Kinakabahan akong tinignan ang aking sarili sa salamin.
Kahit anong gawin ko ay hindi ko matatanggap na first day of classes na ngayon. Parang kailan lang na nagrecognition kami noong 3rd year tapos ngayon pasukan na naman. Kinuha ko ang aking packbag sa aking upuan at sinukbit sa aking likod. Pumunta ako sa aking kama at kinuha ang aking cellphone at pitaka. Dumiretso ako sa pintuan at binuksan ang pinto at lumabas.
Last week ay in-enroll na kami ni Sister Anne sa Macapagal State College. Hindi na kami sumama nina Matilda at Ali kaya hindi ko nakita ang aming classroom. Pero ang sabi-sabi ay maganda raw. May iba namang pinaglumaan na raw ng mga dating students. In short, pangit at marumi.
Dumiretso ako sa dining hall upang hintayin ang dalawa. Kanina pa kaming madalign araw kumain kagaya noong dati dahil ayaw naming ma-late sa school. Binigyan na rin kami ni Sister ng aming lunch sa tupperware para iwas sa gastos. Kailangang magtipid dahil gagastos na naman
Hello! I hope you love today’s update and I’m sorry if there are errors along the way. I give my best to improve this story once this is finished. Thank you!
Dumating kaming tatlo nina Matilda at Ali sa eskwelahan ng maaga dahil ayaw naing ma-late. This day is the actual first day for most schools at ayoko sa araw na ito. “Gagu na. Introduction na naman this mamaya!” Napakagat ng labi si Matilda. “Kaysa naman assessment kaagad, Mats. Gusto mo ‘yon?” Klarong tutol ni Ali sa kaniyang grilfriend. “Shet naman oh! Isama mo na ring ipagdasal na walang surprise Q and A!” “Huwag mo na munang problemahin. Hindi pa nga namomroblema si Heaven, oh!” Dinamay pa talaga ako. Pwede rin namang huwag both gawin ngayong araw na ito. Kahit na pinaghandaan ko ang short introduction ko kahapon pa pagkauwi,
WALA talagang makakapagsabi na kayo ay panghabang buhay nang magsasama. Ang hirap isipin na may sumpaan kayong dalawa pero sa isang iglap lang ay mawawalan lang ng saysay ang mga iyon. Ibabasura lang pala niya ang mga pangako niya sa akin na akala ko'y hanggang sa huli.Pinunasan ko ang ilang butil ng luhang dumausdos sa aking pisngi habang nagbabasa ng isang nobela sa Wattpad. Sino ba naman ang matinong magsusulat ng ganito? Kinanawa nang masyado ang babae sa storya pero hanga ako kasi ang tapang niya para harapin ang kabit ng asawa niya.Sa sobrang panggigigil ko ay naibagsak ko ang cellphone sa kama. Natutop ko ang aking bibig sa gulat at kaba. Nakihiram lang kasi ako ng cellphone kay SisterAnne para makabasa ng kuwento. Bago pa lang naging ganap na madre si Sister Anne kaya nakakasabay siya sa panahon. Mahilig din siyang magbasa ngunit mas nakatuon ito sa salita ng Diyos kaya ako na lang ang nagbabasa ng Wattpad. 
MALAMIG na simoy ng hangin ang tumama sa aking mukha habang nagsusulat ako ng aking mga posibleng gagawin ngayong bakasyon. Gusto kong sulitin ang dalawang buwang pahinga dahil alam kong kapag nagsimula na ang klase ay wala na akong oras upang magliwaliw.Tumingin ako sa aking orasan at malapit nang magpakita si Haring Araw. Maaga akong nagising dahil ang aga kong nakatulog kagabi dahil sa pagod. Tinulungan ko si Sister Margaret na maghanda ng mga upuan sa pavilion kasama ang iba upang mapadali ang aming trabaho.Sinarado ko ang aking notebook at tumayo upang mag-inat ng katawan. Sinuklayan ko ulit pagkatapos ang aking buhok dahil tumuyo na ito dahil sa hangin mula sa labas. Maaga akong naligo para maaga ko ring masimulan ang aking araw at para wala pa masyadong tao.Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula nang magmorning prayer ang buong ampunan. Rinig na rinig salahat ng sulok ng lugar na ito panal
IMPOSIBLENG siya ito. Imposibleng magsinungaling siya sa akin.Diyos ko, siya ba talaga itong nakikita ko? Crimson Genovese's description was so familiar While reading the basic information about him on Google, the more I held on to the thought that he was my friend.Imposible rin namang ito talagang si Crimson ang kaibigan ko. Ang special naman niya siguro kung siya lang ang nag-iisang lalaking nagngangalang Crimson sa mundo. Sinubukan kong hanapin kung may litrato ba siyang nagkalat dito sa internet pero ilang minuto ang lumipas ngunit hindi masyadong nagdi-disclose ng mga litrato ang kaniyang pamilya, ni family photo wala.Napabuntonghininga ako habang nakatutok sa aking cellphone. Bakit ko nga ba poproblemahan kung siya nga? Matagal na rin naman iyon. Past is past ika nga."Okay ka lang ba, Langit? Anong tinitignan mo?" nag-aalalang tanong ni Matilda.Umangat ang
