Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle
MichellaraContemporarySteamyDramaCEODominantBillionaireAge GapRevengeContract Marriage
Isang gabi bago ang kanyang kasal, muntik nang mapahamak si Jane sa tinatahak na liblib na daan nang harangin siya ng mga armadong lalaki. Sa gitna ng matinding panganib, desperado siyang tumawag sa kanyang fiancé na si Kian, ngunit sa halip na tulong ay pangungutya ang natanggap niya habang nasasaksihan ang kataksilan nito kasama ang sarili niyang pinsan na si Scarlet.
Durog sa dobleng pagtataksil, dumating si Aviv Averoné, ang tiyuhin ni Kian, na siyang nagligtas sa kanya sa gitna ng kapahamakan. Dahil sa galit at desperasyon, nakiusap siya kay Aviv na ito na lamang ang pumalit bilang groom niya.
Isang katahimikan ang namayani matapos ang kanyang pakiusap, ngunit kalaunan ay nagsalita din si Aviv kapalit ng isang malamig na kondisyon: kailangang gampanan ni Jane ang tungkulin bilang isang tapat na asawa at bigyan siya ng tagapagmana.
Inakala ni Jane na ang kasal nila ni Aviv ay isa lamang malamig na transaksyon, ngunit unti-unti nitong ipinapakita na higit pa sa kasunduan ang nais nito mula sa kanya.
Ngayong pag-aari na siya ng makapangyarihang tiyuhin ng kanyang dating fiancé, isang bagong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at pagnanasa ang magsisimula.
Sa pagitan ng mapanganib na kasunduan at nagbabagang emosyon, mahahanap ba ni Jane ang tunay na kaligtasan sa piling ng lalaking kanyang pinili?