CHAPTER 09 Halos mangalay na ang mga kamay ni Estrella at Anna bitbit ang samut-saring plastic bag na naglalaman ng kanilang mga pinamili. Nasa kalahati na ng listahan ang burado subalit hindi na nila kaya pang magdagdag ng panibagong hahawakang plastic bag dahil marami na sila nito ngayong bitbit. " Ilagay na kaya natin muna ito sa kotse? Mababali na ang mga kamay ko at ang sakit narin ng binti ko, " suhestiyon ni Anna saka binaba saglit ang mga dala niya. " Hindi ko akalaing mabibigat pala ang dadalhin natin. Dapat nagsama pa tayo ng isa. " " Kaunti na lang naman na iyong natitirang kailangan nating bilhin. Diretso na tayo, " ani Estrella habang sinusuri ang listahang hawak niya. Nilingon niya si Anna na halos sumalampak na sa lapag dahil sa bigat nga naman ng mga dala nito. " Ganito na lang, dalhin mo na 'yong ibang pinamili natin sa kotse tapos tawagin mo si kuya driver para tulungan tayo sa pag dala ng mga 'to. Ako naman, bibilhin ko na 'yong ibang mga natitira sa listahan para
CHAPTER 10 Pabagsak na naupo si Sebastian sa kaniyang swivel chair matapos tanggalin ang necktie na suot niya mula pa kaninang umaga. Pakiramdam niya ay lumuwag ang kaniyang paghinga subalit ang bigat sa ulo niya ay nanatiling sagabal sa pag-iisip ng solusyon sa kinahaharap nilang problema sa kumpanya. Ang dating nangungunang Pipol's app ay unti-unting nasasapawan ng isang bagong launch na app na halos wala ring pinagkaiba sa kanila ngunit mas tinangkilik na agad ito ng masa. Nagkaroon sila ng pagpupulong kanina at base sa mga narinig niyang komento ng mga empleyado niya, maraming pagkakatulad ang Pipol's app doon sa nasabing communication app na bagong labas lang. May mga nabuong teorya na baka ginaya lang ang kanila subalit hindi sila maaaring mag bintang nang walang sapat na ebindensya. Sa dami ng mga nauusong communication app ngayon, karamihan sa mga ito ay halos magkakatulad lang at mahirap mag akusa ng plagiarism kung ang pinagbasehan lang ay ang ilang mga pagkakatulad ng d
CHAPTER 11 Sa mga sandaling ito, hindi alam ni Sebastian ang nararapat na sabihin matapos marinig ang pagtatapat ni Estrella sa kaniya. Magkahalong gulat at pagtataka ang naramdaman niya dahil sa hindi inaasahang katapatan ng taong kaniyang pinakasalan. " Sebastian--" " Estrella, sandali lang, " pigil ni Sebastian sa kadahilanang baka magbitaw ulit ito ng salitang ikagugulat niya. Hirap siyang basahin ang takbo ng utak ni Estrella dahil mahilig itong manggulat sa paraan ng pagkilos at pananalita nito. Huminga si Sebastian nang malalim at diretsong tinitigan sa mata ang babaeng tila walang ideya kung anong lumabas sa bibig niya. " Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi mo? " tanong ni Sebastian at hindi naman nagdawang isip si Estrella na tumango. " Pakiramdam ko, mayroon na akong gusto sainyo, " anito at inilagay ang isang kamay sa dibdib niya. " Ang bilis ng tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng paro-paro sa tiyan ko kanina--" " What the hell? " hindi na mapigilan ni Sebasti
CHAPTER 12 " Ang mga bata...ay...masayang nag-la-la-ro at...nagku-kuwentuhan sa parke...kasama ang ka-ni-lang...mga magulang na nasa--" " Este, gusto mo bang—ay sorry, busy ka ba? " Naputol sa pagbabasa si Estrella nang lapitan siya ni Anna dala ang isang platito na lamang bagoong at hinati-hating hilaw na mangga. " Hindi naman masyado. " Ibinaba ni Estrella ang binabasang aklat sa mesang nasa harap at humila ng isang silya sa tabi niya para upuan ni Anna. " Miryenda ba natin 'yan? " " Siyempre naman! Ano pa't pinuntahan kita dito sa garden kung hindi tayo magsasalo dito sa mangga, hindi ba? " sabik na naupo si Anna sa silya saka binaba ang dala sa lamesa. " Mabuti na lang pwede ng pumitas ng indian mango sa likod kaya may miryenda tayo ngayon. " " Nagpaalam ka ba kay Manang Susan? Baka mapagalitan tayo kapag nakita 'to. " " Oo naman yes. Nakapagpaalam ako sa mayordoma ng mansion, " pabirong tugon nito saka nagsimulang sumawsaw ng manga sa bagoong na nasa platito. " Tapos naman