ILANG araw ang lumipas mula noong pagpupulong para sa paghahanda sa aming program. Masaya ako nang matapos namin ang puno na ilalagay sa entrance ng pavilion kasama ng isa pa na tinapos na rin ng ibang grupo. Nailagay na namin doon ang aming ginawa at tumulong sa mga may kailangan upang madali na lang matapos. Makakapagpahinga na rin kami sa wakas.Ilang araw na ring nasa isip ko at binabagabag ako paminsan-minsan ang mga napag-usapan namin ni Matilda pagkatapos noong pagpupulong. Ang hirap naman kasing hanapin kahit litrato man lang nilang pamilya, wala. Pero hindi rin naman nila obligasyon ang pagpo-post ng mga pribadong ganap nila sa buhay. Napabuntonghininga na lamang ako.Pinagmasdan namin ang stage na puno ng mga magagandang dekorasyon. White at Emerald Green ang napili para sa color scheme ng mga decoration upang bumagay sa aming lugar na kahit saan ka tumingin ay puno ng mga puno at bulaklak.Ipinaalam din sa ami
BAHAGYANG nakayuko ang aking ulo habang nakatayo. I tried my best not to lift up my gaze dahil nasa katapat ko lang si Crimson. I pretended not to get nervous pero hindi ko kaya. Paminsan-minsan akong sumusulyap sa kaniya sa at sa kaniyang kasama na secretary pala ng kaniyang papa.Nandito kami nina Matilda at Ali kasama ang ibang mga bata dahil ipinakilala kami ni sister Anne sa kaniya. Ipinaalam din ni sister na isa kami sa mga nagtulungan upang pagandahin nag pavilion. Masaya namang tumugon ang lalaking secretary na si Mr. Adam at nagpasalamat sa amin.Bahagyang naantala sa pagsasalita si sister kay Mr. Adam nang lumapit ang isang bata. Bumulong ito kay sister at nagpaalam na aalis.Tumingin si sister Anne kay Crimson. "Hijo, handa na ang pagkain niyo sa loob."Bumaling naman si sister Anne sa amin at ngumiti. "Alam kong kumain na kayo kanina pero kumain pa rin kayo."
BUMALIK kami sa realidad nang tawagin kami ni Sister Anne. Sabay kaming tumingin sa kanila at lihim na ngumiwi. Sumenyas siya sa amin upang sumunod sa kanila. Habang naglalakad ay pinilit kong huwag tumingin sa direksyon ni Crimson. Nagtitigan talaga kami? Nakakahiya ngunit wala nang bawian iyon lalo na't kilala niya ako. Akala ko nga baka nakalimutan na niya ako. Pagkalapit namin sa kanila ay agad kaming sinabihan na pupunta kami sa may likurang bahagi ng kumbento. Naroon ang mini vegetable garden na itinayo namin ilang taon na ang nakalilipas. Noon ay kami pa ang naglilinis at nagtatanim ng mga gulay pero may iilang volunteer na mula sa komunidad ang regular na tumutulong dito. Masaya sila Sister na naglakad sa maliit na pathway na ginawa sa gitna ng mga plot. Nasa aking likuran si Crimson kaya minsan ay binibilisan ko upang hindi kami magkalapit. Mahinang nag-uusap ang dalawang nakatatanda tungkol sa ampunan. Palihim kong pinagmasdan si Mr. Adam at nagtata
NGAYON na ang araw na pinakahihintay naming lahat mula noong inanunsyo ito nila mother superior. May mga nagkalat na na security at pare-parehas ang mga suot nitong white long sleeve polo at black slacks. Sa pagkakaalam ko ay mga tauhan ito ng mga Genovese at magiging bantay sila para sa event na ito. Magiging mahigpit ang event dahil sa aming mga bisita. Magiging simple ngunit elegante ang program. Mula sa mga palamuti hanggang sa buong setup ng event. Proud akong makita ang pinaghirapan naming gawin para sa araw na ito. Ang mga madre ay suot ang kanilang as usual na damit na habit. Kami namang mga bata ay nagsuot ng aming pinakamagarang suot na babagay para rito. Masaya naman ako dahil kaming lahat ay magaganda ang suot hindi man kamahalan ang presyo. Pinili kong suotin ang aking emerald green midi dress na nabili ko sa ukay-ukay. Satin ang tela ng damit kaya magara itong tignan at babagay sa theme ng event. Ito rin ang sinuot ko noong christmas party noong