Nang marinig ang mga salita galing kay Jasper, hindi maitago ang pag iba ng emosyon sa mukha ni Calvin, ito ay naghahalong galit at inggit. Hindi mapigilan ang gigil sa galit habang nakatingin ito ng masama kay Jasper. “Saan mo nakuha ang lahat ng pera na iyon? Sabi mo wala kang pera noong mga nakaraang araw, pero ngayon mayroon kang $500,000 para ipang bili ng ruby na pendant?!” tanong niya. “Pera ko ito. Hindi ko kailangan sabihin kung saan ito nanggaling. Kung ano ang ginagawa ko labas na kayo doon,” sagot ni Jasper. “Hmph!” Ngumisi si Calvin, “Malamang binenta mo ang bahay niyo, ‘di ba? Kung hindi, saan mo nakuha lahat ng pera mo?” tanong niya. “Binenta niya nga siguro. Tsk tsk, makasalanan. Ibinenta mo ang bahay para lamang bumili ng ruby pendant? Nasiraan ka na talaga ng bait,” komento ni Susan. Ibinalot na ng sales assistant ang ruby pendant para sa kanya. Hindi niya na ito kinausap sa naiinip na tono. “Sir, naibalot ko na ang ruby pendant,” sinabi niya sa tonong ma
Read more