult to handle as a wild puma: savage, unpredictable, and predatory. Masipag ito sa trabaho at desidido. Thirty-years old pa lang ito, nasa r***k ng buhay at tagumpay, may magandang reputasyon sa pagiging henyo sa larangan ng entertainment field. Bukod doon, ginagamit ni Javier ang kanyang sex appeal nang walang humpay. Nakakabit ang pangalan ni Javier sa ilang matagumpay na mga artista. Ang isang artista ay madalas makakuha ng libreng publicity dahil sa nakikita itong kasama si Javier na lumalabas ng nightclub. Hindi pa nagpapakita si Javier ng mga senyales na gusto niyang magpakasal at wala sa kanyang mga affairs ang naging seryoso o tumagal ng higit sa ilang linggo.

Noong nagsisimula pa lang magtrabaho si Ella para kay Javier, yinaya siya nito sa isang dinner na tinhihan niya, and his response had been a needling form of mockery. Kahit pa ganoon, nanatiling kalmado si Ella at piniling manahimik. Kahit na may nararamdaman siya para kay Javier, may dalawa siyang dahilan kung bakit dapat niyang iwasan ang pakikipagsiping dito. Una, noong panahon na iyon, kailangan niya pang bayaran ang mga utang ng nanay niya. Her mother had recklessly owed money to some people and if she had not paid them back, they would put her in jail. Pangalawa, ayaw niyang maging isa sa mga babae nito. Baka nga ang dahilan kung bakit tinanggal ni Javier ang maging naging sekretarya nito noon ay dahil na-bore ito. Kung totoo man o hindi, mas madali pa rin para kay Ella na iwasan siya kaysa ang sumubok pa. After all, boss niya ito, for goodness sake!

"Good afternoon, Sir," bati ni Ella na may isang maliit at magalang na ngiti.

Tumaas ang makapal at maitim na kilay ni Javier sa gulat. “Sir?”

“Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit niyo po binanggit ang ‘propesyonal’ sa greeting niyo sa ‘kin—para batiin ko rin po kayo nang promal?” Tinagilid ni Ella ang ulo niya, at ibinalik ang nagtatakang tingin kay Javier.

Tumawa si Javier, kumikinang ang mga mata. Mukha talagang nai-enjoy ng demonyong ‘to ang palitan na ito ah. “Hindi ka talaga pumapalya na patawanin ako gamit ‘yang matalim mong dila, Miss Stanford.”

Isa iyon sa pinakanakakainis na ginagawa ni Javier. Palagi nito siyang tinatawag gamit ang apelyido niya, sa parehong paraan na tinatawag nito ang mga kaibigan nitong lalaki!

Hindi pinansin ni Ella si Javier at kinuha ang mga files na hinanda niya para rito bago pa mag-lunch at inabot ito. “Ito po ‘yong mga files na hiningi mo. Kailangan mo itong i-review para masimulan ko na po ang pag-aayos ng meetings,” sabi niya. Nang kunin ni Javier ang files, ngumiti siya ulit dito at nagtanong, “May kailangan pa po ba kayo sa akin ngayon?”

“Wala.” Umiling si Javier at nagsimulang maglakad tungo sa connecting door. Pero nang tila may naalala, huminto ito, lumingon, at sumandal sa hamba. “Pero may isang bagay pa nga. Kumusta naman ang pagpaplano para sa party ngayong weekend? Okay naman ba ang lahat ayon sa lista na binigay ko sa ‘yo last time?” Nang hindi sumagot si Ella agad, bumaba ang mga kilay ni Javier. “Hindi mo naman siguro nakalimutan, ‘di ba?”

Of course, she had not! Paano naman makakalimutan ni Ella ang pag-aayos at pagpaplano para sa birthday ng boss niya ngayong weekend? Hindi lang suweldo niya ang nakasalalay, maski trabaho niya at katinuan!

"No, of course, I have not." Ella stretched her lips into what she hoped was a reassuring smile. “Magiging perfect ang lahat! Inayos ko ang lahat exactly as you wanted.”

"Good, good," he said momentarily then his blue eyes were once more fixated on her. "Alam mong pupunta ka ‘di ba?”

“H-ha?” Tumikhim si Ella at sumagot sa kalmadong tono. “Sa tingin ko po hindi naman na kailangan. Hindi naman ito business meeting, sa tingin ko po hindi mo na kailangan ang secretary mo roon.”

“Nonsense!” Umiling si Javier at binigyan siya ng nadidismayang tingin. “Kailangan kita roon. Ikunsidera mo ng reward sa lahat ng trabahong ginawa mo kasama ang Event Organizers para mabuo ang party.”

"Thank you," Ella answered silkily. "I will look forward to relaxing and enjoying myself then."

Kumislap ang mga mata ni Javier, at sa maikling pagkakataon may nakita si Ella na hindi niya pa nakikita sa mga asul na mata nito. "It will be my pleasure to see you enjoying yourself, Ella."

Kung hindi sapat ang kislap sa mga mata ni Javier para magduda si Ella sa motibo nito, ang katotohanan na tinawag siya nito sa pangalan niya sa unang pagkakataon ang oo.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tria 0911
thank you po Author ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status