Stranger's Secret

Stranger's Secret

By:  Asiana Asia  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
4 ratings
20Chapters
2.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

"I loved you and trusted you but you broke me with your secret. Now, tell me... how could I ever forgive you?" -- Holly Jade Rewis Parang pinag-iwanan na ng mundo. Ang kaniyang ina, ang ama niya at ngayon ay ang lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya ng husto. How could she ever forgive the man who was after her and tried to kill her? "Nagkamali ako ng minahal." -- Holly

View More
Stranger's Secret Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
user avatar
Leondale Writes
Ugh! Bakit ako naiinis! Huhuhu! Galing maka punyema ni Liza eh!
2021-11-26 23:07:42
1
user avatar
Angel
And it's like I'm reading a movie script... so thrilling!!
2021-10-16 04:54:30
4
user avatar
Angel
Ganda! Must read!
2021-10-15 21:25:29
7
user avatar
Choey
Very interesting story and I love it. Five star! Worth reading!
2021-10-15 16:11:34
4
20 Chapters
Prologo at Kabanata 1
Prologo   "Bakit hindi mo pa gawin ang misyon mo? Gusto mo bang ako na mismo ang magtarak niyan sa d****b ko para sa'yo?!" Um-echo ang galit na galit na boses ng isang dalaga sa loob ng kakahuyan. Ang napakaganda nitong mata ay agad na naging kulay pula dahil sa sobrang galit. Lumilitaw din sa buong katawan nito ang nagkukulay-itim na mga litid at ang matutulis na pangil nito ay handang makapanakit anumang oras. "I'm sorry," sabi lang ng lalaki at mabilis na lumapit sa dalaga at ibinigay dito ang metal na bagay dahil ito lang ang makakakitil sa buhay niya. "Kill me." Ngunit sa halip ay itinutok ng dalaga ang metal na bagay sa tapat ng d****b. "This is what you want right?" Puno ng hinanakit nitong sabi at walang pagaalinlangang ibinaon ang matulis na bagay sa sariling d****b dahilan para maghumindig sa takot ang lalaki. "I loved you and t-trusted you but you b-broke me." Agad na sinalo ng lalaki ang dalaga at nanginginig ang kamay na
Read more
Kabanata 2
✖-✖-✖-✖ Napabalikwas ng bangon si Holly nang magising kinabukasan. Kinapa niya ang sarili. "P-p-paano ako nakauwi?"Wala naman sigurong nangyari sa kaniya. Kinapa niya ang braso at nakaramdam ng sakit. "A-aray."Ano na naman kaya ang nangyari sa kaniya? Nadapa na naman ba siya? Humiga siya muli at inisip ang mga nangyari simula sa pagpunta niya sa bar kagabi hanggang sa...Praning niyang niyakap ang sarili. "T-teka, may ginawa ba siya sa'kin? Bakit ang sakit ng braso ko?" Inalala niyang maigi ang mga nangyari. Wala talaga siyang ibang maalala. Ang tanging pumapasok lamang sa isip niya ay ang paghigit nito sa kaniya mula sa lalaking sumalo sa kaniya nang muntik na siyang matumba at magpresintang ito ang maghahatid sa kaniya, 'yon lang.Naipikit niya ang mata ng mariin. Praning na siya kung pag-iisipan niya ng masama ang taong 'yon."Pero bakit masakit ang braso ko?" Hinilot-hilot niya ang k
Read more
Kabanata 3
"Ikaw?"  Ito 'yong lalaking sa bar at siya ring naghatid sa kaniya. Hindi ito umimik. Nakatingin lang ito sa kaniya na parang pinag-aaralan ang kabuuan ng kaniyang mukha.  Lumapit pa ito sa kaniya at walang pasabi siyang binunat. Nabigla siya sa ginawa nito.  "A-ano ba, masakit. Ibaba mo ako," utos niya habang iniinda ang nagkikirutang mga sugat. "May gasgas ka rin sa tuhod at mga paa mo, hindi kita pwedeng ibaba," tanging sagot nito. Walang kabuhay-buhay. Hindi na naka-angal pa si Holly nang dahan-dahan siya nitong i-upo sa back seat ng kotse nito, pagkatapos ay bumalik itong may dalang first-aid kit. Walang imik nitong kinuha ang kamay niya. Siya naman ay pinapanood lang ang bawat kilos nito. "Aray, a-ang sakit," angal niya.   Hindi pa rin ito tumitingin sa kaniya at tutok na tutok sa paglilinis ng gasgas niya sa palad. Nanginginig pa ang kamay nitong may hawak na bulak. 
