THIRD PERSON P.O.V.
MAKALIPAS ang ilang oras ay nakarating na rin sila sa wakas sa bahay ng magulang ni Ashly.
Gulat na gulat ang pamilya ng dalaga sa ibinalita nilang ikakasal na sila ni Steve in two months.
"Ano? Ikakasal na kayo?" sabay sabay na tanong ng pamilya ng dalaga.
"Aba't, parang nagmamadali naman `ata kayo?" paniniguradong tanong ni Lolo Jose dahil baka nape-pressure lang ang dalawa.
"Hindi po. We've already talked about this, right love?” Paghalik naman ni Steve sa mga kamay ni Ashly na akala mo'y maginoo.
"Uh. Ye-yes po," Ashly agreed. Pilit na ngumiti at tumingin ng diretso sa pamilya nito. "Pinag-isipan at pinaghandaan na po namin ito ng maayos. I want to s-settle with him. Pero, huwag po kayo mag alala, kahit na mag-aasawa na po ako, tutulong pa rin po ako sa inyo," dagdag pa n’ya.
Niyakap naman ni Helena ang anak dahil sa wakas ay nahanap na nito ang magpapasaya sa kan'ya na akala ng lahat ay totoo ang mga ipinapakitang kabutihan ng lalaki kay Ashly.
"Anak, huwag ka