My Drop-Dead, Gorgeous Rebound
In love na si Fae Santiago sa kinakapatid niyang si Carl Easton bata pa man sila. Ulila na sa mga magulang matapos mamatay sa aksidente ang ama, tumira siya sa Easton House sa natitirang minor years niya bago siya humiwalay gamit ang kanyang mana. Noong bigla itong nagpa-kasal sa kanyang ahas na bestfriend, Fae was devastated.
Nang gabi ng kasal, naroon ang bestfriend ni Carl, ang snob na si Spencer Jigo Myrick, para tulungan siyang makalimot.
Hands down, ito ang pinakagwapo sa mga lalaking kilala niya. Old money ang mga Myrick, at sa batang edad ay responsable, mature, at pinuno na ng family businesses si Jigo. May pagka-stoic, matinik at matalino, animo wala itong pakiramdam sa kanyang pagkakakilala rito. Pinakakaba siya nito lagi tuwing makakasalamuha niya. Ang lakas kasi ng dating ng personality nito.
Pero nang gabing iyon, sa tulong ng alak, natulak ang kaba at hinayaan niyang malunod siya sa atensyon ng binata. Tinanggap niyang isa siyang obligasyong sinalo nito para sa kaibigan nito at binantayan para hindi mapahamak sa kanyang kamiserablehan.
Pero sa likod ng nakasarang pinto, mainit at mapusok si Jigo. He was the perfect rebound—sexually stimulating, mapag-alaga, teritoryal, possessive, at sobrang sweet. Matapos ang ilang linggong lihim na pagtatagpo, hindi na niya kayang isiping mawawala ito sa buhay niya. At namalayan na lamang niyang pumapayag siyang makasal nang lihim dito bago pa may umagaw dito gaya nang nangyari kay Carl.
Hindi niya alam kung sapat na ang kapusukan nilang dalawa para harapin ang mga problema once na malantad ang relasyon nila; habang sa kabilang banda, nagkakaroon ng problema sa marriage ni Carl.
At iyon ang mukhang susubok sa tatag ng sikretong relasyon nina Fae at Jigo nang ganoon kaaga…
10491 viewsOngoing