Isla Haraya : Elora
Nahihilo pa rin ako pero hindi na katulad kanina.
"When did you arrive here?" napapitlag ako ng bigla itong magtanong.
"Ah, kaninang umaga lang," sagot ko naman.
"You must be forgetting something," makahulugan na sabi nito, sa gilid ng mata ko ay nakita kung nilagay nito ang mga kamay sa loob ng bulsa. "People come here usually, to forget or to unwind."
Dahan dahan akong naglakad sa buhanginan, "Well," hindi ko na naitinuloy ang sasabihin ko ng magsalita na naman 'to.