Ilang araw ang mabilis na lumipas buhat nang makabalik si Caren at Jayvee sa lungsod. Simula na rin ang klase ni Jayvee at isang taon na lang ang bubunuin nito para makapagtapos. Iyon na lang ang hinihintay nila para makapagsimula na sila sa bubuuin nilang sariling pamilya. At sa Isla Montellano nga nila napiling magsimula.
Muling naiiwan si Caren sa bahay kasama ang kapatid nitong si Carl Angelo. Minsan ay hinihintay niya si Jayvee sa bahay nito pero kadalasan ay nasa bahay lang siya ng magulang dahil nahihirapan siyang gumalaw. Hindi niya rin maiwan na mag-isa ang kapatid dahil madalas nasa labas ng bansa ang magulang kaya kung nasaan siya dapat ay laging kasama niya ito.Limitado na rin ang mga galaw niya at iilan na lang ang gawaing-bahay ang pwede niyang gawin. Dapat magaan lang at madalas kapag kasama niya sa bahay ang binata ay hindi siya nito hinahayaang tumayo para tumulong sa gawaing-bahay. Nakaalalay din lagi ito sa bawat galaw niya at kulang na lang ay buhatinNagising si Caren sa hindi pamilyar na kwarto. Medyo may kaliitan lang iyon at sa maliit lang na papag siya nakahiga. Wala siyang ibang bagay na makita doon at gawa lang sa kahoy ang buong silid. At kahit sahig ng kwarto ay gawa sa tabla maging ang dingding nito. Makaluma iyon kung titingnan pero matibay at maganda naman ang kabuuan ng silid. Kulang lang sa mga kasangkapan na tila wala sadyang tao ang nakatira doon. Medyo maalikabok din ang silid na tila matagal ng walang umuukupa sa kwarto.Nanghihina at medyo nahihilo siya nang pilitin niyang bumangon sa papag na mayroong manipis na mattress. Mariin niyang naipikit ang mga mata dahil tila umiikot ang kanyang paningin at pasalamat siya ng agad din iyong nawala nang muling buksan niya ang kanyang mga mata. Unti-unting ding naging maaayos ang kanyang pakiramdam kasabay nang malinaw na pagpasok ng eksena sa kanyang isipan kung bakit siya napunta sa lugar na iyon. Oh God...Agad na binalot ng kaba at takot ang buong pagkatao
Lumipas ang ilang araw at hindi tumitigil si CJ at ang magulang ni Caren sa paghahanap sa dalaga. Hindi sila nawawalan ng pag-asa sa paghahanap sa kasintahan pero sa bawat paglipas ng araw ay laging bigo silang matagpuan kung nasaan si Caren.Walang araw na hindi siya nag-aalala sa kalagayan ng kasintahan lalo na sa anak nilang dinadala nito. Kung nakakakain ba ito ng tama, kung umiiyak ba ito dahil sa sobrang takot at kung kumportable ba ito kapag natutulog. Sana naman ay hindi ito sinasaktan ng Mark Clemenso na iyon.Napabayaan na ni CJ ang sarili dahil sa paghahanap kay Caren. Hindi siya masyadong makakain nang maayos dahil tila nawalan siya ng gana at walang gabi ang hindi siya umiinom ng alak para dalawin siya ng antok. Dahil kahit ang pagtulog sa gabi ay hindi niya magawa sa sobrang pag-aalala sa dalaga. Tanging ang alak lang ang karamay at kasama niya hanggang sa makatulog siya sa sobrang kalasingan. Kaunti lang naman ang naiinom niya dahil mahina ang toleranc
Ilang beses pang sinubukan ng ginoo na ayusin ang sasakyan subalit katulad ng mga naunang subok ay bigo pa rin ito. Halos ilang minuto na silang nakahinto sa tabi ng kalsada at kahit isang bahay ay walang siyang matanaw buhat sa kanilang pwesto. Walang silang mahingian ng tulong at hindi mawala ang takot at pangamba sa dibdib niya dahil malaki ang posibilidad na maabutan sila ng baliw na lalaki kung magtatagal pa sila doon.Nanatili lang sila sa loob ng sasakyan habang hindi sumusukong ayusin ng ginoo ang sira ng makina nito. Naghihintay sila na magkaroon ng milagrong maayos nito iyon kahit na mababa lang ang posibilidad na magawa ‘yon ng ginoo. Lalo pa at wala itong tools na magagamit.Lumipas pa ang ilang minuto at mas lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa takot at kabang nararamdaman. Habang tumatagal ay mas nadadagdagan iyon na halos marinig na niya ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya.Maya't-maya rin ang pagtingin niya sa likod ng sasakyan para
Lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging mga buwan. Naging payapa at matiwasay ang lahat at walang ng nanggulo sa pamilya Aldover. Wala na rin silang naging balita tungkol kay Mark Clemenso pero pinaghigpit at pinaghusay ang seguridad sa loob at maging sa labas ng bahay. Hindi pa rin sila kampante kahit na hindi na nagpaparamdam ang baliw na lalaki. Dahil malaya pa rin ito at ano mang oras ay pwede itong magpakita sa kanila at gumawa na naman ng kabaliwang naiisip nito.Nakapagsimula na rin sa Isla Montellano ang ginoo at ginang na ngayon ay masaya na rin bilang isang pamilya. Dumalo pa sila sa naging kasal ng mga ito pero mula noon ay wala na ulit silang naging balita sa mga ito. Tiyak naman silang nasa mabuting kalagayan ang mga ito dahil nasa seguridad ito ng kaibigan nilang si Christian. At agad na makakarating sa kanila kung ginugulo na naman ito ng baliw na lalaki.Bumalik na ang lahat sa dati at nakabalik na rin si Jayvee sa school. Ilang buwan na lang ang hi
Malayo ang tanaw ni Caren buhat sa balkonahe ng bahay nila ni Jayvee sa Isla Montellano. Binabalikan niya ang mga taong mabilis na lumipas buhat nang bumalik sila doon para magsimula ng kanilang binuong pamilya kasama ang anak nila. Naiwan sa lungsod ang magulang niya kasama ang kapatid pero bumibisita ang mga ito sa kanila at kadalasan ay doon nagbabakasyon.Dalawang taon na ang mabilis na lumipas buhat ng ikasal sila ni Jayvee at tatlong taon naman buhat ng maayos ang lahat sa pagitan nilang tatlo— siya, si Jayvee at si Laila. Nagpatuloy ang pagkakaibigan na mayroon sila ng dalaga at nagkaroon sila ng magandang samahan. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita sa asawa nitong si Darwin. At lahat sila ay hindi nawawalan ng pag-asa na babalik ito lalo pa at may anak na ang mga itong triplets.Dalawang taong gulang na ang anak nilang si Carla Jane at matanda lang ito sa buwan sa triplets na anak nila Darwin at Laila. Hindi na muna nila sinundan ang kanilang p
Takot at hindi huminto sa pagluha ang labin'dalawang taong gulang na batang babae na si Caren habang hawak siya ng mga armadong lalaki matapos ng mga itong harangin at pahintuin ang sasakyan ng magulang. Pauwi na sana sila sa bahay ng may dalawang itim na sasakyan ang humarang sa kanila at pilit silang pinababa doon bago isinakay sa loob ng isang itim na van. Kasama niya ang magulang at natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanila lalo na at wala pang nakakaalam sa pagdukot sa kanila. Natatakot siya para sa kanilang kaligtasan at hindi niya akalain na sa murang edad ay mararanasan niya 'yon.Halos ilang oras ang kanilang naging byahe at hindi tumigil sa pag-agos ang kanyang luha bago niya naramdaman ang paghinto ng sasakyan. May piring ang kanyang mga mata kaya hindi niya makita ang nasa paligid niya pati ang kanyang magulang. Pero naririnig niya ang bawat pagdaing ng kanyang daddy at ang mahinang pag-iyak ng kanyang mommy. Kaya sobra siyang natatakot dahi
Pawisan at habol ang paghinga ni Caren ng magising siya sa kalaliman ng gabi. She's gasping for air na parang galing siya sa mabilis at malayong pagtakbo. Bumangon at umupo siya sa kama bago inabot ang tubig sa bedside table na lagi niyang inihahanda doon bago siya matulog. Hindi na bago sa kanya ang tagpong iyon dahil halos gabi-gabi ay dinadalaw siya ng masamang nangyari sa kanilang buong pamilya noong bata pa siya.Mabibilang pa sa kamay ang mga gabing nagkaroon siya ng payapa at mahimbing na pagtulog buhat ng mangyari iyon na itinuring niyang isang bangungot at sumpa sa kanyang buhay. Masamang pangyayari na nais na niyang kalimutan pero hindi niya magawa dahil hindi lang ito nakatatak sa kanyang isipan kun'di may malaki ding epekto sa kanyang katawan.It's been six years buhat ng nangyari iyon pero hanggang ngayon ay parang sariwa pa sa kanyang alaala ang lahat ng masamang kaganapan noon sa kamay ng isang baliw na lalaki. Kung paano nito
Isang linggo na ang mabilis na lumipas buhat ng lisanin ni CJ ang Isla Montellano at nanatili sa lungsod para doon magpatuloy ng pag-aaral. Naiwan sa Isla Montellano si Laila, ang babaeng matalik niyang kaibigan at nobya rin niya at the same time. Kababata niya ito at kaibigan na niya ang babae noon pa man hanggang sa sila ay lumaki. Hanggang sa nagdesisyon siyang ligawan ito dahil nakikita niya sa dalagang kaibigan ang katangian na gusto niya sa isang babae. Simple, maganda, mabait, masipag, may takot sa Diyos at mapagmahal sa magulang. And she's not just beautiful outside dahil maganda rin ang mga katangian nito sa loob. At ganon ang klase ng babaeng gusto niya.Hahanap pa ba siya ng iba kung meron na sa tabi niya, di'ba? She's perfect to be his girl and after their highschool graduation ay sinagot siya nito with their parents consent. Naging legal sila sa kanilang mga magulang at wala ang mga itong naging pagtutol sa relasyon nila.