Share

Chapter 3

Excited at may ngiti sa labi na bumangon sa kama si Caren pagkagising niya isang umaga. Agad siyang pumasok sa comfort room to do her morning rituals at mabilis ang kanyang bawat galaw. Inayos niya din ang sarili sa harap ng malaking salamin at kita niya ang kasiyahan sa mata niya na kanya muling naramdaman mula ng pumayag siyang makipag-kaibigan sa binata sa kabilang bahay. Si CJ, but she likes calling him Jayvee. At kulot naman ang tawag nito sa kanya dahil daw sa kanyang kulot na buhok na bagay naman daw sa kanya ayon sa binata.

Sa nakalipas na mga araw buhat ng naging magkaibigan sila ay masasabi niyang mabait ang binata. Hindi niya agad ibinigay ang buong tiwala niya dito noong una dahil sa inosente at mala-anghel na mukha nito. May paniniwala kasi siyang 'look can be deceiving'. Maaaring malinlang sino man gamit ang mala-anghel nitong anyo. Dahil para sa kanya kung sino pa ang may maamo at inosenteng mukha, sila pa ang may itinatagong 'dark side' sa loob. Nagkukubli ang totoong katauhan nila sa kanilang panlabas na anyo.

Kabilang man si Jayvee sa mayroong mapanlinlang na anyo pero sa tingin naman niya ay hindi ito kabilang sa may masamang katauhang itinatago. He's good inside and outside at 'yon ang nasisigurado niya. Hindi mapanlinlang ang anyong meron ito dahil sadyang may kabutihang taglay ang binata. At masaya siya dahil bukod sa magulang at kapatid niya ay mayroon na siyang ibang taong mapagkakatiwalaan.

Mabilis na nakuha ni Jayvee ang loob niya dahil kung ano ang gusto niya, 'yon ang masusunod. Never itong nagtanong o nangulit kapag alam niyang may iniiwasan siyang topic. Casual ang pag-uusap nila at kahit magkaibigan na sila ay hindi pa niya ito hinahayaang makalapit sa kanya. Hindi naman ito nagtatanong kung bakit bawal itong lumapit o pumunta sa kanilang bahay pero alam niyang napupuno na rin ito ng curiosity. Tanging sa balcony lang sila nakakapag-usap at nakukuntento sila sa ganoon. Masaya ang bawat araw na  lumilipas na parang ang binata ang naging ilaw o tanglaw niya sa madilim ng kanyang nakaraan. Ito ang nagsisilbing kanyang liwanag..

Lumabas siya ng comfort room at malawak ang ngiting nagtungo sa balcony ng kwarto. Mas lumawak pa ang ngiti niya ng makita si Jayvee sa balcony ng kabilang bahay na nakaupo at may tasa ng kape sa harap na nakapatong sa mesa. May binabasa itong kung ano pero agad din nito iyong ibinaba ng mapansin nito ang presensya niya. At nakagat n'ya ang sariling labi ng masilayan niya ang magandang ngiti sa labi ng binata ng mag-angat ito ng tingin sa kanya.

"Good morning," nakangiting bigkas ng binata dahilan ng pagkabog ng dibdib niya. He's really handsome sa kabila ng inosente nitong mukha. Kainosentehan na mabibihag ka kahit na anong pagpipigil mong gagawin. Kainosentehan na makakapagsala dahil iisipin mong ito ay dungisan. Dungisan sa kakaibang paraan at iyon ang kanyang pinipigilan dahil sa tuwing sinusumpong siya ng kanyang pagiging nympho.. si Jayvee ang naiisip niya.

"Good morning din," she replied bago umupo sa upuan na naroon sa balcony. Hindi na naalis ang titig nito sa kanya at hindi niya mapigilan ang mailang dahil may kakaibang epekto iyon sa kanya. Mukha naman na walang ibang kahulugan ang titig nito dahil napaka-inosente ni Jayvee habang ginagawa nito iyon pero iba ang dating no’n sa kanya. And she have to stop herself from wanting him dahil baka iyon ang maging dahilan ng pagkasira ng nagsisimulang friendship nila ng binata.

"Coffee?" alok nito at bahagyang itinaas ang tasa ng kape bago inilapit sa labi nito. Hindi nito inaalis ang pagkakatitig sa kanya habang ginagawa ng binata 'yon at napalunok siya ng sariling laway dahil pakiramdam niya ay inaakit siya ng binata. O siya lang itong nagbibigay ng malisya sa mga kilos nito. Ugh!

Naputol lang ang pakikipag-titigan niya kay Jayvee ng makuha ng kapatid ang kanyang atensyon habang dala nito ang gatas niya. He's just six years old pero nagagawa na nito iyon dahil may pagka-mature mag-isip at kumilos ang kapatid niya. Matalino itong bata and every morning ay ginagawan siya nito ng gatas at dinadala sa kwarto niya. He's sweet...

"Good morning and this is your milk po, Ate," nakangiting wika nito bago iniabot sa kanya ang isang basong gatas.