CHAPTER 13 " Pasensya na po talaga, hindi namin sinasadya na tamaan siya. " Paulit-ulit na paghingi ng tawad ng mga kabataang may kasalanan kung bakit nagkaroon ng bukol si Estrella sa ulo niya. " Ah, hindi okay lang. Gagaling din ito--" " Hindi okay 'yan, Este. Ang laki kaya ng bukol sa ulo mo, " ani Anna saka tinapunan ng masamang tingin ang kabataang nasa harap nila. " Lagot kayo kapag na-ospital 'to. Alam niyo bang pwede kayong makasuhan dahil sa ginawa niyo? " Lalong bumagsak ang balikat ng mga ito at nagawa pang magsisihan sa harap nila ni Estrella. Napabuga nalamang sa hangin si Anna saka nilingon ang katabi niyang may bimpo sa ulo na may lamang yelo. Ang mga kabataan ang siyang nagmadaling bumili ng yelo para remedyohan ang bukol na natamo sa ulo ni Estrella. Laking pasasalamat na hindi naman ito malala ngunit sinadyang takutin ni Anna ang mga ito para magtanda. " Oh siya, sige na magsi-uwi na lang kayo para tapos ang problema. Mukhang nag cutting classes pa kayo kaya ku
CHAPTER 14 " Anna, gusto mong sumama saamin mamaya sa bahay? Tatambay doon lahat ng classmate natin, sama ka! " pagyayaya ng ka-eskwela ni Anna nang sila'y magkasalubong sa pasilyo ng eskwelahan nila. " Anong oras? " tanong niya rito. " Mamayang uwian. Half-day lang daw tayo ngayon kaya sumama ka na. Lahat ng classmates natin, kasama. " Matagal bago siya nakasagot. " Sige, titignan ko kung makakasama ako. " " Sumama ka na! Wala ka namang gagawin sainyo, diba? Minsan lang 'to kaya huwag ka ng magdalawang isip, " pagmumulit pa sakaniya nito kaya wala siyang nagawa kundi ang um-oo dahil mukhang wala siyang balak tigilan ng ka-eskwela niya. Sumapit ang kanilang uwian, sabik ang lahat na pumunta sa bahay ng ka-eskwela nila para magpalipas ng oras. Lahat ay nagkakatuwaan sa kani-kanilang mga kwento sa buhay ngunit ang hindi nila alam, ang isa sa mga kasama nila ay nakakaranas na ng isang pangyayaring magbabago sa takbo ng kapalaran nito. Isang bangungot dahilan para tuluyang bumagsa
CHAPTER 15 Ramdam na ni Estrella ang sakit at pangangawit ng batok niya ngunit hindi niya pa rin magawang iangat ang ulo dahil wala siyang mukhang maipakita kay Sebastian at kay Pio na nakasaksi ng aksidenteng nangyari kanina sa sala. Aksidente kaya alam niyang walang may kagustuhan na mapunta sila sa ganoong sitwasyon pero ang isyu dito, may nakakita sa kanila sa di kaaya-ayang posisyon. Gusto na lamang ni Estrella na magpalamon sa lupa dahil sa nararamdamang hiya. " Este, bakit di mo pa galawin ang pagkain mo? Hindi mo ba gusto ang ulam? " tanong ng matanda dahilan para maangat na niya ang ulo niya. " Ah, g-gusto ko po siyempre. Mainit pa po kasi kaya pinapalamig ko muna, " ang dahilan na lamang ni Estrella saka kunwaring pinaypayan ang putaheng nakahain sa mesa nila. Pasimple siyang tumingin sa kaliwa niya para silipin si Sebastian. Tahimik itong kumakain at sa nakikita niya, mukhang kinalimutan na nito ang nangyari kanina kaya natural na itong nakakakilos na para bang walang
CHAPTER 16 Malalim na ang gabi, tulog na ang lahat ng tao sa mansion maliban sa dalawang magkasama sa kama na nakapikit nga, gising pa rin ang mga diwa nila. Ilang oras na hindi gumagalaw si Sebastian sa pwesto niya sa takot na baka sa pagharap niya sa kabilang gilid, mukha ng katabi ang bumungad sa kaniya. Ganoon rin naman si Estrella na ngawit na ang balikat at leeg niya dahil sa ilang oras na nakatagilid kaharap ang dingding at sopa na gaya ni Sebastian, hindi rin niya magawang bumaling dahil sa takot na baka magising ang katabi na wari niya'y kanina pa tulog. Naramdaman ni Estrella ang biglang paggalaw ng kama kaya muli niyang ipinikit ang mga mata para magpanggap na siya'y tulog na. Maski ang ang kaniyang paghinga ay kino-kontrol niya dahil sa takot na baka mabuking ang pagkukunwari niya. Ilang minutong nakapikit si Estrella at pinakikiramdaman ang katabi niya na sa tingin niya'y umalis sa kama nang marinig ang mga yabag ng paa nito sa sahig na patungo sa kaniyang pwesto. Big