CHAPTER 125" Anong ginagawa niyo rito? " tanong ni Estrellita sa dalawang matanda saka siya lumapit sa kinatatayuan ng kambal upang hawakan ang kamay nito at ilagay sa kaniyang likuran. " Hindi kayo gusto makausap ni Estrella. Umuwi na lang kayo. "" H-hindi lang naman siya ang gusto naming kausapin, " ani Lola Teodora saka tumingin sa asawa bago muling ibalik ang tingin sa kambal. " Gusto namin kayong makausap na dalawa. "" Wala tayong dapat na pag-usapan. " Matigas na sambit ni Estrellita, humigpit ang kapit sa kamay ni Estrella nang maramdaman ang kagustuahn nitong lapitan ang dalawang matanda. " Wala kaming sasabihin sainyo. Umalis na lang kayo... "Hindi nagawang ituloy ni Estrellita ang balak na sabihin nang makita ang pagluhod ni Lolo Teodora na sinundan ni Lolo Emilio. " Humihingi kami ng kapatawaran sa ginawa namin, " saad ni Lolo Emilio, pilit pinipigilan ang luha subalit mababakas ang nginig sa boses nito. " Alam kong hindi sapat ang paghingi namin ng tawad at pagluhod s
EPILOGUE Humugot ng isang malalim na hininga si Estrella habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Walang mapaglagyan ang kaniyang tuwa, hindi siya makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon, ikakasal ulit siya. " Ready ka na? " Napatingin si Estrella sa gilid nang marinig ang boses ng kambal. " Ganda ng ngiti mo, ah. Siguraduhin mong nakapag banyo ka na bago ka lumakad sa altar mamaya. Baka tumakbo ka na naman. " Bahagyang natawa si Estrella nang maalala ang marriage proposal ni Sebastian sa kaniya. Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ni Estrella noong mga oras na yon, resulta upang magmadali siyang magtungo sa banyo. " But kidding aside, masaya ako para sayo, Estrella. " Inayos ni Estrellita ang belo na suot ng kaniyang kambal at pinagmasdan ang hitsura nito mula sa salamin. " Medyo nakakalungkot lang dahil saglit lang 'yong oras na nagkasama tayo. Ngayong kakasal ka na, malilimitahan na ang oras mo sa labas. " " Ate, noong nagkita naman tayo, kasal naman na kami
Hi, maraming salamat po sa lahat ng nakaabot dito. Halos isang taon na rin pala simula noong isulat ko ito at ang sarap sa feeling na nakatapos ulit ako ng nobela. Sa ngayon, ito na pinakamahaba kong nobela na naisulat. Hindi ko inakala na aabot ito sa 100+ chapter pero wala, nag enjoy ako isulat ang journey nina Estrellla at Sebasian. San ganoon rin po kayo! So ayon, sa mga nagtatanong po kung mayroon bang story sina Anna/Javier at si Estrellita/Adam? Ang sagot ay wala po...pero puwede ring magbago depende sa panahon. Sa ngayon kasi, marami pa po akong story na planong i-published dito sa Good Novel at wala pang time para mag-isip ng plot sa mga side characters ng Maid For You. Ganunpaman, sana po ay suportahan niyo pa rin ako sa mga bago kong story at sa mga darating pang iba. Muli, salamat po sa inyong lahat!