"Good morning at salamat bunso," she whispered bago ito hinalikan sa pisngi na ikinangiti nito lalo. Umupo ito sa isang upuan katabi niya bago ito humarap sa binatang nakatitig pala sa kanila habang nagkakape ito. Bakas ang tuwa sa mukha nito habang nakatingin sa kanilang magkapatid.

"Good morning po, Kuya!" nakangiting bati ng kapatid niya dito at nakangiti naman itong sumagot.

"Good morning din, buddy." 

Sinimulan niyang inumin ang gatas niyang dala ng kapatid at nakita niyang tumayo ang binata bago pumasok sa loob ng kwarto nito. As usual boxer shorts at sando lang ang suot ni Jayvee kung kaya't malaya niyang napapagmasdan ang angkin nitong kakisigan. He's just eighteen at kasing edad niya lang ang binata. Medyo lamang lang ito ng ilang buwan at nalaman niya iyon dahil ilang araw na silang kaswal na nag-uusap. Mga magagaang topic lang at kasama na doon ang mga birthdays nila, maging ang kanilang mga paborito at mga kung ano-ano pang bagay ng tungkol sa bawat isa. Nalaman din niyang independent ito kaya marunong ito sa mga gawaing bahay at para sa kanya, kahanga-hanga iyon sa isang lalaki. Getting to know each ang peg nila sa mga nakalipas na araw.

Medyo nagtagal bago muling bumalik ang binata at may dala itong nakalagay sa isang plato. Napailing na lang siya dahil tiyak siyang gumawa na naman ito ng sandwich para sa kapatid niya at para na rin sa kanya. Kaya rin nagustuhan ng kapatid niyang tumambay sa balcony niya ay dahil gustong-gusto nito ang sandwich na gawa ni Jayvee. Actually he's really good in making sandwiches at gustong-gusto niya rin iyon.

"Here. Catch this one, Kulot," nakangiting anas nito bago inihagis sa kanila ang isang plastic tupperware na agad niyang sinalo. May laman iyong apat na sandwich na agad na kinuha ng kapatid niya at ito na rin ang naghagis pabalik ng tupper kay Jayvee matapos nitong makuha ang laman non.

"Salamat po, Kuya!" masayang anas nito and she just mouthed 'thanks' na nginitian ng binata. Agad namang isinubo ng kapatid ang isang sandwich na parehas nilang ikinatawa ni Jayvee.

"Always welcome, buddy! Share kayo diyan ng Ate Caren mo," sagot nito sa kapatid at napaiwas na lang siya dito ng tingin ng kindatan siya ng binata. He's being naughty again at hindi niya mapigilan ang mamula ang mukha sa kapilyohan nito. And he's even calling her 'baby' sometimes na hindi na lang niya pinapansin dahil minsan talaga ay umiiral ang playful side ng binata. Narinig pa niya ang mahina nitong pagtawa ng mapansin siguro ang pamumula ng kanyang mukha.

Lumipas pa ang mga araw na ganoon lagi ang tagpo nila ng binata. Masaya silang naguusap sa balkonahe ng mga kwarto nila at minsan ay doon na rin sila kumakain ng lunch o dinner kasama ang bunso niyang kapatid kapag hindi niya kasabay ang magulang niya dahil nasa trabaho ang mga ito. Hanggang sa dumating ang araw ng enrollment at hindi niya mapigilan ang malungkot at mainggit dahil hindi siya katulad ng iba na malayang nakakagalaw sa labas.

Mayroon lang siyang private tutor na kinukuha ng Dad niya at sa bahay lang siya nag-aaral. Gustuhin man niyang mag-aral sa labas pero hindi pwede dahil sa kanyang sakit at naiintindihan niya iyon. Lumalabas din naman siya ng bahay pero ‘yon nga lang dapat kasama niya ang mom at dad niya.

"Hey! Bakit parang malungkot ang baby kulot ko?" anas ni Jayvee na kalalabas lang ng kwarto nito patungo sa balcony. Malungkot niya itong tiningnan at bakas ang pag-aalala sa mukha ng binata para sa kanya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at pilit na ngumiti dito pero seryoso lang siyang tiningnan ni Jayvee. Alam nitong pilit lang ang pagngiti niya.

"May problema ba?" he added at umiling siya dito pero alam n'yang hindi ito kuntento sa naging sagot niya.

"Don't mind me, Jayvee.. Wala lang ito," anas niya at ito naman ang bumuntong-hininga.

"Yon ang hindi ko kayang gawin, Kulot, ang hindi ka pansinin. May problema ka ba? Pwede mong sabihin sa'kin? Handa akong makinig," seryosong anas nito at lumapit sa stainless na railings ng balkonahe ng kwarto nito. Ganon din ang ginawa niya para kahit papaano ay maglapit ang kanilang katawan. Parehas silang nakatayo at nakahawak ang mga kamay sa railings habang nakatitig sa isa't-isa.

"Nalulungkot lang ako dahil malapit na ang pasukan. Magiging busy ka sa studies mo at baka minsan na lang tayo makapag-usap katulad nito," tapat na anas niya. Isa pa iyon sa dahilan kung bakit siya malungkot. Pag-aaral ang dahilan nito kung bakit ito lumuwas ng lungsod kaya alam niyang magiging busy ito once na magsimula ang klase. Baka mawalan na ito ng oras sa kanya.