Read more
Kabanata 4
✖-✖-✖-✖ Nagtatangis ang mga ngiping umupo si Khalil sa kahoy na sofa ng inuukupahang kwarto. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawa ang simpleng utos sa kaniya ng Alpha. Nahihirapan siyang kumilos gayong magiging madali lamang naman sa kaniya ang lahat. Walang kahirap-hirap na niyang nagawa ang unang utos sa kaniya, ngunit ang isang 'to ay mukhang nahihirapan siya.Kapalit ng posisyon na maging kanang kamay ng Alpha, binigyan siya nito ng misyon upang mapatunayan na karapat-dapat siya sa posisyong 'yon. Hinanap niya ang babaeng nagtraydor sa Alpha na minsan na ring minahal nito. Nahirapan s'yang hanapin ang babae dahil sa bagay na ninakaw nito na pag-aari ng buong angkan na magagamit upang mamuhay bilang isang normal na tao. Ngunit nalaman nilang may anak ito at inutos sa kaniyang paslangin din ito katulad ng kaniyang ina. Ngunit hindi madali para sa kaniyang gawin 'yon dahil nasisiguro niya ang isang bagay... 
Read more
Kabanata 5
✖-✖-✖-✖ Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang insidente. Nalaman ni Holly na ang pamilya ni Jin ang nagmamay-ari ng coffee shop na 'yon. Hindi niya lang ito nakikita noon dahil sa kabilang University ito nag-aaral. Nakita siya nitong tumakbo sa lugar na 'yon kaya sinundan siya nito. Nalaman din niyang nasa kulungan na ang dalawang nagtangka sa kaniya. Nagpapasalamat siya ng sobra sa binata.Biglang nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya ang tumatawag."Hello?""Hi, Holly. Good morning," sabi sa kabilang linya."Jin?"Bahagyang itong tumawa. "I want to invite you over for a dinner. Hindi pa tapos magcelebrate ng anniversary ang parents ko. Masyado nilang mahal ang isa't isa." "Sige," nakangiti niyang sagot kahit hindi naman nakikita ng binata."Talaga?""Oo naman. Sige, see you later.""See you later." Hindi niya ito matatanggihan. Bilang pasalamat na ri
Read more
Kabanata 6
✖-✖-✖-✖Tahimik lamang si Holly habang nagbabasa ng pocket book. Nakaipit ito sa isang aklat kaya hindi pansin ng mga kagrupo. Kasalukuyan kasi silang nasa library ng tanghaling 'yon para mag-research sa assignment nila sa history. At hindi history book ang binabasa niya. It's not her first time naman na magbasa siya ng pocket book pero ito ang first time na magbasa sa gitna ng pag-aaral. Ibinabaling lamang niya ang atensiyon dito."May suggestion kayo na mas magandang topic?" tanong ni Ryan, ang leader nila.Hindi siya umimik at nagpatuloy sa pagbabasa. Hinayaan niya ang mga itong mag-usap."Ano bang ginagawa mo?" mataray na tanong ni Amy at saka hinablot ang librong binabasa niya. "What the hell?" bulalas nito pagkakita sa pocket book. "We're trying our best here para makahanap ng interesting topic tapos ikaw... are you even with us?" "Hindi," diretsang sagot niya. Muli niyang kinuha ang libro at itinuloy ang pagbabasa.