PROLOGUEAlas singko pa lang ng umaga, mulat na ang mga mata ni Estrella. Kumikilos na rin ang katawan niya upang maghanda ng umagahan na para sa nag iisa niyang amo sa mansion kung saan siya naninilbihan ngayon." Este, ipagtimpla mo na si sir ng black coffee. Iyon ang hinahanap niya agad kapag naupo na siya sa mesa, " sambit ng isa niyang kasamahan sa kusina habang inuunaban ang sinaing na nakatalaga sa kaniya. " Huwag mong lalagyan ng asukal ha? Gusto niya iyong puro lang. "" O-okay sige, ako na ang bahala. " Mabilis naman siyang kumilos upang gawin ang sinabi sakaniya. Hindi niya maiwasang mag taka dahil ni minsan, hindi pa siya nakakakilala ng taong umiinom ng kapeng walang asukal. Iniisip niya pa lang ang lasa, napapangiwi na siya.Isang buwan na ang nakalipas magmula noong lumuwas siya patungo dito sa
CHAPTER 01 Halos malula si Estrella sa mga naglalakihang gusali sa harapan niya. Pakiramdam niya ay isa siyang bagong silang na sanggol na walang alam sa mga nangyayari sa kaniyang paligid, sapagkat sa dalawamput limang taong nabubuhay siya sa mundong ibabaw, ito ang unang pagkakataon na makarating siya sa isang malaki at magarang siyudad. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na lumuwas siya mag-isa at tanging isang mapa lang ang gumagabay sa destinasyong tatahakin niya. " Excuse me, nakaharang ka sa daan. " Napalingon si Estrella sa likuran nang marinig ang isang boses. Agad siyang gumawi sa gilid at humingi agad ng pasensya. Binalik niya ang tingin sa paligid at wala pa ring pumapasok sa isip niya kung anong unang gagawin matapos niyang makarating sa dito sa siyudad. Umalis siya sa probinsya para makipagsapalaran dito subalit wala siyang konkretong plano kung paano magsisimula sa paghahanap ng trabaho. Kailangan niya ng pera para matulungan ang kaniyang lolo na nasa ospital at nag
CHAPTER 02 Isang magandang umaga ang sumalubong kay Estrella pagkagising niya dahil naging mahimbing ang pagtulog kagabi. Bukod pa doon, mayroon na siyang nahanap na maayos na trabaho na bawas sa iisipin niya at naging maganda rin ang pakikitungo sakaniya ng mga kasama. Sa isang kwarto, apat silang magkakasama ngunit may mga sariling kama. Pinaliwanag na rin sakaniya ang mga alituntunin sa mansion na siyang kinabisado niya bago matulog kagabi. Hindi siya gaanong marunong magbasa subalit sa pagdating sa pagkakabisa, maasahan siya. " Este, sunod ka na sa labas mamaya ha? Start na tayo, " sabi ni Anna, ang kasambahay na una niyang nakapalagayan ng loob dahil halos pareho sila ng rason kung bakit sila narito sa siyudad ngayon. " Oo sige, susunod na ako. Ayusin ko lang 'to, " ani Estrella habang tinatali ang kaniyang mahaba at bagsak na buhok. Suot na niya ang uniporme at habang nakaharap sa salamin, hindi niya maiwasang pagmasdan nang maagi ang sariling repleksyon. Ngayon lang niya napa
CHAPTER 03 " Paano ako nakakasigurong tutupad kayo sa usapan? " tanong ni Sebastian sa kaniyang Lolo Pio na lalong lumaki ang ngiti sa labi sa naging sagot niya. " Malalaman mo kapag kinasal na kayo, " tugon ni Lolo Pio saka naglakad pabalik sa upuan ng kaniyang apo. " Sebastian, may isang salita ang lolo. Kailan man ay hindi ko nagagawang hindi tumupad sa usapan. " Hindi kumibo si Sebastian at nanatili ang mga tingin sa marriage contract na hawak ng kaniyang lolo. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya dahil wala pa mang isang linggo ang kasambahay na ito sa kaniya, nakagawa na ito agad ng isang malaking pagkakamali na pati siya ay nadamay. " Hindi ba talaga kayo makakapaghintay na makapag asawa ako? " hindi maiwasang itanong ni Sebastian dahil halos araw-araw, palaging pinapaalala sakaniya ang pagkakaroon ng kasintahan at pag aasawa. Noon ay hindi naman niya ito pinapansin dahil alam niyang titigil din ang lolo Pio niya sa ginagawa nito pero nagkamali siya dahil umabot na sa pun
CHAPTER 04 " Ano? Ikakasal ka kay sir Sebastian?! " pabulong ngunit malakas pa rin ang boses na napawalan ni Anna dahilan para mataranta si Estrella. " Huwag ka namang maingay muna, Anna. Baka may makarinig sayo, " ani Estrella habang lumilingon-lingon sa paligid para masiguro kung may ibang tao ba dito sa kusina pero wala kaya nakampante siya at tinuloy ang kwento. " Sayo ko pa lang nasasabi 'to at kailangan ko hingin ang opinyon mo tungkol sa bagay na 'to. " " Para saan pa? Nabigay mo na ang sagot mo kay sir Pio, hindi ba? " ani Anna sabay kagat sa mansanas na hawak niya. " Pero alam mo, hindi na ako gaanong nagulat kasi in-expect ko ng mangyayari 'to. " " Bakit naman? " " Kasi feeling ko—feeling ko lang naman ha? Walang kasiguraduhan pero feeling ko nga hindi ka pinasok ni sir Pio dito para maging kasambahay. Alam mo 'yon, parang dinahilan niya lang 'yon para mapapayag ka sa una tapos ito na nga, naging candidate ka para ipakasal sa amo natin, " ani Anna saka natawa nang baha