"Pero bakit? Sa iba ka bang school nag-enroll? Tell me para makalipat agad ako. At isa pa kahit maging busy ako, hindi ako mawawalan ng oras sa'yo," nakangiting anas nito pero kabaliktaran ng nararamdaman niya. Muling nawala ang ngiti sa labi nito nang umiling siya kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. Pero kahit papaano ay napanatag ang loob niya dahil sa sinabi ng binata na hindi ito mawawalan ng oras sa kanya.

"Hindi ako pumapasok sa school, Jayvee. May private tutor lang ako at dito ako sa bahay nag-aaral. I'm sick at bawal akong lumabas," lumuluhang anas niya at kita niya ang pagkabigla sa mukha nito. Bakas din doon ang awa para sa kanya. Naguguluhan at puno ng katanungan itong nakatingin sa kanya.

"Stop crying, baby.. Gusto kong tawirin ang distansya natin para sana yakapin ka, para damayan ka. Nandito lang ako, Caren. Stop crying na at baka lalong sumingkit ‘yang mata mo. Ikaw din, hindi mo na masisilayan ang gwapong bestfriend mo," he playfully said trying to lit up the mood. Bahagya siyang natawa sa sinabi nito bago pinunasan ang luha sa mukha niya.

"Pwede ko bang malaman kung ano ang sakit mo?" maya-maya ay anas nito at bigla siyang natigilan dahil don. Alam niyang napansin iyon ng binata at tiningnan siya nito na parang may nangungusap na mata. Telling her that she can trust him.

Pero nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya dito ang sakit niya dahil nagka-trust issue na siya noon. Hindi lang ito ang unang lalaking nakilaglapit sa kanya and he's even courting her at alam iyon ng kanyang magulang. Payag naman ang mga ito dahil alam niya ang kanyang limitasyon kahit wala pa siya sa wastong edad. Binigyan niya ng chance ang lalaki at pinagkatiwalaan niya ito dahil sa nakikita niyang pursigido ito sa kanya na makuha ang kanyang loob. Until she decided na sabihin dito ang sakit niya at ang akala niya ay tanggap nito 'yon. 

Pero sinamantala nito ang kahinaan niya dahil noong time na sinumpong siya ng kanyang pagiging nympho, he tried to rape her. He tried to own her sa loob mismo ng bahay ng magulang niya dahil nagkataong walang ibang tao sa bahay at lumabas ang kanyang magulang kasama ang kapatid. Hindi naman niya inaasahan na bibisita ang binata noong araw na yon. Kahit tutol siya noon ay wala siyang nagawa dahil kahit na nandidiri siya sa haplos nito ay nagugustuhan iyon ng kanyang katawan. Tutol ang isipan niya pero traydor ang katawan niya. Mabuti na lang at dumating agad ang magulang niya kung kaya't hindi natuloy ang maitim na binabalak sa kanya ng lalaki. At simula noon nagtanda na siya at ngayon na lang siya ulit sumubok na makipaglapit sa isang lalaki.

"You can trust me, kulot. Promise, hindi ko sasayangin ang tiwalang ibibigay mo. You can count on me, baby," anas nito ng matagalan siya sa pagsagot at nang mapansin siguro ang pag-aalangan niya.

"Trust. Madaling sabihin pero mahirap gawin at madaling sirain. Minsan na akong nagtiwala noon Jayvee at natatakot akong magtiwala muli sa ibang tao lalo na sa isang lalaking katulad mo. Baka maling tao na naman ang pagkatiwalaan ko this time," she whispered pero sapat para marinig ng binata. Pansin niyang nagtiim ang bagang nito at bahagyang nagsalubong ang kilay pero nanatiling maamo ang mukha nito. Ganon ito kainosenteng tingnan pero alam niyang galit ngayon ang kaibigan. Pero saan? At bakit?

"Tell me his name and I will kill that bastard. Pero huwag mo akong ikumpara sa kanya dahil sisiguraduhin kong makakaasa ka sakin. Hindi ko muna aalamin kung ano ang ginawa niya pero once na malaman ko, igaganti kita. Please trust me, baby. Pangako ako mismo ang magpaparusa sa sarili ko kapag sinira ko ang tiwala mo," seryosong anas nito. Kita niya ang sinsiridad sa mukha nito at sa ikalawang pagkakataon ay hinayaan niya ang sariling magtiwala ulit sa isang lalaki. Ibibigay niya ang buong tiwala niya dito dahil may nagtutulak sa kanyang pagkatiwalaan niya ang isang Carl Jayvee Rosal. 

Huminga muna siya ng malalim para mag-ipon ng lakas ng loob na sabihin ang sakit niya dito. Sinalubong niya ang matiim na titig sa kanya ng binata  bago dahan-dahang tumango para iparating na nagtitiwala na siya dito. Malawak itong napangiti pero napalitan agad iyon ng ibang emosyon sa sunod na lumabas na salita sa labi niya.

"I'm a nympho, Jayvee."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status