Read more
Kabanata 7
✖-✖-✖-✖ Alam ni Khalil ang nangyayari kay Holly. Pinapanood niya ito mula sa puno katabi ng bahay nito na  katapat ng kwarto ng babae. Napakabigat at alam niya ang ganoong pakiramdam. Galit na galit ang kalooban nito sa mga oras na 'yon at nais kumitil ng buhay.  Mula sa pag-alis ng babae kanina at  hanggang sa pag-uwi ay sinusundan niya ito. Nais niyang kumpirmahin kung totoo ang nasa isip niya bago niya isagawa ang nasabing utos sa kaniya. At sa pagkakataong ito ay mayroon na siyang kakaunting patunay ngunit hindi pa ito sapat para masabing totoo nga ito. Ayaw niyang magpadalos-dalos dahil hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya kung sakaling makagawa siya ng mali. Nasisigurado niyang buhay niya ang magiging kapalit at may mas hihigit pa ro'n. Ngunit kung patuloy siyang matatagalan ay maaaring hindi rin maganda ang kalabasan.  Agad siyang nagkubli nang makitang sumilip sa bintana ang ama ng babae at pagkuwa'y sinarado na ang bin
Read more
Kabanata 8
"T-teka, teka lang." Binawi ni Holly ang braso mula kay Khalil. "Ikaw, sinusundan mo ba ako ha?" tanong niya.  Ngunit sa halip na sagutin ay muli na naman siya nitong hinawakan sa braso at inalalayang umupo sa passenger seat. "H-hoy, bakit pakiramdam ko kilala mo na ako." Umupo sa driver seat si Khalil at hindi pinansin ang sinabi niya. "Ihahatid na kita." Tinaas ni Holly ang kaliwang kamay. "D-don't. Dito lang muna ako." "It's late."  "W-wala namang naghihitay sa'kin sa bahay kaya d-dito lang muna ako."  Sumunod ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.  "Hayyyy, ang sayyyyaaaa sayyyyaaaa namannnn..." ungot ni Holly maya-maya habang ang ulo ay nakahilig sa braso niyang nakapatong sa nakabukas na bintana na kotse. Tiningnan ni Khalil ang babae. Namumungay ang mga mata nitong diretso lang na nakatingin sa kung saan. At kahit nakatagilid ang mukha nito mula sa kaniya ay mababakas mo pa rin ang lungkot.
Read more
Kabanata 9
✖-✖-✖-✖Lumabas si Khalil mula sa isa pang kwarto sa loob ng kaniyang apartment. Alam niyang nakaalis na si Holly.Kinuha niya ang kapirasong papel na nakadikit sa pinto ng kwartong tinuluyan nito kagabi. Hindi dapat niya ito dinala sa apartment niya ngunit panay ang ungot ng dalaga kagabi na kung p'wede ay hindi muna ito umuwi.'Thank you' --Iyon ang nakasulat sa papel. "Oh, is that a love letter?" Napatiim bagang si Khalil nang marinig ang boses ni Tyron mula sa kaniyang likuran.Mariin niyang kinuyumos ang papel na hawak bago hinarap ang kapatid. "What are you doing here?" "What did she say?" Nakangisi ito habang nakatingin sa papel na nasa kamay niya.Kinuwelyuhan niya si Tryon. "What are you doing here?" pag-uulit niya sa tanong. Hinawakan ni Tyron ang kamay niya at buong pwersa itong tinanggal mula sa mahigpit na pagkakakapit niya. "I'm just here to tell you this, bibigyan kita ng isan
Read more
Kabanata 10
 "A-ano na naman?" tanong ni Holly sa babaeng kaharap."Nananadya ka ba?" Nakasandal sa isang puno sa may kadilimang bahagi ng tabing kalsada si Tyron. Akala niya ay matutuloy ang paglapit ng babae sa kaniya."Ano bang sinasabi mo? Kung tungkol ito sa break-up niyo ni Jin, wala akong alam tungkol do'n. H'wag mo akong sisihin."Nailing si Tyron, walang kwentang pinag-tatalunan. "Anong ginagawa mo dito?"Nakangising nilingon niya si Khalil. "Nandito ka rin?" Kunwari ay hindi niya alam na tanong sa kapatid."Wala kang pakialam. Umalis ka na, walang dahilan para manatili ka dito."Pinakatitigan ni Tyron ang kapatid. "Ikaw, ano nga ba ang ginagawa mo dito?" tudyo pa niya.Umigting ang panga ni Khalil. Bawat salitang lumalabas sa bibig ng kapatid ay hindi niya nagugustuhan.  "Huwag mong susubukang galawin ni dulo ng buhok ng babaeng 'yon. Hindi siya ang trabaho mo. Umalis ka na bago pa magbago ang
Read more
DMCA.com Protection Status