Mangiyak-ngiyak na bungad ni Cynthia sa kanya sa kabilang linya.
Napatigil siya. Kumunot ang noo at prinoseso sa isip kung tama ang kanyang narinig.
"Nagising na siya!"
Mariin siyang napalunok. Agad namuo ang luha sa kanyang mga mata. Nanghihina siyang napadausdos sa konkretong pathway. Pakiramdam niya sa sobrang saya na nararamdaman niya ay tinakasan na siya ng lakas.
"Anong nangyari Jade?"
Siya namang paglapit ni nana Rosa sa nag-aalalang tinig. Sa ayos niya, kahit sinong makakakita ay iisiping may nangyaring masama. She was there sitting weakly and crying.
Dinaluhong siya nito. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
Umiling-iling siya. "S..si Alex po 'Na, nagising na daw po si Alex!"
Malalim itong bumuntong hininga."Diyos kong bata ka, akala ko pa naman may masama ng nangyari!" Sabi nito. "Pero salamat sa Diyos at sa wakas ay nagising na